PASIMPLENG pinahid ko ang mga luha sa magkabilang pisngi. Pasado alas nueve na ng gabi at naroon ako sa maliit na balkonahe na naging favorite kong spot sa aming bahay. Tuwing umaga, tumatayo rin ako roon para mag-isip at planuhin ang gagawin ko sa maghapon. Madalang naman ako roon kapag gabi na, at isa lang iyon sa iilang pagkakataon na nagpapalipas ako ng oras sa balcony. "Umiiyak ka?" bungad ni Ate Cora nang tuluyang makalapit. Naramdaman ko na ang pagdating niya kanina kaya dali-dali akong nagpunas ng mukha. "H-hindi, ah!" tanggi ko. "Uh... sinisipon lang ako. Sobrang... lamig kasi kanina sa office. Tapos ang tagal ko rin kanina sa ospital dahil nga sa bumagsak ako. Medyo... masama lang ang pakiramdam ko kaya parang naiiyak." Hindi sumagot si Ate Cora, pero ramdam ko ang paninitig