CHAPTER 13

2026 Words
-Kimberlynn- "WHERE'S my secretary?" tanong ni Angelo sa akin paglabas ko ng bahay ko. Sinundo n'ya ako dahil wala naman akong sasakyan para pumunta sa walang kwentang event ng kapatid n'ya. Hindi ako pupunta kung hindi n'ya ako susunduin. Maganda ako kaya anong aasahan ko? Nakasuot ako ng knee length dark red mini bodycon dress coated by black blazer and pair with wide fit emerald high heeled sock boots in black. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko para sayawin ng hangin na tumatama sa akin. Wala akong stylist, pero daig ko pa ang mayroon. "Parang ikaw ang rarampa," puri ni Angelo sa akin. Mahinhin kong sinuot ang kumawalang buhok mula sa mukha ko. I looked at Angelo like a missing kitten. "I was born to be gorgeous," nakangisi kong pagyayabang. Nakasuot s'ya ng gray formal suit na lalong nagpagwapo sa aking boss. Inabot ni Angelo ang kamay n'ya sa akin, pero lalong lumawak ang ngiti ko. Naglakad ako palapit kay Angelo, pero hindi ko hinawakan ang kamay n'ya kung hindi ay hinaplos ko ang pisnge nito hanggang sa tuluyan kong malagpasan ito. Pinagbuksan ako ni R-jay ng pinto sa back seat. "Thanks," cat woman said. Sumakay na ako sa loob at hinintay na pumasok si Angelo sa tabi ko. Ang tagal ko ring hindi nakasuot ng ganitong damit. Sumakay si Angelo sa tabi ko at si R-jay ang magmamaneho. "Naughty," iyon lang ang na saad ni Angelo sa akin. Napangisi naman ako sa kan'ya. Tinignan ko si Angelo na hindi maalis ang tingin sa akin, maski si R-jay ay pansin ko ang pagtingin. "Am I look great?" tanong ko kay Angelo. "You look brilliant," sagot ni Angelo sa akin. "I know." Umayos ako ng upo. Nagsimula nang umandar ang kotse. Ngayon pa lang ay napipikon na ako kung makikita ko man ang kapatid n'ya. "Asahan mong may gulo mamaya," babala ko kay Angelo. "Don't mention it. I talked Angela about it, and she won't do anything against you," sagot ni Angelo sa akin. Napangisi naman ako. "Let's see," naka-smirk kong saad. Nalipat ang tingin ko sa kamay ko ng hawakan iyon ni Angelo. Tinignan ko ko si Angelo sa ginawa n'ya, pero diretso ang tingin n'ya sa harapan. Hihilahin ko ang kamay ko, pero hinigpitan n'ya ang pagkakahawak sa akin. "Just trust me, no one will hurt you. I'll protect you," saad ni Angelo. Hinila ko ang kamay ko mula sa kan'ya. "Baliw ka ba? Anong I'll protect you? I'll will protect you," balik ko sa kan'ya. "Ako ang bodyguard mo, but don't worry kahit anong suot ko ay mahusay pa rin ako," nakangiti kong dagdag. Mas'yado naman s'yang nagpapa-impress sa akin. Dumating kami sa event ni Angela. Maraming tao ang pumunta dito sa mga itsura pa lang ay halatang mga high profile na. Hindi rin nagpapakabog sa mga suotan ang mga ito. Mayroong malaking stage na mukhang doon irarampa ang mga damit. Ang pagkakaalam ko ay iyon ang business ni Angela at model rin. Umupo kami sa harapan ni Angelo. Magkatabi lang kaming dalawa habang nanunuod sa mga nagaganap sa event. Wala akong interest kaya hindi ko na inatupag pa ang event na ito. Uminom at kumain na lang ako para naman hindi sayang ang punta ko sa lugar na ito. Mas'yado na akong naiingayan kaya nilapit ko ang mukha ko sa tenga ni Angelo. "Restroom lang ako," paalam ko kay Angelo. Humarap sa akin si Angelo. "Gusto mo samahan kita?" tanong nito sa akin. Umiling ako sa kan'ya bilang sagot. Ano ako bata at kailangan n'ya pang samahan? Tumango s'ya sa akin. Tumango ako para hanapin ang restroom. Wala naman na akong malalait pa sa event na ito dahil well-planned naman, maganda ang venue at maayos ang lahat, masarap din ang pagkain. Ayoko lang sa kapatid ni Angelo. Habang naglalakad ako papuntang restroom ay palinga-linga ako sa paligid. Hindi ko nga rin pala nakikita si Nolie sa lugar. Baka hindi n'ya sinuportahan ang girlfriend n'ya. Hindi pa sila, pero doon na rin naman iyon papunta. Hindi ko alam kung saan na ba ang restroom dito. Gusto ko lang silipin kung maganda pa rin ba ako. "Wala ba akong