-Kimberlynn-
TINIGNAN ko ang green light sa itaas na nagsisilbing go signal sa mga sasakyan na mabilis ang pagtakbo, na parang mayroon ring hinahabol na oras ang bawat isa.
Hawak ko ang isang brown envelope na kung saan nakalagay ang mga kailangan kong papel, resumè at application letter para sa interview ko sa isang company. Huminga ako ng malalim at inayos ang suot kong black dress na hanggang tuhod ang haba.
Muling tinignan ang red light sa harapan ko na mayroong hugis tao sa gitna, na nagsisilbing stop signal sa aming mga pedestrian.
Ilang saglit ng maging green ang ilaw sa harapan ko. Mabilis akong naglakad kumpara sa mga kasabayan kong tao sa paligid.
Five minutes walk na lang ang building kaya magiging maaga pa ako ng fifteen minutes para sa interview. Sa pagmamadali ko sa paglalakad ay muntik-muntikan pa akong matalisod dahil sa two inches heels na suot ko.
Bakit kasi ganito ang daan dito? Maraming ginagawang kalsada kanina habang papunta ako sa lugar na ito at hindi man lang sila nagpaabiso, pero buti na lang mayroon pa akong oras para hindi ma-late sa pupuntahan ko.
Kinuha ko ang phone ko habang ang dalawa kong paa ay nagmamadaling maglakad. Tinapat ko sa mukha ko ang phone para tignan kung maayos pa ba ang mukha ko.
Wala naman nagbago dahil maganda pa rin naman ako.
"Stop that guy!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.
"What the?!" gulat kong sabi ng biglang nawala ang phone sa harapan ko.
Tinignan ko ang isang lalaking naka-business suit na mayroong hinahabol na lalaki, mayroon din s'yang kasamang isang lalaki na humahabol din.
Tinignan ko ang kumuha ng phone ko. Likod na lang ang nakikita ko at sa bawat taong nakakasulubong n'ya ay hinahawi ang mga ito para makatakbo s'ya ng ayos.
Mahigpit kong hinawakan ang envelope sa kamay ko. Nakita ko ang paglampas ng dalawang lalaki sa akin.
"'Yung phone ko!" sigaw ko.
Hinubad ko ang suot kong heels at nagsimulang tumakbo para habulin ang lalaking kumuha ng phone ko.
Masyado ng malayo ang lalaki sa akin, pero abot pa rin s'ya ng tingin ko. Agad na tumawid ang lalaki sa highway kahit na mayroong mga mabibilis na sasakyan na dumadaan.
Hindi ko pinalagpas. Tumawid ako sa highway dahil nasa loob ng phone ko ang mahahalagang impormasyon ko.
Mabilis ang pag galaw ko para iwasan ang mga sasakyan hanggang sa tuluyan akong makatawid ng buhay. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa lalaking hawak-hawak pa ang phone at isang itim na bag.
Tumingin ako sa kabilang side ng dadaanan ng lalaki. Kung sa kabila ako daan ay magkakasalubong kami sa gitna.
Agad akong tumakbo sa kabilang side kahit hindi ko siguradong maaabutan ko pa ang lalaki. Pagdating namin sa pinakagitna ay pareho kaming napatigil sa pagtakbo ng lalaki ng magkita kami.
Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa pagod, ang bilis ng t***k ng puso ko na halos na ririnig ko na ang bawat pag pintig nito sa dibdib ko at malagkit na pawis na tumulo mula sa balat.
"'Yung phone ko?!" hinihingal ko pang tanong sa lalaki.
Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa init ng panahon. Hindi ko muna inintindi ang pagkauhaw ko at tinignan ko ng seryoso ang lalaking umagaw sa phone ko.
Inilahad ko ang kamay ko para hingin ang phone ko sa kan'ya, pero bigla s'yang naglabas ng balisong, kaya natawa ako ng konti sa ginawa ng lalaking nasa harapan ko.
"Wag kang lumapit kung hindi bubutasan ko ang tagiliran mo," bantang sabi ni Kuya sa akin.
Tinaas ko ang kamay ko. Sino ang tangang itataya ang buhay para sa phone?
Tumango ako kay Kuya para sabihin sa kan'ya na surrender na ako. Tumingin s'ya sa likuran kung saan padating na ang mga lalaking humahabol rin sa kan'ya.
"Si Kim yata ang tanga," mahina kong sabi sa sarili ko.
Habang nakatingin ang lalaki sa likuran at ang balisong ay nakatutok sa akin.
Tinignan ko ang paa n'ya na dahan-dahan na naglalakad papunta sa isang direksyon.
"Wag kang susunod!" banta n'ya sa akin.
Agad akong tumango kay Kuya. At nang balak n'yang tumakbo muli sa pagtakas ay agad akong umupo para sipain ang dalawa n'yang paa dahilan ng pagtumba n'ya. Pagkatumba ng lalaki ay agad akong lumapit para hawakan ang kamay n'yang mayroong hawak na patalim. Pagkaagaw ko sa patalim ay tinapon ko iyon kung saan. Pinadapa ang lalaki sa maalikabok at mainit na semento na kinalalagyan namin. Pinagdikit ko ang dalawang kamay ng lalaki sa likod.
"Bitawan mo ako!" sigaw ng lalaki sa akin.
"Tsk!" iyon lang ang sinabi ko sa kan'ya bago ko kuhanin ang panyo ko at itali sa kamay n'ya.
Tinignan ko ang phone kong nakalagay na sa sahig kaya agad kong kinuha iyon.
"Kung kailangan mo ng pera sana sumama ka na lang sa akin para mag-apply tayo," biro ko sa lalaking nakadapa sa sahig.
"Pakawalan mo ako!" sigaw pa s'ya ulit sa akin.
Hinanap ko ang balisong na hawak n'ya kanina. Kinuha ko iyon at pumunta sa harapan ng lalaki.
Tiniklop ko ang balisong sa harapan n'ya gamit ang isang kamay at muli kong inilabas ang patalim gamit ang isang kamay saka mabilis na tinusok sa sahig sa gilid ng mukha n'ya.
"Wag kang hahawak ng patalim kung hindi ka pa sanay," payo ko sa lalaki.
Tumayo na ako ng makita kong dumating ang dalawang lalaki na humahabol sa kumag na ito. Kinuha ko ang itim na bag at hinagis ko sa lalaking naka-business suit.
Huminga ako ng malalim dahil hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang t***k ng puso ko, hindi dahil sa takot kung hindi sa hingal ko.
"Kung kailan formal ang suot ko saka ka nagpahabol," irita kong sabi sa lalaki habang pinapagpagan ko ang suot kong dress.
"Thank you!" rinig kong sabi ng lalaking inabutan ko ng itim na bag.
Tumingin ako sa lalaki na naglakad sa harapan ko at ang isa naman n'yang kasamahan ay hinawakan ang lalaki.
"Saan n'ya dadalhin iyon?" taka kong tanong sa lalaking kaharap ko.
Kinuha ng lalaki ang magnanakaw.
"Dadalhin n'ya kung saan s'ya dapat," seryosong sagot ng lalaki sa akin.
Tinignan ko ang formal na formal na lalaki.
"Angelo Esposito," pagpapakilalang sabi ni Angelo sa akin.
Nakita ko ang paglahad ng kamay n'ya sa harapan ko para makipagkamay sa akin, pero lumagpas ang tingin ko sa kamay n'ya, napunta sa ibaba dahil sa maalikabok kong paa.
Wala na akong suot na kahit ano sa paa ko ngayon.
"Ang dumi ng paa ko," inis kong sabi.
Napansin kong babawiin na ni Angelo ang kamay n'ya. Agad kong kinuha iyon dahil ayoko naman na mapahiya s'ya.
Tinignan ko si Angelo sabay bigay ng isang ngiti sa kan'ya.
"Kimberlynn Rivera, Kim na lang," pagtugon ko kay Angelo.
Bigla s'yang natawa ng mahina dahil sa kinilos ko.
"Dati ka bang snatcher?" tanong ni Angelo sa akin.
Tumaas ang kilay ko at pabalibag na binitawan ang kamay n'ya.
"Dati akong killer, bakit?" biro ko, pero seryoso ang tono ng pagkakasabi ko.
Narinig ko ang isang pang mayaman na tawa sa kan'ya. Mahina, pero bakas ang eleganteng tunog.
"Wala naman, masmabilis ka pang tumakbo sa amin," natatawa n'yang sagot sa akin.
Sa dati kong trabaho kung mabagal ako, baka patay na ang boss ko kaya hindi uso ang mabagal. Hindi lang tao ang hinahabol ko minsan kotse o motor kaya ang mga ganitong eksena ay masyadong basic.
Pinagpagan ko ang suot ko at tinignan si Angelo. Nakita ko ang alikabok sa suot n'yang itim na coat kaya pinagpagan ko iyon gamit ang isa kong kamay.
"Hindi ko kasalanan kung mabagal lang talaga kayo ng kasamahan mo," banat ko.
Hindi ko alam kung iniinis n'ya ba ako o ano.
Tumango s'ya sa akin, pero nanlaki ang mata ko ng mayroon akong maalala bigla.
"Oh men!" inis kong sabi ng maalala ko ang pinunta ko sa lugar na ito.
"What's the matter?" takang tanong ni Angelo sa akin.
"Kailangan ko ng umalis," sagot ko kay Angelo.
Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya at kumaripas na ako ng takbo pabalik kung saan dapat ako pupunta.
Hindi ko mapigilan ang hampasin ang ulo ko dahil bakit ko nakalimutan ang pinakamahagang pinunta ko.
"Stupid, Kim!" bulong ko sa sarili.
Muli akong napahinto sa gilid ng highway dahil naka-go signal ang traffic light. Tinignan ko ang suot kong relo.
Napailing ako ng makita kong pitong minuto na akong huli sa interview ko. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko at agad kong nilusob ang delikadong highway na mayroong mabibilis na takbo ng mga sasakyan.
"Shocks!" gulat kong sabi ng muntik akong mabangga ng asul na kotse, buti na lang ay napahinto ito.
"Hey! Magpapakamatay ka ba?!" galit na sigaw ng driver.
"Sorry!" sigaw ko bago tumakbo papunta sa kabilang side ng highway.
Tinignan ko ang hawak-hawak ko envelope na nalukot na. Binalikan ko ang sapatos ko na nandoon pa rin.
Naghihikahos kong sinuot ang sapatos at hindi mapigilan na tumatakbo papunta sa building kung saan gaganapin ang interview ko.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating ako sa building na magulo ang buhok, lukot ang suot na damit, madumi ang balat dahil sa alikabok na mayroong halong pawis.
Pagpasok ko sa loob ng building ay agad kong pinakita sa guard ang I.D ko para papasukin ako sa loob. Muntik pa akong madapa dahil sa dulas ng tiles sa loob, pero ng makita ko na ang room kung saan ginaganap ang interview ay huminga ako ng malalim.
"Kaya ko ito," pagpapalakas ng loob kong sabi sa sarili ko.
Ang lakas ng kabog ng puso ko, pero paghawak ko sa malamig na doorknob ng pinto ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Sinuot ko ang pinakamaganda kong ngiti bago ko tuluyan na buksan ang pinto at pumasok sa loob.
Masaya akong pumasok sa loob ng apat na sulok na lugar, pero nawala agad ang ngiti ko ng makita ang wala ng tao sa loob maliban sa isang babae na naglilinis ng table.
"Miss, nasaan 'yung mga tao?" tanong ko kay Ate na naglilinis ng mga papel na naiwan sa kahoy na table.
"Kaaalis lang, Ma'am," sagot ng babae sa akin.
Tumango ako sa babae na bakas ang lungkot sa mukha ko.
"Sige, salamat po," sabi ko bago ako matamblay na naglakad palabas ng kwarto.
Tinignan ko ang lukot kong dala at tinapon sa basurahan sa labas ng room.
Isang malungkot na pangbuntong hininga ang ginawa ko bago ako naglakad palabas ng building.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan iyon. Nabawi ko nga ang phone ko hindi naman ako nakapunta sa interview ko.
Habang naglalakad ako ay umupo muna ako sa isang upuan sa labas ng restaurant para magpahinga.
Tinignan ko ang suot kong sapatos at ang paa kong mayroon ng sugat dahil sa pagmamadali ko kanina.
Inis kong binaba ang phone sa table sa harapan ko at napatingin sa kalsada.
Ang dami kong pinasahan na resumè tapos kung kailan mayroon na akong interview saka nawala pa.
Sumandal sa upuan at iniisip ko kung ano na ang gagawin ko ngayon.
Hindi ba ako bagay sa office at ayaw akong pagtrabahuhin?
Bumalik na lang kaya ako sa mga Fuente?
Umiling ako sa iniisip ko. Tinignan ko ang phone ko at umayos ng upo.
Marami pang trabaho sa paligid at kaya ko nakuha ang phone na ito ay mayroong tatawag sa akin para bigyan ng trabaho.
Muli kong binitawan ang phone ko sa table at sumandal habang nakatitig sa phone ko.
Paano kung wala? Sana pala ibinigay ko na lang sa lalaki ito.
Naramdaman ko ang hapdi sa paa ko kaya hinawakan ko ang kanan kong paa para hilutin iyon.
Babawi na lang ako next time, hindi talaga sa akin ang trabahong iyon.
Pagkatapos kong magpahinga ay agad akong tumayo para umuwi na. Naiirita na ako sa katawan ko dahil sa ang lagkit at ang dumi ko pa.
Hindi ko nakuha ang trabaho na iyon, pero mukhang mayroong magandang opportunity ibibigay sa akin.
Pagpapagaan ko sa loob ko.
Masmaganda kung pumunta muna ako sa shooting range ni Master at manood ng mga nagsasanay na bumaril.