Kakatapos lang ni Yza ng isang kaso at gusto niyang mag-relax muna kaya naman nag-leave siya nang one week. Patungo siya sa favorite salon para ipa-treatment ang mahabang buhok at magpa-spa. Napansin niya ang isang babaeng katabi sa upuan. Na-missed tuloy niya ang dating buhok. Kasing-itim ng gabi pero ngayon ay isa na iyong blonde. Ang dating innocent look niya ay napalitan ng seductive look. Kaya naman lalo na siyang naging pansinin.
Ginugol niya ang halos buong maghapon sa loob ng salon. Lahat ng maari niyang ipagawa sa buong katawan ay kanyang ipinaayos, at nang matapos ay mag-a-alas kwatro na ng hapon. Nagliwaliw pa siya sa loob ng mall at plano niyang dito na rin mag-dinner. Pag-uwi niya ay matutulog na lang siya at kinabukasan ay plano niyang pumunta ng Palawan nang tatlong araw.
Isang sports boutique ang pinasok niya at dumiretso siya sa pambabaeng section. Bibili siya ng bagong swimming attire. Ang kanyang favorite color ay orange at navy blue. Agad na inisa-isang pagmasdan iyon kung ano ang pinakamagandang design at pinakabago. Natawag ang pansin niya sa isang purple dahil napakaganda niyon. Isa siyang two piece string bikini. Napakaliit niyon. Dinampot niya at kumuha pa ng isang pares na orange at navy blue na iba-iba ang design.
Sa loob ng fitting room, isa-isa niyang isinukat iyon at halos mapailing siya nang isuot ang kulay purple. Sobrang seductive niyon at kitang-kita ang kabuuan ng kanyang malulusog na dibdib. Ang magandang hubog ng kanyang pwetan ay nabibigyan pa ng diin kaya kahit sinong makakakita sa kanya ay mapapalingon.
Natatawa siyang isinukat din ang dalawa pang hawak at wala siyang itulak-kabigin. Binili na niya iyon dahil tatlong araw ang plano niyang mag-stay sa Palawan.
Bumili din siya ng pang-cover sa kanyang ulo. Hindi naman masyadong malapad ang sombrero. Tama lang na hindi masyadong ma-expose ang kanyang mukha sa init ng araw. Gusto niyang maging tan nang kaunti dahil nagsasawa na siya sa kanyang balat na sobrang puti.
Matapos makapag-shopping ay diretso na siya sa nadaanang restaurant. Isa iyong Korean cuisine.
“Hmm, masubukan nga rito.” Agad siyang pumuwesto sa pinakadulo, saka tinawag ang waiter. Lumapit agad ito at iniabot sa kanya ang malapad na menu. Gusto niyang subukang kainin ang minsang napanood niya sa mga Korean telenovela, iyong madalas kainin ng mga Korean celebrity. Halos twenty minutes siyang naghintay bago ihain ng waiter ang mga order niya.
Humanda na siya sa pagsubo nang may nakatawag sa kanyang pansin. Isa iyong teenager na lalaki. Very familiar sa kanya ang boses kaya naman napalingon siya.
"Huh! kung minamalas ka nga naman!” Nagsalubong agad ang mga mata nila ng papalapit sa kabilang table na si Charles kasama ang pamilya nito.
Dedma na lang niya at minadali ang kumain, ngunit nawalan na siya ng gana. Kaya sa halip ay tinawag agad ang waiter at kinuha ng bill niya.
Five minutes din ang hinintay niya nang dumating ang waiter para sa kanyang bills. Agad siyang bumunot ng dalawang libo at iniabot ito sa waiter.
"Keep the change," bulong niya, saka nagmamadaling kinuha ang sling bag at umalis na.
"Oh. I think she is...."
"Who’s that girl?"
Iyon ang naririnig ni Yza kaya binilisan pa niya ang lakad palabas ng restaurant.
Agad siyang sumakay ng kotse at pinaharurot iyon. Nakita pa niya sa side mirror ang isang matangkad na binata at binatilyo na nakatayo sa malapit sa pinag-parkingan niya.
Takte! Sa dinami-rami naman ng makikita niya ay si Charles pa. Ang lalaking dahilan kung bakit siya naging ganito. Napalakas ang paghampas niya sa manibela. Kaya naman nang mag-ingay iyon ay nakatawag-pansin sa ibang nakahinto na sasakyan.
"Parang nanadya naman ang pagkakataon. Ano ba naman? Haist!”
Agad siyang umuwi ng tinutuluyan at mabilis na nag-shower. Nahiga siya agad sa kama at pumikit. Ayaw niyang bigyan ng chance ang isipan niya na makapag-isip. Matagal siya sa ganoong position pero hindi pa rin dinadalaw ng antok. Kaya naman bumangon siya at pumunta sa fridge. Binuksan iyon at kinuha ang bote ng wine, saka tinungga. Nang mangalahati ang iniinom ay doon lang niya ibinalik sa fridge bago siya muling humakbang sa kama.
