Chapter- 3

2287 Words
Mula nang mamatay ang kanyang mommy ay namuhay siya nang mag-isa. Inalok siya ng mga Montemayor na magtrabaho sa company ng mga ito bilang isang executive secretary. Kaso lang ay ayaw sa kanya ng anak nito. Kaibigan ng ina nito ang mommy niya kaya inilipat na lang siya ng ibang department. Nang malaman ng ama at ina ng boss niya na nasa ibang department siya ay ibinalik siya ng mga ito at ginawang CEO. Kaso lang ulit ay maraming kapalpakang nangyari sa hindi malamang dahilan. Ang masama, sa department pa niya nangyari ang mga iyon. May duda siyang isa sa mga tauhan doon ang sumira sa kanyang pangalan, kaya naman lalong nagalit ang boss niya at mula noon ay pinag-initan na siya nito. Isa sa mga rason kung kaya siya bumalik ng Pilipinas ay para linisin ang pangalan niya. Gagawin niya iyon nang palihim para hindi na niya kailanganing magtrabaho sa loob ng kumpanya ng mga Montemayor. Isa sa mga natutunan niya sa tatlong taong training ay kung paano ang makapasok sa isang lugar nang pasekreto; mga matataas na building, kasama na ang mga executive room. Natuto rin siyang kumuha ng data na hindi nalalaman ng sinumang nasa loob ng company. Umupa siya sa hindi kalayuan mula sa company ng mga Montemayor. Isang simpleng apartment lang ang kinuha niya at inayos niya iyon ayon sa pangangailangan niya. Sa isang araw, mamimili din siya ng mga pang-executive na damit. Mag-a-apply kasi siya. Bilang isang magaling na abogada ay kailangan na lagi siyang handa. Inayos na rin niya ang lahat ng documents na kakailanganin niya. Ilang buwan din ang ginugol niya para sa mga ito. Nang makumpleto ang mga papeles ay nag-ready na siya. Nag-research siya tungkol sa malalaking law firm na pwede niyang pasukan. Pansamantala lang naman siyang magtratrabaho roon. Hanggang sa makapagpatayo lang siya ng sariling firm. Kailangan muna niya ng capital para sa plano niya. Isang law firm sa Makati ang tumanggap sa kaniya at malaki rin ang offer. Hindi na siya nagdalawang-isip at tinanggap agad ang trabaho. Next Monday ang simula niya bilang isang lawyer. Ilang mga empleyada ang nahuhuli niyang nagtataas ng kilay sa tuwing papasok siya sa umaga. Hindi siguro makapaniwala ang mga ito na isang batang-bata na kagaya niya ang inalok ng firm ng ganoon kataas na suweldo. Hindi siya affected sa mga ganyang bagay, kaya deadma lang siya sa mga ito. Tinututukan niya ng pansin ang kaniyang trabaho. Ilang malalaking company pa ang nag-alok sa kanya ng posisyon kahit employed na siya. "Tingnan natin kung kaya niyang ipanalo ang kaso ng isang sikat na businessman. Pinaghihinalaang kasama raw ‘yon sa sindikato. Ang balita ay lahat natatapalan daw nito ng salapi, pati mga abogadong lumalaban sa kaniya." Napapailing na lang si Ma.YL sa mga usap-usapan sa buong opisina. Isang may edad na babaeng may dalang makapal na folder ang lumapit sa kaniya. Iniabot nito ang hawak sa kaniya. "Here, Ms. Lupez. Iyan ang mga evidence na hawak ng client natin. Bahala ka na diyan at sana maipanalo mo iyan nang hindi masayang ang malaking pinapasweldo sa iyo ng company." Hindi na niya pinapansin ang mga ganoong parunggit ng mga kasamahan sa trabaho. Matapos ang maghapong trabaho, dinala niya ang ibang folder sa bahay para pag-aralang mabuti. Ilang gabi din niyang paulit ulit na binasa ang mga hawak na papel na makakapagpanalo sa kanilang client. Hanggang dumating ang araw na haharap na siya sa korte. Simpleng white suit na may inner na baby pink ang suot ni Attorney Yza. Gamit ang company car ay nag-park siya sa harapan ng korte. Agad na iniabot niya sa parking staff ang key at malalaki ang hakbang na umakyat sa gusali. Nasa entrance na siya nang makasalubong ang nasa mid 40's na si Attorney Lath Montemayor, the famous lawyer. Sa pagkakaalam niya ay uncle ito ni Charles, ang dati niyang boss. Tama nga ang balita na awra pa lang nito ay nakaka-intimidate na. Masyado itong gwapo at kahit medyo may edad na ay talagang hunk pa rin. Hindi lingid sa kaniya ang balita na minsan na itong nasiraan ng career pero nakabangon din at lalo pang sumikat. Malapit na siya sa court room nang tawagin siya ng isang lalaki. "Attorney Ma.YL, maari ka bang imbitahang magkape muna? May mahalaga lang tayong pag-uusapan." "I'm sorry, but I am busy," aniya saka magalang na nagpaalam. Pero bago pa siya makahakbang ay nagsalita itong muli. "Ang lakas ng loob mong banggain ang boss ko. Tingnan lang natin kung hanggang saan mo kakayanin." Tinaasan lang niya ng kilay ito saka tuluyang pumasok sa court. Maugong ang bulungan pagkakita sa kaniya. Ilang lalaki ang nakatingin sa kaniya. Sa klase ng mga titig ng mga ito ay parang gusto na siyang hubaran. Nagtayuan na ang mga tao nang magpahayag na mag-uumpisa na ang hearing. Sa bawat tanong niya sa kalaban ay halos mapatayo ang mga iyon sa inis sa kaniya. She was very confident the way na magtanong, kaya hindi maiwasang magalit ang hukom dahil sa mga bulung-bulungan. Sa mahabang oras ng paglilitis ay ilang beses humingi ng break ang kalaban. Hanggang dumating ang oras ng uwian. "Thanks, Attorney," wika ng kaniyang client. "Walang anuman. Basta sundin mo lang ang sinasabi ko sa inyo at sisiguraduhin kong mananalo tayo." Matapos ang kaunting usapan ay nagpaalam na siya. Expected na niya ang possible na may magtatangkang pigilan siya sa hawak na kaso. Kaya naman naka-ready siya sa mga pwedeng mangyari, lalo at nag-iisa lang siya. Nasa highway na siya nang mapansin ang isang Ducati motor. Nakasunod sa kaniya kaya sinubukan niyang mag-menor at paunahin iyon. Imbes na mauna ay umiba iyon ng way sa gitna. Umaabante agad siya dahil baka bigla siyang barilin nito. Paliko na siya patungo sa apartment niya nang harangan siya nito. Tumigil naman siya at naghintay ng gagawin ng lalaki. Agad na bumaba ito at sinensyasan siyang buksan ang kotse niya. Matalas ang paningin niya at naramdaman na may weapon ito. Alam niyang nasa loob ng jacket na suot iyon. Pasimple niyang dinukot ang katamtamang laki ng double blade knife at mabilis na bumaba ng kotse. Mabilis din ang kilos ng lalaki at nabunot agad ang baril nito. Inunahan na niya ito at sa isang iglap ay tumilapon ang hawak nitong baril. Habang namimilipat ito sa sakit dahil sa pagkakabaon ng kutsilyo niya sa kamay nito, isang malakas na sipa ang pinakawalan niya sapul sa panga at nawalan ng panimbang ang lalaki. Isa pang sipa at tuluyan na itong bumagsak sa semento. Agad na nilapitan at pinilipit niya ang mga braso nito patungo sa likod. Hinila ang scarf na nakatali sa kanyang leeg at ginawang tali sa magkabilang kamay nito. Sinigurado niyang hindi ito makakawala. Dinayal niya ang 117 at agad naman dumating ang mga pulis kasama ang ambulance. Ipinakita niya ang ID niya saka nagbigay ng kaunting statement bago magalang na nagpaalam. Hindi nakaligtas ang dalaga sa kasamang media ng mga pulis. May kauting tanong na sinagot naman niya agad saka tuluyan nang sumakay ng kotse. Kinagabihan, habang kumakain ng dinner, napanood ni Yza sa CNN flash report ang nangyari sa kanya kanina sa kalsada. Nailing na lang siya dahil sigurado siyang maraming makakapanood. "Huh?" Hindi nga nagtagal ay tumunog ang phone niya. Ang client niya ang nasa linya. "Wala po kayong dapat ipag-alala. Okay lang po ako. Magkita na lang tayo sa korte,” tugon niya sa kausap. Kinabukasan ay laman ng tsismisan sa law firm ang nangyaring iyon sa kaniya. May mga nag-usyoso kung paano niya naipagtanggol ang sarili. Wala siyang sinagot sa kahit anong tanong. Patuloy lang siyang pumasok sa kaniyang maliit na opisina. Dumating ang boss niya na nag-aalala sa nangyari. "Normal lang po iyan sa mga kagaya ko kaya huwag kayong mag-alala, boss. Hindi iyan ang makakapigil sa akin para itigil ang hawak kong kaso. I assure you, tatapusin ko ito at ipapanalo ko ang kaso." Isang CCTV footage ang dumating sa opisina at agad na pinanood ng mga kasamahan niya, kasama ang boss nila sa loob ng isang room. Gayunman, hindi na siya nanood. Alam naman niya na eksena iyon ng pangyayaring pagharang sa kanya. Matapos ang sampung minuto ay naglabasan na sa CCTV room ang mga co-lawyer niya. Ang iba ay humahanga sa kaniyang tapang. Ang iba naman ay inaasar pa siya na kesyo na-tyambahan lang niya ang kalaban. Tahimik lang siya at hindi siya pumapatol sa mga ganoong salita dahil sayang lang ang oras niya. Tinutukan ulit niya ang mga bagong evidence na hawak. Ilang beses na paulit-ulit na binasa iyon. Siguraduhin niyang huling hearing na iyon at wala nang pangatlo pa. Maaga siyang dumating sa court kinabukasan dahil gusto niyang makausap sandali ang kaniyang client bago mag umpisa ang hearing. Dinala niya sa isang maliit na room ang may edad na lalaki. "Pakibasa ho ito at pakiusap, kahit anong sabihin ng kalaban ay dapat manatiling nakasara ang bibig ninyo hanggang hindi kayo ang tinatanong. Huling hearing na po ito, sir. And don't worry, panalo tayo." Nabuhayan ng loob ang matanda. Ilang minuto pa ay pumasok na sila sa court. Nagsitayuan sila na tanda ng pag-uumpisa ng hearing. Lahat ng itinanong sa kaniyang client ay nasagot nito nang maayos. Kaya nang siya na ang magtanong, halos sumigaw ang kalaban sa sobrang gigil sa kaniya. Matapos ang bawat salitang binitiwan ng kalaban ay inilabas niya ang CCTV footage. Kuha iyon sa company ng kalaban pati na ang ginawang pag-set up sa kaniyang client. Ang kawawa at inosenteng matanda ay malinaw na kitang-kita doon. Matapos ang masusing pagsisiyasat ay napatunayang guilty ang kalaban. Abot-abot ang pasasalamat ng may edad na lalaki sa kaniya. Malaki ang ngiti niyang nagpaalam at umuwi ng apartment niya. Hatinggabi na nang maalimpungatan ang dalaga, Maingat siyang naglakad palabas ng kaniya room. Alam niyang may taong nakapasok sa loob ng inuupahan niyang apartment. Tatlong lalaki ang nakita niya sa dilim. Walang ingay na nalapitan niya ito kasabay ng malakas na sigaw ay bumagsak ito sa sahig at walang malay. Agad naman siyang sinugod ng dalawa pang kasama nito. Maliksing kumilos ang dalaga. Kahit matatangkad pa ang mga ito ay nakaya niyang pabagsakin. Hindi niya nais pumatay — wala iyon sa plano. Kaya isa-isa na lang niyang itinali ang mga ito at tinawagan ang mga pulis. "Please, bahala na ho kayo diyan. Sana mapaamin ninyo sila kung sino ang nasa likod. Two times na ang pagtatangka sa buhay ko. Maaaring may mataas na taong tumutulong sa kanila." "Bukas ng umaga ay iimbitahan namin kayo sa presinto para magbigay ng statement." "Darating po ako. Salamat." Matapos matiyak ng awtoridad na ligtas na siya. Agad ding umalis ang mga ito kasama ang mga nakaposas na kriminal. Balik siya sa pagtulog pero hindi na siya dinalaw ng antok kaya tuluyan nang bumangon. Nanood na lang siya ng pang-gabing balita. Mayamaya’y isang flash report ang kumuha ng attention niya. Naroon sa isang grand ball si Charles Montemayor, ang CEO ng shipping company. Isang sexy na babae ang halos yumakap sa binata habang ipinagduduldulan ang dibdib. Nakilala niya ito na walang iba kundi ang dati niyang kasamahan sa trabaho. Isang empleyada rin ng dating boss niya. "Walang taste talaga tong lalaking ito mahilig pala sa retoke huh!" Dinampot niya ang remote at inilipat na lang niya ng ibang channel ang pinapanood. Mga sikat na businessman naman ang TV station na tinigilan niya na kasalukuyang ini-interview. Namukhaan niya ang apat na lalaking magkakapareho ng mukha. "So, sila pala ang the Quadruplets ng mga Montemayor,” aniya. Nakita na niya ang tatlo. Ang tinawag nilang kuya na si Josh Montemayor ang kumuha ng attention niya. Sigurado siyang nakasama niya ito sa training pero unang batch. Sigurado siyang ang lalaking ito ang tinaguriang ‘the monster hunter’ ng CIA. Parang gusto niyang ma-meet ito dahil sigurado siyang kilala din siya nito. Kinuha niya ang ibang detail nito na nabanggit sa interview. Pag-aari pala nito ang Special Agent Investigation, ang agency na hindi kalayuan sa company ni Charles Montemayor. KINABUKASAN sa opisina ni Josh… "Boss, may gustong magpa -appointment sa iyo." Kausap ni Josh sa intercom ang kaniyang secretary. "Who?" "Attorney Ma. Yzabelle Lupez," sagot ng secretary niya. "May schedule ba ako this afternoon?" "Wala naman, sir." "Okay, tell her to come to my office now." "Copy, sir." Siya namang pasok ng kapatid na si Dark. "Oh, akala ko ba nakauwi ka na? Anong kailangan mo?" "Dito muna ako, Kuya. Sabay na tayong mag-lunch." "What? Hindi ka pa kumakain? Almost 2 p.m. na, huh? May appointment ako, kaya hindi kita masasamahan." "Eh, kung gano’n, magpapa-deliver na lang ako ng food dito." "I said, may appointment ako dito sa office," aniya. Mayamaya’y muling tumunog ang intercom na agad niyang dinampot. "Sir, Attorney Ma. Yzabelle Lupez is already here." "Papasukin mo,” utos ni Josh at muling bumaling sa kapatid. “Now get out, Dark! Nariyan na ang kausap ko.” Natigil ang usapan nila nang bumungad ang dalaga sa harapan nila. "Ikaw?" Agad na nakilala ni Dark ang dalaga. "Oh, magkakilala pala kayo?" "Not really, Kuya,” ani Dark. “Nagkita lang kami sa Italian restaurant sa Europe." "Have a seat, Attorney,” alok ni Josh sa dalaga. "Josh Montemayor, hindi mo ba ako natatandaan?" usisa ni Yza at lumapit sa natitigilang lalaking tinaguriang ‘the hunter monster’." "Oh, yeah. I remember you. So, how was the training? Nakapasa ka ba?" "Yeah. Second place." "Wow! Really?" "Congrats. So, saan ka ngayon? Join us." May inabot si Yza kay Josh na agad namang binasa nito. "So, you are working in a law firm?" "Yeah.” Good idea! Makakalapit siya sa company ni Charles nang hindi na siya mahihirapan pa. "Pero malay mo naman at baka maging interesado ako diyan sa inaalok mo,” wika ni Yza, saka matamis na ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD