-Kimberlynn-
"KIMBERLYNN, ang ganda mo," puri ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin ng restroom sa isang cafè.
Ngayon ang interview sa akin ni Angelo Esposito para sa offer na trabaho n'ya sa akin.
Wala akong kaba na nararamdaman dahil alam ko ang galing ko. Bodyguard man o secretary ay okay lang. Hindi naman ako mapili sa trabaho.
Kinuha ko ang lip gloss ko para ipahid sa full heart shape pinkish lips ko.
Mahihiya talaga ang mga babaeng kasama ko dito sa ganda ko. Inayos ko ang buhok kong wavy black habang pinagmamasdan ang kagandahan ko.
Maaga na ako ngayon dahil baka mayroon na namang mangyari at masayang na naman ang pagkakataon ko.
Pagkatapos kong pagmasdan ang maganda kong mukha ay naglakad na ako paalis sa maliit na room na iyon para puntahan ang reservation table namin.
Tumigil sa paglalakad ang paa ko at tumaas ang kilay ko ng makita ang table na kanina kung saan ako nakaupo, ang table na ni-reserve ko para sa amin ni Angelo ay mayroon ng nakaupo na isang babae.
Tinignan ko ang paligid ng cafè na marami ang customer dito. Kung hindi n'ya kilala si Kim ay ipapakilala ko na s'ya.
Nagsimula akong maglakad palapit sa babae, pero biglang pumasok sa eksena si Angelo na umupo sa tapat ng babae.
"Why you took so long, Kuya?" naiinip na tanong ng babae.
"Kuya?" mahina kong bulong sa sarili ko.
Baka s'ya ang sinasabi ni Angelo sa akin na kailangan ng bodyguard. Buti at dumating si Angelo dahil baka nagulpi ko na ang babaeng ito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ko para lapitan sila.
"Kumusta," paunang bati ko sa kanilang dalawa.
Binigyan ko sila ng isang ngiti bilang pagbati. Pareho silang napatingin sa akin.
Sa malayo ay hindi pansin na medyo hawig silang dalawa kaya tama lang ang ginagawa kong maging kalmado.
"S'ya ang sinasabi ko sa 'yong bago kong secretary," pagpapakilala ni Angelo sa akin sa kapatid n'ya.
Taka akong tumingin kay Angelo. Tinuro n'ya ang upuan na katabi n'ya para paupuin ako roon, pero nasa kalagitnaan pa ako ng pagkabigla.
"Tanggap na ako?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Angelo.
"Yes," nakangiti n'yang sagot sa akin.
"You're so kind," puri ko sa kan'ya.
Dahil sa pagka-excite ko ay nahampas ko sa balikat si Angelo na parehong ikinabigla ni Angelo at Angela.
"Pasyensya, masaya lang," nakangiti kong saad sa kanila.
Mukha naman silang mabait pareho kaya hindi naman nakakailang nakasama ang mga ito.
Napangiti naman si Angelo sa akin dahil sa ugali ko. Mukhang nagandahan lang s'ya sa akin kaya tanggap na ako. Iba talaga pag ganda ang puhunan dahil mayroon pang talent na taglay.
Um-order ng pagkain si Angelo para sa amin. Akala ko ay mayroon pang-interview na magaganap, pero parang sinama lang ako ni Angelo para makinig sa pag-uusapan nilang magkapatid.
"Akala ko ba ay kasama mo ang business partner mo?" tanong ni Angelo sa kapatid.
Magkatabi kami ni Angelo at nasa harapan naman namin si Angela.
Hindi naglalayo name nila, ah.
Tinignan ni Angela ang phone n'ya saglit.
"Malapit na daw s'ya," sagot ni Angela.
Mukhang miss nilang ang isa't isa kaya hinayaan ko na lang silang mag-usap na kapatid. Ako naman ay sinimulan kong kainin ang pagkain sa harapan ko at ang kape.
Mamahalin ang lugar na ito. Kung kasama ko si Axton ay lagi kaming nandito at syempre libre naman n'ya kaya walang problema sa akin iyon.
"What is your name, by the way?" tanong ni Angela sa akin.
"Kimberlynn," sagot ko sa kan'ya.
Humigop ako ng mainit na kape pagkasagot ko sa kan'ya.
"Nice meeting you," saad n'ya sa akin.
"Me too," sagot ko.
Hindi ko natuloy ang pag-inom ko ng kape ng maramdaman ko ang pagtitig ni Angelo sa akin.
Malakas ang pakiramdam ko kung mayroon nakatitig, nakamasid o nakasunod sa akin dahil sa dati kong trabaho kaya ramdam ko si Angelo.
"Why?" tanong ko sa kan'ya.
"Ang gaan mong makausap? Hindi ka ba naiilang sa kapatid ko?" tanong n'ya sa akin.
Tinignan ko ang maamong mukha ni Angela. Sa tingin ko ay bata lang ng ilang tao si Angela sa akin, pero masmaganda pa rin naman ako sa kan'ya.
Maganda rin si Angela at mukhang girly dahil sa style ng suot n'ya. White dress and boots ito, she's wearing a matte red lipstick, and simple make up.
Binaling ko ulit ang tingin ko kay Angelo. "Dapat mailang ako?" taka kong tanong kay Angelo.
Isang mahinang tawa ang pinakawalan nilang magkapatid sa akin kaya napangiwi na lang ako.
"Alam n'yo. Marami na akong nakasalamuhang tao, lahat iyon ay hindi ko kinailangan," paliwanag ko sa kanila.
Kung maiilang sa mga taong makakasama mo ay wag ay masmaganda kung umatras na ako.
"I like your confidence," puri ni Angelo sa akin.
"Well," pagyayabang ko.
"He's here," biglang singit ni Angela.
Pinagpatuloy ko ang kape ko at ang pagkain ko dahil sayang naman kung hindi kakainin. Ang mga ganitong usapan ay madalas nagkakahiyaan ang mga magkakausap kaya hindi nakakain ang pagkain.
"I'm sorry, I'm late," rinig kong paumanhin ng isang lalaki.
Inangat ko ang tingin. Nanlaki ng makita ko ang lalaking ayokong makita sa buong buhay ko na.
Malakas kong nahampas ang glass table sa harapan ko at mabilis akong napatayo sa pagkabigla ko na nagsanhi ng ingay para pagmulan ng attention ng mga tao.
Hindi ako makapaniwalang tumungin kay Nolie na maski ito ay nagulat na makita ako.
Anong ginagawa ng gagong ito dito?
"There's any problem, Kimberlynn?" takang tanong ni Angela sa akin.
Hindi nagsasalita ang kumag na lalaki sa harapan ko, pero gusto ko ng mag-walk out ngayon para hindi na makita ang mukha ng manlolokong lalaking ito.
Sa daming lugar bakit nagkikita pa kami? Sobrang liit ba ng mundo at wala ng mapaglagyan ng mga manloloko?
"Kim?" tawag ni Angelo sa akin.
Agad akong bumalik sa pagkakaupo ko na walang sinasabi na kahit ano.
Bakit ba ako magpapaapekto sa kan'ya. Hindi ako ang may kasalanan kaya bakit ako maapektuhan sa kan'ya.
"Have a seat, Nolie," paanyaya ni Angela.
Agad naman na umupo si Unggoy sa mismong tapat ko. Wag s'yang tumingin sa akin dahil baka tadyakan ko itlog n'ya ng palihim.
"What do you want to eat?" tanong ni Angela kay Nolie.
Nalipat ang tingin ko sa kamay ni Angela na pumulupot sa braso ni Nolie dahil sila lang ang magkatabi.
Wala namang epekto sa akin kahit sino pa ang hawakan n'ya.
"Kape lang ako," sabi ng ulol.
Wala akong salita na i-describe sa lalaking ito kung hindi ang mga masasamang salita.
"Mayroon bang problema?"
Bumalik ako sa katinuan ng biglang nagsalita si Angelo sa gilid ko.
Muli na naman napukaw ang atensyon ng mga kasama ko dahil sa kagandahan ko.
Marami akong problema, pero mas nakakainis pa ang mukha ni Nolie kaysa sa problema ko.
"Wala," tipid kong sagot.
Muli kong hinawakan ang baso na iniinuman ko para ipagpatuloy ang pag-inom doon.
"Do you know each other?" tanong ni Angelo pa sa amin.
Tinutukoy siguro n'ya ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Yes/No," sabay namin sagot ni Nolie.
Muli akong napatingin kay Nolie. Isang magandang tingin lang ang binigay ko para ipamukha sa kaniya na kung sino ang sinayang n'ya.
"Kilala mo ako?" nakangiti kong tanong kay Nolie.
Ayoko ng alalahanin ang lahat sa amin dahil wala namang magandang nangyari para isipin pa.
Seryosong nakatingin si Nolie sa akin which is normal lang naman sa kumag na ito.
Nakatitig s'ya sa maganda kong mukha.
"Nolie, magkakilala ba kayo?" tanong na ni Angela sa katabi n'ya.
"Hindi," sagot n'ya sabay tingin sa babaeng katabi nito.
Napangisi ako dahil sa kan'ya. Nagpatuloy na ako sa pag-inom ng kape ko.
Baka gusto n'yang itumba ko s'ya ngayon dito.
"Familiar lang ang mukha n'ya sa akin," saad pa ni Nolie.
Napangisi ako sa sagot n'ya, pero hindi ko pinahalata sa mga kasama ko.
Kung ako familiar sa kan'ya, s'ya ay hindi ko kilala. Ang kape na iniinom ko ay ginawa ko ng tubig dahil sa inis sa lalaking nasa harapan ko.
"Balak ko lang ipakilala si Kim sa 'yo, seems like you have something important to do with Nolie. We gonna go first," paalam ni Angelo sa dalawa.
Nauna akong tumayo sa kan'ya dahil wala naman na akong balak na magtagal pa sa lugar na ito.
Dahil sa biglaan kong pagtayo ay nakuha ko na naman ang attention nila.
Napangiti ulit ako sa kanila, nagmadali akong kuhanin ang dala na bag ni Angelo para ako na ang magbuhat noon.
"Ako na ang bahala dito," sabi ko kay Angelo.
Binuhat ko ang itim na bagpack na medyo mabigat pala iyon.
Nakatingin si Angelo sa akin na parang gusto ng kuhanin ang bag na kinuha ko.
"Kaya mo ba?" nag-aalalangan na tanong ni Angelo sa akin.
"Ano tingin mo sa akin, weak?" banat ko.
Hindi ko alam kung ano ang laman ng bag na ito, pero mukhang sampong kilo ang bigat.
Sinuot ko ang bagpack at yumuko sa harapan ni Angela.
"Mauna na po kami," magalong kong paalam kay Angela.
Nalipat ang tingin ni Angela kay Angelo, pero ang gago ay nakatingin sa akin.
Isang walang pakeng tingin ang binigay ko sa kan'ya.
"Mag-ingat ka, Kuya," paalam ni Angela kay Angelo.
"Ikaw ang mag-ingat," mabait na balik ni Angelo.
Tama si Angelo. Si Angela dapat mag-ingat dahil sa kasama n'yang ugok.
Nagsimula kaming maglakad ni Angelo palabas ng café, pero ang inis ko ay nananatili sa lalaking iyon.
"P'wede na rin pala kitang bodyguard," biro ni Angelo sa akin.
Naglalakad kami sa gilid ng kalsada para puntahan ang kotse sa car park. Hindi n'ya p'wedeng i-park sa tapat ng café ang kotse dahil sa paglabas noon ay highway na agad. Mayroon lang kaunting space para malayo ng konti sa daan.
Marami ang building sa paligid, mga busy na tao, medyo maalikabok na paligid dahil sa bilis ng takbo ng mga kotse, at nakakapaso na init ng araw.
"Ano ba ang laman ng bag mo at ganito kabigat? Hindi kaya gold bar?" biro ko kay Angelo habang naglalakad.
Ngayon ko lang naranasan ang medyo light man na sinusundan ko. Si Axton kasi pura pasakit ang puso kaya minsan lang ngumiti.
Mahinang tawa ang binigay sa akin si Angelo. Isang normal na lakad lang ang ginagawa namin papunta sa kotse.
"Mas'yado kang palabiro," sagot n'ya sa akin.
Pagdating namin sa car park ay mayroon doong lalaki na nakatayo. Iyon ang lalaking madalas kong kasama n'ya.
Pinagbukasn ng bodyguard si Angelo sa passenger seat. Ako naman ay inilagay ko sa back seat ang bag ni Angelo, pero hindi ako pumasok sa loob.
Kumuha ako ng bente sa shoulder bag.
"Oops!" pigil ko sa bodyguard ni Angelo.
Ang kanang kamay n'ya ay nakahawak na sa pinto at handa ng pumasok sa loob para ipagmaneho ang kaniyang amo.
Dahil sa expert pa ako sa mga snatcher ay hinablot ko ang susi sa kamay ng bodyguard ni Angelo.
Aapila pa sana ang lalaking kaharap ko, pero tinapat ko ang hintuturo ko sa bibig n'ya.
"Shhh! Don't say anything," saad ko.
Hinawakan ko ang kamay n'ya at inabot ko ang bente sa kan'ya.
"Kumain ka muna sa isang fine restaurant," saad ko.
Halata sa mukha n'ya ang pagtataka, pero pumikit ako sabay tapik ng balikat n'ya.
"Alam kong malaki ang binigay ko, pero wag ka ng magpasalamat. You deserve it," hayag ko.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at ako na ang umupo sa driver seat.
Walang thrill ang buhay kung nakaupo ka lang sa likod.
"What the meaning of this?" takang tanong ni Angelo sa akin.
Nalipat ang tingin ko sa sunglasses na nakasabi sa kaniyang suot na damit.
Agad kong inagaw iyon. Bago ko isuot ay isang kindat ang binigay ko kay Angelo.
"Mas okay ako sa bodyguard at secretary. I told you, I can do both," nakangisi kong sagot kay Angelo sabay suot ng sunglasses.
"Kumapit ka, magmamaneho ang expert," paalala ko kay Angelo.
"What the hell?" natatawang tanong ni Angelo sa akin.
"I'm hot as hell," dagdag ko pa sa kan'yang sabi.
Agad kong pinaharurot ang kotse para umalis sa lugar na iyon.