Nagising na lang siya sa tunog ng alarm clock. Pagkabangon ay agad siyang tumungo sa banyo para sa morning session. Nag-shower na rin siya at nagbihis upang hindi mahuli sa flight niya.
Matapos masiguradong nakasarado ang bahay ay lumabas na siya at sumakay ng taxi. Hindi na niya dadalhin ang kotse dahil wala siyang pag-iiwanan sa domestic airport.
Hindi naman masyadong traffic kaya nakarating agad siya. After an hour, tamang-tama lang ang pagdating niya at agad na nag-check-in. Isang katamtamang size ng maleta ang ipinasok niya sa check-in counter. Ang knapsack niyang black ang tanging nakasabit sa kanyang balikat.
Ilang sandali pa at tumutoly na siya sa boarding area para maghintay. Ilang minuto pa iyon kung hindi sila madi-delay. Kakaupo pa lang niya nang tumunog ang kanyang phone sa unknown number. Ini-on niya iyon at pinakinggan lang niya. Ngunit hindi din nagsasalita ang nasa kabilang line kaya naman ini-off na lang niya iyon.
Hindi naman nagtagal ay nag-announce na boarding na sila. Tumayo na siya at inayos ang knapsack sa likod saka pumila nang maayos sa linya. Priority ang mga senior citizen at mga buntis. Natuon ang pansin niya sa isang buntis, ang laki ng tiyan nito. Umakyat ang mga mata niya sa mukha ng babae.
Wow, ang ganda namang buntis niya, bulong ni Yza sa sarili. Isang matipunong braso ang pumalibot sa baywang ng buntis kaya doon nalipat ang attention niya.
Hindi tuloy niya maiwasang mag-imagine. Siya kaya ay makakatagpo rin ng ganito kagwapong lalaki? Naipilig niya ang ulo sa kung ano-anong ideyang pumapasok sa kanyang isipan.
Inilabas na lang niya ang iphone at kinabitan ng headset, saka nag-play ng music. Hindi naman nagtagal at umusad na ang linya kaya agad niyang iniabot ang boarding pass.
Tuluyan na siyang pumasok sa naghihintay na plane. Doon ay hinanap niya ang number na Seat # 13D. Bago umupo ay binuksan niya ang knapsack saka kinuha ng iphone. Isinara niya ang bag at ipinasok sa compartment. Nang maikabit ang seatbelt ay humilig siya at ipinikit ang mga mata.
Hindi niya namalayan na nakatulog siya dala siguro ng puyat kaya mabilis na nakatulog. Naalipungatan siya nang tumaas na ang plane. Nilingon niya ang katabi pero bakante iyon. Kaya naman naisip niyang kuhain ang bag sa compartment at ilagay na lang sa tabing bakanteng upuan. Pero hindi pa siya maaaring tumayo dahil nakailaw pa ang fasten seat belt. Kailangan muna niyang hintayin na mag-off ang ilaw bago siya tumayo.
Makalipas ang ilang minuto at tumayo siya. Binuksan niya ang compartment, saka kinuha ang bag. Inilagay niya iyon sa vacant sa tabi niya, saka binuksan iyon at kinuha ang kanyang journal. Agad na nagsulat siya doon ng mga bagay na nangyari sa kanya. Mula paggising kaninang umaga until now na nasa loob na siya ng plane.
Isinusulat niya lahat ng nangyayari sa kanya, ultimong kaliit-liitang detalye.
Matapos ang halos twenty minutes na pagsusulat ay isinara iyon at ibinalik sa loob ng knapsack. Inayos niya ang pagkakaupo at sumandal siya. Hindi naman nagtagal ay nag-announced ang piloto. Nagulat siya dahil emergency ang announcement. Nataranta ang mga tao pero siya ay tahimik lang at parang walang pakialam na nakikinig sa anunsyo.
Kailangan kasi nilang mag-emergency landing dahil sa lakas ng storm at delikadong ipagpatuloy ang paglipad nila.
Kaninang umalis sila ng Manila ay madilim na ang kalangitan. After twenty minutes travel ay bigla na lang ang pagsama ng panahon. Nakapasok na pala sa Pilipinas ang malakas na bagyo. Ang punterya ay ang Palawan Island. Napahugot ng malalim na hininga si Yza.
"Haist! Ano ba naman?” Ngayon lang siya nagbakasyon ay sumama pa ang panahon. Hindi nagtagal ay isang private island daw ang kanilang bababaan. Dahil emergency nga ay hindi magaganda ang pagkakalapag nila. May ilang tanim ang nasagasaan ng plane sa paglanding.
Ilang private security ang agad na lumapit sa kanila para sa mga ilang katanungan. Bumaba agad ang piloto at nakipag-usap sa mga iyon. Napag alaman niya na private resort iyon at isa sa pinakamayaman sa Asya at sikat na tao all over the world. Ang iba ay pinayagang bumama pero ang iba ay nanatili sa loob ng plane. Isa siya sa nanatili lang sa loob. Wala namang magandang magagawa sa labas sa ganitong malakas ang storm.
Nilinga niya ang paligid ng plane at iilan lang silang naiwan doon. Panatag ang loob na sumandal si Yza para matulog muli sana ngunit bigla ang paglapit ng mga stewardess sa kanilang mga naiwan.
"Ma'am, Sir, we need to get out of here, dahil mamaya lang ay lalakas pa ang bagyo. Mainam na nasa safe po tayong lugar at nag-offer naman daw ang may-ari ng resort. Welcome daw ang lahat na mag-stay doon."
Wala silang nagawa kundi ang lumabas ng plane. Sakbat sa likod ang knapsack at tuluyan nang nilisan ang loob. Malakas na ang ulan at hangin nang makalabas sila.
“s**t!” angil niya. Wala pa naman siyang jacket dahil nasa maleta niya iyon at masyadong manipis ang tela ng suot niya. Kung mababasa iyon ay siguradong pagpi-pyestahan siya ng mga tao.
But no choice, kailangan niyang sumugod sa ulan para takbuhin ang masisilungan. Hindi naman iyon kalayuan ngunit dahil sa malakas na ulan ay sigurado siyang mababasa. Iisa lang ang payong na naghahatid-sundo sa mga pasahero. Kung hihintayin pa niya iyon ay mamaya pa siya makakarating sa safe na lugar. Baka nga mapuno pa iyon at maubusan pa siya ng room. Kaya ang ginawa niya ay inilagay sa bandang harapan ang knapsack upang hindi masyadong mabasa ang dibdib, saka mabilis na sumugod sa ulan.
Pagdating niya sa karamihan ng tao ay basang basa siya. Kahit ang suot niyang maiksing short ay basa din.
Na-expose na ang likod niya sa sobrang basa at bakat na bakat ang buong katawan niya. Hindi niya malaman kung saan siya tatalikod dahil maraming pasahero at halos lahat ang nakatutok ang mata sa kanya.
Ang ibang babae ay nakaas ang kilay. Ang mga lalaki naman ay nakatulala sa kanya. Ngayon siya nakaramdam ng hiya lalo na nang humangin pa ng malakas at nagsitayuan ang mga balahibo niya. Balbon ang mga hita at braso niya ay kitang-kita ito.
Napasinghap siya nang isang bagay ang lumapat sa likoran niya.
"Let's go!" Halos yakapin na siya ng kung sinumang iyon. Hindi na siya nag-abalang tingalain iyon dahil medyo nahihirapan siyang kumilos. Bumaluktot na ang katawan niya sa mahigpit na pagkakayakap sa kanyang baywang ng taong tumulong sa kanya.
Nang makarating sila sa pinaka-entrance ng mataas na building ay napilitan siyang tingalain ang lalaki. Agad niyang naitulak ito.
"Don't touch me!"
Binitiwan naman siya nito at bahagyang dumistansya sa kanya. Gayunman ay ngumisi pa rin ito..
"Ganyan ka ba magpasalamat sa taong kusang-loob na tumulong sa ‘yo?"
"Hindi ko hiningi ang tulong mo kaya hindi ko kailangang magpasalamat sa ‘yo!" matigas niyang pahayag dito.
Isang magandang babae ang lumapit sa kanila.
"Good afternoon, sir. Nakahanda na po ang room ng bisita ninyo.”
Tumabi naman si Yza para bigyan ng daan ang mga ito. Nakakailang hakbang na ang staff at ang lalaking kinaiinisan niya ay hindi pa rin siya humahakbang.
"What are you waiting for? Christmas?" bulyaw sa kanya nito.
Hindi niya ito pinansin at lumingon lang siya sa paligid.
“Huh! Sino bang kausap ng halimaw na ito?” bulong niya na hindi nakaligtas sa pandinig ng lalaki.
"Kikilos ka ba o bubuhatin kita?" usisa nito sabay hakbang pabalik sa kanya.
"A-ako ba ang kinakausap mo?" Umatras siya sa lalaking salubong ang kilay.
"At sino pa ba!" anang lalaki sabay buhat sa kanya na parang pinasang sako. Kaya naman nalaglag ang nakatakip sa katawan niya. Sumuot ang lamig sa buong katawan niya. Nagsitayuan pa ang mga balahibo niya at kinilabutan sa lamig ng airconditioner pati na sa kakaibang init na pakiramdam na nagmumula sa dibdib ng binata.
"Ibaba mo ako!" matigas niyang utos dito pero hindi siya pinapansin.
"Ano ba! Sabing ibaba mo ako!"
Wala pa ring reaction ang lalaki at patuloy lang na dinala siya sa hanay ng elevator.
"Ano ba, asshole! I said put me down!" tili niya dito pero hindi pa rin natitinag ang binata.
"f**k you!” Malakas na suntok ang pinakawalan ni Yza dito. Tamang-tama naman at bumukas ang elevator. Agad itong pumasok doon habang pasan pa rin siya. May mga nagtangkang pumasok para sumabay sa kanila ngunit sinenyasan ng binata na sa ibang elevator sila sumakay. Pagkasara ng pinto ay agad na ibinaba siya nito .
Doon umigkas ang paa niya at isang flying kick at sunod-sunod na suntok ang pinakawalan niya. Sapol na sapol ang binata.