-Kimberlynn-
KAKATAPOS ko lang maligo. Mayroong towel na nakatalukbong sa ulo ko habang pinupunas ko sa basa kong buhok. Nasa sala ako ngayon habang nanunuod ng balita. Matutulog na ako, pero hinihintay ko lang na matuyo ang buhok ko. Nakaupo ako sa sofa habang ang suot ko ay panjama at sando lang; nanunuod ako ng balita para pampaantok na rin. Iniisip ko rin kung papasok ba ako bukas o hindi muna. Pagpapasok ako bukas ay baka makita ko lang ang babaeng iyon at sa pikon ko ay maitulak ko lang s'ya sa building.
Nabaling ang tingin ko sa bandang pinto ng mayroong tatlong katok mula sa pinto ang narinig ko. Agad akong tumayo para puntahan ang pinto at para buksan iyon.
"Sir Angelo," gulat kong tawag sa kan'ya.
Hindi ko inaasahan na darating s'ya dito. Baka dahil sa hindi ko sinasagot ang tawag n'ya kaya s'ya nandito para pagalitan ako sa nangyari kanina. Saglit n'ya lang akong tinignan at pumasok na agad sa loob ng bahay ko. Sinarado ko ang pinto.
Anong oras na, pero gumagala pa s'ya.
Tinanggal ko ang towel sa ulo ko, mga nagkalat kong damit at ang cup noodles na kinain ko kanina.
Malay ko bang dadating s'ya dito? Sana nakapaglinis ako, saka paano ako makapaglinis ng bahay kung ang dami n'yang pinapatrabaho sa akin.
"Why you didn't pick up your phone?" tanong ni Angelo sa akin.
Umupo s'ya sa sofa habang nakabukas ang T.V ko. Pinagmamasdan n'ya ang bahay ko na parang ngayon lang s'ya nakapasok sa isang simpleng bahay.
"Bwisit kasi ang kapatid mo," direkta kong sagot sa kan'ya.
Umupo ako sa sofa ko katabi n'ya. Bakit ako mahihiya sa kan'ya ngayon? Eh, bahay ko ito.
"Cancel my meeting on saturday, we will attend to Angela's event," utos n'ya sa akin.
Tinignan ko ang seryosong mukha ni Angelo, at kumunot ang noo ko. Hindi ko mawari kung totoo ba ang narinig ko o mali lang s'ya ng sinabi sa akin.
Okay lang sana kung i-cancel ang meeting n'ya, pero hindi na yata kasama sa trabaho ko ang pagpunta sa bulok na event ng kapatid n'ya. Sayang lang ang oras ko doon.
"I will cancel your meeting, pero hindi na kasama sa trabaho ko bilang secretary mo ang pagsama sa event ng kapatid mo," apila ko sa kan'ya.
Nalipat ang tingin ko sa kamay ni Angelo nang hawakan n'ya ang kamay ko.
Ang malanding lalaking ito.
"Pero kasama sa trabaho mo bilang bodyguard ko ang sumama sa akin," tugon n'ya sa akin.
Napangisi naman ako kay Angelo. Mga galawan ng lalaking ito.
Tinignan ko s'ya ng diretso sa mata n'ya. "Hindi ba tinanggal na ako ng kapatid mo sa trabaho?" seryoso kong tanong sa kan'ya.
Sumilay sa ngisi sa labi n'ya, umusog ito palapit sa akin at nilapit n'ya ang mukha nito papunta sa tenga ko.
"Bakit sino ba ang boss mo?" bulong n'ya sa akin.
"Ikaw," sagot ko agad sa kan'ya.
"Mayroon ba akong sinabi na tanggal ka na?" tanong n'ya pa sa akin.
Hinawakan nito ang baba ko at tinapat ang mukha ko sa mukha n'ya.
"Bakit ko naman tatanggalin ang babaeng nagpapasaya sa akin?" mabulaklak n'yang sambit.
Napangiti naman ako dahil sa landing taglay ng lalaking ito.
Ang mata n'ya ay bumaba ang tingin sa katawa ko.
Wala akong suot na bra dahil matutulog na lang naman na ako at oversize na sando ang suot ko. Wala akong idea kung ano ang tinitignan n'ya doon.
Binalik n'ya ang tingin sa mata ko, hinawakan n'ya ang pisnge ko.
"You got my attention since our first met," saad nito.
Naramdaman ko ang malamig n'yang kamay sa likuran ko.
"Woot!" reaction ko ng bigla n'yang hapitin ako palapit sa kan'ya.
Muntik ng magtama ang labi namin, pero ang katawan ko ay nakadikit na sa kan'ya.
Walang aircon ang bahay ko kaya ramdam ko ang pag-init ng paligid ng haplusin ni Angelo ang likod ko.
"Don't be bother to my sister. I got you," saad nito sa akin.
Magsasalita pa lang ako ng maramdaman ko na ang pagdikit ng labi namin.
Lalong uminit ang katawan ko ng bawat parte ng likuran ko ay hinahaplos ni Angelo.
Agad naman akong gumanti sa halik n'ya.
"Hmmm!" he moaned.
Nalalasahan ko ang alak na ininom n'ya, pero hindi sapat na lasingin ako. Hinawakam n'ya ang likod ng ulo ko para lalong palalimin ang halik n'ya sa akin, pero hindi sapat para malunod ako.
Ako na mismo ang umupo sa mismong harapan n'ya ng hindi nawawala ang pagdikit ng labi namin. Pinalupot ko ang dalawa kong braso sa leeg n'ya. Nawala ang paghalik n'ya sa labi ko at agad iyong bumaba sa leeg ko. Bawat parte ay walang nakakawala sa labi n'ya.
Inalalayan ni Angelo ang likod ko at tuluyan na akong hiniga sa sofa ko.
Pinanood kong hubarin ni Angelo ang coat na suot n'ya at pinatong iyon sa sandalan ng sofa. Muli n'yang binalikan ang labi ko at kinulong ang dalawa kong kamay sa palad n'ya.Habang nag-e-enjoy sa paghalik sa akin si Angelo ay hinuhubad n'ya na ang suot nitong white long sleeve. Bumaba ang kamay ni Angelo hanggang sa mapunta iyon sa dibdib ko sa mayroon pa akong suot na sando.
Nakatingin ako sa kawalan habang si Angelo ay nagsasaya sa ginagawa n'ya sa katawan ko. Naramdaman ko ang pagpasok ng kamay ni Angelo sa suot kong sando. Agad akong bumangon para awatin na ang kasiyahan na gusto ni Angelo. Halos na unbutton na n'ya lahat ng suot n'ya at kitang-kita ko ang maganda nitong katawan.
Tumayo ako sa harapan n'yang disappointed sa ginawa ko. Isang magandang ngiti ang binigay ko sa kan'ya.
"Wag mong sabihin na kasama ito sa trabaho ko bilang secretary at bodyguard mo?" nakangisi kong tanong kay Angelo.
Tumayo si Angelo para lapitan ako, pero nilapitan ko rin s'ya para muling ibotones ang suot n'ya.
"Gabi na at kailangan mo ng umuwi," sabi ko sa kan'ya habang abala ako sa pag-aayos ng suot n'ya.
Pagkasuot ko ng mga botones ay kinuha ko naman ang coat n'ya para isuot na rin iyon sa kan'ya.
"Maaga pa ang trabaho natin bukas kaya umuwi ka na, Sir Angelo," pagpapauwi ko kay Angelo.
Hinawakan ko ang dalawa n'yang balikat at dahan-dahan s'yang tinulak palabas ng bahay ko.
"What's our relationship?" seryoso n'yang tanong.
Tumigil sa paglalakad si Angelo at hinarap ako.
Hinawakan ko ang balikat n'ya. "Boss kita at secretary mo ako, iyon ang relasyon natin," sagot ko sa kan'ya.
Hindi ako slow para hindi malaman ang ibig n'yang sabihin.
"Aside that—"
"Nothing," putol ko sa kan'ya.
"I like you," confessed n'ya.
Tumango ako sa aking boss. "Normal lang sa akin na mabaliw ang mga lalaki dahil sa kagandahan ko, kaya sanay na ako, pero hindi ko alam kung totoo ba iyan o hindi," paliwanag ko kay Angelo.
Hinawakan ni Angelo ang kamay ko at tinitigan ako sa mata ko.
"Totoo ang nararamdaman ko," sagot n'ya sa akin.
"Hindi kasi ako naniniwala ng walang proweba," saad ko naman sa kan'ya.
"Ano ba ang kailangan mong proweba para malaman mong seryoso ako sa 'yo?" tanong n'ya sa akin.
Tinuro ko ang dibdib ko. Na sinundan ng tingin ni Angelo.
"When my heart beat fast and my body heated as fire," sagot ko sa kan'ya.
"Gagawin ko iyan," sagot n'ya sa akin.
"Hihintayin ko."
Sinarado ko ang pinto para naman matapos na ang pag-uusap naming dalawa.
Inaantok na ako istorbo pa. Kinuha ko muli ang towel ko para patuyuin ang buhok ko.
Diretso na ako sa kama para matulog at kailangan ko ng pumasok bukas ng maaga.
Kinabukasan sa office habang buminili ako ng coffee para sa akin at kay Angelo ay rinig ko ang pag-uusap ng tatlong babae. Ano ang topic? Syempre kung ano ang naganap kahapon.
Pagkakuha ko ng binili kong coffee ay tinignan ko ang tatlong babae na nag-uusap.
"Grabe nga. Binastos 'yung kapatid ng boss natin."
"Halata namang nilalandi n'ya si Boss."
"Baka kaya ibang mga boss dito ay landiin n'ya rin?"
"Iba na talaga ngayon. Mukhang hindi pa naman s'ya pinapaalis kasi nga mayroon silang affair ni Sir Angelo."
"Oo, last time nakita ko silang kumakain magkasama."
Hindi nila siguro alam na nandito ako. Kung hindi naman clients o konektado kay Angelo ay hindi ko nakikipag-usap sa mga employees dito.
"P'wedeng makahingi ng tubig na malamig? 'Yung mayroong yelo," hingi ko sa cashier.
Tumango sa akin at agad naman akong binigyan. Pagkabigay sa akin ng malamig na tubig ay hinagis ko iyon sa gitna ng table ng tatlong chismosa. Napangisi ako ng mangibabaw ang sigaw nila ng mabasa sila.
"Bwisit! Sino ang may gawa nito?!" sigaw ng babaeng mataba na halos puputok na ang suot n'ya.
"Ako!" seryoso kong pag-amin.
Naglakad ako palapit sa kan'ya at napangisi ng makita ang basa nilang suot.
Binaba ko ang hawak kong kape para ayusin ang suot n'ya.
"Grabe na basa pala kita. Sorry, pero intention ko iyon," sagot ko sa kan'ya.
Tinignan ko ng masama ang babaeng kaharap ko kasama ang dalawang babae na kasama n'yang pinag-uusapan ako.
"Wag mo ng gustuhin na pikonin ako," kalmado, pero mayroong pagbabanta kong saad sa kanila. "Huli kong nakaaway, nasa mental ngayon," dagdag ko pa.
Tinignan ko s'ya ng seryoso kasama ang dalawa. "Baka kayong tatlo ay sa hospital magkita-kita," may halong pagbabanta kong saad sa kanila.
Muli kong kinuha ang kape ko at tinignan sila mula ulo hanggang paa. Maski sa paa ko ay hindi sila aangat.
"Sila daw po ang maglilinis ng kalat. Mukha naman silang basahan," panglalait ko.
"Anong sabi mo?" tanong ng babaeng payat sa akin.
Mukhang s'ya nga ang matapang sa grupo dahil sa kilay n'ya.
"Totoo naman na malandi ka, pero mas mukha ka pang basahan sa amin!" giit pa nito sa akin.
Napangiti ako dahil sa katapangan n'yang taglay. Muli kong binaba ang kapeng hawak ko at nilapitan ko ang babaeng nagsalita. Hinawakan ko ang kwelyo n'ya at marahan ko itong hiniga sa basang lamesa.
"Bitawan mo ako!" sigaw n'ya sa akin.
"Subukan n'yong lumapit!" banta ko na mayroon matalim na tingin sa kasama n’ya.
Nakita ko ang juice na iniinom nila at agad kong binuhos sa mukhang matapang na babaeng ito.
"Mukhang uhaw ka sa attention ko, eh." Binitawan ko s'ya at inayos ko ang suot ko.
"Lumapit ka," hamon ko sa mataba at sa isa n'yang kasama.
Pero imbis na ako ang lapitan ay ang kasama nila ang nilapitan. Napairap na lang ako sa kanila.
Mga wala naman pa lang binatbat. Kalmado akong naglakad palabas ng shop at dumiretso ako sa office ni Angelo. Pagpasok ko sa loob ay isang ngiti ang binigay ni Angelo sa akin.
"Bakit?" taka kong tanong sa kan'ya.
Inabot ko ang kape sa kan'ya.
"Nothing," sagot nito.
Taka lang akong nakatingin sa kan'ya. Maglalakad na ako papunta sa table ko, pero saglit ang natigilan ng makita ang isang bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng table ko.
Dahan-dahan akong lumapit doon, pero paglapit ko ay si Angelo ang tinignan ko. Hinawakan ko ang bulaklak na nakatingin kay Angelo.
"Ano ito?" taka kong tanong sa kan'ya.
"Flower," sagot n'ya sa akin.
Isang pekeng tawa naman ang binigay ko.
"Nakakatawa," sarcastic kong sagot.
Naglakad ako palapit kay Angelo habang hawak ang bulaklak na ito. Nilagay ko sa table n'ya.
"Masbagay sa 'yo," balik ko sa kan'ya.
"Kim—"
"Secretary Rivera, Sir Angelo," putol ko sa kan'ya.
"Tayong dalawa lang naman," sagot n'ya sa akin.
Akala ba n'ya ay madadaan n'ya ako sa bulaklak. Kalat lang sa akin iyan.
Agad akong tumalikod kay Angelo ng mayroong kumatok sa pinto.
"Come in," saad ni Angelo.
Tinignan ko muna kung sino ang pumasok, pero nagmadali akong bumalik sa table ni Angelo ng makita ko si Nolie ang pumasok.
"Ano ka ba naman, Sir Angelo napaka sweet mo naman para bigyan ako ng bulaklak," nakangiti kong sagot sa kan'ya.
Tumalikod ako na parang kinikilig pa, pero pagharap ko kay Nolie na nakatingin sa akin ay isang irap na matindi ang binigay ko.
"By the way, payag na ako sa dinner date natin mamaya," sabi ko kay Angelo kahit na wala naman s'yang sinasabi sa akin.
Hinarap ko si Angelo sabay kindat.
What the hell? Anong ginagawa ko?
Naglakad na ako pabalik sa table para magtrabaho na. Si Nolie ay kinausap na si Angelo na parang wala naman s'yang pake sa narinig n'ya. Tinabi ko ang nakakairitang malaking bulaklak na ito sa gilid ko. Hanggang kailan ko ba makikita ang lalaking ito. Laging nasisira ang araw ko lalo na pag dumating pa si Angela.