Chapter 34

1941 Words

"ANONG sinabi mo?! Nag-imbento ka lang ng kwento, ako pa ang isinangkalan mo?! Bakit gano'n ang sinabi mo?" Kita ko ang paglabas ng mga litid sa leeg ni Ate Cora habang sinesermonan ako. Naroon kami sa aking kwarto. Iniiwasan niyang magtaas ng boses dahil ayaw namin pareho na marinig kami ni Mamang, pero ramdam na ramdam ko ang gigil ni Ate Cora habang nagsasalita. Ang plano talaga nito ay komprontahin lang ako dahil nasabi na ni Mamang ang tungkol sa pagdating ng boss ko kanina. Ang hindi alam ni Ate Cora, may mas importante kaming dapat pag-usapan at hindi ko na nga pinatagal. Sinabi ko sa kaniya ang mga nasabi ko kay Lucas. "Jessabelle, hindi ka ba nag-iisip?! Nasaan ang utak mo? Pinairal mo lang 'yang katangahan mo!" Hindi ko siya sinagot. Nanatili lang akong tahimik dahil alam ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD