-Kimberlynn-
HAWAK-HAWAK ni Angelo ang kamay kong hinihila palayo sa maingay na lugar na iyon.
Umiinit talaga ang dugo ko sa bwisit na lalaking iyon. Pinaypayan ko ang mukha ko dahil sa nakakaramdam na ako ng init kahit na nasa labas na kami. Tinignan ko ang paligid ay sobrang dilim na, nasa gilid kami ng kalsada ni Angelo. Konti na ang dumadaan na sasakyan dahil malalim na rin ang gabi.
Malalim na ang gabi, pero pinapainit pa ng lalaking iyon ang ulo ko.
Nalipat ang tingin ko kay Angelo nang huminto ito sa paglalakad at tinanggal ang pagkakahawak sa kamay ko.
Napataas ang kilay ko at walang idea na tumingin sa namumulang lalaki na ito dahil parang sira ulong tumatawa mag-isa. Tinignan ko pa ang paligid ko para hanapin kung ano ang nakakatawa, pero bukod sa hangin ay wala na kaming ibang kasama dito. Ang mahina n'yang tawa ay biglang lumakas.
"Sira ulo ka ba?" taka kong tanong sa kan'ya.
Bukod sa alak ay namumula na rin ito dahil sa kakatawa n'ya. Umupo si Angelo sa gater habang patuloy sa paghalakhak nitong lalaki na para bang lumuwag ang turnilyo sa utak n’ya.
Mukhang lasing na nga s'ya, pero ang usapan namin ay kung sino ang unang babagsak.
Naglakad ako palapit kay Angelo at umupo sa tabi n'ya. Ang isang nakasuot ng business suit na lalaki ay nakaupo sa gilid ng kalsada habang ang mata ay nakatingin sa maalikabok na kalsada.
Hindi ko naman alam kung bakit s'ya masaya.
"Unang kita pa lang natin ay alam ko ng mayroon kakaiba sa 'yo," natatawa nitong saad sa akin pagkaupo ko sa tabi n'ya.
"Iba talaga ang ganda ko," banat ko.
Sinuot ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko. Mababa lang ang inuupuan namin kaya ang tuhod ko ay medyo nakabend, pinatong ko ang dalawa kong braso sa tuhod ko habang ang mata ko sa nasa daan. Pansin ko sa peripheral vision ko na binigyan ako ng tingin ni Angelo.
"Hindi ka ba natatakot sa lalaking pinagsalitaan mo?" tanong ni Angelo sa akin.
Ako naman ang tumawa sa tanong n'ya sa akin. Ayoko lang na sabihin kung ano ang nakaraan namin ng ugok na iyon, pero baka gulpihin ko pa ang lalaking iyon sa harapan n'ya.
"Dati akong killer, hindi ba? Bakit naman ako matatakot sa ugok na iyon?" seryoso ko ng tanong kay Angelo.
"Tahimik lang iyon, pero kwento ni Angela sa akin ay hindi mo gugustuhin na magalit," kwento ni Angelo.
Pinatong ko ang kaliwa kong kamay sa balikat ni Angelo para akbayan s'ya. "Wag n'yang hilingin na ako ang mag-init sa kan'ya," seryoso kong saad kay Angelo.
Ang kanan kong kamay ay ginawa kong hugis baril at tinapat sa lalaking kasama ko.
Tumawa s'ya ng konti sa akin dahil doon.
Tinapik ko ang balikat n'ya sabay tayo sa kinauupuan ko.
"Mukhang lasing ka na. Iuuwi na kita," aya ko kay Angelo.
Hindi pa malakas ang tama ng alak sa akin, at kaya ko pa naman magmaneho ng kotse. Mga ganitong bagay ay basic lang sa akin.
Hinintay kong tumayo ang mukhang may tamang si Angelo.
Nilahad ko ang kamay ko sa harapan n'ya para tulungan itong tumayo at hindi naman tinanggihan ni Angelo. Kapal naman ng mukha n'ya para tanggihan ang kagandahan ko.
Pagkatayo ni Angelo ay sabay kaming naglakad papunta sa kotse n'ya. Nasa akin ang susi kaya malamang ay ako ng magmamaneho.
Pumasok ako sa driver seat at si Angelo ay nasa passenger seat. Pinasok ko ang susi sa kotse, pero bago ko paandarin ay nilipat ko ang tingin ko kay Angelo.
Nakatitig ito sa kawalan na mukhang binabalot na ng alak na ininom n'ya. Tinignan ko ang katawan nito na walang suot na seatbelt.
Inabot ko ang seatbelt sa gilid nito. Nawalan ako ng balanse ng ipatong ni Angelo ang mabigat n'yang kamay sa likuran ko kaya bumagsak ako sa katawan n'ya.
Taka kong tinignan si Angelo na seryosong nakatingin sa akin.
"I like the strong one," mahina nitong saad, pero bakas na bakas sa boses n'ya ang alak na ininom n'ya.
Amoy ko rin ang alak na ininom namin kanina.
Balak ko ng umalis, pero ang kamay n'yang nakalagay sa likuran ko ay dahan-dahan na umaangat papunta sa batok ko hanggang sa huminto iyon sa likuran ng ulo ko.
Tinignan ko si Angelo sa mata n'ya na seryosong nakatingin sa akin. Sobrang lapit na namin sa isa't isa na halos nararamdaman na namin ang bawat paghinga ng bawat isa.
Nanlaki ang mata ko ng bigla akong halikan ni Angelo sa labi ko. Hindi ako makagalaw sa p'westo. Nagsimulang igalaw ni Angelo ang labi n'ya sa labi ko kaya agad kong inangat ang ulo ko para paghiwalayin ang labi namin.
Si Angelo ay inaantok na tumingin sa akin sabay ngiti na halatang may kalokohan na ginawa.
Agad kong pinitik ang noo n'ya.
Mabilis na nag-react ang katawan n'ya, hinawakan ni Angelo ang noo na pinikit ko at isang mahinang pagdaing ang narinig ko.
"Wag kang mas'yadong fast. Boss kita empleyado mo ako," paliwanag ko kay Angelo.
Inabot ko ang seatbeat at kinabit sa lalaking ito.
"There's any problem with that?" tanong ni Angelo sa akin.
Umayos ako ng upo sa driver seat. Busy ang attention ko sa pagbukas ng makina nitong kotse habang mayroong namuong ngiti sa labi.
"Yes," sagot ko agad.
"Ano naman iyon? Mayroon bang magagalit?"
Single ako kaya paanong mayroong magagalit?
"Basta, wag mo munang alamin," sagot ko sa kan'ya.
Nalipat ang tingin ko sa daan. Napa-smirk ako ng makita ko si Nolie na nakatayo habang nakatingin sa akin. Nagsisisi na ba s'ya dahil sa ginawa n'ya sa akin? Dapat lang, pero ako ay magsasaya ako dahil hawak ko ang buhay ko.
Kasama n'ya 'yung mga lalaking babaero na kagaya n'ya. Tama lang na magsama-sama silang magkakauri ng hayop.
Pinaandar ko ang kotse at balak ko sanang sagasaan si Nolie, pero mayroong makakakita kaya wag na lang muna. Bawi na lang ako next time. Mabilis kong pinapatakbo ang kotse ni Angelo para maiuwi ko na ito. Sinipat ko si Angelo na natutulog na sa gilid ko.
Wala ng traffic sa daan kaya mabilis akong nakarating sa bahay n’ya. Hindi ito ang inaasahan kong bahay n'ya.
Bumaba ako sa kotse at tumayo sa front ng mataas na building, tumingala ako sa nakakalulang building na ito.
Madilim na ang paligid, pero puno ng bukas na ilaw ang bawat bintana ng bawat kwarto ng building.
Naglakad ako papunta kay Angelo para kuhanin s'ya.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at tumambad sa akin ang lasing na kasama ko.
"Pasalamat ka at mabait ako kung hindi ay iiwan talaga kita sa gilid ng kalsada," ismid ko.
Tinanggal ko ang seatbelt n'ya at nilagay sa balikat ko ang kanan nitong braso para maalalayan ko makapasok sa loob ng unit n'ya.
Hindi naman na ako nahirapan kay Angelo dahil sa sanay na ako sa ganito. Tinanong ko kay R-jay kung saan nakatira si Angelo kaya ko nalaman ang lugar.
Mayroon kaming nakasabay sa elevator, pero dahil nasa third floor lang naman ang unit ni Angelo ay saglit lang na umangat iyon.
Pagewang-gewang si Angelo kaya nahihirapan na akong maglakad sa kan'ya. Wala sanang problema sa bigat n'ya, pero kung pasakit lang s'ya sa buhay ko ay wag na lang.
Tumigil ako sa paglalakad ko, tinignan ko ang room number ng pinto na sabi ni R-jay sa akin, s'ya 'yung lalaking bodyguard ni Angelo.
Hinawakan ko ang doorknob, pero naka-lock ang pinto.
Palalim na ng palalim ang gabi kaya nahihilo na rin ako sa antok, pero ang boss ko ay nagiging kargo ko pa ngayon.
Dahan-dahan kong inupo sa floor si Angelo at sinandal ang likuran sa pinto.
Kinapa ko ang suot ni Angelo para hanapin ang susi. Lahat ng bulsa ay na hawakan ko na, pero walang susi doon.
"Usapan naman namin ay sa gilid ng kalsada ko s'ya iiwan, pero mabait naman ako kaya sa tapat na lang ng unit ko ikaw iiwan," sabi ko sa walang malay na lalaki.
Tumayo na ako at inayos ang suot kong damit pati na rin ang buhok ko, pawis na pawis na rin at ang lagkit lang ngayon ang nararamdaman ko.
"Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo. Ayokong ma-stress ang beauty ko sa 'yo," paalam ko sa boss ko.
Baka bukas ay wala na akong trabaho, pero okay lang kaysa naman mapikon ako kakahanap ng susi n'ya.
Bumaba na ako sa building at naglakad palabas. Paglabas ko ay sinalubong ako ng malakas na hangin na tumatama sa init na init kong katawan. Wala naman akong sasakyan kaya wala akong choice kung hindi ang mag commute. Pumara ako ng electronic jeep para doon ako sumakay.
Sa bandang bintana ako umupo para makita ang paligid ko. Para lang itong mini bus, pero ang seat ko ay pang-isahan lang talaga.
Tinukod ko ang siko sa bintana at pinatong ko ang ulo ko sa palad ko habang ang mata ko at abala na nakatingin sa labas.
Gusto ko ng bumalik sa normal na ako, pero bakit nahihirapan akong ibalik? Pinikit ko ang ulo ko ng maramdaman ko ang pagsakit noon. Hindi naman ako ang nagloko, pero parang ako ang miserable ngayon sa aming dalawa.
Para akong baliw na napangiti ng maalala ko ng halikan ako ni Angelo. Wala bang ibang lugar? Ang pangit naman kasi kung lagi na lang sa kotse nangyayari ang lahat.
"Kuya, paupuin mo naman 'yung matanda."
"Kanina pa ako nakaupo dito!" galit na tugon.
Dinilat ko ang mata ko para tignan ang ingay na iyon.
Pumikit lang ako saglit, pero puno na pala ang electronic jeep na nagsakyan ko ngayon.
Mayroong ilang nakatayo na lang kasama na rin ang maingay na naririnig ko.
"Apo, hayaan mo na kaya ko naman."
Nasa likuran ang lalaki at 'yung matanda.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. "Lola, dito ka na umupo," offer ko.
Lahat na naman ng mata ay napunta sa akin. Medyo matanda na nga si Lola, pero mayroong gagong hindi nakakaintindi.
Hinintay kong makaupo si Lola sa pwesto ko.
"Salamat po, Miss," nakangiting saad ng apo ni Lola.
Ngiti lang ang binigay ko sa kan'ya.
"Ang bait mo naman, Ija," puri ni Lola sa akin.
Natawa naman ako ng mahina sa sinabi ni Lola sa akin.
"Maganda lang po ako, pero sa mabait? Medyo hindi po ako sure," biro ko kay Lola.
Tinignan ko ang lalaki walang modo. Nasa isahang seat lang din ang lalaki sa tabi ng bintana.
"Maganda na mabait," puri pa ulit ni Lola sa akin.
"Wag ka namang gan'yan, Lola. Baka maniwala na ako," natatawa kong tugon.
"Doon lang ako sa dulo, Lola. Mukhang maganda ang p'westo doon eh," paalam ko kay Lola.
Nagsimula akong maglakad papunta sa likuran para duon lumugar.
Nakahawak ako sa handle. Mabilis ang takbo ng electronic jeep, pero mabilis ko ring hinawakan ang suot na damit ng gagong lalaki at buong pwersa ko iyong hinila paalis sa umupan.
Rinig na rinig ang pagbagsak n'ya. Ako naman ang umupo sa seat n'ya.
"Favorite spot ko ito," seryoso kong sabi.
"Baliw ka ba?!" galit na sigaw ng lalaki sa akin.
Kung katawan lang ang usapan ay masmalaki ang katawan n'ya sa akin.
Nilingon ko ang kanan kong balikat ng hawakan iyon ng lalaki at balak na rin akong paalisin sa pwesto ko.
"Aalis ka d'yan o gagawin kitang basahan sa floor?!" banta sa akin.
Tinignan ko ang lalaki sabay lipat sa hawak n'ya sa balikat ko.
"Hindi maganda ang naging gabi ko ngayon," seryoso kong saad.
"Ano naman ngayon?!" inis nitong tanong sa akin.
Tama, ano ba ang pakialam n'ya sa akin? Ngumiti ako sa kan'ya sabay tayo.
"Pasyensya ka na," nakangiti kong bati.
Tumayo ako para hindi umalis kung hindi sirain ang kinabukasan n'ya.
Tinuhod ko ang maselang parte ng katawan n'ya. Umalingawngaw ang sigaw nito sa sakit sa ginawa ko.
Napahiga s'ya dahil sa sakit. Mukhang na basag eh. Bumalik ako sa pagkakaupo ko, pero tumayo din agad ako dahil kailangan ko na rin pala bumaba.
"Para po!" sigaw ko.
Huminto ang electronic jeep, pero bago lumabas ay tinignan ko muna ang lalaking hawak-hawak ang ganitong alaga.
"You take my seat," saad ko bago ako naglakad pababa.