Chapter 17

1628 Words

MY X-ray result is normal. Nabugbog lang nang husto ang bahagi ng mga pisngi ng pang-upo ko. May ilang galos din pala ako sa gilid ng kaliwang binti, pero nalinisan at nalagyan na kanina ng gamot sa infection. May in-inject din sila sa akin na muscle pain reliever at may niresetang gamot para tuluyang maghilom ang contusion. "Sigurado ba kayong walang na-damage sa kaniya? Maybe we need another tests," wika ni Lucas na siyang kasama ko ngayon sa emergency room ng pinakamalaking ospital sa San Miguel. I had no choice. Kailangang may mag-asikaso ng health cards ng mga empleyado kaya pinatuloy ko si Vivian sa office ng MediAid at sinamahan siya ni Kuya Peping. Habang ako, gustuhin ko mang bumalik na lang sa office o kaya ay mag-isang pumunta sa ospital para magpagamot ay hindi ko rin kaya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD