-Kimberlynn-
"KIM, I send you home," offer sa akin ni Angelo.
Nag-aayos na sila ng gamit at ako ay parang hindi makakatayo. Buti na lang at umabot ang laman ng debit card ko. Tinignan ko si Angelo na nakangiti sabay iling para tanggihan ang offer n'ya sa akin. Hindi naman n'ya trabaho iyon, beside Dapat ako ang gagawa noon.
"Mayroon pa akong pupuntahan kaya salamat na lang," pagtanggi ko.
"Gabi na," pangungulit n'ya.
Mukha ba akong tanga at hindi ko alam kung gabi na o hindi?
"Alam ko," sagot ko agad.
Mahina itong natawa sa sagot ko.
"I know, sabi mo nga pala na dati kang killer," natatawa n'yang sambit sa akin.
Napangiti naman at tinapik ko ang balikat n'ya. Kaya hindi nakakailang kausap si Angelo dahil hindi killjoy, hindi katulad ng kapatid n'ya na ngayon ay nasa restroom. Sarap n'yang ibaon doon sa loob.
"Yeah, kaya don't worry," nakangisi kong sagot.
Nilipat ko ang tingin sa katapat kong lalaki na muli ko na namang nahuling umiwas ng tingin sa akin. Napa-smirk na lang ako. Mas'yado s'ya naa-attract sa kagandahan ko.
Pagdating ng bruha ay nagsimula na kaming lumabas ng restuarant. Sabay kaming ni Angelo papunta sa parking lot.
"Ayaw mo talagang ihatid kita?" tanong pa nito sa akin.
Nakatayo kami sa tapat ng driver seat ng kotse n'ya habang nakabukas na ang pinto at hinihintay na pasukin na lang ni Angelo iyon.
"Wag mo namang pahalata na may gusto ka sa akin, nahahalata ko eh," biro ko sa kan'ya.
"Single ka naman, single ako," sagot n'ya sa akin.
Tinuro ko ang dibdib n'ya at dahan-dahan na binigyan ng pwersa para itulak ito papasok sa loob ng kotse.
"Pag-iisipan ko," nakangiti kong sagot.
Ako na ang nagsara mismo ng pinto ng kotse.
"Hindi ka magsisisi kung mapapasakin ka," mabulaklak nitong hayag.
Tumango na lang ako para tapusin ang pag-uusap namin.
"Ingat sa daan," paalam ko.
"Sila ang mag-ingat sa akin," pagyayabang n'ya.
Pinanuod kong umalis si Angelo, pero napangisi ako habang nakatitig sa umaandar ito palayo sa akin.
"Ikaw ang mag-ingat sa akin," mahina kong saad.
Pagkalaho ng kotse sa paningin ko ay agad na bumaba ang tingin ko sa paa ko. Ang taas ang suot kong sapatos tapos maglalakad ako?
"Do you want me to send you to the place where you go through?"
Nalipat ang tingin ko sa likuran at ang nag-iisang lalaking nakatayo sa tapat ng puti nitong kotse habang pinagnanasahan ang mukha ko.
"Hindi mo ba ihahatid 'yung girlfriend mong attitude?" sarcastic kong tanong sa ugok kong ex.
"Mayroon s'yang sariling sasakyan," sagot nito sa akin.
Nalipat ang tingin ko sa kamay n'ya ng binuksan nito ang passenger seat door.
Ayokong sumakit ang paa ko kaya hindi ako tatanggi. Naglakad ako na pa-sexy sa palapit sa aking gagong ex, huminto ako sa tapat n'ya at hinawakan ko ang leeg n'ya. Lalo pa lang s'yang naging gwapo ngayon.
Nilapit ko ang mukha ko sa tenga n'ya na mararamdaman na nito ang init ng paghinga ko.
"Do you want to send me home or take me to your home?" mapang-akit kong tanong.
"Kim—"
"Shhhh!" Nilagay ko ang hintuturo ko sa pinkish lips n'ya para patigilin s'ya sa pagsasalita. Tinignan ko ang mata n'ya na kanina pa ako tinititigan. "Wag kang mailang, ako lang ito," nakangiti kong sabi.
Nalipat ang kamay ko sa pinge n'ya at tinulak ko iyon para paalisin sa pinto ng backseat. Paharang-harang s’ya sa dinadaanan ko.
Binuksan ko ang pinto para pumasok sa loob. Kailangan ko ng magtipid dahil sa kagagawan n'ya kaya ngayon ay s'ya ang sisingilin ko.
"Gagawin mo ba akong driver mo?" seryoso n'yang tanong sa akin habang nakadungaw sa bintana.
"Driver naman kita dati?" seryoso kong tanong sa kan'ya.
Wala s'yang nagawa kung hindi ang umayos ng tayo at sumakay sa kotse n'ya. Inayos ko ang upo ko at umakting na parang akin ang kotse na ito.
Tahimik lang ang byahe namin at walang nagsasalita.
Sa rear mirror ako ng kotse nakatingin dahil pasilip-silip si Nolie doon.
"Kung may sasabihin ka sabihin mo na at hindi ako makikinig," seryoso kong saad sa kan'ya.
Matagal na kaming hindi nagkita ni Nolie.
Tumingin si Nolie sa rear mirror at kaunting bumagal ang andar ng kotse n'ya.
"Paano ako magsasalita kung hindi man lang kita nakikita?" tanong nito.
"Bakit mata mo ba ang magsasalita?" tanong ko kay Nolie.
"Never mind," tipid nitong tugon.
Kumilos ako para pumunta sa harapan. Mas'yado s'yang maarte at gusto n'ya pang makita ang maganda kong mukha, pero hindi ko naman s'ya masisisi.
"Kim, what are you doing?" gulat na tanong ni Nolie sa akin.
Biglang tinigil n'ya ang pag-andar ng kotse.
Hindi lang basta pumunta sa harapan dahil umupo ako sa mismong harapan n'ya.
"Bibigyan kita ng limang minuto para magsalita." Ang dalawa kong kamay ay pinalupot ko sa leeg n'ya.
Halata ang pagkailang nito sa akin. Tinignan ko ang paligid ng kotse n'ya. Napangisi ako at tinignan ko si Nolie. "Kung mayroon kang naalala, ako wala," saad ko.
"Mayroon ba kayong relasyon ni Angelo?" bigla n'yang tanong sa akin.
Iyon lang ang gusto n'yang itanong sa akin at gusto n'ya pang nakapatong ako sa kan'ya.
Ang kanan kong kamay ay binaba ko papunta sa dibdib n'ya habang hindi ko inaalis ang mapang-akit kong tingin sa lalaking ito hanggang sa makarating sa kamay n'ya.
"Kung mayroon, apektado ka ba?"
Nararamdaman na namin ang paghinga ng bawat isa.
"Hindi," sagot n'ya agad sa akin.
"Mabuti naman kung ganoon dahil wala ka namang pakialam na kung sino man lalaki ang mapunta sa akin," seryoso kong saad.
Ang kamay n'yang hawak ko ay nilagay ko sa leeg ko. Wala naman s'yang reaction doon.
"Wala ka na ring paki-alam kung sino ang humawak sa akin. I allow Angelo to touch me," saad ko.
Dahan-dahan kong binaba ang kamay ni Nolie para libutin ang katawan ko hanggang sa pinasok ko iyon sa loob ng suot kong damit.
He tasted every part of me so wala na sa akin ito.
Pagkapasok ng kamay ni Nolie sa damit ko ay napangisi ako na hindi na kailangan i-guide ang kamay n'ya. Kusang umangat iyon papunta sa dibdib ko, at naramdaman ko ang paghalik ni Nolie sa leeg ko.
Kinuha ko ang phone ko para tignan ang oras. Nag-set ako ng limang minuto para ibigay kay Nolie ang oras na iyon.
Hinayaan ko si Nolie na gawin n'ya ang gusto n'ya sa loob ng limang minuto.
Bawat paghalik ni Nolie sa akin ay ramdam na ramdam ang tagal na hindi namin pagkikita.
Hinubad ni Nolie ang coat na suot n'ya at ako naman ay sinimulan n'yang tanggalin ang botones ng suot ko. Isinandal n'ya ako sa manibela sabay halik sa labi ko. Ramdam ko ang lamig ng aircon sa loob ng kotse senyales na wala na ang pang-itaas ko. Bawat paghalik ni Nolie ay sinusulit n'ya.
Tumunog ang phone ko para senyales na itigil na ang lahat. Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Nolie para itulak ito palayo sa akin.
Ayaw n'ya pa magpaawat, pero limitado lang ang oras n'ya sa akin.
Isinandal ko s'ya sa upuan at pinagmasdan ko ang sarili ko na wala ng isuot na pang-itaas. Tinignan ko ang nabiting mukha ni Nolie.
"Tapos na ang limang minutong binigay ko sa 'yo," seryoso kong saad sa kan'ya.
Kinuha ko ang damit ko at sinuot ko na iyon.
Tinignan ko si Nolie. "Malas daw mag-s.ex sa kotse naghihiwalay," nakangisi kong saad.
Pagkasuot ko ng damit ay umalis ako sa pagkapatong sa kan'ya at umupo ako sa passenger seat.
"Ihatid mo na ako," seryoso kong utos kay Nolie.
Akala ba n'ya ay hahayaan ko s'yang makaisa s'ya? Akala lang n'ya iyon.
"I'm sorry," mahinahon na sabi ni Nolie sa akin.
Biglang nawala ako sa mood sa sinabi ni Nolie. Sa salitang iyon ay pinaalala n'ya lang ang lahat ng ginagawa n'ya sa akin.
"Papaandarin mo ang kotse o lalabas na ako?" tanong ko.
"Lasin—"
"Hindi mo na kailangan ulitin pa ang mga paliwanag mo," putol ko sa kan'ya. "Wala akong pakialam kung lasing ka man o hindi. Ngayon, makipag-s.ex ka kahit kanino, wala akong pakialam," paliwanag ko.
Umandar na ang kotse ni Nolie na hindi nagsasalita.
Nakarating kami sa tapat ng bahay ko na hindi ko man lang sinasabi kung saan direction ng bahay ko. Gusto ko magtaka, pero kilala ko rin kung paano s'ya kumilos.
"Wala tayong nakaraan kaya just pretend," seryoso kong saad kay Nolie.
Binuksan ko ang pinto ng kotse, pero bago ako lumabas ay tinignan ko si Nolie.
"Just forget," huli kong saad bago ako tuluyang umalis sa loob ng kotse.
Alam kong nakatitig s'ya sa akin, pero hindi ko na tinignan ulit si Nolie.
Sinayang n'ya ang lahat kaya bakit ko hahayaan na bumalik s'ya ng ganoon lang?
Pumasok ako sa loob ng bahay para magpahinga na. Galing ako sa trabaho at pagod na rin ang financial status ko. Agad akong pumasok sa kwarto ko sabay matamblay na umupo sa kama ko, hinubad ko ang isa kong sapatos habang bumabalik sa isip ko ang ginawa ni Nolie kanina.
"Niloko ka n'ya," sabi ko sa sarili ko.
Kung hindi focus ang isip ko ay sigurado na mangyayari na naman ang nangyari sa nakaraan.
Hinubad ko na pareho ang sapatos ko at tuluyan na akong humiga sa kama ko, nakatitig sa puting kisame.
"Hindi ko na iiyakan ang lalaking iyon, isang beses lang akong iiyak sa kan'ya."
Ramdam ko ang lungkot sa malamig waiting area habang tumutulo ang luha sa mata ko at iniinda ang sakit ng lahat. Binigay ko sa kan'ya lahat kaya alam kong walang kulang sa akin, walang mali sa akin, hindi ko dapat sisihin ang sarili ko. Pinikit ko ang mata ko. Bawat haplos n'ya sa akin ay ramdam ko ang mainit nitong palad, ang nakakapaso n'yang halik, pero hindi na s'ya sa akin at wala na dapat akong pakialam sa kan'ya.
Wala na ang init sa pagitan naming dalawa. Nabuhay akong wala s'ya at mabubuhay ako ng wala rin s'ya.
Kinabukasan sa office ay tuloy ang abalang araw ko sa trabaho.
Tutok ang mata ko sa monitor para basahin ang mga inquiries kay Angelo.
"Mas'yado mo naman yata akong pinapa-impress."
Sa sobrang abala ko ay hindi ko namalayan na nandito na pala si Angelo sa tapat ko.
"Kailangan ko lang itong tapusin ngayong araw," sagot ko sa kan'ya.
"I called you three times," saad ni Angelo.
Napataas ang kilay ko habang nakatingin kay Angelo. Nakatukod ang dalawa nitong kamay sa table ko habang nakatingin sa akin.
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?" taka kong tanong.
Tumingin sa paligid si Angelo at binalik din sa akin agad ang tingin. "Mayroon pa ba akong ibang kasama dito?" tanong n'ya sa akin.
Nagsalubong ang dalawa kong kilay habang iniisip ang lahat. Wala naman akong naririnig na tumatawag sa akin.
"Mas'yado ka kasing busy at focus d'yan sa monitor mo," sagot ni Angelo sa akin.
"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ko naman sa kan'ya.
"Kumain ka na?" tanong nito sa akin.
Hindi ko pa s'ya nakikitang lumabas sa loob ng office n'ya. Sumandal ako sa swivel chair at pinagpatong ko ang legs ko.
"Nakita mo na ba akong kumain?" nakangisi kong tanong sa kan'ya.
"Sabay na tayo," aya n'ya sa akin habang nakangiti.
Kinuha ko ang bag ko at pinakita ko ang baon kong pagkain. Maganda lang ako, pero slapsoil ako ngayon.
"Mayroon akong baon na pagkain," sagot ko sa kan'ya.
Binalik ko ang tingin ko sa monitor.
"I will order food. Gusto kitang sabayan," saad n'ya pa sa akin.
Tumango na lang ako kay Angelo. Wala ako mood para makipag-usap ngayon. Ayoko nga rin sana pumasok today kaso sayang naman ang araw at wala rin akong bayad pag hindi ako pumasok.
"Kuya!"
Hindi na ako nag-abala na tignan kung sino iyon boses pa lang nakakapikon na.
"Angela," bati ni Angelo. "Nolie, anong ginagawa n'yo dito?"
Umangat ang tingin ko ng marinig ko ang pangalan ni Nolie.
Hindi s'ya tumingin sa akin o kahit na tapunan man lang ako ng tingin.
Ipagpatuloy n'ya lang iyan dahil wala na akong planong bumalik sa kan'ya. Ayoko ng balikan ang mga manlolokong kagaya n'ya.
Binalik ko ang attention ko sa monitor at nagtrabaho na.