"JESSIE, pinapatawag ka ni Mr. Urbano sa office niya." Natulala ako sandali sa sinabi ni Vivian. Limang minuto na lang bago mag-alas sais at pauwi na nga ako. Pina-finalize ko na lang ang ilang paperworks at magliligpit na ako ng mga gamit. Ano namang dahilan at ipinatawag pa ako. First day niya sa aming opisina, pero sinasagad na agad ni Lucas ang inis ko. Kaninang umaga ay hindi niya naitago ang pagtutol na maging tutor ako ni Elias. Hindi na nga ako nakasagot dahil inunahan ako ni Mr. Samaniego. The CEO asked me to leave his office so they could talk. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan ng dalawa. "Come in!" Sa unang katok pa lang ay tumugon na ang buong-buong boses ni Lucas. His tone was slightly raised. Para bang nagwa-warm up sa isang matinding argumento. Itinulak ko ang pin