SINADYA kong magpaiwan kina Vivian pagdating ng oras ng uwian. Mr. Samaniego is out for a meeting, habang tiniyak sa akin ni Nina na nasa office pa nito ang COO. I grab the opportunity. I stayed at the basement parking and waited for Lucas to come down from the office. Pasado alas sais ako bumaba kanina. Lumipas ang mga sandali at nagtiyaga pa rin akong mag-abang kay Lucas. Bandang mag-a-alas siete ng gabi sa relo ko nang matanaw kong palabas siya ng elevator kaya nagmadali na rin akong kumilos at sinalubong siya. He spotted me in an instant. Bumagal bigla ang mga hakbang niya, at sa tingin ko nga ay parang gusto pang umiba ng daan kung hindi lang naroon sa gawi ko ang pinaradahan niya ng sasakyan. A hollow formed inside my abdomen. Why is Lucas acting like that? Iniiwasan ba niya ak