Chapter- 2

2025 Words
Umalis ng Pilipinas si Yza hindi para magtrabaho sa ibang bansa, kundi para mag-training. Gusto niyang maging magaling na agent para sa kanyang mga plano. Sa umpisa ay nahirapan siya. Naransan din niyang magkasakit. Sobrang hirap ng training, pero hindi siya dapat mag-give up. She wanted this for herself and for the future. Lalo siyang naging slim sa araw-araw na pag-e-exercise. Hanggang nakasanayan at hinanap-hanap na iyon ng kaniyang katawan. Lahat ng klase ng weapon ay natutunan niyang gamitin. Natuto rin siya kung paano maging sniper. Pati na ang training sa dagat ay pinasok niya. Ang pinakamatindi sa lahat ng pinagdaanan niya ay ang pakikipaglaban. Sa profession niyang pinili ay dugo, pawis, at luha ang tiniis niya para makapasa. Walang babae o lalaki pagdating sa battle field. Muntik na niyang ikamatay ang training na ginawa nila sa dagat, bago pa siya maging professional special agent. Umabot ng tatlong taon ang training niya at nagkamit siya ng second rank. Maraming malalaking organisasyon ang nag-alok ng pera kapalit ng kaniyang serbisyo, subalit magalang niyang tinanggihan ang mga iyon dahil may sarili siyang agenda. THREE YEARS LATER Ma. YL, iyan ang code name niya sa mga kasamahan niya sa tatlong taong pag-aaral. Isang tapik sa balikat niya ang naramdaman ni Ma.YL. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Bakit kasi hindi mo pa ako sagutin? Gwapo naman ako ah!" Natawa na lang ang dalaga sa katabing lalaki."Kung pwede nga lang, bakit hindi?" Sabay ngiti niya rito. Isang farewell party ang ibinigay sa kaniya ng mga kasamahan niya. Hindi lang ito basta mga kasama sa training, itinuring din ni Ma.YL na kapamilya ang mga ito. "Thanks, guys. Hayaan ninyo, kapag may time ay dadalawin ko kayo rito. Enjoy the party!" Saka siya kumaway sa mga ito. Bigla siyang nawala sa dilim at alam ng lahat na wala na siya. Isang simpleng apartment ang inupahan niyang pansamatala. Gusto niyang pag-aralan ang isang organization mula roon. Ayon sa spy na binabayaran niya ay isa itong Filipino organization na bagong tayo. Wala siyang plano na sumapi sa mga iyon, may gusto lang siyang malaman. Ito ay kung ano ang mga kinasasangkutan ng mga iyon at sino ang founder. Isang matangkad na lalaki ang napansin niya sa gilid ng kanyang mga mata habang nasa isang mataong lugar siya. Kabisado niya ang ganitong mga kilos. Alam ng dalaga na may kakayahan din itong lumaban. Deadma lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. In a second, nawala na ang lalaking nakita niya. Siguro ay may misyon din ang lalaking iyon. Nakipagsiksikan siya sa mga tao para makarating niya ang pupuntahan. Festival kasi kaya napakaraming tao. Pawisan na ang dalaga habang patuloy na lumulusot sa makapal na tao. Nakahinga siya nang maluwag nang marating ang crossing. Tumayo muna siya sa gilid at pinunasan ang pawis niya sa noo at leeg. Mayamaya pa ay kumulo ang tiyan niya. Hindi pa nga pala siya nagla-lunch at past one in the afternoon na. Palinga-linga na naghahanap ng pwedeng makainan. Nakakita siya ng Italian restaurant sa bandang dulo ng kalsada Nagmamadaling nilakad niya iyon saka pumasok. Sinuyod niya ng tingin ang paligid. Isang single table ang namataan niya kaya roon siya umupo. May naulinigan si Ma.YL na nag-uusap sa gilid ng malaking halaman. Malapit lang ang mga ito sa inuupuan niya. Tagalog ang usapan kaya alam niyang mga pinoy ang mga iyon. Nang matanaw niya ang padating na waiter ay agad na tinawag niya iyon para mag-order. Pasimpleng lumipat sa kabilang upuan ang dalaga para mamukhaan ang mga nag-uusap. "Whoa!" Tatlong naggwagwapuhang mga lalaki ang nakikita niya. Lahat ay naka-shades at mukhang hindi basta-basta. Napansin niya rin na iisa ang itsura ng mga ito — obviously, triplets. Naramdaman ng dalaga ang palihim na sulyap ng isa sa pwesto niya kaya mabilis na iniwas niya ang tingin sa mga ito. Nakahalata rin marahil ang tatlo kaya hindi na nag-usap pa. Biglang tumahimik ang mga ito. Napailing na lang siya. Mabuti na lang at dumating na ang order niya. Binilisan niyang kumain. Wala siyang pakialam kung pasimple siyang tinitingnan ng isa sa tatlong lalaki. Kain-militar ang subo niya dahil talagang gutom siya. Tinaasan niya ng kilay ang lalaking nahuli niyang nagmamasid sa kanya. Wala pang sampung minuto ay tapos na siyang kumain. Pagkatapos tawagin ang waiter ay iniwan na niya ang cash sa mesa at umalis. Hindi pa siya nakakalayo mula sa restaurant nang harangin siya ng ilang lalaki. Nakasuot ng ordinary t-shirt at maong pants ang mga ito. Ibang lahi rin ang mga ito, mukhang mga European. Tumigil siya nang mayroong distansya sa mga ito pero hindi siya nagsalita. Ngingisi-ngisi ang isang lalaki nang lumapit sa kaniya. "Hi, sexy. Nice butt." Tangkang hahawakan nito ang puwetan niya pero hindi niya ito inilagan. Nakita na lang niya na nakahandusay na sa sahig ang lalaki. Nilingon niya kung sino ang bumira rito. Isa pala sa mga tatlong lalaki na nasa restaurant kanina. Imbes na magpasalamat ay walang salitang tinalikuran niya ito.Hindi naman nagreklamo ang binatang tumulong sa kaniya at hinayaan siyang umalis. Nakaramdam ng pagod si Ma.YL, kaya nagpasya na siyang umuwi. Nasa tapat na siya ng elevator nang maramdamang may nakatayo sa kaniyang likuran. Hindi niya ito nilingon, bagkus naging alert lang siya. Nang bumukas ang elevator ay pumasok ang ilang kalalakihan kaya hindi na siya nakisiksik. Gumilid na lang siya at sumandal sa wall, saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib niya. Hindi siya tumitingin sa mga tao at nanatiling nakayuko. Kaya naman nagulat na lang siya nang may humawak sa braso niya at sinubukan siyang hilahin. Bigla ang reaction niya. Agad na napilipit niya ang kamay ng kung sino. Saka lang siya napatingin sa nakabukas pa ring elevator. Ganoon na lang ang gulat niya nang mapagtantong ang tatlong lalaki sa loob ng Italian restaurant pala ang kasama niya sa loob ng elevator. "Relax, miss. Masyado kang high-blood. Sakay na. Saang floor ka ba?" Hindi siya umiimik. Bagkus ay pumasok na siya sa loob at pinindot ang floor niya. Tahimik lang siya na sumandal sa wall hanggang bumukas ang elevator sa floor niya. Agad na lumabas siya at diretsong ini-scan ang palad bago pumasok sa kanyang condo. Kinabuksan ay maagang bumaba ang dalaga at tumuloy sa travel agency para magbayad ng ticket. Pwede namang online na niya gawin iyon pero ayaw niyang gumamit ng credit card. Cash ang ibinayad niya. She wanted to rest after three years, at ngayon lang siya totally makakapagpahinga. Pinakiramdaman niya ang sarili kung affected pa ba siya sa masakit na nakaraan niya sa kamay ni Charles Montemayor. Sa tingin niya ay okay naman na siya. Hindi naman na siguro magkukrus ang mga landas nila ng lalaking iyon. Dala ang isang knapsack ay nilisan ni Ma.YL ang tinutuluyan. Sakay ng taxi ay dumiretso siya sa airport. Simpleng jeans na may sira sa magkabilang hita ang suot niya at maluwag na white t-shirt. Nakasuot din siya ng leather black wrist watch. Hinayaan niyang nakalugay ang kaniyang mahabang buhok na sing-itim ng gabi. Halos lahat ng madaanan niya ang napapalingon sa kaniya sa taas niyang 5'6”. Super slim at firm ang pangangatawan niya. May kaunting laman din siya at obvious na alaga niya ang katawan sa gym at exercise. Balewala sa kanya ang ganyang mga tingin at normal lang ‘yan sa mga taong humahanga sa kaniya. Ilang kalalakihan ang nagpaparamdam ng kagustuhan nilang makipagkilala sa kaniya. Sa halip na harapin ang mga ito ay nagsuot siya ng headset. Nakinig siya ng music para hindi niya marinig ang mga nag-a-approach sa kaniya. Nangingiti siya habang naglalakad patungo sa boarding area. Isang batang lalaki ang namataan niya. Bakante ang tabi ng inuupuan nitong silya kaya doon siya dumiretso. "Hi, cutie boy," bati niya kasabay ng matamis na ngiti. Kaya lang, sa halip na ngitian siya pabalik ay sinimangutan siya nito. "Excuse me! I'm not a cutie boy!" Nakanguso pa ito habang nakatingin sa kaniya. "Okay. Sorry, kiddo." "I'm not a kiddo anymore. I am a big man!" Napakamot na lang siya sa ulo at natawa sa inasal ng batang lalaki. "So, how are you, big man?" Humalukipkip pa ang bata, saka siya sinagot. "Well, I’m not fine!" "Why?” Pero sa halip na sagutin siya ulit ay hinawakan nito ang kamay niya at tinulak siya palayo. Agad na hinagilap niya ang knapsack. Isinukbit niya ito sa kaniyang balikat at napilitang sumunod sa bata. Dinala siya nito sa tapat ng Burger King. "Can you buy burger for me, please?" Nag-puppy eyes pa ito, kaya naman napahalakhak siya. Ginulo niya ang buhok nito nang bigla na naman itong umangal. "Don't mess up my hair. Do you know how long it took me to fix it?" "Okay!" Tinaas niya ang dalawang kamay at lalong natawa. Pagkatapos makabili ng burger ay niyaya naman siya nito pabalik sa upuan nila. Kaso nang marating nila iyon ay hindi na bakante ang tambayan nila. May nakaupo na, isang matangkad na lalaki at isang buntis na babae. "Son, saan ka ba nagpupunta?" sita ng ama nito. "Sus, ginoo! Pinoy naman pala ang batang ito, eh." "Sorry po, Dad. But she bought me a burger," sabi ng bata, sabay tingala sa kaniya. "Thank you po, Miss Ganda." "You’re welcome, handsome," sagot naman niya na may matamis na ngiti. "Naku, miss, pasensya ka na sa anak namin," paghingi ng paumanhin ng mag-asawa sa kaniya. "Okay lang po ‘yon," sagot niya naman, saka siya magalang na nagpaalam sa mga ito. Sa mahabang biyahe ay sinikap ng dalaga na makatulog siya. Hindi siya dinadalaw ng antok kaya naman tumayo siya. Tinungo niya ang rest room at naghilamos. Inayos din niya ang kanyang mahabang buhok. Hinayaan pa rin niyang nakalugay iyon. Paglapag na lang nila saka iyon itatali. Masyadong polluted ang Pilipinas at mahal niya ang kaniyang buhok. "Ms. Ganda!” Isang maliit na boses ang tumawag sa kaniya pagkalabas niya ng rest room. "Oh, hi! Nasaan ba ang upuan mo? Bakit nandiyan ka? Nasaan ang mga magulang mo?" "We are in the VIP room." "Naku, kiddo. Bakit ka nandito?” tanong ng isang stewardess. "I just want to see Ms. Ganda po kasi baka hindi na kami magkita pagbaba ng airplane." Natawa naman siya sa sinabi ng bata. "Gusto mo bang maupo muna tayo sa upuan ko? May bakante naman doon. Hindi ka ba hahanapin ng parents mo?" "Tulog naman po sila kaya nakalabas ako." Ngumiti ang batang lalaki sa kaniya. Magkatabi silang umupo sa economy class. "Ms. Ganda, magkikita pa po ba tayo pagbaba ng airplane? Gusto po kitang invite sa mansyon ng lolo ko." "Okay, ganito na lang. I will give you my phone number, then call me anytime." "Sige po, Miss. Ganda! Salamat po. May boyfriend ka na po ba? Ang ganda-ganda mo talaga. Kapag binata na ako, ganiyan sa’yo ang gusto kong maging girlfriend." Natawa siya nang malakas kaya napalingon ang iba pang pasahero sa kanila. "Halika na. Ihahatid na kita roon. Baka nag-aalala na ang parents mo." "Tara na po, Mis. Ganda." At tumayo na nga sila, pero hanggang doon lang siya sa entrance. Hindi kasi siya pwedeng pumasok sa loob kaya ipinahatid na lang niya ang bata sa stewardess at bumalik siya sa kanyang upuan. Napangiti siya. How she wished na magkaanak siya nang ganoon ka-smart na bata. Marahan niyang isinandal ang ulo saka ipinikit ang mga mata. Kumusta na kaya ang binatang iniwan niya? May asawa at anak na kaya ito? Sana lang, hindi na magkrus pa ang mga landas nilang dalawa. Kapag nagkataon ay baka si Charles Montemayor ang kauna-unahang tao na mabubugbog niya. Naipilig niya ang kanyang ulo. Bakit ba iyon ang kaniyang naisip agad? Ilang oras na lang at lalapag na sila. Minsan pa ay nag-rest room siya. Naghilamos, nag-toothbrush, at itinali niya ang kanyang mahabang buhok doon. "Ang ganda naman niya," narinig ni Ma.YL habang naglalakad siya pabalik sa upuan. "Siguro model iyan o actress." Hindi na lang niya pinansin ang mga papuri. Sanay na siya sa mga ganoon. Welcome to NAIA. Mabilis ang kanyang lakad patungo sa luggage-claim area. Ayaw niyang abutan pa siya ng napakaraming pasahero. Pumuwesto siya sa pinakamadaling labasan kung sakaling dumagsa ang mga tao. Mabuti na lang at natanaw niya agad ang kanyang maleta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD