TEN years later. "FOR the nth time I'm going to ask you. Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, Miss Cabrera?" matamang tanong ni Mrs. Pendon, ang may-ari ng private school na pinagtuturuan ko nang mahigit apat na taon. Marahan akong tumango. "Napag-isipan ko na itong mabuti, Ma'am, at sigurado na ako. Malungkot man na gawin dahil napamahal na ako sa eskwelahan, pero may mga personal na bagay rin akong kailangan asikasuhin para sa sarili ko." "Are you going back to your hometown after this?" "That's for sure, Ma'am. As a matter of fact, noong pinayagan mo akong mag-resign ay nasabi ko na rin kay Mamang na uuwi ako sa San Miguel. Excited na siya sa pagdating ko." She exhaled calmly and then nodded. "All right. Mukhang hindi ko na talaga mababago ang isip mo. I just wish you good luc