-Kimberlynn-
HAPON na, malapit na ang paglubog ng araw dahil sa nagkukulay orange na ang kalangitan, malakas din ang hangin sa paligid kaya magandang lumabas at paglagakad.
Tinignan ko ang suot kong relo, malapit ng mag-alas singko kaya pupuntahan ko muna si Master.
Master ang tawag ko kay Uncle Troy. Sa shooting range n'ya kami nagsanay ni Axton Fuente, ang dati kong boss. P'wede akong magpabalik-balik sa training center n'ya dahil ilang taon na rin kaming magkakilala ni Master.
Pagtapat ko sa shooting range ay agad akong pumasok sa loob. Hindi malakas, pero rinig ko ang putok ng baril na nagmumula sa mga kwarto nitong lugar.
Sumaludo ako kay Master ng makita ko s'yang nakabantay sa entrance.
"Kim!" bati sa akin ni Uncle Troy.
Naglakad ako palapit kay Uncle Troy. Kumuha ako ng bente pesos sa bulsa ko at nilagay sa desk n'ya.
"Seventeen ammo," nakangiti kong sabi kay Master.
Napatingin ako sa kamay ko ng hawakan ni Master at nilagay ang bente pesos sa palad ko.
"Kahit kalahating bala ay hindi aabot iyang bente mo," sagot ni Master sa akin.
Nag-make face ako sa harapan ni Master, na naka neutral ang itsura sa akin.
"Sige na, Master, manunuod lang ako," pagpipilit ko kay Master.
Pero umiling s'ya sa akin kaya napasimangot na lang ako. Ang damot naman ng matandang ito, samantalang noong kasama ko si Axton pag pupunta dito, pinagbubuksan ba ako ng pinto.
"Lahat ng baril ginagalaw mo," saad ni Uncle Troy.
"Master, hindi ko kasalanan kung magaling pa ako kesa sa mga trainers mo," sagot ko kay Uncle Troy.
"Kailan ba tatahimik iyang bibig mo?!" mataas ang boses na tanong ni Uncle Troy sa akin.
Pinatong ko ang dalawa kong siko sa desk ni Uncle Troy at ngumiti dahil sa tanong n'ya sa akin.
"Pagpinapasok mo na ako," nakangiti kong sagot.
"Umuwi ka na, mayroon akong dadating na client dito kaya hindi kita mapapapasok," iritableng taboy ni Master sa akin.
"Tanggapin mo na lang ako bilang tauhan mo dito," pangungulit kong sabi kay Master.
Nakakaburyo kasi sa bahay pag walang ginagawa. Mayroon akong sariling baril na regalo ni Axton sa akin dati, pero hindi ko magamit dahil baka matakot mga kapitbahay ko.
"Kumpleto na kami dito," sagot ni Master sa akin.
Tumalikod s'ya sa akin at mayroong kinukuha na kung ano sa likuran n'ya, kaya naghihintay akong humarap si Master.
Alam kong hindi n'ya ako matitiis at papapasukin rin ako sa loob.
"Kung gusto mo pumasok sa loob, pakasalan mo anak kong lalaki para hindi mo na kailangan mamilit para makapasok ka sa loob," paliwanag ni Master habang mayroong inaayos.
Isang pekeng tawa ang pinakawalan ko dahil sa biro ni Master.
"Sige na, Uncle Troy, manunuod lang ako," pamimilit ko ulit kay Uncle Troy.
Konti na lang at nararamdaman ko ng makakapasok na ako sa loob.
Natigilan ako ng mayroong lumabas na dalawang kamay sa magkabilang gilid ko at naramdaman ko ang isang katawan ng lalaki mula sa likuran ko. Alam kong lalaki ito dahil sa itsura ng kamay n'ya.
"Ginugulo ka ba— A-aray!"
Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita ang bastos na lalaki mula sa likuran ko. At agad kong kinuha ang kanan n'yang kamay; mabilis kong nilagay sa likod n'ya sabay tulak sa kan'ya papunta sa pader, hinarap ko s'ya sa pader habang ang kanan kong kamay ay nakahawak sa ulo n'ya.
"Wala ka bang magawa sa buhay?!" inis kong tanong sa lalaki.
Napatingin ako sa gilid ko ng mayroon akong marinig na kasa ng baril. Napataas ang kilay ko ng itutok ng isang pamilyar na lalaki sa akin ang hawak n'yang baril.
Ang kanan paa ko ay pinasok sa pagitan ng paa ng lalaking hawak at ni-lock ko ang kanan n'yang paa para hindi makakilos. Buong lakas kong hinarap ang hawak kong lalaki sa lalaking mayroong hawak na baril para gawin kong panangga.
"L-let go of me!" sigaw ng lalaki sa akin na halatang nasasaktan sa ginagawa ko.
Tinaas ko pa ng konti ang kamay n'ya para lalong madama ang sakit sa likuran.
"Kim!" sigaw ni Uncle Troy sa akin.
Tinignan ko si Uncle Troy na nagmamadaling pumunta sa gawi namin; agad akong nilapitan para awatin ako sa ginagawa ko sa lalaking hawak ko.
Hinila ako ni Uncle Troy palayo kaya tinulak ko ang lalaki palayo sa akin.
"Ano ka ba, Kim! Iyan ang client ko," sermon ni Uncle Troy sa akin.
Tinignan ko si Uncle Troy na nagpipigil lang ng inis sa akin.
Bakit parang kasalanan ko pa? Sino ba naman kasing matino ang gagawa ng bigla ka na lang yayakapin ng hindi mo kilala?
"Hindi ko kasalanan," seryoso kong sagot kay Uncle Troy.
"Mukhang maniniwala na akong killer ka," rinig kong sabi ng lalaki.
Bumaling ang tingin ko sa kan'ya habang nakahawak sa braso n'ya.
Nanlaki ang mata ko ng makita si Angelo. Kaya pala pamilyar ang mukha ng lalaking mayroong hawak ng baril sa akin dahil iyon ang kasama n'ya na humahabol sa magnanakaw kaninang umaga.
Naglakad ako palapit kay Angelo. Sa tingin ko naman ay wala s'yang nabali na buto.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ngayon kay Angelo dahil sa ginawa ko sa kan'ya.
"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Uncle Troy sa amin.
"Hindi, nakita ko lang s'ya sa tabi-tabi," sagot ko kay Uncle Troy.
Tumingin si Angelo kay Uncle Troy. "Siguro maghahanap na lang ako ng ibang bibilin na lugar, ayoko sa mayroong bayolenteng lugar," paliwanag ni Angelo habang nakatingin sa akin.
Parang ngayon ay nararamdaman ko na ang hangin sa loob ng shooting range.
"Sa lugar na ito, hindi p'wede ang weak," seryoso kong banat kay Angelo.
Hinawakan ni Angelo ang braso n'ya at seryoso akong tinignan. "Mukhang napuruhan ang kanang braso ko, mayroon ka bang pambayad sa hospital?" tanong n'ya sa akin.
Tinignan ko ang balikat n'ya na mukhang ayos naman. Ang ginawa ko na iyon ay self-defense lang para mapatigil lang s'ya sa kabastusan n'ya, pero kung babalian ko s'ya ng braso ay baka nasa hospital na s'ya ngayon.
Natawa naman ako ng konti sa tanong n'ya sa akin, pero naging seryoso ang itsura ko ng tumingin ako kay Angelo sa mga mata n'ya. Nakikita ko na naglalaro lang s'ya sa akin.
"Bakit kailangan ko pang magbayad kung p'wede naman kitang itumba ngayon?" bawi ko kay Angelo.
Biglang s'yang tawa sa sinabi ko. "Kailangan ko na bang matakot?" natatawa n'yang tanong sa akin.
"Mr. Esposito, pasyensya ka na kay Kim, palabiro lang talaga ang batang ito," paliwanag ni Uncle Troy kay Angelo.
Mukha ba akong nagbibiro?
"I see," sagot ni Angelo. "Marunong ka bang humawak ng baril?" tanong ni Angelo sa akin.
Tumingin ako kay Angelo dahil sa tanong n'ya. Tinitignan ko kung ano ang ibigsabihin ng tanong n'ya sa akin, kung insulto ba o hindi.
"Hindi," seryoso kong sagot.
Sa itsura ni Angelo mukhang hindi s'ya sanay sa paghawak ng baril dahil mukhang matino ang mukha at hindi sanay sa gulo.
"Anong ginagawa mo dito?" taka n'yang tanong sa akin.
"Nandito ako para magsanay," seryoso kong sagot.
Tumango s'ya sa akin at tinignan si Uncle Troy.
"Pag natalo ako ni Kim, close na ang deal natin, pero pag hindi ay hahanap ako ng iba," pagnenegosyong paliwanag ni Angelo.
Tinignan ko si Uncle Troy na nakatingin sa akin, halata sa mukha ang pag-aalala.
"Ibebenta mo na?" taka kong kay Uncle.
"Kailangan kasi para sa pagpapagamot ng anak ko," sagot ni Uncle Troy sa akin.
Tumango ako dahil valid naman ang rason n'ya. Sayang lang dahil ang tagal na ang shooting range na ito.
Tinignan ko si Angelo na malakas ang kumpyansa sa sarili.
"Bakit ako ang gagamitin n'yo? Nandito ako para manuod sa mga nagsasanay at hindi makipagkumpitensya sayo," seryoso kong paliwanag.
Balak ko ng maglakad palabas dahil tinamad na rin ako.
"Pag nanalo ka, humiling ka ng kahit ano," sabi ni Angelo sa akin.
Bigla akong lumiko at walang pasabing na pumasok sa loob ng shooting range.
"Game!" sigaw ko bago ako tuluyang makapasok sa loob.
Naramdaman ko ang paglapit ni Uncle Troy sa akin sa akin.
"Sigurado ka ba? Mukhang magaling si Mr. Esposito," bulong ni Uncle Troy sa akin.
"Magtiwala ka lang, Master," nakangiti kong sagot kay Uncle Troy.
Pagpasok namin sa loob ay mayroong mga tauhan ni Uncle Troy ang nag-aayos ng mga baril na gagamitin namin.
"Ilang beses ka ng nakapasok sa lugar na ito?" tanong ni Angelo sa akin.
"Hindi mabilang," seryoso kong sagot.
Matapos ang pag-aayos ng tauhan ni Uncle Troy ay mayroon kaming kan'ya-kan'yang table kung saan nakalagay ang mga baril namin.
Lumapit ako sa depender stall at sinimulan kong tignan ang isang baril sa table.
Nakita kong hinawakan ni Angelo ang handgun ng isang kamay lang habang ang mata n'ya ay naka-focus sa target retriever.
Isang ngisi lang ang binigay ko kay Angelo na mukhang napansin n'ya, kaya nabaling ang tingin n'ya sa akin.
"Why?" taka n'yang tanong sa akin.
Pinasok n'ya ang magazine sa magazine well habang nakatingin sa akin.
"Mauna ka," seryoso kong sagot kay Angelo.
Lalapit dapat si Uncle Troy kay Angelo, pero sinenyasan ko s'ya gamit ang kamay ko na wag lumapit.
Isang gamit ang lang hawak n'ya sa handgun. Kinalabit ni Angelo ang trigger, pero walang lumabas na kahit ano.
Tinignan ako ang kasamahan n'yang nakita kong mayroong hawak na baril, na nakatayo sa gilid ni Uncle Troy para panoodin ang kabobohan ng kasama n'ya.
"Bakit wala?" takang tanong ni Angelo.
Sinuot ko ang eye protection, ear protection at headphone; kinuha ko ang magazine at sinalpak sa magazine well sabay hila ng slide.
Hinawakan ko ang handgun ng kanan kong kamay at ang kaliwa ko naman ay para ma-cover ang handle ng baril. Tinitok ko ang baril sa target retriever at sunod-sunod kong pinaputok ang baril.
Naubos ang anim na bala na umuusok pa ang muzzle.
Tinignan ko si Angelo na manghang nakatingin sa akin.
"Kung gusto mo mag-one hand, gamitin mo ay pistol or revolver," payo ko kay Angelo.
Tinanggal ko ang suot kong eye and ear protection. "Pero kung gusto mo lang magpasikat sa akin at mapinsala ang balikat mo, gamitin mo ang Smith & Wesson handgun, sure na nasa hospital ka na," dagdag kong paliwanag kay Angelo.
Lumapit ako kay Angelo at kinuha ang mga protection na dapat n'yang gamitin para sa kaligtasan n'ya.
"Wag unahin ang yabang, unahin ang kaligtasan lalo na sa beginner na kagaya mo," seryoso kong turo kay Angelo.
Kinuha ang hawak n'yang handgun at kinasa iyon sa harapan n'ya, binigay ko sa kan'ya ang baril.
"Dalawang kamay ang gamitin mo, at mahigpit na hawak," dagdag ko pa ulit.
"Sino ka ba?" seryosong tanong n'ya sa akin habang nakatingin.
Hinawakan ko ang baba n'ya para ilipat ang attention n'ya sa target.
"Ang hawak mong baril ay dapat naka-focus sa target, pero para mas-accurate mong tatamaan ang target, ang mata mo dapat ay naka-focus sa sight," paliwanag ko kay Angelo sabay turo sa part ng sight ng hawak n'yang baril.
"Tapos?" tanong n'ya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay n'ya para lalong ma-focus sa target dahil bagito pa s'ya sa paghawak ng baril.
"Tapos, dahan-dahan mong kalabitin ang trigger," payo ko.
Agad n'yang ginawa at malakas na tunog ng baril ang narinig ko.
"See," nakangiti kong sabi kay Angelo ng sa ulo natamaan ang target.
Umayos ako ng tayo at hinarap ko si Angelo para humiling ng kahit ano gaya ng pinag-usapan. Ayon sa kakayahan n'ya, talo na s'ya sa akin. Matagal na akong humahawak ng baril kaya wag s'yang umaasa na mananalo s'ya sa akin.
"Close na ang deal n'yo ni Master at kailangan ko ng humiling," sabi ko kay Angelo na tinatanggal ang suot n'yang protection.
"Hindi pa nga tayo nag-uumpisa," sagot n'ya sa akin.
"Sa paghawak mo pa lang ng baril, mali na. Gusto mo pang makipagkumpitensya sa akin. Wag mo ng ipahiya ang sarili mo," sagot ko sa kan'ya.
"Ano naman ang hihilingin mo? O magkano hihilingin mo?" tanong n'ya pa sa akin.
"Kailangan ko ng trabaho, sa itsura mo mukhang marami kang connection kaya tulungan mo akong humanap," seryoso kong sagot.
"Secretary ko aalis na next week at naghahanap ako ng personal bodyguard dahil kailangan ng bodyguard ng kapatid kong si Angela at s'ya lang ang makakapagkatiwalaan ko," seryoso n'yang sagot sa akin.
Mayroon s'yang kinuha sa wallet n'ya at mayroong binigay sa akin na card.
"Tawagan mo lang ang secretary ko para sa resumè mo, para sa pagiging bago kong secretary," sagot n'ya sa akin.
"Tanggap na ako?" seryoso kong tanong.
Umiling s'ya sa akin. "Interview muna," sagot n'ya sa akin.
"I can do both."