-Kimberlynn-
"I'LL wait you, Kuya."
Malayo ang distansya sa kanilang tatlo. Ayoko mang makinig sa pinag-uusapan nila ay mayroon akong tenga na nakikinig sa mga pangit nilang boses.
"Okay, saturday," pagsang-ayon ni Angelo sa kapatid n'ya.
Mayroong isang fashion show event si Angela at isa s'ya sa model kaya gusto n'yang makasama ang kuya n'ya.
Ang mata kong nakatingin sa monitor, pero ang kamay ko ay kinuha ang notebook sa gilid na nakapatong sa table; pagbukas ko ng notebook ay tinignan ko ang saturday schedule ni Angelo.
Napangisi ako ng makita ko na ang saturday ang pinaka-hectic schedule niya. Mula umaga hanggang gabi ay busy ang aking boss.
Masaya silang nag-uusap kaya gusto kong sirain.
"Mayroong kang meeting kay Mr. Lim saturday night at exactly seven in the evening," sabat ko.
Tumingin ang magkapatid sa akin, pero ako ay binalik ko na ang tingin para ipagpatuloy ang trabaho ko.
"Tama. I'm sorry, Angela I can't be with you. Nand'yan naman si Nolie para samahan ka. Malaki lang talaga ng tao si Mr. Lim," paliwanag ni Angelo sa kaniyang kapatid.
Napangisi naman ako dahil naramdaman ko ang pagkainis ng isang babae sa loob ng office. Wala akong ginagawa na iba, I am just doing my job, yet destroying her day.
"Kahit kailan ba ay kokontrahin mo ako?!" pikon na tanong ni Angela sa akin.
Hindi ko s'ya pinansin kahit na alam kong ako ang tinatanong n'ya.
"She's doing her job, Angela," depensa ni Angelo sa akin. "Susubukan kong humabol," dagdag pa ni Angelo.
Hindi ko na sila pinagpapansin dahil wala akong pakialam kung saan pa rumampa si Angela. She's not even reach my beautiful, ano s'ya gold?
Nakita ko ang oras kaya lunch break ko na.
"Lunch break ko na," paalam ko sa kanila.
Kinuha ko ang bag ko at inayos muna ang gamit ko bago ako tumayo. Magsisimula na akong maglakad palabas ng office.
"Mauuna ka pang mag-lunch break sa boss mo?" takang tanong ni Angela.
Napatigil ang dalawang paa ko sa paglalakad at dahan-dahan kong nilingon si Angela. Kay Angela lang ang tingin ko kahit na alam ko ang dalawang lalaki ay nakatingin sa akin.
Mas mukha pa akong model sa kaniya.
"Ano bang silbi ng schedule kung hindi naman susundin? Kung ayaw pa kumain ni Sir Angelo, it's not my problem anymore," seryoso kong pagpapaintindi kay Angela.
Tamang maganda nga s'ya, pero mukhang maliit ang utak.
Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya at nagsimula na ulit akong maglakad palabas ng office.
Paglabas ko ng office ay biglang mayroong humila sa akin at nanlaki ang mata ko sa gulat ng mayroong malakas na sampal ang dumapo sa pisnge ko.
Na-balance ko ang katawan ko kaya hindi ako natumba sa lakas ng pwersa.
Sa lakas ng sampal ay naibaling ang mukha ko sa gawing kanan.
"Mas'yado ka ng bastos!" galit na saad ni Angela sa akin.
Sinamaan ko ang tingin si Angela.
Sinampal n'ya ako?
Binitawan ko ang hawak kong bag dahil sa pikon ko sa babaeng ito. Inayos ko ang mukha ko na ramdam ko pa rin ang sakit doon.
"You're fired!" giit nito sa akin with matching duro pa sa akin.
Naglakad ako palapit sa kan'ya para gantihan ito sa pagsampal sa akin. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho kaysa sa lagi ko silang nakikita na dalawa.
Malapit ng tumama ang palad ko sa makapal na mukhang ng Angela na ito, pero isang tao ang humawak sa kamay ko para pigilan ako.
Nilipat ko ang tingin ko sa kan'ya.
"Tumigil na kayo," seryoso n'yang awat sa akin.
Hindi pa ako nakakaganti kaya hindi pa ako titigil. Hinihila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Nolie sa akin, pero lalo lang n'ya iyong hinihigpitan.
"Binabalaan kita, bitawan mo ako," mariin kong banta kay Nolie.
"Angela, pumasok ka sa loob," utos ni Angelo kay Angela.
May mga ilan ng tao ang tumitingin sa amin. Hindi ako ang nagsimula ng gulo kaya hindi ako ang problema.
"Papasok ako pag tinanggal mo na ang babaeng iyan!" singhal ni Angela.
"Angela!" galit na saad ni Angelo.
Pilit ko pa ring tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak ni Nolie sa akin.
"Parang kasalanan ko pa na hindi kayang gamitin ang utak mo! Ginagawa ko ang trabaho, pero iyon ang hindi mo maintindihan!" banat ko sa kan'ya na lalong nagpainit ng ulo nito.
"Kim!" pigil ni Nolie.
Sinamaan ko ng tingin si Nolie, pero iyon ang pagkakamali na ginawa ko dahil nagkaroon ng pagkakataon si Angela na hilahin ng buhok.
"Angela!" tawag ng dalawang lalaki.
"Fvck!" giit ko.
Hawak-hawak pa rin ni Nolie ang kamay ko kaya hindi na ako makaganti kay Angela.
Hindi ko iniinda ang sakit ng pagsabunot ni Angela sa akin, pero napipikon ako dahil hindi ako makaganti.
"I said enough, Angela!" galit na awat ni Angelo.
Susugod na sana ako, pero si Nolie ay humarang na sa akin.
"Ayoko ng makita ang mukha mo dito sa building ng kuya ko!" inis n'yang sigaw habang inaawat s'ya ni Angelo.
Gulo-gulo na ang buhok ko at ang lalaking nasa harapan ko ay tinutulak ko para makawala ako sa kan'ya, pero kahit anong gawin ko ay ayaw n'yang umalis.
Hinila ni Angelo ang kapatid n'ya papasok sa loob ng opisina n'ya. At naiwan ako dito na hindi man lang na bigyan ng galos ang babaeng iyon.
Nang mawala sa paningin ko si Angela ay inis kong inayos ang buhok ko. Marahan kong hinila ang kamay ko kay Nolie at binigyan s'ya ng malakas na sampal.
"Wag mo akong hahawakan!" inis kong sabi sa kan'ya.
Pinulot ko ang bag ko at aalis na sa lugar na iyon, pero maraming tao ang nakatingin sa amin.
"Anong pinapanuod n'yo?!" sigaw ko sa kanila.
Sabay-sabay pa silang umiwas ng tingin sa akin.
"Masaya bang nakakita ng away? Tama, abangan n'yo dahil hindi pa ako nakakaganti!" pikon ko announce.
Padabog akong sumakay sa elevator. Kung hindi lang ako inawat ni Nolie ay sigurado akong dadalhin sa hospital si Angela, at sisiguraduhin kong hindi s'ya makakalakad sa event n'ya.
Kung ayaw n'ya akong pabalikin dito hindi na talaga ako babalik.
Puno ng sama ng loob ang katawan ko na umalis sa lugar na iyon.
Umuwi ako na pikon na pikon at gusto ko na lang sumabog sa inis. Kinalma ko lang ang sarili ko dahil baka ano pang gawin ko sa babaeng iyon kung hindi ko ikakalma ang sarili ko.
Dapat ay si Nolie na lang ang ginulpi ko para naman naibsan ang pikon ko.
Nagpalipas lang ako ng ilang oras sa bahay, pero ayokong manatili doon.
Lumabas ako para naman mawala ang pikon ko sa araw na ito. Tumatawag si Angelo sa akin, pero hindi ko iyon pinapansin. Baka pati s'ya ay madamay sa inis ko.
Hapon na rin, pero wala akong mapuntahan para ilabas ang inis ko. Hindi ako makapunta sa bar para makagimik dahil wala naman akong pera para doon.
Nakaupo ako sa labas ng seven-eleven at nagbibilang ng mga sasakyan na nagdadaan.
"Ang lalaking iyon. Gusto n'ya lang talaga na ako ang nasasaktan!" singhal ko.
"The who?"
Mabilis na bumaling ang tingin sa kanan ko ng mayroong magsalita.
Isang babaeng hindi ko kilala. Pinagmasdan ko kung sino ito, pero hindi pamilyar sa akin.
She has milky coffee skin tone, full lips, v-shaped face and shoulder cut straight hair. Naka-fitted shirt ito at denim pants.
Nalipat ang tingin ko sa inusad n'yang bote ng san miguel sa table papunta sa tapat ko.
"Who you?" seryoso kong tanong sa kan'ya.
Ngumiti ito sa akin habang iniba ang tingin sa highway. Mayroon s'yang hawak na bote ng san miguel.
"Hindi mo ako kilala, pero kilala kita," sagot n'ya sa akin.
Tumingin sa akin ang babae.
Tinitigan ko ang mukha nito, pero hindi ko talaga matandaan ang mukha n'ya.
"Kilala kita nagtatrabaho ka pa lang sa stone casino," sagot n'ya pa sa akin.
Baka customer ng stone ito. Ang dami kong nakakasalamuhang tao doon kaya hindi ko na maalala silang lahat.
"Naglalaro ka?" tanong ko sa kan'ya.
Kinuha ko na ang san miguel na binigay n'ya sa akin para inumin.
"No. Ako 'yung tinulungan mo para makatakas," sagot n'ya sa akin.
Napaisip ako sa sinabi n'ya. Nanlaki ang mata ko ng maalala ko na.
"Wehhh?!" hindi ko makapaniwalang tugon. "Ikaw ba iyon?" tanong ko.
Pagtinitignan ko ng matagal s'ya ay naalala ko na ang mukha nito.
S'ya 'yung tinulungan ko sa labas ng Stone casino na pinipilit s'ya ng boyfriend na sumama sa kan'ya, nakita ko rin kung paano s'ya saktan kaya napilitan na akong tulungan.
Tumango si Anjie sa akin. "Kamusta? Pagbalik ko sa Stone casino ay wala ka na doon."
Iniwas kong ang tingin ko sa kan'ya.
"Wala na ako doon matagal na," sagot ko.
"So, kayo pa rin ba ni Nolie?" tanong ni Anjie sa akin.
Tinignan ko si Anjie at natawa ng mahina. "Hindi mo ba na balitaan?" tanong ko sa kan'ya.
"Alin?" tanong n'ya sa akin.
Mukhang wala talaga s'yang idea, pero wala naman s'yang pakialam sa amin ni Nolie.
"Wala na akong balita sa inyo," sagot n'ya sa akin.
"Patay na si Nolie," seryoso kong saad.
Iniwas ko ang tingin ko para maiwasan na makita n'yang natatawa ako.
"Bakit?" gulat n'yang tanong.
"Pinatay ko," casual kong sagot.
Biglang tumahimik si Anjie dahil sa sagot ko sa kan'ya. Siguro alam n'yang kaya ko, pero ang totoo ay hindi.
"Bakit?" tanong pa n'ya ulit.
Ininom ko ang alak na hawak ko.
"Chismosa mo. Wala na kami. Bakit? Kasi manloloko ang gago," direkta kong sagot.
Iyon lang naman ang gusto n'yang malaman sa akin.
"May ka-s.ex na iba," dagdag ko pa sa kan'ya.
"Parehas pala tayo," natatawa n'yang saad sa akin. "Buti nga at hindi ako na buntis ng ulol."
"Good to hear," natatawa ko namang sabi.
Nag-cheers kaming dalawa at sabay na uminom.
"Pero seryoso ka bang pinatay mo si Nolie?" inosente n'yang tanong.
"Hindi, pero nasa babaeng walang utak na s'ya kaya goodluck sa kan'ya," paliwanag ko.
"Tama iyan. Wag tayong marupok," banat ni Anjie.
"Kung marupok ako sana unang pagkikita namin ni Nolie ay nagpadilig na ako," natatawa kong saad.
"Baka mayroong makarinig sa 'yo, pero gusto mo hanap tayong mandidilig sa Stone? Si Axton sana kaso may asawa na," aya ni Anjie.
Naalala ko na naman si Axton at Fay.
"Wag ka ng magtangka kay Axton. Wala pang asawa iyon ay si Fay na ang gusto. Sinubukan ko, pero wala din nangyari, pero malas ko at sa gago ako na-inlove," mahaba kong drama.
Masigla kong tinignan si Anjie, tinaas ko ang bote ng san mig sabay ngiti ng malawak. "Pero game ako sa paghahanap ng mandidilig sa atin," masaya kong saad.
Buti na lang ay nagkita kami ni Anjie kung hindi ay hanggang ngayon ay pinapatay ko si Angela at Nolie sa isip ko.
"Next time pag pareho tayong free," sagot n'ya sa akin.
"Free na ako," biro ko sa kan'ya.
"I mean, pag wala tayong trabaho."
"Wala na akong trabaho," sagot ko pa sa kan'ya.
"Nag-resigned ka?" tanong na naman ni Marites sa akin.
Pasalamat s'ya at napagaan n'ya ang loob ko ngayon.
"Hindi, tinanggal ako," sagot ko.
Hindi ko namalayan na naubos ko na ang iniinom kong san mig.
Mayroon akong naisip ngayon. Tinignan ko si Anjie.
"Hindi pala ang boss ko ang nagtanggal sa akin, iyung bruhang kapatid kaya aalis lang ako pag si Angelo ang nagtanggal sa akin," na-realize ko.
"Ikaw nga 'yung Kim na nakilala ko," sambit ni Anjie.
Hindi pa ako aalis hanggang hindi ako nakakaganti sa babaeng iyon, saka hindi pa ako p'wedeng umalis hanggang hindi ko pa nakukuha sweldo ko.
Saglit na lang kaming nag-usap ni Anjie bago kami magpaalam sa isa't isa.
"Kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko," paalam n'ya sa akin.
Tumango na lang ako bilang sagot. "Sige, ingat," paalam ko sa kan'ya.
"Sila ang mag-ingat sa atin," biro nito sa akin.
Sa kan'ya pala 'yung kotse na kanina pa naka-park sa tapat namin.
Pagkaalis ni Anjie ay sumakay ako ng bus para umuwi na sa bahay ko.
Kailangan ko ng itulog ang lahat dahil alam kong babalik ang inis ko pagkauwi ko sa bahay.
Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng bus at pinikit ang mata ko.
He protected that b.itch, tapos ako hinayaan n'yang masaktan? Gago talaga eh.