ISANG alanganing ngiti ang gumuhit sa mga labi ko nang mapansin kong titig na titig sa akin si Mr. Samaniego. Hindi ko na rin napigilang magtanong. "Bakit, Sir? May... problema po ba? May kakaiba ba sa mukha ko kaya ganiyan ka makatingin?" He chuckled and then shook his head. "No, Jessie. Walang kakaiba. What I mean is aside from being too gorgeous tonight, wala akong nakikitang problema." Lalong naging awkward ang pagngiti ko. Tumango na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain. Nagpatuloy din sa pagkain nito ang CEO. Sa buong panahon mula nang dumating kami ay itinuon ko nang husto ang isip ko sa dinner kasama si Mr. Samaniego. I am able to maintain my coolness despite knowing that Lucas and his fiancee are just a couple of table away from us. Simpleng batian lang ang naganap kanina