Chapter 33

1962 Words

LUMABAS agad ako ng rest room pagkatapos makapaghugas at makapagpatuyo ng mga kamay. Ang totoo, gusto ko pang mag-moment sa loob, pero nag-aalala naman ako na baka katukin ni Lucas. Hindi kasi ito pumayag na hindi ako samahan. Tantiya ko pa ay nasa labas lang siya ng pinto at nakaabang. "Done?" Hindi ako nagkamali. Naroon nga siya at naghihintay. Iniisip ko kung yayayain ko na siyang umuwi. Hindi ko na rin naman gustong tapusin ang panonood dahil hindi naman talaga ako interesado. "Balik na tayo?" yaya niya. "Okay lang ba kung h'wag na lang? Gusto ko na sanang umuwi." Hindi agad sumagot si Lucas. Pero hindi rin naman siya mukhang nagalit o hitsurang tatanggi sa hiling ko. At tama nga ako dahil tumango siya. "I'll just inform them that we're leaving." Sa elevator ulit kami dumaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD