CHAPTER 07

2086 Words
-Kimberlynn- "KALMA lang, Kim," pagpapakalma ko sa sarili ko. Kaninang umaga pa ako nasa harapan ng monitor, tapos tatakbo para tignan kung ayos ba ang lahat, ang room na pagme-meeting-an ni Angelo, after ng lahat na i-check ay babalik ako dito sa office table ko para sumagot ng email, phone call, at ayusin ang mga kailangan papirmahan sa aking boss. Nilapat ko ang likod ko saglit sa swivel chair para huminga muna, sinuot ko ang nakalugay kong buhok sa likod ng tenga ko. Wala si Angelo ngayon sa loob ng office n'ya dahil nasa meeting pa ito. Busy si Angelo kaya malamang ay busy din ako. Hinubad ko muna ang two inches heels na suot ko dahil sa masakit na rin ang paa ko kakalakad. Ilang minuto na lang ay malapit ng mag-ala singko at malapit na rin off ko. Inangat ko sa ere ang kanan kong kamay para pagmasdan ang nangangalay kong kamay dahil sa pagpindot ng keyboard kakasagot ng mga inquiries. Masakit na ang likod ko dahil sa maghapong pagtatrabaho. Malakas na ingay ang bumalot sa tahimik na kwarto mula sa nagri-ring na office phone ko. Pagod kong tinignan iyon at inaabot na lang ng kamay ko ang phone. Parang mayroong glue ang likod ko na ayaw umalis sa pagkakasandal sa swivel chair, pero working hour ko pa rin kaya need kong sagutin ito. Unknown number kaya agad ko na ring sinagot. "Good afternoon, Kimberlynn's speaking," pauna kong bati. Muli akong sumandal sa swivel chair. Nakahanda na ang pen and ballpen ko if isa ito sa mga client ni Angelo. "Kim, where's Angelo? He doesn't pick up his phone." Nilayo ko ang phone ko sa tenga ko at tinignan ang number sa screen. Maybe unknown number, but I recognized his voice. Few years passed, but never forgotten his voice. Nakakainis pala boses n'ya ngayon ko lang napansin. Binalik ko ang phone sa tenga ko, tinignan ko ang paligid ko. Ako lang naman ang tao sa office ni Angelo. "Kung hindi sinasagot ay malamang ay busy. Minsan kasi gamitin mo common sense mo para hindi ka mukhang tanga," banat ko sa kan'ya. Sarap n'yang babaan ng phone. "That's the way you answer the serious question?" seryoso n'yang tanong sa akin. "Kung hindi naman matino ang kausap, why I take it serious? My mood depends on the person I talk to," walang gana kong sagot. "Where's Angelo?" tanong pa ulit sa akin. "Make a way, if you want to know where he is," pabalang kong sagot sa kan'ya. "Secretary ka n'ya," seryoso nitong sabi. "Alam ko," mabilis kong bigkas. "You're the way to get a connection with Angelo." Napangisi ako dahil sa sinabi n'ya sa akin. "I'm way of somebody else, but not your way. Better find your way," kalmado kong sagot sa kan'ya. "I'll let Angelo know you're not doing your jo—" "Do it!" pikon kong putol sa kan'ya. "As if naman na natatakot ako!" pahabol ko pa sabay baba ng phone. Napatingin ako sa office door na biglang bumukas iyon, at niluwa si Angelo na halata ang pagod sa mukha. Hawak pa nito ang doorknob, pero nakatingin na s'ya sa akin. Sinuot ko agad ang sapatos ko at tumayo mula sa pagkakaupo sabay lakad para lapitan si Angelo. "Mayroon bang problema?" seryoso n'yang tanong sa akin. Habang palapit ako ay sinarado nito ang pinto, at niluwagan ang necktie n'ya. "Wala naman. Mayroon lang kasing nanloloko kanina at pinagbabantaan pa ako," paliwanag ko kay Angelo. Tinulungan ko s'yang hubarin ang suit na suot n'ya. Umupo si Angelo sa swivel chair at sinabit ko naman ang suit n'ya sa likuran ng swivel chair. Dinukdok ni Angelo ang ulo n'ya sa office table na puno ng mga papel. Halata sa kilos n'ya na pagod na ito. "Mayroon ba akong free time this week?" malata n'yang tanong sa akin. Likod na lang n'ya ang nakikita ko dahil nasa likuran ako. "Free time, yes, but free day, wala," sagot ko sa tanong n'ya. Kaka-reschedule ko pa lang kaya fresh pa sa utak ko ang hectic schedule n'ya ngayon week. "You must be tired. You must go home first," saad n'ya sa akin. "What about you?" tanong ko. "I need something to do," pagod nitong sagot sa akin. "Something important?" tanong ko kay Angelo. Umangat ang ulo ni Angelo at binaling ang tingin sa akin. Hinawakan n'ya ang naka-file na paper. "I need to review all these," sagot n'ya sa akin. "Mas'yado kang masipag," natatawa kong sagot sa kan'ya. Naglakad ako papunta sa mini refrigerator n'ya para kumuha ng dalawang can ng beer. "Mayroon pa naman akong ilang minuto." Tinaas ko ang dalawang can of beer para ibandera sa kan'ya. Namuo ang ngiti at parang alak lang ang nagpapaalis ng pagod ng lalaking ito. "Nasa office tayo," nakangiti nitong sagot sa akin. "Well, tayong dalawa lang naman ang nandito," pang-iimpluwensya ko sa kan'ya. Umupo ako sa dulo ng table at tinignan ko ang mga gamit dito sa loob ng kwarto habang hawak ko ang dalawang can ng alak, nilingon ko si Angelo na seryosong nakatingin sa akin; inabot ko ang alak sa kan'ya at tinignan n'ya lang muna iyon, pero alam kong tatanggapin n'ya. Sa ganda ko na ito ay walang nakakatanggi. "Working area ito," sagot n'ya sa akin. Humarap ako sa kan'ya at kinuha ang kamay ni Angelo. "Edi, pumunta tayo sa hindi working area," nakangisi kong aya. "I'm sorry, but you know I need to finish those report," kalmado n'yang pagtanggi. Kumuha si Angelo ng isang papel para simulan ng basahin iyon. "Okay," seryoso kong tugon. Bigla s'yang napatingin sa akin, pero hindi ko na ito tinapunan ng tingin. Kinuha ko ang alak na binaba sa table at kumuha ako ng tissue para punasan ang naiwang basa sa glass table. Binalik ko ang dalawang can ng alak sa ref at kinuha ko ang gamit ko sa table ko. "See you tomorrow," paalam n'ya sa akin. "K," malamig kong sagot. Ramdam ko ang pagtingin n'ya sa akin hanggang sa paglabas ko ng office. Napairap na lang ako sa ere dahil sa Angelo na iyon. Pag siya ang nag-aaya go ako. Akala ba n'ya ay kinalimutan ko na ang paghalik n'ya sa akin? Pasalamat s'ya at binuhay ko pa s'ya ngayon. "Why are you rolling your eyes?" Nawala ako sa pag-iisip ng mayroong magsalita. Paglipat ko ng tingin ay ang bunsong kapatid ni Angelo na si Angela. "Wala naman, Ma'am," magalang kong sagot. "Ayoko sa babaeng maarte," puna nito sa akin bago s'ya naglakad papasok sa loob ng office ng kuya n'ya. Napa-ismid ako sa sagot n'ya. Sinundan ko ito ng tingin na mayroong hindi makapaniwalang tingin. Pagpasok n'ya sa loob ng office ay para gusto kong matawa, pero wag na lang dahil sa binitawan n'yang salita. "Sino ba sa tingin n'ya ang mas maarte sa aming dalawa?!" inis kong tanong sa hangin. "Lahat ng attitude ay nakuha mo, kaya wag mo ng itanong kung sino." Mabilis na napalingon ako sa likuran ko. Parang mayroong demonyo sa harapan ko na makita ang isang Nolie Carter na nakatayo sa harapan ko. Magsasalita pa sana ako ng lagpasan na rin n'ya ako ng hindi ito tumitingin sa akin. "Sarap mong ibitay!" nagpipigil kong saad. Inis akong umalis sa building na iyon dahil tatlong tao ang nam-badtrip sa akin ngayon. Kinabukasan ay malamig ang pakikitungo ko kay Angelo. Mali ang desisyon ko, hindi dapat ako lumalapit sa lalaking hindi ko naman talaga ka-level. Nasa shooting range kami kung saan madalas kong pinupuntahan. Ito 'yung binili n'ya kay Master. Marami na ang pinabago si Angelo na aakalain mo na hindi ito 'yung dati kong pinupuntahan. Mayroong client na pupunta dito para mag-meeting sila. P'wede naman sa office bakit dito pa ang gusto. Pinagmasdan ko ang amo ko na nakatayo sa naka-display na baril at tinitignan iyon isa-isa, nasa likod pa ang dalawang kamay na akala mo ay alam n'ya ang tinitignan. "Tsk! Akala mo naman alam n'ya gamitin," inis kong puna. Noong nagkita kami ni Angelo dito ay hawak pa lang ay wala na. Naging alert ang tenga ko ng isang mahinang tawa ang narinig ko mula sa likuran. Nakaupo ako couch habang naghihintay kami ng client ngayon. Taas kilay kong tinignan ang bodyguard ni Angelo na si R-Jay. "Anong tinatawa mo?" attitude kong tanong sa kan'ya. Pag ganitong badtrip ang beauty ko ay wag s'yang loloko-loko sa akin. "Ang boyfriend ni Ma'am Angela ay magaling humawak ng baril," sagot n'ya sa akin. Nakatayo si R-Jay sa gilid ko. I don't know kung sino ang sinasabi n'ya, pero mukhang mayroon na akong hula. "Sino?" pag-uusisa ko. "Si Sir Nolie Carter," sagot n'ya sa akin. Napairap ako sa ere at lalong naging maasim ang paligid ko dahil sa pangalan ng ugok na iyon. "Ung mukhang unggoy na laging kasama ni Ma'am Angela?" tanong ko kay R-jay na kahit hindi naman n'ya sabihin ay kilala ko naman na kung sino. "Ingat ka sa salita mo," paalala ni R-jay sa akin. "Sila mag-ingat sa akin," seryoso kong sagot. "Mukha namang bobo humawak 'yung ugok na iyon," panlalait ko. Napatingin si Angelo sa akin, pero hindi ko s'ya pinansin. Mukhang masaya na nga ang lalaking iyon ay dapat maging masaya na rin ako. "Mukhang mainit ang ulo mo?" mahinahon na tanong ni Angelo sa akin. "Umiinit ang ulo ko dahil sa tagal na nating naghihintay ay wala pa rin 'yung client mo," irita kong sagot kay Angelo. Sumilay sa labi n'ya ang isang ngisi at naglakad palapit sa akin sabay upo sa tabi ko. Naramdaman ko ang paghimas n'ya sa ulo ko. "Wag kang mas'yadong hot," payo ni Angelo sa akin. "Maybe they're on the way," dagdag pa ni Angelo. Sumandal s'ya habang diretso ang tingin. "R-jay, iwan mo muna kami," taboy n'ya kay R-jay na agad nitong sinunod. Naiwan kaming dalawa ni Angelo sa loob at binalot kami ng katahimikan. Napatingin ako sa kanan balikat ko ng nilapat ni Angelo ang braso n'ya doon at dama ko ang bigat noon. "Nagtatampo ka ba sa akin?" bulong ni Angelo sa akin. Hindi ako pinanganak kahapon kaya alam kong nilalandi n'ya ako ngayon. "Oo," matapang kong saad. Hinarap ko si Angelo na akala n'ya ay maiilang ako sa ginagawa n'ya? Kung landiin lang ang usapan ay mabilis kong nakuha si Nolie dahil sa kalandian ko. "Dahil?" Hindi matinag na tiningin ang binigay n'ya sa akin habang mayroong mapaglarong ngiti sa labi n'ya. "Dahil gusto ko lang. Minsan nakakainis kasi ang mukha mo kahit tignan lang," pagsisinungaling ko. Hindi ko naman sasabihin na pikon na ako sa Nolie na iyon at nadamay lang s'ya sa inis ko. Mahina itong tumawa sa akin. Tinignan ko rin pabalik si Angelo. Sino nga ba ang hindi makakantanggi sa kagandahan ko. "Sorry for being too handsome," nakangiti n'yang banat. Bigla naman akong natawa ng malakas dahil sa kapal ng mukha ng lalaking ito. Hinawakan ko ang ulo n'ya sa taas at hindi sa baba sabay gulo ng buhok nito. "Akala ko sa business ka lang magaling, sa jokes rin pala," banat ko. Umayos ako ng upo, sinandal ko ang likod ko at pinagmasdan ko ang mga gamit sa paligid na ito. After nang meeting nila Angelo ay magpapaiwan ako dito para mag-practice. Mas'yadong hustle na ang buhay ko kaya kailangan ko tanggalin ang stress. Nanlaki ang mata ko ng bigla akong hinalikan ni Angelo sa labi. Mabilis lang iyon, pero hindi ko inasahan iyon. "What the—" "Inaakit ako ng labi mo," nakangiti n'yang sagot sa akin. Kinuha n'ya ang panyo n'ya at pinunas iyon sa labi ko. "Mas'yado ka namang possessive," nakangisi kong sagot. "Simula ng pumunta tayo sa bar hindi na kita makalimutan. I like the natural bitchy you had," puri n'ya sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Angelo at hinimas iyon. "Hindi ako madaling makuha gaya ng inaakala mo," seryoso kong sabi sa kan'ya bago bitawan ang kamay n'ya. Tumayo na ako para puntahan ang mga baril. "You're worth to wait." Pagkasaad ni Angelo noon ay isang lalaki ang pumasok sa loob ng room na walang ingay na ginawa. Nakatingin s'ya sa akin pero isang nakakamatay na tingin ang binigay ko bago ko s’ya tinalikuran si Nolie at hinarap ko naman si Angelo. "Then prove you are worth it," seryoso kong saad. Imbis na puntahan ko ang mga baril ay nilagpasan ko si Nolie. Seryoso pa rin ang mukha n'ya kaya hindi ko alam kung ano ang nasa loob n'ya. Isang ngisi ang namuo sa labi ko habang naglalakad. Bigla lang kasing gumaan ang pakiramdam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD