-Kimberlynn-
"FOCUS ka lang," saad ni Nolie sa kasama n'yang babae.
Lahat nang panlalait ay nagagawa ko na sa isip ko dahil sa dalawang ito. Akala ko pa naman ay mas'yadong importante ang mga taong kakausapin ni Angelo. Wala pa lang kwenta lalo na 'yung isa.
Nakakapikon pa ang pag-iinarte ni Angela, halata namang nagpapa-cute lang kay Nolie.
Akala mo ngayon lang nakakita ng baril, mas'yado pa silang dikit ni Nolie. Magkarelasyon nga pala sila kaya ganiyan.
Kanina pa sila nagsasanay doon, pero halatang mga wala namang skill. Si Nolie pumutok lang ang alam n'yan, pero wala naman iyang skill sa pagbaril. Nakakaantok umupo at panuorin ang mga kabobohan nila, mas okay pang humarap sa pader kaysa sa kanilang dalawa.
"Bakit hindi mo muna ipakita kay Angela ang galing mo?" hamon ni Angelo kay Nolie.
Galing? Galing manloko, pero hindi magaling magtago.
"Oo nga, Nolie," masiglang pagsang-ayon ni Angela.
Napansin ko ang paglingon ni Nolie sa akin, pero isang taas kilay na tingin ang binigay ko sa kan'ya.
Well, wala pa naman nakakakita ng galing bumaril, pero kung makikita nila ang skill ko ay mahihiya silang tatlo.
Sa pagtingin ni Nolie ay napatingin silang lahat sa akin.
"Why are you sitting alone there? You should join with us," pang-anyaya ni Angela sa akin na akala mo ay sobrang bait.
Hindi naman ako sumasabay sa mga weak.
Naglakad si Angelo palapit sa akin. "Wag mo akong titigan mula d'yan," saad n'ya sa akin.
Hinawakan ni Angelo ang kamay ko at hinila ako papunta sa stole defender.
"Hindi kita tinititigan!" singhal ko kay Angelo.
Napatingin naman ako sa kaliwa ko kung nasaan 'yung dalawa at seryosong nakatingin sa akin si Angela dahil sa pagsigaw ko sa kuya n'ya.
"Iniisip ko lang na mayroon ka pang meeting mamaya," palusot ko na lang, pero sa kalmadong tono na.
"Mas'yado ka talagang palabiro," nakangiting sagot ni Angelo sa akin.
Alam kong mayroong matalim na tingin na si Angela sa akin. Pag ako ang napikon n'ya dukutin ko mata n'ya.
"Bakit hindi na lang tayo maglaban?" hamon ni Angela.
Tumingin ako sa kan'ya. Ang lakas naman ng loob ng isa na ito, eh ni hindi nga s'ya sanay humawak ng baril tapos manghahamon pa s'ya ng ganiyan? Ibang klase. Wag n'yang pinagyayabang ang boyfriend n'ya baka gawin ko silang basahan at ilampaso ko.
"Kung sino ang pinakamababang score, must pay our dinner for tonight," kundisyon n'ya.
"Marami ng experience si Nolie kaya anong laban namin sa inyo—"
"Sir Angelo, grab the opportunity. Sayang ang free dinner natin mamaya," confident kong singit.
Alam kong kami ang mananalo dito dahil alam ko ang galaw ni Nolie.
"Hindi naman kawalan sa yaman mo kuya ang panlilibre sa amin, right?" Confident rin na hamon ni Angela.
"As if naman na mananalo kayo," banat ko.
"Are you confiden—"
"Yes!" putol ko sa kan'ya.
Tinignan ko si Nolie na seryosong nakatitig sa akin.
Tama s'ya, lahat ng attitude ay nasa akin kaya umayos sila.
"Kung mananalo kami ay ikaw ang magbabayad at walang gagastusin si Kuya Angelo, pero kung kayo ang mananalo ay ako lang ang magbabayad," paghahamon ni Angela.
"K," tipid kong sagot.
Wala naman sa kan'ya kung gagastos s'ya para sa dinner, hindi naman kawalan sa kanila.
Sa aming tatlo ay ako lang ang pinakamaliit ang financial dito kaya ganito ang asal ng babaeng ito.
"Marunong ka ba talaga?" paninigurado ni Angelo sa akin.
Hinawakan ko ang pistol, tinanggal ko ang magazine para tignan ang bala sa loob.
"Hindi," tipid kong sagot.
Tinignan ko ang dalawa, pero si Angela ay mukhang excited na, si Nolie naman ay nakatitig pa rin sa ganda ko. Nanghihinayang na ba s'ya dahil mukhang walang kwenta ang pinalit n'ya?
"Kung tayong dalawa lang ang gagastos. Bakit hindi ikaw at ako ang maglaban?" hamon ko kay Angela.
Kahit na gaano kataas pa sila ay hindi nila ako maaapi dito.
"Hindi naman yata patas iyan," sabat ni Nolie.
Napa-smirk ako. Alam n'ya kasi ang experience ko kaya kinakabahan s'ya. Seryoso kong tinignan ang ex-boyfriend ko. "At bakit naman?" inosente kong tanong. "Pareho kaming babae ni Ma'am, Sir Nolie. Or baka naman you're not confident with her?"
Kahit na pagsamahin pa ang galing nilang tatlo ay wala silang binatbat sa akin, pero baka mas'yado lang gentleman si Nolie sa girlfriend n'ya at ayaw n'yang pagbayarin.
"Mas maganda kung kaming dalawa ni Angelo," sagot n'ya sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko dahil sa suggestion ni Nolie. Naglakad palapit si Nolie papunta sa harapan ko at inagaw ang baril mula sa kamay ko.
"He asked you, if you know how to use gun, but you answered no. And Angela is first time to use gun. It probably hurt both of you," paliwanag ni Nolie.
Naramdaman ko ang paghawak ni Angelo sa braso ko, pero seryoso ang tingin ko kay Nolie.
"Tama si Nolie. Mas maganda kung manuod na lang kayo sa amin," pagsang-ayon ni Angelo.
"I'm okay with that, and Nolie is such a gentleman," maarteng sabat ni Angela.
Halata naman na gustong-gusto ang ugok na ito. Ano ba ang magagawa ko kung hindi ang sumang-ayon sa kanila.
Isang matalim na tingin ang iniwan ko kay Nolie bago ako umalis sa harapan n'ya.
Nakakapikon pag hindi sumasang-ayon sa akin ang panahon. Inis akong umupo sa couch sinimulan na panuorin silang dalawa.
Hawak at istilo pa lang ng pagtayo ni Angelo ay halatang malalagasan na ako.
Hindi pa ako sumasahod kaya anong ipambabayad ko sa dinner ng mga mayayaman na ito?
Napasapo na lang ako sa noo ko at hindi ko na pinanuod ang pagkatalo ni Angelo. Eksperyanso din si Nolie kaya alam kong panalo na s'ya hindi pa nagsisimula.
Masaya ngayon ang jowa ni Nolie dahil sila na ang panalo.
"Don't worry guys, I will pay our dinner," prisinta ni Angelo.
Umangat ang tingin ko sa kan'ya. Gusto ko ng huminga, pero nag-cross arm si Angela.
"Wala ka bang isang salita, Kimberlynn?" intrimitidang tanong ni Angela sa akin.
"Bakit ako ba ang nag sabi kay Sir Angelo na s'ya ang magbabayad?!" irita kong tanong sa kan'ya.
Pasikat naman kasi itong Angelo na ito. Lalo lang umiinit ang dugo ko dahil sa kanila.
"Mas'yado kang bastos kausap," puna ni Angela sa akin.
"Really? Wala pa nga ako—"
"Stop," putol ni Nolie sa akin. "In a while ago she was inconvenient to talk, very unprofessional, seems like she always threaten the client over her bossy voice," sumbong ni Nolie.
Seryosong nakatitig si Nolie sa akin habang binibitawan ang mga salitang iyon.
"Kuya, bakit ka ba nag-hire ng ganiyang tao? Nagkakaubusan na ba ng tao at wala ka ng matinong makuha?"
Nagsama pa talaga silang dalawa.
"What do you mean, Nolie? She's good according to my clients; friendly, easy to approach, I don't see you all accusation to her," depensa ni Angelo sa akin.
Seryoso lang ang mukha ko, pero sa loob ko ay parang gusto kong tawanan ang dalawang ito. Mukhang bagay nga talaga silang dalawa.
"Her bossy voice seems her asset."
My beautiful face is my asset.
Ang ex-boyfriend ko ay parang nakalimutan na kung ano ang ugali ko, pero dami na sigurong dumaan na babae sa kan'ya kaya ganito na.
Wala nang nagsalita dahil nagsalita na si Boss, ano pa laban nila?
Tahimik lang ako buong araw dahil nag-iisip ako kung gagalawin ko na ba ang natitira kong ipon.
Natapos na ang meeting nila Nolie, at ang isa pang meeting ni Angelo. Ngayon naman ay naghahanda na s'ya para sa dinner. Pero ako ay nakaupo pa rin sa table ko at nag-iisip kung ano na ang gagawin ko pag naubos ang ipon ko ngayong gabi.
"Are you ready?"
Parang isang nakakatakot na pag-aaya sa akin.
Hindi ang gusto kong isagot.
Pagtingin ko kay Angelo na naka-suot ito ng formal kaya mukhang fine restaurant ito.
"Ikaw na lang ang hinihintay ko," nakangiti kong sagot.
Hindi ko pinahahalata na gusto ko na lang umuwi at matulog ngayon.
Malapit naman na ang end of the month kaya mababawi ko rin agad ito.
Inayos ko ang gamit ko bago ako maglakad palapit kay Angelo.
"Gusto mo bang mag-change ng damit?" tanong n'ya sa akin.
"Kahit anong isuot ko maganda pa rin ako," proud kong sagot.
Hindi halatang nanganganib na ako.
Alam kong maganda na ako kahit walang ayos, pero dapat hindi papakabog sa babaeng Angelang iyon.
Nilabas ko lahat ng pang-ayos ko habang busy sa meeting si Angelo.
Unang tapak pa lang sa restuarant ay lilingon ang lahat ng tao roon dahil sa pagpasok ng magandang babae at ako iyon.
Abala ako sa pag-aayos habang nagsasagot ng mga emails.
Hindi dapat ako magpapatalo sa babaeng iyon. Ganda pa lang ay taob na s'ya.
"Saka hindi pa nga ako nag-aayos nito," nakangisi kong banat kay Angelo.
"You look perfect," puri nito sa akin.
In-offer n'ya sa akin ang braso n'ya na agad kong sinabitan ng kamay, pero paglabas namin sa office n'ya ay naging normal lang kaming dalawa hanggang sa makarating sa kotse.
Si Nolie talaga ang malas sa buhay ko at pakiramdam ko ay sa tuwing magkikita kami ay pura kamalasan lang ang makukuha ko.
Pagdating namin sa restuarant ay si Angela na ang nauna doon.
Patay-gutom ba s'ya? Yaman-yaman n'ya nauuna pa s'ya sa libre.
"Hi, Kuya," bati nito kay Angelo.
Maasim ang mukha n'ya sa akin, pero mapait naman ang mukha ko sa kan'ya.
"Where's Nolie?" tanong ni Angelo.
Bakit hahanapin pa mas okay naman na wala ang lalaking iyon.
Umupo kami ni Angelo na magkatabi. Mayroon agad nag lagay ng baso at malamig na tubig sa harapan namin.
Binaba na rin ang menu sa harapan namin, pero kakaibang mga salita kaya mukhang hindi aabot ang ipon ko dito.
Hindi na bago ang restuarant na ganito sa akin, pero kasi madalas ay si Axton ang nagbabayad kaya ayos lang, pero ngayon ay ako na.
"On the way na, Kuya. Mayroon lang kasing inasikaso," sagot ni Angela.
Hinawakan ko ang malamig na tubig at uminom ng konti.
Mga alak na naka-display na hindi mo gugustuhin na hawakan kung hindi ka kasing yaman ni Elon musk.
Konti lang ang kumakain dahil mukhang kunti lang ang may budget ngayon sa ganitong restaurant.
Cup noodles na lang siguro ako ng ilang araw tapos one, two, three na lang pagpapasok sa trabaho.
Napasimangot na lang ako ng dumating ang alagad ni Lucifer na feeling VIP.
"I'm sorry, I'm late," saad ni Nolie.
"It's okay," maarteng sagot ni Angela.
Gusto kong masuka sa kanilang dalawa.
Nagsimula na silang pumili sa menu at halos lahat silang tatlo ay nag-beef steak pa, parang sumasakit ang tuhod ko sa mga fresh juice na pinili nila.
Nangangamoy isang libo ang isang baso.
Dumating ang mga pagkain namin sa table ay ngayon pa lang ay ang plano ko kanina na noodles na lang ay mukhang matutupad.
Hindi na ako nakikinig sa pinag-uusapan nila at hindi na rin ako nagsasalita. Sino ba ang makakapagsalita sa ganitong kamamahal na pagkain?
"Balita sa akin ay kayong dalawa na raw?" tanong ni Angelo sa dalawa.
Kumakain lang ako ng pasta at sisiguraduhin kong walang masasayang pagkain, butil lang ng pagkain dito ay parang katumbas na ng isang daan.
"Hindi naman nanliligaw si Nolie kaya paanong magiging kami?" natatawang tanong ni Angela.
Napatigil ako sa pagkain ko at maramdaman kong parang mayroong nakatitig sa akin.
Inangat ko ang tingin ko, pero ang pag-iwas na lang ni Nolie ang naabutan ko.
"Wala ka bang balak manligaw?" tanong na para kay Nolie.
"Priority pa n'ya ang career n'ya," depensa ni Angela.
Binalik ko na ang attention ko sa pagkain ko dahil wala rin naman pa lang kwenta ang pinag-uusapan nila. Muli akong tumigil sa pagkain at pinikit ko ang mata ko. Napipikon na ako. Hindi ako makakain ng ayos dahil sa nakatitig sa akin.
Inis kong inangat ang tingin ko kay Nolie at handa ko ng saksakin ang mata n'ya, pero abala ito sa pag-uusap kay Angela, si Angelo naman ay nakikipag-usap din sa kanila.
Mas'yado s'yang magaling umiwas. Natapos ang pagkain namin na busog silang lahat, pero hindi ko nalasahan ang pagkain ko.
"Are you okay?" biglang tanong ni Angelo sa akin.
Mukha ba akong okay? Alam kong mukha akong okay sa panlabas, pero gusto ko silang itumba lahat dito.
"Oo naman," sagot ko agad sa kanila na hindi pinapahalata ang nararamdaman ko ngayon.