CHAPTER 04

2181 Words
-Kimberlynn- "B-BUSINESS partner?" gulat kong saad. Agad kong tinakpan ang bibig ko nang mapalakas ang boses ko. Kailan pa naging interesado sa business ang Nolie na iyon? Kung interesado s'ya sana dati pa and bakit lumayo pa s'ya kay Axton? Tinulungan n'ya si Axton kaya siguradong hindi s'ya mabibigo doon, saka wala naman itong na sabi sa akin na mayroon s’yang interest sa ganoong bagay. Nasa office ako ni Angelo ngayon. Napag-utusan pa akong bumili ng kape sa baba ng building. Pero nang marinig kong mayroon itong kausap ay balak ko munang hindi pumasok, pero nang marinig ko ang pangalan ng alagad ng lupa ay nandito ako ngayon sa posisyon ko; ang kanan kong tenga ay nakadikit sa matigas na kahoy na pinto para pakinggan ang pinag-uusapan ng tatlo sa loob. Hindi ako tsismosa, curious lang. Alam kong tatlo sila dahil boses ni Nolie, isang babae at boses ni Angelo. Malamang na si Angela ang babae na iyon, Mukhang iyon lang naman ang kasama lagi ng kumag. Baka naman kasi 'yung babaeng kasama n'ya sa kama dati ay si Angela? Hindi malabo kaya sila magkasama ngayon. Kaso sa itsura ni Angela ay mukhang hindi naman s'ya ganoong babae, pero hindi ako sure. Kung desperada akong babae ay hahanapin ko 'yung babaeng kabit ni Nolie at gugulpihin ko hanggang sa hindi na sila makatayo pareho. Pero ayoko ng magsayang pa ng oras sa kanilang dalawa. Wala naman na akong pakialam sa kanila at lalo na sa Nolie na iyon, kahit na ano ang gawin nila kahit na magdamag pa sila ay ayos lang sa akin. Ang daming lalaki ang nagkakagusto sa akin bakit ako magsasayang ng panahon sa kanila. Lahat ng empleyado na dumadaan ay hindi maiwasan tumingin sa kagandahan ko. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Umayos ako ng tayo dahil iba na ang tingin ng iba sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay dahil wala sila sa level ko para tignan ang mukha ko. “Tingin ka pa d’yan,” mahina kong Singhal ng makaalis ang babaeng nakatingin sa akin. "Kayong dalawa na ba?" Parang magnet na dumikit ang tenga ko sa pinto ng marinig ko ang tanong ni Angelo. Curious lang ako, at hindi tsimosa "Hindi pa," seryosong sagot ni Nolie. 'Kunwari pa s'ya," singhal ko. Sa Mukhang iyan halatang gustong-gusto si Angela. Lumayo ako ng konti sa pinto dahil kumukulo agad ang dugo ko pag naalala ko si Nolie at ang ginawa n’ya. Para bang sira na ang araw ko kahit boses n'ya lang o kahit anino lang nito ang makita ko. "Mayroon pa akong gagawin," paalam ni Nolie. Agad akong nagmadaling tumakbo palayo sa pinto, pumunta ako sa tapat ng pinto ng elevator para naman mukhang kakarating ko lang at wala akong narinig sa kanila. Tinignan ko ang apat na cup ng americano na pinabili sa akin. Inayos ko ang suot kong light blue semi formal square pants, and white long sleeve lapel shirt, I let two unbutton for style at hinawi ko ang buhok kong tumatama sa mukha ko at huminga ng malalim; nagsimula akong maglakad na parang kakarating ko lang ngayon. Saktong pagbukas ng pinto ay tumambad sa akin si Nolie. Gusto kong tapunan ng kape ang mukha, pero behave ako ngayon. Isang seryosong mukha ang nadatnan ko, pero alam kong nakatingin s'ya sa akin. Dahil sa seryosong tingin ang binigay n'ya sa akin ay isang malamig na tingin naman ang binigay ko sa kan'ya. Kung papipiliin lang ako ay ayoko na s'yang makasama o makita man lang, pero hindi ako ang mag-a-adjust sa aming dalawa. Bahagya akong napayuko ng sumulpot si Angela. Tinignan n'ya ako, pero nilipat n'ya ang tingin n'ya kay Nolie. Kitang-kita ko na hinawakan ni Angela ang kamay ni Nolie na agad na tinanggap ni Nolie. Dahil nakayuko ako ng konti ay kita ko ang kamay ng dalawa na ito. Sarap putulan ng kamay. Nagsimula silang naglakad at gusto kong ibato sa kanila ang hawak ko, pero nanatili akong kalmado. Nagsimula akong pumasok sa loob ng office ni Angelo. Sakto lang ang laki nito, parang isang bahay ko na. Nakaupo si Angelo sa itim na swivel chair habang pinagmamasdan akong pumasok sa loob ng office n'ya. "They're gone," nakangising saad ni Angelo sa akin. Nilapat ko sa glass table ang kape n'ya. "Kita ko. Nakasalubong ko nga eh," sagot ko sa kan'ya. "What's now?" tanong ni Angelo sa akin. Umupo ako sa client chair sa harapan ng office table ni Angelo. Taas kilay kong nilingon si Angelo at tinignan ang lalaking nasa harapan ko ngayon. "Bakit ako tinatanong ko? Ikaw ang boss dito," sagot ko sa kan'ya. Kinuha ko ang isang kape para inumin iyon. Tinignan ko ang pinto na nakabukas at sinilip kung umalis na ba talaga ang asungot. Business partner. Baka ang interest n'ya lang ay si Angela. Humigop ako ng kape, pero ramdam ko ang titig sa akin ng kasama ko. "Kung kumilos ka ay parang ikaw ang boss," natatawang saad ni Angelo sa akin. Nanlaki ang mata ko ng maalala ko na secretary pala ako dito. "Oh s**t!" Tumayo ako agad mula sa pagkakaupo ko, binaba ko ang hawak kong kape sa table at agad na kinuha ang phone ko para tignan ang schedule ni Angelo. "Sorry, nakalimutan ko," aligaga kong saad kay Angelo. Abala ang mata ko sa paghahanap ng notes ko sa schedule ni Angelo. Bwisit kasi na Nolie na iyon, dahil sa kan'ya ay nangyari ito ngayon. "At exact two in the afternoon, you have scheduled with Mr. Rodriguez," paalala ko kay Angelo. Tinignan ko si Angelo na nakatitig lang sa akin. Saglit itong pumikit sabay tango sa akin. "Cute," mahina nitong saad, pero narinig ko iyon. "Excuse me?" tanong ko sa kan'ya. "Nothing. Let's have a lunch," aya n'ya sa akin. Nagmadali ang paa ko na naglakad papunta sa likuran ng swivel chair ni Angelo. Rinig na rinig ko ang yapak ng sapatos ko na tumatama sa madulas na kulay puting floor ng office ni Angelo. Kinuha ko ang coat ni Angelo para alalayan itong isuot sa kan’ya. Pagkasuot ni Angelo ay bigla s'yang humarap sa akin. Umiwas naman ako ng tingin sa kan'ya dahil iba ang titig n'ya sa mukha ko. "Maganda ka pala sa malapit," bulong n'ya sa akin. Kung sa ibang babae ito ay baka kiligin na ng todo dahil sa sexy at ang bango ng lalaking kaharap ko, pero hindi ako kasali sa ibang babae. Humarap ako kay Angelo. Nakita ng mata ko ang hindi ayos na kwelyo ni Angelo kaya agad kong inayos iyon. "Maganda ako sa kahit anong angulo," nakangiti kong sagot sa kan'ya. Pagkaayos ko ng suot n'ya ay tinapik ko ang balikat nito sabay lakad palayo sa kan'ya. Masyado na s'yang malapit sa akin baka halikan ko s'ya at ma-promote agad ako dito. "I like your natural attitude," saad n'ya sa akin. Hinarap ko si Angelo at ngumiti ako sa kan'ya. Sa tagal kong na buhay sa mundo ay alam ko na ang mga galawan ng mga lalaki. Ako pa ang manager sa stone casino na maraming tao na ang nakakasalamuha ko. "Sabihin mo na lang kung mayroon kang gusto sa akin. Hindi iyong kung anu-ano ang sinasabi mo," nakangisi kong sambit. Ayoko ng paligoyligoy sa lahat. Kung gusto mo kuhanin mo, akitin mo. Ginawa ko na ito, pero sa maling tao lang din naman na punta kaya sobrang sayang ang oras ko. "Bakit gusto mo ba ako?" mapang-akit na tanong ni Angelo sa akin. Binigyan n'ya ako ng isang malagkit na tingin na wala namang problema sa akin, na para sa akin ay isang normal na tingin ng lalaki. "Hindi," diretso kong sagot. Tumalikod na ako sa kan'ya para maunang maglakad kay Angelo. Huminto ako sa tapat ng elevator para hintayin si Angelo na nakangisi habang naglalakad palapit sa akin. Pinindot ko ang button sa elevator. Pareho kami ngayong nakaabang sa pagbukas ng elevator. Pag nasa labas kami ng office ni Angelo o kung walang nakakakita ay doon lang ako feeling close sa kan'ya, pero seryoso ako sa trabaho. Pumalya lang kanina dahil sa bwisit na Nolie na iyon. Pag-open ng pinto ay sabay kaming pumasok sa loob ng elevator. Mayroong kausap si Angelo kaya nanatili akong diretso ang tingin sa pulang ilaw dito sa elevator na nagsasaad ng floor. Sana naman ay ito na ang huli naming pagkikita ni Nolie. Sa tuwing nakikita ko s'ya ay hindi lang ang ginawa n'yang panloloko ang na alaala ko, kung hindi ang lahat. Pagbukas ng elevator ay agad kaming naglakad palabas. Ang mga pagbati sa mga kasama ko ng mga empleyado dito ay hindi naman bago sa akin. Normal lang iyan para sa mga matataas ang posisyon sa isang kumpanya. Si Angelo ay isa sa board director ng kumpanya na ito, ang president ng company ay ang tatay n'ya. Kailangan pa ba akong magtaka? Sa paglalakad ng paa namin ay nakarating ako, kami sa car park kung saan ay nandoon na naman ang bodyguard ni Angelo. Pinagbuksan ko ng pinto si Angelo sa backseat, pero taas kilay kong tinignan si Angelo na sa passenger seat umupo. Nalipat naman ang tingin ko sa personal bodyguard ni Angelo na inabot sa akin ang susi ng kotse. Agad na buo ang ngiti ko sa labi dahil sa tamang desisyon ng lalaking ito. "You're good, huh," puri ko sa kan'ya. Agad kong kinuha ang susi sa kamay n'ya at nagmadaling sumakay sa kotse. "Gusto ko na iyang tauhan mo na iyan," nakangiti kong saad kay Angelo. "Pinagmamaneho ka lang ang saya mo na," natatawang saad ni Angelo sa akin. Sinimulan kong paandarin ang kotse at isang ngisi lang ang binigay ko kay Angelo. "Kung gagawin mo akong bodyguard sana ay bigyan mo rin ako ng baril," nakangiti kong paliwanag. Nakatingin ang mata ko sa daan, pero saglit akong tumitingin kay Angelo. "Ang personal bodyguard ko sa bahay ko tumitira," sagot ni Angelo sa akin. "Sa tingin mo ba ay hindi pabor sa akin iyon?" nakangiti kong tanong sa kan'ya. Dapat lang na libre lahat kung sa bahay n'ya ako titira. "Malaki ba ang pangangailangan mo at gusto mo ng dalawang trabaho?" tanong ni Angelo sa akin. Malapit lang ang kakainan ni Angelo kaya mabilis rin kaming nakarating doon. Hininto ko muna ang kotse bago ko nilipat ang tingin ko kay Angelo. Tumango ako sa kan'ya bilang sagot. "Mayroon ka bang utang?" Mukha ba akong mahilig mangutang? "Wala akong utang. Gusto ko lang bumili ng mga gusto ko. I’m expensive you know," paliwanag ko sa kan'ya. Nauna akong lumabas kay Angelo para pagbuksan s'ya ng pinto. Lumabas si Angelo sa loob ng kaniyang kotse at inayos ang kaniyang suot. "Next time, wag mo na akong pagbubuksan ng pinto," bulong n'ya sa akin sabay tingin sa paligid namin. "Nahihiya ka bang babae ang nagbubukas ng pinto sa 'yo?" natatawa kong tanong kay Angelo. Hindi s'ya sumagot sa akin kaya lalo akong natawa sa kan'ya. Inakbayan ko si Angelo para naman maging komportable s'ya. Pakiramdam ko tuloy ay ako na ang boss dito. "Wag kang mahiya. Ituro mo lang sa akin kung sino ang gusto mong ipagulpi o kung hindi maganda ang pakiramdam mo sa isang tao, ako ang bahala," nakangiti kong alok kay Angelo. Nakatigil kami sa paglalakad kaya tinignan ko si Angelo na nakatitig na naman sa akin. Bigla itong ngumiti sa akin. "Mayroong kakaiba sa 'yo," saad n'ya, pero mukhang hindi n'ya alam ang sinasabi nito or hindi n'ya matukoy kung ano ang kakaiba sa akin. "Kakaiba kasi ang ganda ko, walang katulad," sagot ko sa kan'ya sabay kindat. Mahina s'yang tumawa sa akin dahil sa sinabi ko. Inalis ko ang pagkakaakbay ko kay Angelo at inayos ang suot n'ya dahil naalala ko na boss ko pala ang kaharap ko. "Kumain ka na. Hihintayin kita dito," saad ko sa kan'ya. Ako naman ang napatingin sa balikat ko nang akbayan ako ni Angelo. Nilipat ko ang tingin ko sa kan'ya ramdam ko ang mainit nitong paghinga sa mukha ko kaya ilang inches lang ang pagitan ng mukha naming dalawa. "Ayokong kumain mag-isa sa loob ng isang restaurant," nakangiti n'yang saad sa akin. Hinawakan ko ang kamay n'ya at dahan-dahan kong tinanggal iyon sa pagkakaakbay sa akin. Isang magandang ngiti ang binigay ko sa ilalim ng matingkad na sikat ng araw na dumadapo sa pareho naming balat, at dama ang init noon. Muli kong binalik ang tingin ko kay Angelo. Nalagay ang tingin ko sa noo n'yang mayroong tubig na tumutulo doon. Binitawan ko ang kamay n'ya. Iba talaga pagkaharap ay isang maganda. "Mas'yado kang mabilis, huh," natatawa kong puna sa kan'ya. Ayoko sa paligoy-ligoy, pero ayoko rin naman sa sobrang bilis. Pero sanay akong makipag laro sa mga lalaki kaya walang problema sa akin. "What if sabihin ko na mayroon na akong gusto sa 'yo," walang kaabog-abog na pag-amin ng aking boss sa kagandahan ko. Kinuha ko ang panyo sa likod ng pants ko at pinunasan ang noo ni Angelo. "L.ibog lang 'yan," nakangisi kong sagot sa kan'ya. Kinuha ko ang kamay n'ya at binigay ko ang panyo na hawak ko sabay talikod para maglakad sa loob ng restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD