CHAPTER 05

2097 Words
-Kimberlynn- "HINDI na ba ako uuwi?!" bulong na tanong sa lalaking kasama ko. Nakatayo ako sa harapan ng maingay na lugar, puno ng nagkakasiyahan na tao, amoy ang alak na lugar, ang lugar kung saan sasaya ang lahat ng tao pagmayroong problema. Sa sobrang ingay ng paligid maski sarili kong boses ay hindi ko na marinig. Nilapit ni Angelo ang mukha n'ya sa tenga ko. "Akala ko ba gusto mong maging bodyguard ko?" tanong n'ya sa akin. Tinaas ko ang kanan kong kamay at nag-okay sign sa kan'ya. Ang ganda naman ng bodyguard n’ya. Hindi lang naman ako ang kasama n'ya, mayroon pa itong dalawang tauhan na nakamasid sa kan'ya. Nilagpasan ako ni Angelo para pumunta sa pupuntahan n’ya. Nagsimula na rin akong maglakad pasunod kay Angelo. Ang bar na pinuntahan namin ay para lang sa mga mayayaman. Sa mga presyo ng alak nito ay siguradong mamumulubi ka sa mahal. Ang mga taong nakikita ko sa paligid ay halatang mga nagsasayang lang na mga pera sa lugar na ito. Halos lahat ay mga naka-business suit, semi-formal ang mga suotan, mayroon ding mga casual, pero nakakalulang mga alahas naman ang mga nakabalot sa katawan. Pumunta sa VIP room si Angelo kaya agad akong sumunod papasok sa loob. Bodyguard ako kaya hindi ko p'wedeng hayaan ang aking boss. Ang suot ko ay isang casual na suot lang, maganda naman ako kaya hindi halatang hampaslupa ako dito. Pagpasok namin sa loob ay napangisi ako. Isang pamilyar sa paningin ko. May mga nagsusugal, umiinom na tao sa loob at mayroon mga babae. Mga anim na lalaki at medyo fifty plus na ang edad ng iba, ang iba naman ay mukha nasa thirty plus pa lang. Maingay din sa loob, pero medyo madilim dito. Halatang mga nagpunta dito para lang sa mga babae. Ang mga ganitong tao ay alam ko ang galawan. Halos lahat sila ay mayroon mga babaeng katabi maliban sa kakarating lang na si Angelo. Umupo sa sofa si Angelo at sigurado akong mayroon din dadating na babae para sa kan'ya, masyado s’yang mapagpanggap kung walang babae ang maakin n’ya ngayong gabi. Ang mga kasama namin sa loob ng kwarto ay napatingin sa akin. "Kalma, ako lang ito," biro ko sa kanila. Mukhang ngayong lang sila nakikita ng ganito kagandang tao sa buhay nila. Pansin ko ang tawa nila kaya napangisi ako. "My secretary," pagpapakilala ni Angelo sa akin. "What a beautiful secretary," puri sa akin ng isang matanda. Isang ngiti lang ang binigay ko sa kan'ya bilang sagot dahil normal na sa tenga ko ang masabihan ng maganda. Nagsimula akong maglakad papunta sa likuran ng sofa para doon puwesto. "Kim, seat beside me. Don't hide yourself at my back," utos ng aking boss. Dahil nasa likuran n'ya lang naman ako ay agad kong tinalunan ang sofa para mapunta sa tabi ni Angelo. Lahat sila ay nakuha ko na naman ang attention. "Don't worry, ako lang ito," nakangiti kong pagpapakalma sa kanila. Alam kong gusto lang nilang makita ang maganda kong mukha. Tinignan ko si Angelo. "Wala ka bang babae na dadating?" biro kong bulong sa kan'ya. Natawa ito sa binulong. Kumuha s'ya ng dalawang baso ng alak at inabot ang isa sa akin. Puno ng yelo ang baso at halos kalahati ng shot glass ang laman na alak noon. Nilapit n'ya ang mukha n'ya sa gilid ko. "Nandito ka, baka kasi magselos ka kaya wag na lang," bulong nito sa akin. Ako naman ang napangisi sa sagot n'ya sa akin. Pinagdikit ko ang hawak kong malamig na baso sa hawak n'yang baso. "Baka ako pa ang mag-uwi sa 'yo," matapang kong saad sabay tungga ng baso. Ramdam ko ang paghinga ni Angelo sa tenga ko. "Ikaw yata ang mabilis," bulong nito sa akin. Tinignan ko ang mga kasama namin na abala sa kanilang mga ginagawa. Inabot ko ang bote ng alak at muling nilagyan ang shot glass ni Angelo. "Isang shot ka pa lang, pero mukhang lasing kana," nakangisi kong banat. Kinuha ni Angelo ang bote na hawak ko at ang baso ko naman ang nilagyan n'ya ng alak. "Be careful, baka ikaw ang makatulog sa tabi," sagot n'ya sa akin. Humarap na ako kay Angelo. Hindi gaano kalapit ang mukha namin pero sapat na para maramdaman ang paghinga naming dalawa. Tinaas ko ang shot glass sabay pinaikot ang malamig na bagay sa loob noon. "Iuwi mo ako pag nauna akong bumagsak, pero pag ikaw ang bumagsak..." Hinawakan ko ang baba n'ya para itapat lalo sa mukha ko. "Iiwan kita sa gilid ng kalsada," nakangisi kong paliwanag. Nalipat ang tingin ko ng marinig ko ang mahinang pagdikit ng baso na hawak namin ni Angelo. "Deal," pagpayag n'ya. Napa-smirk naman ako. Hindi n'ya kilala si Kim, poor for him; kilabot yata ng inuman ang kasama n’ya. Sabay naming ininom ang alak sa loob ng baso na hawak namin. Nagpatuloy sa pag-uusap si Angelo sa mga lalaking na kasama namin. Mga katrabaho n'ya pala ang mga ito, pero hindi ko naman nakikita sa company. Sa mga edad ng mga ito ay halatang mga nagpapadamihan na sila ng kabit. Nakakailang shot na kami ni Angelo, pero wala pa ring tama sa akin, pero ang katabi ko ay halata na ang pamumula ng leeg nito. "Wag mong ipilit kung hindi mo kaya," bulong ko sa boss ko. Tinignan ko ang kamay n'yang umakbay sa balikat ko. Medyo mabigat iyon dahil lalaki ang isang ito. Sa sobrang ginawang lapit na mukha ni Angelo ay naramdaman ko ang malambot at mainit nitong labi sa tenga ko. "Baka ikaw ang hindi kaya," bulong n'ya sa akin. Amoy na amoy ko ang alak sa paghinga n'ya. Muli kong pinagdikit ang baso ko sa baso n'ya para ipagpatuloy ang pinag-usapan naming dalawa. Habang lumalalim ang gabi ay pahina ng pahina ang tugtog, pero palakas ng palakas ang tawanan dahil sa kwentuhan ng mga kasama namin. Hindi ako nakikisali dahil wala naman akong kinalaman sa kanila. Tahimik akong nagmamasid sa paligid ko. Mayroon ng naghahalikan ang iba naman ay nagkakapaan na. Napailing na lang ako. "Bakit hindi pa kayo mag-hotel?" diretso kong banat sa matandang katapat namin. Kita ko ng pinasok n'ya ang kamay nito sa katabi nitong babae na malaki ang agwat sa edad n'ya. "Kim," sita ni Angelo sa akin. Bigla akong natawa ng malakas. Epekto na yata ito ng alak sa akin, pero alam kong kaya ko pa. "Doon rin naman papunta iyon bakit papatagalin pa?" paliwanag ko sa kanila. "Oo nga naman," pagsang-ayon ng iba sa akin. "Simulan n'yo na ang bakbakan," sulsol ng mga kasama namin. "You're right, young lady," pag agree ng matanda sa akin. Tumango ako sa kan'ya. Tinignan ko si Angelo na nakatingin sa akin, pero tinaas ko ang hawak kong baso sabay tungga noon. "Pero alam ko naman na susunod kayong dalawa," banat ng matanda na kaming dalawang ni Angelo ang tinutukoy. "Pagsinipag kami," palaban kong banat. Sa sagot ko noon ay naramdaman ko ang pag-akbay ni Angelo sa akin. Hindi ko na iyon pinansin dahil marami pa ang nakatingin sa amin. "Mauuna na kami," paalam ni Tatang. "Wag ka papahuli kay Misis," natatawa kong biro sa kan'ya. Biglang nag-okay sign sa akin ang gunggong na iyon. Kahit saan talaga makakakita ka ng mga manloloko. Pag-alis ng dalawa ay ibabalik ko na sana ang tingin ko sa mga kasama namin, at tatanggalin ko na ang pagkakaakbay ni Angelo sa akin. "Sorry, I'm late." Nakuha ang lahat ng atensyon namin sa bagong sulpot sa loob ng VIP room. Ang maingay dahil sa biruan ay biglang tumahimik. Alam kong matagal ng hindi kami nagkikita, pero alam ko pa rin kung ano ang boses ng gagong iyon. Hindi na ako nagsayang pa ng panahon para tignan s'ya. Ang balak kong tangalin na pagkakaakbay ni Angelo ay hinayaan ko na lang. Kung maswerte ka ngayon ay duon pa s'ya umupo sa tapat ko. Nalipat ang tingin ko kay Angelo ng lagyan n'ya ako ng alak sa baso ko. "Thanks," tipid na saad ko. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ng isa sa mga kasamahan namin sa bagong dating na tao. "Hinatid ko pa si Angela," sagot ni Nolie. Mukhang silang dalawa na nga. Pinalitan n'ya ako, pero ako ay nananatiling malungkot dito? Hinarap ko si Angelo at nag-cheers kaming dalawa. "Kayong dalawa ba?" tanong sa amin. Tumingin si Angelo sa akin at parang gusto n'ya na akong ang sumagot noon. Sumandal ako sa couch. Ramdam ko ang titig ng dalawang tao sa akin. Lahat naman sila ay nakatingin sa akin para sa aking sagot, pero iba ang titig ng dalawa. Tumawa ako ng mahina dahil sa tanong. Huminga ako ng malalim at ininom ko muna ang laman ng baso. Tinignan ko si Angelo. Gwapo naman s'ya, mayaman, mukhang mabait, maganda ang katawan, pero ang hindi ko lang sigurado ay kung hindi ito manloloko. Pasimple kong nilipat ang tingin kay Nolie na ngayon ay naglalagay ng alak sa baso n'ya. "Empleyado n'ya lang ako," nakangiti kong sagot sa tanong. Tumango sila sa sagot ko. Nagbigay ako ng isang ngiti na hindi nila p'wedeng kalimutan. "Pero dahil ako ang personal bodyguard ni Angelo, handa naman akong bakuran at protektahan s'ya," lakas-loob kong saad. "Wild," rinig kong sambit. "Single naman ako kaya walang masama, right?" tanong ko sa kanilang lahat. Ramdam ko na ang init ng alak na bumabalot sa katawan ko, pero alam ko pa ang ginagawa ko. Lihim kong sinusulyapan si Nolie na tahimik na umiinom at nakikinig sa amin. "Goods iyan!" sigaw ng isa. Naglagay ulit ako ng alak sa baso ko at nilagyan ko ulit si Angelo. "Kaso baka mayroong magalit sa boss ko," pabiro kong banat. Natigilan ako saglit ng ipalupot n'ya ang braso n'ya sa bewang ko at hinapit iyon palapit sa kan'ya. "Mukhang mayroon ng may nagmamay-ari ng puso ko," birong sagot ni Angelo. Napuno ng tawa ang paligid, pero ang isang tao ay nananatiling tahimik sa paligid. "Nolie, kayo ba ni Angela?" Lipat naman ang attention sa kan'ya. "Alam n'yo. Hindi na ako maghahanap ng ibang lalaki para sa kapatid ko, at hindi ako papayag na hindi si Nolie," paliwanag ni Angelo. Sa boses nitong basag ay halatang mayroon ng tama. Simple akong tumitingin kay Nolie, pero napapansin ko ring tumitingin s'ya sa akin. Walang nakakahalatang mayroong nakaraan sa aming dalawa, dahil alam kong wala naman ng interest ang bawat isa sa nakaraan. "Hindi pa," tipid na sagot ng ugok. "Si Nolie ang bagay kay Angela. Sigurado akong hindi magloloko," lasing na puri ni Angelo kay Nolie. Bigla akong napatawa ng isang pang-insulto sa kaharap ko. "Hindi ka sure," banat ko. Dahil sa ganda ko ay nakuha ko na naman ang attention nila. "Paano mo naman na sabi?" tanong sa akin. Tinignan ko si Nolie na seryosong nakatingin sa akin ngayon. Masyadong maamo ang mukha n'ya, pero masyado ring mapanlinglang. Bukod sa lumaki lang ng konti ang katawan n'ya ay wala pa ring nagbago sa kan'ya. Mukhang mahina pa rin ang lalaking ito. "Ang iba nga kahit mayroon ng girlfriend nakukuha pa ring makipag-s*x sa ibang babae. Paano pa kaya kung walang label?" prangka kong banat. Habang sinasaad ko ang bawat salitang binibigkas ko ay nakatingin ako ng diretso kay Nolie. "Baka kasi minadali." Nagsalubong agad ang kilay ko sa saad ni Nolie. Nakatingin s'ya sa hawak n'yang shot glass bago ito dahan-dahan na inangat ang tingin patungo sa akin. "Tapos masyadong nakakasakal, lahat gusto ay sumasang-ayon sa plano n'ya," dagdag pang saad ni Nolie. Agad na uminit ang dugo ko sa binitawan na salita ni Nolie. Galit kong binaba ang baso na hawak ko na konting pwersa na lang ay basag na iyon. Tumayo ako para ipamukha sa gagong ito kung ano ang sinasabi n'ya. "Gusto mo pang palabasin na kasalanan pa ng niloko kung bakit s'ya naloko?!" sigaw ko sa ugok na ito. "Kim, lasing ka na," awat ni Angelo sa akin. Humarang sa harapan mo si Angelo, pero isang matalim na tingin ang binigay kay Nolie. Kung nakakapatay lang ang tingin kanina ko pa s'ya tinumba. "Hindi, pero wag mong idiin lahat ng sisi," sagot nito sa akin. "Bakit manloloko ka ba?" matapang kong tanong. "Hindi," agad nitong sagot. Susugurin ko sana si Nolie dahil pikon na ako sa mukha n'ya pa lang, pero hinawakan ni Angelo ang kamay ko sabay hila.Parang gusto kong pumatay ng lalaki ngayon dahil sa ugok na ito. "Ipirmi n'yo kasi mga itlog n'yo!" sigaw ko. "Kim, tama na!" awat ni Angelo sa akin. Isang middle finger ang binigay ko kay Nolie bago tuluyang makalabas ng VIP room. Hindi daw manloloko, humanap s'ya ng mauuto n'ya ulit! Pero hindi na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD