-Kimberlynn-
"KIM," tawag sa akin ni Angelo.
Agad akong tumayo para lapitan ang busy na si Angelo.
"Yes?" tanong ko.
Umangat ang tingin nito sa akin habang mayroong inaayos na papel. Pinapanuod ko s'yang ilagay sa brown envelope ang mga documents.
Mukhang papapuntahin na naman n'ya ako sa ibang mga office nito. Ilang minuto na lang out ko na eh.
"I can't sent it to Mr. Nolie Carter. Can you give it to him and tell him to sign all documents in there," utos n'ya sa akin.
Inabot ni Angelo ang envelope sa akin.
"Nolie Carter?" tanong ko kay Angelo.
Tumango si Angelo sa akin bilang sagot.
"Oh I forgot. Hindi mo nga pala alam ang bahay n'ya." Kumuha ng papel si Angelo para isulat ang address ng bahay ni Nolie.
Seryoso ba s'ya? Ako? Ako ang pupunta sa bahay ng ugok na iyon para pamirmahin ang documents na ito.
"Importante ba ito?" tanong ko kay Angelo.
"Yes, kailangan ko na rin tomorrow kaya wait mo na ring mapirmahan ni Mr. Carter," sagot ni Angelo sa akin.
Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Angelo. Wala kasing alam si Angelo sa amin kaya nangyayari ito.
Kung sabihin ko na kaya? Wag na. Bakit ko ba prono-problema ang lalaking iyon.
Pirma tapos alis na ako. Dali-dali ng buhay pinapahirap ko.
"After n'yang mapirmahan. You can go home. Don't worry about me, si R-jay na lang ang makakasama ko dito," saad pa ni Angelo.
Tinignan ko si Angelo na todo ngiti sa akin.
"Talagang uuwi na ako. Dapat nga overtime na ito dahil off na ako utos ka pa ng utos," reklamo ko kay Angelo.
Kinuha ko ang papel kung saan nakasulat ang address ng mokong, pero hindi n'ya pinakawalan ang kamay ko.
"I'm sorry. Babawi ako sa 'yo next time. I will treat you a dinner next time," saad ni Angelo.
Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak n'ya.
"Dapat lang," sagot ko.
Tumalikod na ako para umalis sa office. Habang nasa loob ako ng elevator ay tinignan ko ang address ni Angelo.
"Dulo yata ito ng mundo," singhal ko.
Ako lang naman ang nasa loob ng elevator kaya kahit magtambling ako ay okay lang.
Paglabas ko sa building ay napabuntong hininga na lang ako. Tinignan ko ang mataas na langin na magdidilim na.
"Mukhang uulan pa yata," tamad kong saad.
Tinignan ko ulit ang address ni Nolie.
Hanggang kailan ko ba makikita ang lalaking ito. Bakit kasi hindi pa s'ya kuhanin ni Lord para wala na akong problema.
Wala naman akong magagawa kung hindi ang kuhanin ang pirma n'ya.
Pumara ako ng taxi. Sa loob ng taxi ay bagot na bagot na ako. Iniisip ko pa lang na makikita ko ang mukha ng lalaking iyon ay napipikon na ako.
Ilang minuto lang ay biglang tumulo ang ulan.
"Anak ng! Kanina pa ako nasa office bakit hindi umuulan kung kailangan mayroon akong pupuntahan!" inis kong reklamo.
Malapit pa naman na ako sa pupuntahan ko.
"Dito na lang po ako, Kuya," para ko.
Huminto ang taxi kaya agad na akong bumaba. Napatakbo ako sa silong para kuhanin ang papel na nakasulat ang address ni Nolie.
Nasa lugar na ako, pero hindi ko matandaan ang number ng bahay.
Kukuhanin ko sa bulsa ko iyon, pero kumunot ang noo ko ng wala akong makapa sa suot kong pants.
"Swerte ko naman talaga!" inis kong sigaw.
Tinignan ko ang paligid na halos ay walang dumadaan na sasakyan. Mukhang private property ang lugar at magkakalayo pa ang pagitan ng bahay. Hindi s'ya subdivision, pero mukhang ganoon na rin.
Hindi magkakamukha ang bahay, pero hindi ko naman alam kung alin dito.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Angelo. Itatanong ko na lang sa kan'ya kaysa ma-stress pa ako dito.
Malakas ang pagpatak ng ulan at medyo madilim na rin. Ang suot kong two inches heels ay basang-basa na dahil sa pagtalsik ng tubig ulan.
Ang hawak kong envelope ay todo protekta ako na hindi mabasa.
"Bakit ayaw n'yang sagutin?!" irita kong tanong.
Inulit ko ang tawag, pero wala talagang sumasagot.
"Nakadikit ba ang malas sa akin ngayon?" taka kong tanong.
Napansin ko ang kaunting paghina ng ulan kaya ang envelope ay pinasok ko sa loob ng damit ko para simulan na hanapin ang bahay ni Nolie.
Tumatakbo ako sa gitna ng ulan habang tinitignan ko ang bawat bahay na nakikita ko.
Lalong lumalakas ang ulan, pero malayo na ako sa silong na pinagmulan ko.
Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap hanggang sa makita ko ang pamilyar na kotse.
"Here I am," nanginginig ang boses ko sa lamig na saad.
Nagmadali akong tumakbo papunta sa two story house. Simple lang, pero mukhang elegante ang dating ng bahay ni Nolie.
Asensado na talaga ang gago.
Chineck ko muna ang kotse kung kay Nolie ba talaga, at hindi naman ako nagkamali. Paghinto ko sa tapat ng pinto ay tinignan ko ang basang-basa kong katawan.
Hinugot ko ang envelope sa loob ng suot ko at basa na rin iyon. Tinignan ko ang loob ng envelope at medyo kumalma ako ng makitang okay pa naman ang laman noon.
Kakatok na dapat ako, pero ng maalala ko na bahay ni Nolie ito ay tinignan ko ang doorknob. Hinawakan at pinihit ko iyon ng walang paalam. Hindi naman iyon nala-lock kaya binuksan ko ang pinto.
Napangisi ako ng maabutan ko si Nolie na nasa living area habang nanunuod ng balita.
Napabalikwas s'ya sa pagbukas ko ng pinto.
"Buti wala babae," bungad ko sa kan'ya.
Inis kong pinagpagan ang sarili ko, pero hindi naman iyon matutuyo.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Nolie sa akin.
Napatingin ako sa katawan n'yang naka-topless. Maslalo ngang gumanda ang katawan n'ya simula ng mawala ako.
Napapikit ako ng lumakas ang kulog at kidlat. Hindi ako natatakot o ano, pero inis lang ang nararamdaman ko.
Dinilat ko ang mata ko at tinaas ang hawak kong envelope.
"You need to sign all these," seryoso kong sagot kay Nolie.
Naglakad ako palapit sa kan'ya at nilatag ang envelope sa tea table n'ya. Nakatitig si Nolie sa akin, pero normal na lang sa akin ang titig nito.
Nilibot ko ang tingin sa bahay ni Nolie. Sapat na para sa nag-iisang tao.
"Hindi ka ba sanay kumatok ng pinto?" tanong n'ya sa akin.
Natawa ako ng kaunti ng tinatakpan n'ya ang katawan nito ng unan.
Ano bang itatago n'ya sa akin? Lahat na nakita ko sa kan'ya.
"Bakit natatakot ka bang mahuli? Na mayroon akong makita na iba dito?" tanong ko sa kan'ya.
Umupo si Nolie sa sofa at kinuha ang brown envelope para i-check ang laman noon.
"Ako na ang magbibigay kay Angelo nito," saad n'ya sa akin.
Halatang guilty. Nalipat ang tingin ko sa basa kong suot at tumutulo ang patak ng tubig mula sa suot ko sa madulas na floor ni Nolie.
Agad kong hinubad ang suot kong blouse at pants sa mismong harapan ni Nolie.
"K-kim, a-anong ginagawa mo?!"
Tinignan ko si Nolie na biglang umiwas ng tingin sa akin. Naiilang ba s'ya? Dapat lang na mailang s'ya.
Naka-underwear na lang ako at kitang-kita ang ka-sexy-han ko.
Umupo ako sa sofa. "Kailangan ko rin iyan kaya pirmahan mo na," seryoso kong saad.
Ang pants at blouse ko ay inabot ko kay Nolie. "Dryer mo," utos ko sa kan'ya.
Sa tingin ba n'ya ay mayroon akong pakialam kung ano ang posisyon n'ya.
Nag-indian seat ako habang pinapanuod ang balita.
"Bakit ngayon lang nilang binalita na mayroong bagyo?!" reklamo ko.
Inabot ni Nolie ang damit ko at umalis muna s'ya. Ilang minuto lang ay bumalik si Nolie na mayroong dala na kape, jogging pants and shirt.
"Bakit hindi ka nagdala ng payong?" tanong nito sa akin.
Umupo s'ya sa tabi ko na mayroon ng suot na sando.
"Kung alam ko lang na uulan, pupunta ba ako dito?!" inis kong tanong sa kan'ya.
Wala naman s'yang ginagawa, pero nakakapikon ang mukha n'ya.
Nanatili na s'yang tahimik habang pareho ang mata namin ay nakatingin sa malaking T.V sa harapan namin.
Kinuha ko ang kape na tinimpla n'ya sa akin para inumin iyon.
"Pirmahan mo na iyan para makaalis na ako!" utos ko kay Nolie.
"Malakas pa ang ulan," sagot nito sa akin.
Tinignan ko ang bintana n'ya na malakas na ang ulan. Napangisi ako ng mayroon akong maalala noong umuulan.
Tinignan ko ang gwapong mukha ng ex ko. "Bakit kaya hindi alak ang ilabas mo at hindi kape?" hamon ko kay Nolie.
Napatingin s'ya sa akin bigla.
"Wag mong pagnasahan ang katawan ko," biro ko sa kan'ya.
Halata ko naman na pasimpleng silip ang ginagawa n'ya.
"Masmaganda ang katawan ni Angela," banat nito sa akin.
Ang malamig kong dugo ay biglang uminit dahil sa sagot ni Nolie.
"Dahil s'ya ngayon ang nakukuha mo?" tanong ko naman kay Nolie.
Binaba ko ang hawak kong baso at tumayo ako para harapin si Nolie. Umupo ako sa harapan n'ya na hindi man lang pumalag sa akin.
Underwear lang ako, pero si Nolie ay pinipilit na kumalma.
Pinalupot ko ang braso ko sa leeg n'ya. Hinawakan ni Nolie ang braso ko para alisin iyon, pero hindi ko s'ya hinayaan.
"Do you remember the day we spent our precious time together?" bulong ko sa kan'ya.
I am not trying to seduce him, I am here to test him.
"Kim," tawag n'ya sa akin.
Tinignan ko ng diretso si Nolie sa mata n'ya at bumaba ang tingin ko.
"Ilan na ba ang napasukan n'yan?" nakangisi kong tanong sa kan'ya.
Biglang ngumisi si Nolie kaya nagtaka ako, pero hindi ko iyon pinahalata sa kan'ya.
"Akala ko ba ay wala ka ng pakialam?" tanong nito sa akin.
"Tinatanong ko lang, pero wala akong pakialam," depensa ko.
Mahinang tawa ang pinakawalan n'ya sa akin.
"Kung wala kang pakialam, bakit ka nagtatanong?" tanong pa nito.
Niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kan'ya at balak ko ng umalis sa pagkakaupo kay Nolie, pero bigla n'ya akong hinila pabalik sa kan'ya.
Hinawakan ni Nolie ang likod ko para hindi makawala sa kan'ya.
"Siguro ay mahal mo pa rin ako," matapang nitong saad.
Natawa naman ako ng mahina dahil sa binitawan n'yang salita sa akin. Hinawakan ko ang pisnge ni Nolie at pinagdikit ko ang noo naming dalawa halos ramdam na namin ang isa't isa.
Malamig ang panahon kaya maganda ang magpainit sa ganitong temperatura.
"Siguro ay mahal mo pa rin ako," balik ko sa kan'ya.
Seryoso kong tinignan si Nolie. Bumaba ang kamay ko hanggang sa maabot ang dulo ng sando n'ya at hinubad iyon sa kan'ya.
Ang lalaking nasa harapan ko ay hindi man lang pumapalag sa ginagawa ko.
"Bakit hindi natin gawin, as a friend?" mapang-akit kong hamon kay Nolie.
Hinawakan ko ang dalawa nitong pisnge at isang mabilis na halik ang binigay ko kay Nolie.
"Ayoko ng as a friend," seryosong sagot ni Nolie sa akin.
"Ano ang gusto mo?" tanong ko kay Nolie.
Napatingin ako sa suot kong bra na in-unhook ni Nolie, pero hindi pa rin nawawala sa pagkakatakip sa akin.
"Gaya ng dati," sagot n'ya sa akin.
Hinawakan nito ang pisnge ko at sinimulan na halikan. Iba pala ang gusto n'ya.
Iniwas ko ang mukha ko sa kan'ya para tanggalin ang pagkakahalik nito sa akin na humahabol pa ang gago.
"Tinutukoy ko na gawin natin ay uminom ng as a friend, pero iba yata ang iniisip mo," nakangisi kong paliwanag kay Nolie.
Hindi maipinta ang mukha nitong tumingin sa akin.
Umalis ako sa harapan n'ya at inayos ang suot kong bra.
"Next time linawin mo kung iyon pala ang gusto mo," natatawa kong saad sa kan'ya.
Umupo ako ng ayos sa sofa at kinuha ang kape ko para ipagpatuloy ang pag-inom noon.
"Pirmahan mo na iyan para makaalis na ako," seryoso kong utos kay Nolie.
Diretso na lang ang tingin ko kahit na si Nolie ay nakatitig pa rin sa akin.
"Ayoko na sa 'yo kaya wag ka ng umasa na babalik pa ang lahat," paglilinaw ko kay Nolie.
Pagkasabi ko noon ay kinuha n'ya ang brown envelope at pinirmahan na n'ya lahat ang kailangan n'yang pirmahan.