Chapter 2

1839 Words
"LUCAS!" Huling-huli ko ang pagkislap ng mga mata ni Cindy at ng kasama nito nang makita ang bagong dating. Hindi naman na iyon bago sa akin dahil halos lahat ng kababaihan sa university ay may crush rito. Aaminin kong isa na rin ako roon. Hindi ko alam kung nagsimula iyon nang una ko siyang makita nang malapitan dito sa campus o kahapon nang unang beses ko siyang nakausap. Sobrang gwapo naman kasi sa napakakinis na balat. Pero lalakeng-lalake naman kung tumayo at maglakad. Naiinis pa ako noon na makinig sa mga babaeng estudyante na walang ibang alam pag-usapan kundi si Lucas, pero isa rin pala ako mahuhumaling sa katangian niya. "Anong ginagawa n'yo? Don't tell me na pati bata pinapatulan n'yo na rin." Nilingon ako ni Lucas pagkasabi noon. "It's not like that, dude!" depensa ni Zion na nakangisi. "We're just giving the kid a bit of lesson." "What lesson are you talking about? I heard what you just said. You are threatening her." "Oh, Lucas dear, hindi naman sa gano'n!" sabi ni Cindy sa super sweet na boses. "Medyo maldita kasi ang sagot sa amin nitong freshman na 'to kaya-" "Kahit sino magiging maldita kapag kayo ang kaharap. Leave her alone." Nagsalubong ang mga kilay ni Zion. "What do you mean leave her? Kapag mga kaibigan mo ang gagawa, sige lang, pero kapag ibang grupo, pipigilan mo? Are you really defending her?" Hindi sumagot si Lucas. Nakipagsukatan lang siya ng tingin kay Zion. "So it's true," tumatangong wika ni Zion, nakangisi, pero naroon ang hindi maitagong inis. "Totoo ang balita na may ipinagtanggol kang freshman kahapon. Siya rin ba 'yon?" "Hindi n'yo ba narinig ang sinabi ko? Kailangan ko pang ulitin?" ani Lucas na wala ni isang sinagot sa mga tanong ni Zion. Wala nang kumibo ulit sa tatlo. Iniwan ako ng nakakamatay na irap ni Cindy at ng kasama nitong babae bago sila tumalikod at sumunod kay Zion. Pag-alis ng mga ito ay hindi ko naman napigilang tumingin kay Lucas. Palihim kong hinangaan ang hitsura at porma niya. Hindi siya nakasuot ng uniporme na gaya kahapon. Simple lang din ang bihis niya ngayon sa kamisetang itim na hapit sa katawan, itim na pantalong maong at puting rubber shoes, pero tatalunin niya ang kahit sinong lalakeng artista na nakita ko sa mga magazine sa bahay ni Teacher Evelyn. "Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin. Naglahong bigla ang inis at pag-aalala na naramdaman ko kanina lang. Tumango ako at ngumiti. Ang totoo ay balak kong puntahan siya sa building nila para ibigay ang kakaning dala ko, pero dahil narito na siya ay bahagya kong itinaas ang maliit na bayong para kaniyang makita. Kinuha at ibinigay ko sa kaniya ang laman noon. "Para sa'yo nga pala." Kinuha naman niya ang inaabot ko. Bahagya pang nakakunot ang noo niya at sa tingin ko ay lalo siyang gumwapo. "Para sa'kin? What for?" "Tinulungan mo kasi ako sa nasirang project ko kaya naisip kong dalhan ka. Kung hindi sa ginawa mo, hindi sana nakaabot ang project ko at wala sana akong grade. Siguradong manganganib ang scholarship ko kaya salamat talaga nang marami." "You don't have to do this, Jessie. Pero ano ba ito?" Nag-init ang pisngi ko at tipid na ngumiti. "Ah... special kakanin na gawa ng Mamang ko. Kalamay Lansong ang tawag diyan. Hindi ka pa ba nakakain niyan?" "Hindi pa, pero parang nakakita na ako nito. Ito ba 'yong nakabalot sa dahon ng saging?" "O-oo, pero... h'wag kang mag-alala kasi inilagay ko na 'yan sa mas maayos na lalagyan at may kasama na ring disposable na tinidor para madali mong makain. Sana magustuhan mo." "Thank you. Pero gaya ng sinabi ko, hindi mo kailangang gawin ito. Okay lang. Hindi naman malaking bagay ang ginawa ko kahapon." "Hindi 'yan totoo. Malaking bagay ang ginawa mo para sa akin dahil ipinagtanggol mo ako sa dalawang bullies na sumira sa project ko," wika ko. Tama si Zion. Ako rin ang freshman na ipinagtanggol ni Lucas kahapon. Sa tanda ko ay may ilang estudyante na kumuha ng pictures at video ng nangyari, pero hindi ko alam kung bakit walang nakalabas. Siguro ay natakot kay Lucas. "'Yong dalawang lalake kahapon, hindi ka na nila guguluhin ulit. 'Yong tatlo kanina, h'wag mo na lang papansinin kapag nilapitan ka na naman. Mas namimihasa kasi sila kapag sinusunod ng iba ang inuutos nila. Anyway, they can't hurt you." "Alam ko 'yon. Pero tama ka naman. Dapat hindi ako sunod nang sunod kina Zion. Iisipin ko na lang din na wala silang magawa sa buhay nila kaya nila ako binabalik-balikan." "That's good! Paano maiwan kita? Mukhang kailangan mo na ring pumasok." "Oo. Thank you ulit, Lucas." "No problem. I'll see you around." Hindi ako agad umalis sa aking kinatatayuan. Manghang sinundan ko pa ng tanaw si Lucas habang palayo ito. Hindi talaga ako makapaniwala na nakilala at nakakausap ko siya. Marami akong naririnig na kwento noon pa man. Marami at halos hindi magaganda patungkol kay Lucas. Bago nga ako pumasok sa universidad ay kabilin-bilinan pa ni Mamang na h'wag akong makikihalubilo sa mga gaya niya at lalong higit sa mga taong malalapit sa kaniya. Walang kaalam-alam si Mamang na mismong si Lucas pa ang nakadaupang-palad ko kahapon at ngayon ay padalawang beses ko nang nakausap. Sa sumunod na dalawang araw ay hindi ko nakita si Lucas sa university. Aminado naman kasi ako na sinasadya kong hanapin siya sa paligid ng campus. May pagkakataong dumadaan pa ako sa building nila kahit wala naman akong pakay roon sa pagbabaka-sakaling masalubong ko siya at mapansin niya ulit ako, subalit walang Lucas akong nakita. "Si Juan Lucas ang representative ng university sa National Speech and Debate Tournament." Napatingin ako sa nagsasalita. Nasa canteen ako, kasalukuyang nakapila sa counter at sa likuran ko ay ang mesang kinauupuan ng tatlong babaeng estudyante. Mukhang si Lucas ang pinag-uusapan nila. "Really? Saan naman ang tournament?" "Quezon City." "Oh. Kaya pala hindi ko man lang siya nasisilayan since the other day. Hindi ko rin nakikita ang sasakyan niya sa parking lot." "As far as I know, ngayon na ang last day ng competition kaya bukas siguro makakabalik na rin si Lucas." "Oh, sana naman! I miss him already! Si Lucas na lang ang nagpapasaya ng araw ko kapag pumapasok ako! I'm just waiting for the time na mapansin niya ako, eh." Tumawa ang katabi nito. "Sorry ka, Ash! Balita ko kasi may bagong girl na pinu-pursue ngayon si Lucas. Maghihintay ka nang matagal bago ka niya mapansin." Napangiti ako sa sarili ko. Ngayon ay malinaw na kung bakit hindi ko siya nakikita. At parang excited akong pumasok kinabukasan dahil pabalik na siya. Alas cinco ng hapon natapos ang huling subject ko sa araw na iyon. Karaniwan nang dumidiretso ako pauwi dahil aabutan ako ng dilim sa daan kung hindi ako magmamadali. Sa kamalasan naman ay naharang ako ng grupo nina Zion at Cindy at una kong naisip ay may iuutos na naman sila sa akin. Kahapon kasi ay natiyempuhan ulit nila ako kaya inutusan akong bumili ng kape sa coffee shop sa labas ng university. Vacant period ko. Pagkabili at pagkabigay ko ng kape nila ay umalis na rin ako. Inis na inis ako sa sarili ko dahil sinabi ko kay Lucas na hindi ko na susundin kung anuman ang iutos sa akin nina Zion, pero gano'n pa rin ang nangyari. Hindi ako nakatanggi. Ngayon, hindi ko na naman alam kung paano ako tatakas sa ipapagawa ng tatlo- at apat pala. Dahil may isa pa silang kasama at pamilyar ang mukha nito. "You know him? Kaibigan siya ni Lucas. Bryan Buenavente." Naalala ko na. Kaibigan nga ito ni Lucas dahil noong hindi pa kami nagkakakilala, isa ito sa mga madalas kong makita na kasama niya. Hindi ko na pinagkaabalahang makipagkilala sa Bryan. "Pauwi na'ko. Kung anuman ang ipapagawa n'yo, gusto ko lang sabihin na hindi ko na susundin." "Uh-uh! Talaga ba?" Gulat na gulat si Cindy. Gulat na may kasamang panunuya. "'Yan ang payo sa akin ni Lucas. Sinunod ko kayo noong isang araw, pero 'yon na ang huli. Hindi ako pumasok sa university na'to para maging utusan ng mga kapwa ko estudyante." "Oh, wow, wait a minute!" sambit ni Zion. "Bakit ganiyan ka na sumagot ngayon? Dahil lang sa advice sa'yo ni Lucas, matapang ka na? Do you really think he's on your side?" "Guys, calm down." Sumabat na rin ang kasama nilang si Bryan. "The kid is just confused. Kausapin n'yo kasi nang maayos." "Hindi na kailangan. Sinabi ko nang hindi na ako susunod sa utos n'yo kaya kung pwede tigilan n'yo na rin ako." "Bago mo sabihin 'yan, alamin mo muna kung sino si Bryan. Kapatid lang naman niya ang President ng Student Council at pwede ka niyang i-report anytime." Hindi ako nakasagot. Napatingin ako doon sa Bryan. Aminado akong medyo kinabahan. "Kapag na-report ka sa council, hindi magsasayang ng panahon si Lucas na ipagtanggol ka," wika ni Zion. "He won't get himself in so much trouble just for an ordinary newcomer. H'wag ka ring masyadong bilib sa ginawa niya para sa'yo dahil ginagawa lang niya iyon kapag trip niya. There's no meaning behind it. At malamang na kapag nakita ka niya ulit, hindi ka na niya matatandaan sa dami ng mga taong nakakasalamuha niya." Hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan ang sinabi ni Zion, pero hindi ko maitanggi ang takot para sa estado ko sa eskwelahan. Hangga't maaari ay ayaw kong magkakaproblema. Scholarship na nga lang ang pinanghahawakan ko ay madadamay pa. "Ano? Susunod ka na ba o magmamatigas pa rin?" nakangiting tanong ni Cindy na mukhang nahuhulaan ang takbo ng isip ko. Nagbuga ako ng hangin. Mukhang wala naman akong choice. "A-ano bang kailangan n'yo?" Napapalakpak si Cindy. "Great! Madali lang naman ito, don't worry. Nalimutan ko kasing manghiram ng books sa library na kailangan ko for my homework." Inabot niya sa akin ang isang papel na may nakasulat na pangalan ng tatlong klaseng libro. "Ikaw na ang humiram sa library." Napaangat bigla ang tingin ko kay Cindy. "Ha? Pero sarado na ang library nang ganitong oras." "Hindi pa 'yon," kontra ni Zion. "Bukas pa ang pinto noon at nasa loob ang librarian. Pumuslit ka na lang. Galingan mo!" "Ibig sabihin itatakas ko ang mga libro?" di-makapaniwalang tanong ko, pero ganoon na nga malamang. "Well, kung ayaw mo, eh, 'di ipaalam mo sa librarian kung papayagan ka." Napasimangot ako. Siyempre ay hindi. May schedule nga ang paggamit ng library at paghiram ng mga libro at mahigpit si Miss Diaz sa rules ng silid-aklatan. "Don't worry. Kapag nagawa mo ang utos ni Cindy, hindi ka na nila guguluhin. Sabihin na natin na ito na ang final test para sa'yo." Natigilan ako saglit sa sinabi noong si Bryan. "T-totoo ba 'yan?" "Of course. Si Cindy na rin ang bahalang magbalik ng mga libro na gagamitin niya. Then after this, wala nang mag-uutos sa'yo kahit sino sa mga seniors. Dadaan-daanan ka na lang nila sa mga susunod na araw. At kapag hindi tinupad nina Zion ang kasunduan, pwede kang magsumbong sa akin. Got it?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD