HALOS malaglag ang mga panga ko sa sinabi ni Lucas. I looked at him with disbelief. "Okay ka lang ba, Mr. Urbano? Are you saying na kung hindi tayo matutuloy sa sine, ikaw ang sasama sa amin ni Mr. Samaniego sa dinner?" "Yes. Why not? As if you're going on a romantic date. Isa pa, pwede kong ipaalala kay Markus na gabi ko dapat 'to. Ako dapat ang kasama mo at hindi siya. Ngayon kung talagang umaayaw ka na ibigay ang nararapat para sa akin, I might as well convince Markus just so it will look fair." I pursed my lips. Sagad na sagad na ang pasensiya ko. Binuksan ko ang bag ko at hinugot ang cellphone doon. Halos itapon ko ang bag ko sa sofa bago sinagot si Lucas. "I won't let you ruin my night! Maghintay ka rito, Mr. Urbano." Halos maiyak ako habang nag-iisip ng magagandang idadahilan. Pa