PROLOGUE
-Kimberlynn-
HAHAWAKAN ko pa lang ang handle ng pinto ng kotse nang hinawak ni Nolie ang kamay ko para hindi makalabas.
Seryoso kong tinignan ang kamay ni Nolie na nakahawak sa kamay ko.
Ano bang sa tingin n'ya ang ginagawa n'ya.
"P'wede ba tayong mag-usap?" seryosong tanong ni Nolie.
Walang gana kong nilipat ang tingin ko kay Nolie; marahan kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya sa akin, at wala akong imik na lumabas sa loob ng kotse n'ya. Ito na ang huling pagsakay ko sa sasakyan n'ya at sana ay ito na rin ang huli naming pagkikita na dalawa. Magsisimula akong maglakad paalis, pero bigla s'yang bumaba rin sa kotse at hinarangan ang daan ko dahilan para mapahinto ako.
Hahawakan n'ya ako, pero agad akong umatras palayo sa kan'ya.Tumalikod ako sa kan'ya para sa kabilang way ako maglakad.
"Kim, please pakinggan mo muna ako," pigil ni Nolie sa akin.
Bigla s'yang sumulpot sa harapan ko. Pinikit ko ang mata ko dahil sa nagsisimula ng uminit ang ulo ko sa lalaking kaharap ko ngayon.
Walang gana kong tinignan sa mata si Nolie.
"Tapos na tayong mag-usap kanina, kung ano ang sinabi ko, iyon na iyon; kung hindi ka satisfied sa akin, I let you go… I'll set you free," walang gana kong paliwanag kay Nolie na nagpipigil ng emosyon ko.
Hindi ko kailangan ng paliwanag dahil lahat iyon ay nonesense sa akin, hindi ako tatanggap ng paligoyligoy lalo’t na nakita ko naman ang lahat, at alam kong gago s’ya.
"Hayaan mo muna akong magsalita," pangungulit ni Nolie sa akin.
Hinawakan n'ya ang kamay ko, at hinayaan ko s'ya.
"Kung hindi mo ako kilala, I won't accept excuses, stupid explanations," malamig kong sagot kay Nolie.
"Hindi ko alam ang nangyari—"
Bigla akong natawa at hinila ang kamay ko mula sa kan'ya. Isang parang nakakalokong tingin ang binigay ko kay Nolie.
"Hindi mo alam dahil?" tanong ko kay Nolie.
Tumaas ang kilay ko sa kan'ya bago ko sabihin ang salitang, "Dahil lasing ka?" tanong ko sa kan'ya.
Pinilit kong maging kalmado sa harapan n'ya. "Ilang beses na bang nagamit ang salitang iyan?" taka kong tanong kay Nolie.
"Nagising na lang ako—"
Tinapat ko ang kamay ko sa harapan ng mukha n'ya para patigilin s'ya sa kalokohan n'ya.
"Ginawa mo na, nangyari na, tapos na, ano pang saysay ng pagpapaliwanag mo kung niloko mo naman na ako?" seryoso kong tanong kay Nolie.
Bigla s'yang naging tahimik. Hindi ko magawang ngumiti ngayon at laruin ang kausap ko dahil ano mang oras ay baka hindi ko inaasahan na maging mahina ako sa harapan n'ya at bumagsak ang tubig sa mata ko.
"Sorry, kung nasaktan kit—"
"Ano bang ganap ng salitang sorry?" muling kong putol kay Nolie.
Umayos ako ng tayo at tinignan ng diretso sa mata si Nolie. "Binalik n'ya ba ang oras para ayusin ang mga naganap?" taka kong tanong kay Nolie.
Hindi nakapagsalita si Nolie sa sinabi ko.
"Fvck all girl you want to, your bird can fly freely!" huli kong sabi kay Nolie.
Tumalikod ako sa kan'ya at nagsimula akong maglakad palayo. Pinagdikit ko ang ngipin ko para pigilan ang emosyon ko, niyukom ko ang kamao dahil sa galit.
Gusto kong sumabog ngayon, pero hindi ito ang personalidad ko. Kung ayaw sa akin, edi wag. Hindi ko iiyakan ang isang lalaki. I'll fvck whoever I want, I'm free.
Nagsimula akong maglakad papunta sa kalsada. Madilim na ang pagilid at marami pa rin ang dumadaan na kotse sa kalsada. Pumunta ako sa bus stop na walang tao at pundido ang ilaw. Agad akong umupo doon, at kasabay ng pag-upo ko ay ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.
Unang lalaking minahal ko, pero niloko lang ako. I won't forgive him, I'll let him realized what he had been done to me.
Tinaas ko ang dalawa kong paa at sinimulan kong yakapin ang dalawa kong tuhod habang umiiyak sa gitna ng dilim.
Buti na lang at madilim ang paligid dahil ayokong mayroon makakita sa akin na umiiyak dahil lang sa isang gagong lalaki.