Nagulat ang ilang staff nang bumukas ang elevator sa second floor. Lumabas ang isang magandang babae kasunod ang apo ng chairman ng resort. Dumudugo ang labi nito at namumula ang buong mukha. Hindi rin diretsong lumakad ito.
Nataranta ang mga tauhan. “S-sir, s-sino pong gumawa sa inyo nito?”
Agad na nag radio ang ibang staff.
"Don't do that," awat ng binata sa mga ito. "I'm okay. Don't worry,” aniya at sumenyas na ‘keep it secret’.
Agad namang nagtanguan ang mga iyon at nagsi alisan na.
Nakatayo si Yza sa gilid ng wall dahil hindi niya alam kung lilingunan niya ang binatang papalapit na medyo hindi pantay maglakad. Nakaramdam siya ng konsensya dito pero hindi niya iyon pinahalata. Nakataas pa ang kilay niya.
Tumigil naman ang binata sa tapat ng pinto. Dinukot ang card na hawak, saka itinapat doon. Napatingala siya. VIP, iyon ang nakasulat sa taas ng pinto.
Nakaramdam siya ng hiya. "I don't want to go in," pagtanggi niya sabay talikod.
"Wala ng bakanteng room sa dami ng pasaherong stranded!"
Napahinto siya at nag-isip.
"P-please, go inside.”
Nilingon niya ito at seryoso ang mukha nito na nilakihan ang bukas ng pinto. Napilitang pumasok si Yza kasunod ang binata.
"Stop!" pagtutol niya sa gagawing pagsunod nito sa kanya.
"I want to use the bathroom para maghilamos. Ayaw kong makita ako ng pamilya ko nang ganito. Baka mag-panic pa ang mga iyon,” katuwiran ng binata.
Parang napahiya naman siya dito at hindi na lang sumagot.
"Use this room. But don't worry,this is my suite room pag nandito ang buong pamilya." Iyon lang ang sinabi nito at tumuloy na sa loob ng banyo. Ilang minuto din ito sa loob bago lumabas. Medyo maga talaga ang mukha nito pati na ang labi.
"C-can I stay here for a while until mawala ang pamamaga? You can use the room while I stay here on the sofa."
Hindi na siya sumagot. Hinayaan na lang niya ito, tutal ay pag-aari naman ng binata ang room. Kaya wala siyang dapat ireklamo.
Tumuloy na siya sa silid na ibinigay sa kanya nito at dumiretso sa banyo. Saka lang niya na-realize na wala siyang pamalit. Naligo siya nang may makitang bathrobe. Iyon na lang ang gagamitin niya.
Nilabahan niya ang mga hinubad at pinigang mabuti, saka naghanap ng masasampayan pero walang makita. Ang mga hanger ay puro built in at kung doon niya isasampay iyon ay siguradong tutulo at mababasa ang loob.
Hindi nagtagal ang may banayad na katok siyang narinig. Hindi nag-atubiling binuksan iyon at dahil robe lang ang suot niya ay ulo lang ang isinungaw sa pinto.
"Wear this." Inabot ng lalaki ang paper bag sa kanya.
Napilitan siyang tanggapin iyon. “T-thanks,” aniya at agad ding isinara ang pinto.
Napataas ang kilay niya nang makita ang bagong damit at tatlong pares na set ng underwear. Simple dress but elegant, one set ng jogging pants, at short blouse. Sinamahan pa ng simpleng sandals. Pinili niyang isuot ang jogging pants, saka dumako sa dresser at sinuklay ang mahabang buhok. Binalingan niya ang knapsack at itinaktak lahat ng laman sa ibabaw ng kama dahil basa din iyon.
Isang katok muli ang naulinigan ni Yza kaya binuksan na niya iyon.
"Give me your laundry,” seryoso ang mukhang pahayag ng binata sa kanya.
Napilitan naman siyang ibigay iyon at maingat na binalot kasama ng bag. Iniabot sa binata maliban sa under wear niya. Walang kibong tumalikod ito at dumiretso sa main door. Naulinigan ni Yza na may kausap ito sa labas.
Nahiga na siya. Totoo ngang room ito ni Charles. Ang amoy ng unan ay gaya ng pabango ng binata. Ipinikit niya ang mga mata at sinikap na makatulog. Hindi naman nagtagal at unti-unti na siyang kinain ng antok.
ILANG BESES nang kumakatok si Charles pero walang nagbubukas. Kaya naman lakas loob na niya itong binuksan. Maingat na lumapit siya sa closet. Kumuha ng pamalit dahil medyo basa ang damit niya gawa kanina. Tumawag ang management na may mag-e-emergency landing sa kanilang resort. Agad na inutusan siya ng ama na siya na ang umasikaso sa mga passenger.
Akala nga niya’y namamalikmata siya nang makita ang isang babaeng sumugod sa ulan. Nang makilala niya ito ay alanganin niyang nilapitan. Pero nang mapansing pinagpipyestahan ito ng mga tao, lalo na nang mga kalalakihan—na halos hubaran siya ng nagnanasang mga tingin—ay hindi na niya ito natiis.
Hindi niya alam kung anong klase ang pakiramdam na mayroon siya. Nang makitang halos hubaran na ng tingin ang dalaga ng mga lalaki, nakaramdam siya ng galit. Ewan niya kung bakit tila nagseselos siyang malaman na may ibang nakakakita sa katawan ng dalaga. Gusto ba niya ay siya lang ang makakita niyon na kanya lang ang dalaga?
"Huh!” Ano ba itong nararamdaman niya? Matapos isara ang closet ay binalingan niya ang banyo. Agad na pumasok doon at nag shower, mamaya na niya gigisingin ang dalaga. Siguro naman ay hindi agad lalamig ang pagkain na iniakyat ng staff.
Halos thirty minutes siya sa banyo nang maalalang walang towel sa loob dahil ginamit pala ng dalaga iyon pati ang kanyang robe. Tumutulo ang tubig sa katawan niya nang sumilip muna sa kwarto. Inaalam niya kung natutulog pa rin ang dalaga. Nagmamadali siyang lumabas ng banyo para abutin ang towel na nakapatong sa couch na may kalayuan sa banyo.
Saktong bumangon si Yza dahil kailangan niyang magbanyo.
"Oh my god!" bulalas niya, sabay tumalikod sa lalaking hubad.
"Ang bastos mo! Bakit ka narito sa kwarto nang nakahubad? Lumabas ka, bastos!”
Agad namang binalot ni Charles ang katawan. Kumuha din ng bagong towel sa kabilang closet, saka nagmamadaling pinunasan ang katawan.
“Pwede ka nang humarap,” aniya matapos magbihis.
"Bastos!"
Isang sampal ang tumama sa mukha ni Charles na ikinabigla ng binata. At dahil doon ay agad na gumanti ito at nilundag siya nito. Hindi inaasahan ng dalaga na lalaban si Charles. Hindi napaghandaan ang pag-atake nito. Bagsak sila sa ibabaw ng kama. Nadaganan ng binata ang hindi makakilos na si Yza.
Susuntukin pa sana niya ang binata pero mabilis na nahawakan ang magkabila niyang mga kamay. Mahigpit na pinagsama iyon at inilagay sa taas ng kanyang ulo. Nagpumilit na makawala si Yza ngunit nakadagan ito sa kanya. Ang bigat ng katawan ng binata na sa tantya niya ay 6'4” ang height. Fit ang body built ng katawan nito ngunit para siyang dinaganan ng pison. Ang masaklap pa ay nasa pagitan ng nakabuka niyang mga hita ang baywang ni Charles kaya nawalan siya ng pwersa.
"Enough!”matigas at galit nitong sigaw.” Nakakarami ka na, huh! Hinayaan kitang bugbugin mo ako sa elevator kanina pero not anymore!"
Saka nito inilapit ang mga labi sa bibig niya. Napasinghap nang malakas si Yza at napapikit. Ilang minuto sila sa ganoong position nang dumilat siya. Gahibla na lang ang mga labi ng binata sa kanya. Langhap na langhap niya ang mabangong hininga nito. Ang amoy na bagong shave at ang buhok nito ay may paisa-isa pang dumadaloy na tubig. Nakatitig lang ito sa kanyang mukha. Parang kinakabisado ang bawat sulok ng mukha niya.
Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang mapansing nakatitig ito sa kanyang mga labi. Lalo pa nang nagtaas baba ang adam’s apple nito. Ramdam din ni Yza ang lagabog ng dibdib ng binata na halos mabingi siya sa lakas niyon. Para namang natauhan bigla si Charles nang bumaling ang mukha ng dalaga.
"S-sorry.” Agad ding umalis ito sa ibabaw niya at mabilis na iniwan siya. Ngunit bago ito makalabas ng pinto ay nilingon siya nito.
Salubong ang mga kilay. “Come out and let's eat. Lalamig na ang food."
Hindi na hinintay na sumagot siya. Sumara na ang pintuan.
Namumula ang mukha na humarap siya sa dresser. "Takte, Montemayor. Pakshit!” Muntik na siyang mahalikan. “Oh, my God!" Inhale-exhale ang ginawa niya. Kaya lang pakiramdam niya ay hindi pa rin nawawala ang pamumula niya.
Pumasok siya sa banyo at naghilamos. Baka sakaling mawala ang pag-iinit ng mukha niya. Nang maramdaman ang lamig ay lumabas din agad. Sinilip lang saglit ang mukha sa salamin saka diretsong lumabas na.
Naabutan niya ang binata na nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa nito. Habang nakasandal sa gilid ng bintana. Malalim na buntong-hininga ang narinig niya mula dito. Subalit hindi na lang niya iyon pinansin. Tahimik na umupo at hinarap ang pagkain. Hindi naman nagtagal ay naupo na rin ito sa harap niya.
Tinaasan niya ito ng kilay nang mag-alok itong kumain.
"Try mo ito,” anang binata sabay lagay ng pagkain sa plato niya. Bubuka na sana ang bibig niya.
"Don't talk! Eat!"
Sinamaan niya ito ng tingin pero binalewala nito. Sa halip ay naglagay siya ng pagkain sa sariling plato at sumubo agad. Wala silang imikan hanggang matapos silang kumain. Tumayo ang binata at hinila ang table sa gilid saka hinugot ang phone.
"Pakikuha na lang dito ang mga pinagkainan." Call ended.
"If you want to go downstairs, just go but don't forget this." Inabot sa kanya ang card. Tinanggap niya iyon at pasimple na binasa.
VIP: Charles David Briones Montemayor.
Hindi na nito hinintay na magpasalamat pa siya. Agad na tumayo ang binata at mabilis na lumabas ng suite.
Napakalakas pa rin ng hangin at ulan. Kaya naiinip siya dito sa room at nagpasyang lumabas. Kagaya ng sinabi ni Charles sa kanya ay okay lang siyang bumaba. Suot pa rin ang jogging pants pero wala siyang sapin sa paa. Sexy naman ang sandal na binigay sa kanya ng binata. At hindi iyon bagay sa suot niya. Ang mga sapatos naman niya ay basang-basa.
Naghalungkat siya sa loob at nakakita ng slippers ngunit napakalaki niyon. Sigurado siyang sa binata iyon pero wala siyang choice. Isinuot na lang niya. Kahit sinong makakakita sa kanya na suot iyon ay siguradong matatawa dahil halos kalahati lang ang paa niya.
Dedma na naglakad siya habang nakakabit ang head set sa taenga at nilakasan ang music. Nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa ng ternong jogging pants na kulay white. Ang mahabang buhok ay itinaas niyang parang doughnut na nakapatong sa ulo. Walang kahit anong kolorete sa mukha, ni hikaw ay wala.
Halos lahat ng madaanan niya ay nakatingin sa kanya. Siguro dahil sa suot niyang slippers kaya natatawa ang iba. Isang teenager ang tumatawag sa kanya. Dahil malakas ang music ay hindi naririnig ng dalaga. Tuloy lang sa mabagal na paglalakad. At dahil namukhan na siya ng teenager na ito ay nilundag siya nito. Hinila ang head set niya at dahil sa gulat ay umigkas ang kamao ng dalaga. Kasunod ang flying kick na ikinatilapon ng teenager. Tulala ang mga staff na nakakita. Para namang natauhan bigla si Yza. Kinabahan siya nang makitang namimilipit sa sakit ang teenager.
Agad na tinakbo niya ito at dinaluhan. “Oh, boy! I'm so sorry!”
Siyang pagdating ng humahangos na si Charles.
Matalim ang tingin nito sa kanya. Pati bata, pinatulan mo?” matigas na pahayag nito at agad na binuhat ni Charles ang kapatid.
“K-kuya, d-don't get mad at her!" Hirap magsalita ang teenager.
Bigla ang reyalisasyon kay Yza "T-Tristan? Oh, God!"
Hinabol niya agad si Charles at sinabayan ito sa mabilis na paglalakad.
"I'm really sorry, baby!”
Dumiretso sila sa clinic. Halos madapa naman si Yza dahil sa laki ng suot niyang slippers na sumasabit sa jogging pants niyang suot.
Sinalubong sila ng nurse "Sir, what happened to him?"
"N-nothing. Just please check him,” agad na sagot ng binata sa nurse. Si Yza ay parang hindi matae na pusa. Malakas ang kaba niya dahil sa malakas ang pagkakasipa niya rito pati na ang pag-igkas ng kamao niya.
"Sir, gusto mo bang ipa-xray natin siya?"
"Please. I want to know kung may bale sa ribs niya." Habang sinasabi iyon ng binata ay sa kanya nakatingin ang matalim nitong mga mata. Napayuko na lang siya. Hiyang-hiya sa nagawa niyang pagkakamali.
Hindi naman nagtagal ay natapos ang x-ray.
"Ipapaalam ko na lang sa inyo, sir, ‘pag lumabas na ang result.” Binalingan ng nurse si Tristan at siya namang pagpasok ng doctor. Agad na nilapitan nito ang pasyente at may mga tinanong. Hindi na sila nakapag-sinungaling. Sinabi nila ang totoo. Nailing na lang ang doctor na natatawa.
Wala namang nabasag na buto. "He's fine. Medyo nabugbog lang ang katawan niya dahil mahina pa ang pasyente. Masyadong ininda ng katawan ang pagkabugbog.”
Nang maupo ang doctor sa di kalayuan nitong table ay sinundan ni Charles.
Agad namang nilapitan ni Yza si Tristan.
"Baby, I'm so sorry. Hindi kita agad nakilala. Nabigla lang ako. Sorry, baby."
Nagsikap na makaupo si Tristan saka walang salitang niyakap siya nito.
"Ate Yza, I missed you. Bakit hindi ka na pumapasyal sa house? We missed you na."
Gumanti ng yakap si Yza sa malambing na teenager.
"I missed you too, baby.”
Nang pabalik na si Charles ay natigilan sa nakitang tagpo ng dalawa. Sa halip na dumiretso ay nanatili na lang nakatanaw siya sa malayo. Hinayaan niyang mag-usap ang dalawa. Gustong-gusto talaga ng kapatid ang dalaga para sa kanya. Noong mawala ang dalaga sa company ay halos araw-araw na kinukulit siya ni Tristan tungkol sa dalaga. Minsan inaway pa siya nito nang mapanood ang isang party na may kasama siyang ibang babae.
I hate you, Kuya! I don't like that b***h! Si Ate Yza lang ang gusto kong maging ate!
Naiiling na lang si Charles. Siyang pagdating ng mga magulang niya kasama si JM. Agad na hinarang ni Charles ang mga dumating saka itinuro ang dalawa na masayang nag-uusap.
"Ate, please. Stay here. Hindi ba, sabi mo tatlong araw ang stay mo ng Palawan? So, dito ka na lang sa aming resort. Mas maganda pa dito kesa doon sa pupuntahan mo."
"Shhh…” Hinalikan ni Yza ang noo ni Tristan. “Sige. Pero promise, magpapagaling ka kaagad, okay?”
"Yes!” Niyakap siyang muli ni Tristan. Mayamaya’y bumaling sa kanyang ina. “Mommy!"
Ikina-freeze ito ni Yza. Oh god! Anong sasabihin niya sa parents ni Tristan? Baka magalit ang mga ito.
"Ate Yza! Nandito sina Mom, Dad, at Kuya JM!"
Dahan-dahang bumitiw si Yza saka nahihiyang humarap sa mga dumating. Nanlaki naman ang mga mata ni Jm pagkakita sa kanya.
"Y-you!"
Tumutok naman agad ang mga mata ni Yza sa binata. Matagal niya itong pinagmasdan.
"Oh, i-ikaw pala yon?"
"Yeah, It's me. Agad ka kasing umalis noon kaya hindi na ako personal na nakapagpasalamat sa ‘yo.”
Naguguluhan naman ang mommy at daddy nila.
"What is that? Saan kayo nagkita? Bakit hindi mo nabanggit sa amin na nandito pala sa Pilipinas si Yza?" Agad na tanong ng mommy ng mga ito.
"Dad, siya ‘yong sinasabi ko sa inyo ni Kuya Charles. ‘Yong tumulong sa akin noong muntikan na akong makidnap."
"Really? Oh, hija, thank you! Kung hindi dahil sa ‘yo baka kung napano na ang anak namin."
"Wala pong anuman, Tita, Ttito.” Nahihiyang ngumiti siya sa mga ito.
"By the way, anong nangyari sa ‘yo, Tristan? Masyado ka kasing makulit anak."
"Mom, I'm fine. Kasalanan ko po. Ginulat ko si Ate Yza.” Binalingan uli siya ni Tristan. Hinawakan ang kanyang kamay “Basta iyong promise mo, ate, ha? Mag-i-stay ka dito for three days or until matapos ang leave mo?”
Napatango na lang si Yza dito.