Nasa isang mall si Yza at busy sa pakikipag-usap sa phone habang mabagal na naglalakad. Panay pa ang tawa niya, sa edad niya ay walang kaarte-arte sa katawan. Paborito niyang magsuot ng maong jeans na may hiwa sa magkabilang hita. Low cut na boots at lousy unisex na black leather wrist watch. Nakalugay ang makintab na mahabang buhok. Pangkaraniwan na din sa kanya ang mga tingin ng nakakasalubong niya o nadadaanang babae o lalaki.
Isang pambabaeng salon ang pinasok niya kung saan agad na sinalubong siya ng isang binabae.
"Color blond and hair treatment please?" agad na demand niya. Walang masyadong customer kaya naman siya na ang isinalang.
"Ma'am, halina kayo at shampoo na natin ang buhok mo."
"Model, actress?"
"Ordinary girl," nakangiting sagot ni Yza na mukhang hindi naman naniniwala sa kanya.
"Napaka-humble mo naman, ma'am," komento pa nito sa kanya na tinawanan lang niya.
Habang inaasikaso ng dalawang binabae ang kanyang buhok ay nakapikit siya. Gusto niyang matulog at pakiramdam niya ay narerelax siya sa pinaggagawa sa kanyang ulo.
Naririnig niya ang katabing customer.
"I saw her. Hindi ko lang matandaan kung saan."
"Baka naman po sa TV or sa social media," kuro-kuro ng isang binabae.
Agaw-antok na siya nang mag-ring ang phone.
"Hi. It's me, Josh. Are you busy?"
"Hindi naman. Nasa salon ako. Why?"
"Confidential. Hindi pwede sa phone."
"I see. Give me two hours and I will be there," agad na sagot niya.
Iniisip niya bakit siya tinawagan ni Josh Montemayor. Mission? Iyon ang pumasok sa kanyang isipan. Wala naman kasing ibang dahilan. Isa pa sabi niya ay confidential.
Palabas na siya ng salon nang mag-ring muli ang phone niya at nang tiningnan niya ay unknown number. Ini-on niya ang ‘call’ pero hindi siya nagsalita.
"It's me. Saang salon ka?"
"Sa mall."
"I need your help. Emergency."
"What is that? tell me!" agad na sagot niya.
"Basement parking B ayon sa spy. Delikado ang pinsan ko. Papunta na diyan ang backup."
"Copy, bro."
Agad na tumungo sa basement si Yza. Pinindot ang parking B. Kailangan pa niyang lakarin iyon dahil nasa parking C siya. Malalaki ang hakbang na nakisabay sa ibang taong naglalakad. Nang marating ang P-B ay nagkunwari siyang busy sa phone. Mabagal ang hakbang na sinisilip isa-isa ang plate number ng mga mamahaling kotse.
Hmp! bakit naman kasi ang daming pare-parehong kotse na kagaya n’yon?" Liliko na sana siya nang maulinigan ang mga yabag. Agad niyang ipinasok sa bulsa ang kanyang phone at mabilis na kumilos.
Isang lalaki ang pagtutulungang kaladkarin ng tatlong lalaki papasok sa isang van.
"Hey"! malakas na sigaw niya. Ngunit ngumisi lang ang mukhang goon kaya lumapit siya sa mga ito. Mabilis ang mga mata ni Yza habang sinisipat ang loob ng van. Diver, isang lalaki sa loob, at tatlong lalaki ang may hawak sa lalaking nagpupumiglas.
"Gusto yatang sumama.” Ngumisi sa kanya ang isang may panget na mukha.
"Yeah. I want to be with you, guys," aniya, sabay sipa sa dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid. Ang lalaking gustong kumawala sa mahigpit na pagkakahawak ay nagulat. Napaigik naman ang dalawa habang tumatayo sa pagkakalugmok sa semento. Agad na bumaba ang nasa loob na lalaki pati na ang driver.
"Go run!" malakas na sigaw niya sa hindi kumikilos na lalaki.
Sinugod na siya ng mga lalaki pati na ang dalawang sinipa niya kanina.
"I said, go!"
"A-and you?" agad na sagot ng lalaki sa kanya.
"Go! I can handle this!" Pagkasabi niyon ay inulan na siya ng sipa at suntok ng kalaban. Mabilis niyang naiilagan ang lahat ng 'yon. Hindi naman nagtagal ay nagdatingan ang mga gwardya ng parking area. Dalawang black car ang mabilis na tumigil sa harapan. Walang oras si Yza para lingunin kung sino ang mga iyon. Patuloy lang siya sa pakikipag laban.
"Thanks, Ma.YL. Okay ka lang?" worried na tanong ni Josh sa kanya.
Itinaas niya ang kamay. “Okay lang ako," aniya, saka ngumiti at nagpaalam na.
Pinahid ni Yza ang gilid ng labi. Dahil sa tinamong suntok ay pumutok iyon.
Parang walang nangyari na sumakay siya sa kanyang kotse at pinaharurot iyon. Nadaanan pa niya ang mga ito dahil doon ang way niya. Nag-menor siya at nagbusina bilang tanda. Agad namang kumaway si Josh at dumiretso na siya.
Isang pares ng mga mata ang nakasunod ang tingin sa papalayong kotse.
"Let's go, cous."
"W-who is that lady?"
"She's a friend of mine. Why, do you know her?" balik na tanong ni Josh sa pinsan.
"She is very familiar to me. What is her name, Kuya?"
"Ma.YL," muntik nang mabilaukan si JM.
"Kuya naman, eh. Nagbibiro ka. Anong klaseng pangalan naman ‘yan?" nailing na naghihintay ng sagot ni Josh.
"What is the problem with her name?"
"Ma.YL, oh!” Natawa din si Josh nang ma-realize ang ibig sabihin ng pinsan. "Masagwa nga namang pakinggan. Pero initial iyan ng full name niya. Ma. Yzabelle Lupez. Masyadong mahaba kaya naging Ma.YL. Ikaw ha, maloko ka, pinsan!"
"Bakit ang galing niyang makipaglaban, Kuya? Kasama mo ba siya dati sa trabaho?"
"No! Kasama ko siya sa training, pero senior ako that time at junior lang siya. Second place siya sa batch nila. Inaalok ko nga siya na magtrabaho sa akin pero ayaw naman dahil isa siyang lawyer."
"I like her. She is very cool," pahayag ni JM kay Josh.
"Eh, ‘di ligawan mo," tukso ni Josh, sabay tawa.
Nanahimik si Jm. Hindi maalis sa isipan niya ang mukha ni Ma.YL. Basta nakita na niya ito somewhere.
Hinatid ni Josh sa mansion si JM, saka kinausap ni Josh ang ama nito.
"Uncle, he needs a bodyguard, at kung maari ay huwag siyang aalis nang nag-iisa. Hindi natin alam kung anong motibo ng mga iyon. Mabuti na lang at may kaibigan ako na nasa lugar na iyon."
"What happened?" tanong ng kadarating na si Charles.
"’Yang kapatid mo, muntik nang ma-kidnap,” agarang sagot ni Josh. “Kung nagkataon na wala ang kaibigan ko doon, nasa mga kamay na iyan ng mga kriminal ngayon."
"Kuya”, singit ni JM. “Saan ba nakatira si Ma.YL? I want to know her address."
"Manahimik ka nga, Jm! Kanina lang ay muntik ka nang makidnap! Ngayon gusto mo na namang lumabas?" Sinamaan na siya ng tingin ni Charles.
"Gusto ko lang personal na magpasalamat sa kanya, Kuya," inis na sagot ni JM sa kapatid na si Charles.
"For what? At bakit kailangang puntahan mo pa siya? Pwede namang sa phone na lang!"
"Siya lang naman ang nagligtas sa akin sa limang kidnapers na iyon, Kuya!" asik ni JM at padabog na umakyat sa kwarto nito.
"Totoo ba iyon, pinsan? Babae ang nagligtas kay JM? Limang lalaki ang kidnapers?" Hindi makapaniwala si Charles na may ganoon katapang na babae.
"Yeah, it's true. Actually, dati kong kasamahan sa training si Yza. Sayang nga, eh. Napakaganda pa naman at isa pang lawyer ang dalagang iyon. Mukhang may matinding dahilan kung bakit pinasok ang ganoong buhay."
"Eh, sino naman iyong Ma.YL na binabanggit ni JM?" tanong ni Charles habang natatawa sa pagbanggit ng pangalang iyon.
"Siya iyon — si Yza. Ma. Yzabelle Lupez. In short, Ma.YL."
Napatayo si Charles nang banggitin ang pangalang iyon. "Sigurado ka ba sa pangalang iyan, pinsan?" hindi makapaniwala na sinisigurado kay Josh.
"Yup. The beautiful Yza — thirty years old, sexy, 5'6” in height, maputi, maganda, at higit sa lahat, hot! May gusto ka pa bang itanong? Para kang si JM. Magkapatid nga kayo."
Nanahimik si Charles habang malalim na nag-iisip. Napaka-impossible kung ang babaeng iyon ay ang Yza na dating empleyada niya. Ngunit ayon sa pagkaka-describe ng pinsan ay iisang tao ito.
ISANG invitation ang naabutan ni Yza sa ibabaw ng kanyang desk.
"Hmm…” Dinampot niya iyon at binasa. Ipinasok niya sa drawer at nagsimulang magtrabaho. Dapat bago natapos ang araw na iyon ay nasa ayos na ang lahat.
Galing sa kanyang dating client. Isa iyong invitation para sa opening ng bagong gallery ng misis nito. Inilagay niya sa bag iyon at nag-umpisa nang magtrabaho. Ang daming kaso na gustong pahawakan sa kanya mula nang maipanalo niya ang malaking kaso. Nagkasunod-sunod na ang gustong kumuha ng serbisyo niya. May mga malalaking company din ang nag-aalok sa kanya na maging private lawyer. Pero magalang niyang tinanggihan iyon. Hindi naman ang propesyon niya ang main reason kung bakit siya nandito sa Pilipinas. Isa lang ang gusto niya — ang malinis ang pangalan niya at ipamukha sa taong nanakit at nagmaliit sa kanya na hindi siya ganoong klaseng tao.
Simpleng cocktail dress ang suot niya nang dumating sa lugar na iyon. Hindi niya akalain na ganito pala kayaman ang matandang unang naging client niya mula nang magtrabaho siya sa law firm sa Makati.
Maraming media at may mga gaganapin din exhibit. Wala man siyang hilig sa mga ganitong pagtitipon, dahil nga naimibitahan ay pinaunlakan na lang niya.
Siya lang yata ang walang partner. Sa bawat papasok sa bulwagan, lahat ay may kasama maliban sa kanya. Dedma na lang siya habang umiikot sa mga naggagandahang painting.
"Attorney Lupez?" malakas na pagbati ng may edad na lalaki.
"Hello po, sir. Kumusta po kayo?"
Agad naman siyang ipinakilala nito sa asawa at sa mga kaibigan din. Panay lang tango ni Yza sa bawat taong ipinakikilala sa kanya. May mga ilan na nagpakita ng interest sa kanya ngunit wala siyang binigyan ng attention.
Halos isang oras na ang lumipas at gusto na niyang umalis dahil wala din siyang kakilala doon. Nakatayo siya sa may gilid habang may hawak ng wine. Hindi sinasadya ay napatingin siya sa opposite side at isang matangkad na lalaki ang matalim na nakatingin sa kanya. Muntik nang mabitiwan ni Yza ang hawak na wine.
C-Charles?
Nanginig at malakas ang dagundong ng dibdib niya kaya inisang lagok niya ang laman ng baso. Nagmamadaling inilapag iyon saka mabilis na tumalilis.
Nasa parking na si Yza nang magmatigas na kamay ang humablot sa kanya. Sa isang iglap ay napilipit niya ang kamay ng kung sinong pangahas na iyon.
"Ouch!" sigaw ng lalaki at nabitiwan siya nito agad nang nilingon niya ito.
"B-boss!"tigagal si Yza pero agad ding nakabawi. Malakas na inasiwas ang braso ng lalaki na handa na sana niyang baliin. Tumalikod agad at nag-umpisa nang maglakad. Mahirap nang makitaan siya ni Charles ng kahinaan. Masyado siyang weak noon kaya ganon ang naging trato sa kanya nito.
Narating niya ang kotse niya at agad na umalis ng lugar na iyon. Hindi na siya makakapayag na sasaktan uli ng isang Charles Montemayor. Tama na ang dinanas niya many years ago. Para saan pa at nagpakahirap siya nang tatlong taon kung biglang maglalaho ang lahat dahil lang sa isang lalaki?
Ang lalaking tinapaktapakan ang kanyang pagkatao. Simula noon ay inilagay niya sa kanyang puso at isipan na walang sinuman ang maaari pang mag-alispusta sa kanya. This time, gagamitin niya ang mataas na pinag-aralan. Anong silbi ng katalinuhan kung hindi niya iyon mapapakinabangan?
Pinakiramdaman ng dalaga ang sarili kung affected pa siya sa dating boss. Pero sa ngayon ay wala siyang nararamdaman. Ang nasa isip lang niya ay ang malinis ang pangalan niya at ipamukha sa binata na mali ito sa mga pananakit sa kanya at pang-iinsulto sa p********e niya.
Ilang buwan na din siya sa trabaho kaya dapat umpisahan na niya ang totoong pakay. Matapos ang encounter nila ni Charles sa basement parking ay hindi na nasundan pa iyon. Sisiguraduhin niyang hindi na magku-krus ang landas nila ng binata.
Matapos ang trabaho ay dumaan siya ng hardware. May mga binili siya doon na gagamitin sa planong pag-akyat sa executive office ng dating boss niya. Gusto na niyang matapos agad ang kanyang pakay para makaalis na siya ng bansa. Ang plano niyang pagtatayo ng sariling law firm ay isinantabi na muna. Siguraduhin niyang magbabayad lahat ng may kagagawan sa pagkasira ng kanyang credibility. Malakas ang kanyang pakiramdam na may kinalaman ang babaeng officemate niya noon. Hindi mawala sa kanyang isipan ang litrato ng babaeng iyon na minsang kasama ni Charles sa isang ball party.
Kung anuman ang relation ng dalawa ay wala siyang pakialam. Ipapamukha niya sa mga ito kung sino siya at hindi kasing weak gaya ng kanilang inaakala.
>>>