goodluck kiss?" rinig kong saad ng isang babae. Halata pa lang sa boses nito ay nagpapa-cute na. Pagkaliko sa kanan ay bigla akong huminto sa paglalakad ng makita ko si Nolie at Angela sa hallway. Dito ba sila naglalandian? "Goodluck!" seryosong saad ni Nolie kay Angela. Hinawakan ni Angela ang pisnge ni Nolie at bigla itong hinalikan. Agad akong nagtago para hindi nila makita, tumalikod na ako para bumalik sa tabi ni Angelo, pero napatingil ang dalawa kong paa sa paglalakad ng mayroon akong naisip. "Bakit ako mag-a-adjust sa kanila? Privacy? Sana sa room sila naghalikan!" singhal ko sa sarili ko. Muli akong humarap sa lugar iyon at buong tapang akong nagsimulang maglakad para hanapin ang restroom. Pagliko ko ulit ay nandoon pa rin ang dalawa at patuloy sa paghahalikan. Saglit akong natigilan dahil si Nolie na mismo ang gumagawa ng moves. Huminga ako ng malalim para sa moment na ito. Nagsimula akong maglakad habang ang mata ko ay nakatitig sa dalawang naghahalikan. Hindi pa ako nakakaganti kaya humanda silang dalawa. Hindi nila napansin ang pagdating ko dahil halos walang ingay na paglalakad ang ginawa ko. Tumigil ako sa tapat nila sabay ngiti ng isang maganda. Kinalabit ko si Nolie dahilan para mabulabog silang dalawa. Lalo akong ngumiti dahil sa pareho silang nagulat sa aking dalawa. Hindi ko maipaliwanag ang kanilang mukha, pero wala akong pakialam. Pansin ko pa ang lipstick sa labi ng gago na halatang gustong-gusto ang ginawa. Pero ang isang kasama n'ya ay alam ko naman na galit ang ibibigay n'ya sa akin. Isang inosenteng kamot-ulo ang binigay ko na para bang walang binulabo na hayop na naglalampungan. "I don't kasi ang restroom..." Tinignan ko si Angela na mapang-inis na tingin. "Alam mo ba?" tanong ko kay Nolie na seryosong nakatingin sa akin habang pinupunasan ang labi. Tinakpan ko ang labi ko para sa late reaction na magaganap. "Mayroon ba kayong ginagawa?" pang-iinis ko. Hinarap ako ni Angela, pero agad s'yang hinawakan ni Nolie para awatin. "I promised kuya I won't do anything about you, but don't reach my limit!" banta n'ya sa akin. "Umalis ka na," taboy ni Nolie sa akin. Ngumiti ako sa kanila dahil aalis na talaga ako, gusto ko lang mang-asar ngayon. Tumango ako sabay tawa ng mahina. "Oo nga pala, sa ibang side pala ang restroom. Nakalimutan ko kasi kaya nagtanong ako sa inyo." Lahat naman ng tawa na ginawa ko peke, ang ganda ko lang ang hindi. Tumalikod ako, pero kita ko ang pag-ikot ng 360 degrees nitong Angela. "May araw ka din sa akin," banta n'ya. Hindi pa ako naglalakad, pero nilingon ko si Angela sabay bigay ng isang ngiti na hindi n'ya gugustuhin makita pa ulit. "Wag mong hintayin na magkaaraw ka sa akin, dahil hindi mo gugustuhin," seryoso kong banat. Lalo s'yang nainis, pero hindi na ito makapalag dahil ayaw s'yang bitawan ng kasama n'ya. Alam n'yang lugi ang kasama n'ya pag ako ang nakaharap. Inirapan ko silang dalawa bago ako magsimula ulit maglakad papunta sa direksyon ng restroom. Ako pa ang tatakutin nila. Sa ganda ko pa lang wala ng paglag eh. Pagkatapos kong pumunta sa restroom para tignan ang maganda kong mukha na bawat araw na lumilipas ay lalong gumaganda, ay bumalik ako sa event na mukhang magsisimula na ang pagrampa ni Angela. Bumalik ako sa tabi ni Angelo na mayroong kausap na ibang bisita kaya nanatili akong tahimik habang nanunuod sa mga babaeng nagsisimula ng mag-model ng iba't ibang uri ng damit. This kind of event is not my type kaya buryo lang ang nararamdaman ko. Umiinom ako ng wine ng mayroong bumulupot sa bewang ko na kamay. Pagtingin ko sa kaliwa ko ay si Angelo na binigyan ako ng ngiti. "Bored?" bulong n'ya sa akin. Hindi ako sumagot at isang tunggaan lang ang ginawa ko sa wine na iniinom ko. S'ya lang naman ang namilit sa akin na sumama ako dito. Natapos ang event na wala akong ginawa kung hindi laitin ang bawat kilos ni Angela habang rumarampa ito. "Hello everyone!" masiglang bati ni Angela. Nasa gitna ito ng stage habang hawak ang mic. Nakuha n'ya lahat ng attention kasama na ako doon. "I'd like to thank everyone to came here, and to celebrate with us for our very successful project this year!" Gusto ko na lang matulog ngayon sa nakakairita n'yang boses. "Are you alright?" tanong ng kasama ko. Kanina pa ako umiinom ng wine, pero mahina lang naman ang tama noon kaya hindi pa ako lasing, pero nakakapanghina lang talaga ang kapatid n'ya. Kung rumampa akala mong tipaklong na tumatalon. "No," inis kong saad. Alam ko naman, at alam n'ya na mawawala ang mood ko dahil hindi kami magkasundo ng kapatid n'ya tapos sinama pa ako. "And hindi ko nagagawa ang lahat ng ito kung wala ang tulong ng boyfriend ko," masayang announce ni Angela. Inis akong tumingin sa mga tao ng magpalakpakan ang mga ito. Anong kapalakpak doon? Umakyat si Nolie sa stage para samahan ang tipaklong n'yang girlfriend. Parang gusto kong masuka sa kanilang dalawa. Matapos ang event ay nauna akong umalis palabas dahil hindi na talaga ako mapakali pa doon. Malalim na ang gabi at nakakaramdam na rin ako ng kaunting antok. Hinihintay ko si Angelo dito sa labas dahil ayoko ng makita ang kapatid n'ya. "Yosi?" Nabaling ang attention ko ng mayroong mag-alok ng yosi sa akin. Isang lalaking unfamiliar sa akin ang mukha. Tinignan ko ang kamay n'ya na inaalok sa akin ang isang yosi. "Hindi ako nagyoyosi," pagtanggi ko. Agad naman n'ya iyong binawi. Formal ang suot ng lalaki at naka-all black ito na mukhang galing din sa event. "Waiting for someone? Gusto mo bang ihatid na kita?" alok n'ya sa akin. Tinignan ko ang likuran ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw si Angelo, hinarap ko naman ang lalaking nag-alok sa akin ni hindi ko naman kilala kung sino. "Why?" seryoso kong tanong. Tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa na agad nitong ikinatawa. "I'm just being gentleman to the beautiful lady," mabulaklak nitong tugon. Bumuga ang usok sa bibig n'ya. Agad kong tinakpan ang ilong para sa usok ng sigarilyo. "Sorry." Agad na tinapon ang yosi. "Kaya kong umuwi mag-isa kaya salamat sa offer mo," pagtanggi ko. "Hindi ako masamang tao," pagklaro n'ya sa hindi ko naman iniisip na bagay. Ako naman ang natawa sa saad n'ya. "Wala akong sinabi na masamang tao ka," hayag ko. "Kanina pa kita tinitignan, and hindi pamilyar ang mukha mo," panimula nito sa totoong topic. "Mas'yado ba akong maganda para tignan mo?" nakangisi kong tanong. Muling lumabas ang mahinang tawa sa bibig n'ya dahil sa katotohanan ba sinabi ko. "Tama ka, kakaiba ang ganda mo kaya hindi ko maiwasan ang titigan," pagsang-ayon n'ya sa akin. Iniba ko ang tingin ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Buti na lang at sinabi n'ya iyon nakalimutan ko tuloy ang inis ko kay Angela at Nolie. "Kim!" tawag sa aking pangalan. Sabay kaming lumingon ng lalaki sa harapan sa boses na iyon. Tumaas ang kilay ko ng makita si Nolie na paparating sa pwesto ko. "Anong ginagawa mo dito?" irita kong tanong. "Ginugulo ka ba n'ya?" seryoso nitong tanong sa akin. Balak n'ya bang magpakagentelman sa akin? Mas mukha pa s'ya mayroong balak na masama kaysa sa lalaking kaharap ko. "Hi, you must be Nolie Carter, Angela's boyfriend, is it?" tanong nang lalaki. Inabot n'ya ang kamay kay Nolie, pero si Nolie ay tinignan lang iyon. Anong problema ang isang ito? Mukhang napahiya na ang kausap ko dahil isang awkward na ngiti ang binigay n'ya habang dahan-dahan ba binabawi ang kamay. Tinanggap ko ang kamay ng lalaki. "Kimberlynn," pagpapakilala ko. Nalipat ang tingin n'ya sa akin at napalitan ng maayos na ngiti ang labi n'ya. "Frank... Frank Santos," tugon nito. Huminga ako ng malalim sabay ngiti. "Mukhang magkikita naman tayo sa susunod na panahon. Hahanapin ko lang muna ang kasama ko," nakangiti kong paliwanag sabay kindat. "Bye!" Tumalikod na ako, pero bago ko simulan ang maglakad ay isang matinding irap ang binigay ko kay Nolie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD