-Kimberlynn-
HINAWAKAN ko ang likod ng madama ko ang sakit ng aking likod, at ngalay ng aking dalawang kamay. Lugk yata ako sa lugar na ito dahil sa nakapa-busy ng lugar.
Sinulyapan ko ng tingin si Angelo na busy sa hawak nitong papel. Puno ang office table n'ya na makikita talaga doon kung gaano ka-busy ang tao sa harapan ko ngayon.
Alasingko na ng gabi kaya kailangan ka ng umuwi para magkapagpahinga muna, dahil pagod na ako ngayon.
Kusang ngumiti ang labi ko ng mayroong nilabas na isang bulaklak na pula si Angelo, at inangat n'ya iyon sa ere na hindi man lang inaalis ang tingin sa papel na hawak n'ya.
Last time na binigyan n'ya ako ng bulaklak ay wala akong balak na tanggapin dahil basura lang para sa akin iyon, pero ngayon ay gusto kong mainis, pero natawa na lang ako.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko nang binaling ni Angelo ang tingin n'ya sa akin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa p'westo n'ya.
"May hawak ka na naman na basura," nakangiti kong banat sa kan'ya.
"This beautiful flower is match with beautiful lady," nakangiti n'yang puri sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng kilig dahil narinig ko na naman ang salitang definition ng mukha ko, ang beautiful. Tinuro ko ang sarili ko dahil ang salitang iyon ay match sa mukha ko.
Kinuha ko ang bulaklak sa pagkakahawak n'ya at inamoy ko iyon sa harapan n'ya.
"Kaya tayo na babalita na nilalandi kita eh," biro ko kay Angelo.
Napataas ang dalawa n'yang makapal na kilay sa sinabi ko.
"Balita? Where?" taka n'yang tanong.
Kung sa sabihin ko ay baka mayroong mawalan ng trabaho bukas na bukas kaya wag na lang. Pasalamat na lang muna sila dahil good mood ako ngayon.
Binaba ko ang hawak kong bulaklak at mapang-akit kong tinignan si Angelo. Lalo akong lumapit sa kan'ya at umupo sa lap n'ya sabay palupot ng braso ko sa leeg nito.
Hindi naman siguro p'wede na si Nolie ay nagsasaya na tapos ako ay patuloy na naiinis sa kan'ya.
Balak na akong halikan ni Nolie kaya bahagya akong natawa. Tinakpan ko ng palad ko ang bibig ko para hindi n'ya matuklaw.
"Mayroon na bang nagsabi sa 'yo na gwapo ka?" mahinahon kong tanong.
"Marami."
Tinawanan ko ng malakas ang sagot n'ya. Pero ang mukha ng aking boss ay taka na nakatingin sa akin sa ginawa ko. Isang mabilis na halik sa labi n'ya ang binigay ko Angelo na hindi n'ya inasahan.
Agad akong tumayo dahil papalagan n'ya na ako. Kailangan ko bg palitan si Nolie, at kailangan ko na rin naman sumaya na.
Tinalikuran ko si Angelo sabay lakad papunta sa desk ko para ayusin ang gamit ko.
"Payag akong ligawan mo ako," iwan kong salita sabay kindat kay Angelo bago ako naglakad palabas.
"You're mine!" rinig kong sigaw ni Angelo.
Smirk lang ang nagawa ko bago ako tuluyan makalabas. Akala n'ya yata ay makukuha n'ya ako gaya kung paano ako nakuha ni Nolie. Isang maling desisyon dahil maghihirap ang lahat.
Paglabas ko ng building ay magdidilim na. Ramdam ang pagod, pero hindi ko pa gustong umuwi ngayon. Pumara ako ng taxi para pumunta sa isang lugar na mawawala ang pagod ko. Mayroon na akong pera para gumimit kaya tuloy ang saya.
Nakatayo na ako ngayon sa harapan ng isang masayang lugar. Wala pa ako sa loob, pero ang paa ko ay gusto ng umindak dahil sa mahinang tugtog ang naririnig ko sa labas.
Pumasok ako sa loob ng isang exclusive bar ay sa counter agad ang punto ko para bumili ng alak. Hindi ko kailangan ng kasama para sumaya.
Halos kalahating oras na akong umiinom ng bigla kong nagustuhan ang tugtog. Agad akong tumayo para pumunta sa maingay, at masayang dance floor.
"Party people!" sigaw ko sa maingay na lugar.
Kahit anong galaw ay ginawa at sinayawan ko lahat ng mga taong nilalagpasan ko hanggang sa mapunta ako sa gitna. Ang galaw na ito ay na-miss ko ng todo, nakakapagpabigay gaan sa loob ko sa nakakapagod na maghapon. Hindi pa ako lasing, pero ramdam ko na ang apekto ng alak sa katawan ko. Kung anu-anong galaw na ang nagawa ko, pero saglit akong natigilan ng makita ko si Angelo sa entrance na pumasok.
"Akala ko ba ay busy s'ya?"
Nilagay ko sa side ang iba kong buhok para hindi n'ya mahalata. Ngayon pa lang ako nagsisimulang sumaya, pero nandito na s'ya.
Napatalikod ako ng bumaling ang tingin n'ya sa direction ko. Napapikit ako sa inis dahil paano ako magsasaya kung nandito s'ya. Alam n'yang may pasok ako bukas kaya hindi dapat ako nandito.
Huminga ako ng malalim at nagsimula ng maglakad paalis.
"Lilipat na lang ako— aray!" daing ko ng mayroong bumangga sa akin.
Pagtingin ko kung sino. Ang stress ko simula noong isang linggo ay bumalik sa katawan ko ng makita ko ang kapatid ni Angelo.
"Don't block my way!" Nakakuha ako ng matinding pag-irap mula sa kan'ya at tuluyan itong pumasok sa loob.
"Excuse me."
Napaharap naman ako ng mayroong magsalita sa likuran ko. Natawa ako ng makita ko si Nolie na seryosong nakatingin sa akin.
Malamang nandito ang bobo n'yang girlfriend kaya nandito rin ang gagong boyfriend.
"Pagsabihan mo iyan girlfriend mo, baka ilampaso ko sa harapan mo iyan!" inis kong banta. Buong lakas kong binangga ang balikat n'ya at masama ang tingin ko para dama.
Diretso lang ang tingin ko hanggang sa tuluyan akong nakalabas at agad akong napahawak sa balikat ko dahil ang sakit noon. "Ang tingas ng balikat n'ya," reklamo ko.
Dati kasi kaya ko, mayroon pa lang nagbago sa kan'ya. Masama na naman ang loob kong uuwi. Mukhang magkikita sila para magsaya. Naglakad-lakad muna ako dito sa gilid ng klasada habang walang nakikita na taxi na masasakyan.
Minsan nagsisisi ako kung bakit iniwan ko ang buhay ko kasama si Axton. Doon ako siga at ako ang nang uutos, pero ngayon ay kairita na.
"Kim?!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at isang lalaking mukhang pamilyar ang nakalabas sa kotse n'ya, nakabukas ang pinto na halatang kakalabas lang nito.
"Sabi na ikaw si Kim," nakangiti nitong saad.
Taas-kilay kong tinignan ang lalaki dahil hindi ko maalala kung sino ba s'ya o saan kami nagkita.
Naka-park ang itim na kotse n'ya sa gilid ng klasada, at naka-semi formal ang suot n'ya na naglalakad palapit sa akin.
Hindi malabo ang mata ko, pero hindi ko talaga s'ya makilala ngayon.
"Frank remember?" pagpapakilala n'ya sa akin.
Malabo pa rin sa akin ang pangalan n'ya, at iniisip kung saang lumapalop ng lupa s'ya nakita.
"Sa event ni Angela."
Nag-sink in agad sa utak ko ang pagpapaalala n'ya sa akin kaya napatango ako bigla nang matandaan ko na.
"Ikaw pala. What are you doing here?" taka kong tanong.
In-offer n'ya ang kamay n'ya sa akin kaya agad ko naman iyong tinaggap.
"Pupunta ako sa bar. Wanna join?" aya n'ya sa akin.
Agad akong umiling sa kan'ya. Kaalis ko lang doon kaya 'di na ako babalik, uuwi na lang ako kaysa makita ko ang mga ugok doon.
"Mas'yadong maingay doon," pagtanggi ko.
Tumango s'ya sa akin.
"Mas okay pang uminom sa gilid ng kalsada," pabiro kong hirada.
Kita sa itsura n'ya na mayaman ito at hindi papayag na makainom sa kalsada.
"I go for it," tanggap nito.
Napataas ang kilay ko dahil sa sagot n'ya. Akala ko ay tatanggi s'ya, pero nakakaramdam na ako ng sakit ng ulo kaya mukhang next time na lang, saka hindi ko pa s'ya kilala ng ayos.
"Maybe next time na lang." Inangat ko ang hawak kong phone at pinakita ang oras sa kan'ya. "I have work tomorrow," pagtanggi ko.
Siguro ay valid na iyon para tanggihan s'ya.
Tunignan n'ya ako sa mata ko sabay ngiti sa akin. Natawa ako bigla dahil alam ko na ang mga ganitong ngiti.
"Can I get your number?" tanong nito.
Kinuha ko ang phone n'ya at ako na mismo ang naglagay ng number ko sa phone n'ya.
"See yah!" paalam ko.
Tinalikuran ko na s'ya at nagsimula akong maglakad paalis.