CHAPTER 3

2375 Words
Dean   Nakatingin lang ako sa malawak na bintana ng opisina ko. Mula rito, tanaw ko ang kabuoang lungsod ng Davao. The view was both enticing and slightly off–putting lalo na pag pagabi na.Pero wala akong makitang kaaya–aya ngayon dahil sa mood ko. Lalo na at nasisira ng bawat minutong pag hihintay ko sa private assistant na in-insist ni Kai na kunin ko.     Padarag nitong isinara ang kurtina saka umupo sa kanyang upuan. Tinitigan niya ang screen ng phone niya at doon kitang–kita niya kung anong oras na. Agad nitong ni-dial ang numero ni Kai.     "Remind me to fire that private assistant of mine pag tungtong na pag tungtong pa lang niya rito sa hotel ko." singhal ko kay Kai sa kabilang linya at saka ito pinatayan at inihagis na lang ang cellphone sa lamesa. Pinag salikop ko ang aking mga kamay saka tinukod sa ulo ko.     I hate to be like this. Yes. I have anger issues, trust issues at kung anu pang puwede mong idikit sa word na issue. That's me, Travis Dean. I learned to seclude myself from trusting simula ng…     Damn! That Monique Santibanez was due to arrive at least thirty minutes ago. I don't know her. Ni hindi ko nakita man lang ang CV niya at kung gaano na siya ka–experienced sa pagiging assistant. Kung hindi lang siya rekomenda ni Kai, I wouldn't drop even a glance on her. Lalo na at babae siya.     There was no place for soft, weak and fragile women in my life.     Not now.     Pero bukod sa pinsan ko si Kai, siya rin ang unang taong naniwalang kaya ko pang iayos ang buhay ko. He tried to maintain a friendship with me since that f*****g wedding and while I hadn't done much to reciprocate, kahit sa simpleng pabor na ito. I know that the gesture was appreciated.     Still, the idea of bringing a woman into his Hotel and keeping her here. Oo kahapon, kinonsidera ko – because it had seemed that it might work. Pero ngayon, I was less certain. Sing bilis ng mga sasakyan sa kalye ang bilis ng pagbabago ng mood ko. Kung ngayon gusto kong suutin ang itim na sapatos, mamaya gusto ko na ng brown. At kahit na ang PAGASA o ang NASA ay mahihirapang tukuyin kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Puwera na lang ngayon dahil ikaw, na nagbabasa ngayon ay alam na kung ano ang iniisip ko.     Ms. Santibanez would learn very quickly what it was to work with a dela Vega. He did not bend for the convention. He forced others to bend for him. He had to lay some boundaries between them. And because I am a dela Vega. A dela Vega who was skinned down to nothing. Isang simpleng lalaki na nangarap ng isang perpektong buhay kasama ng kanyang pinangarap na babae. A man at his simplest and at his darkest. At ngayon, isang dela Vega na manhid sa sakit at madilim ang tinatahak na daan. I am ruthless, I have no conscience dahil tinanggal na nila sa akin iyon.     Isang malakas na katok sa pintuan ang narinig ko and I knew that it had to be her. I value my privacy at kasabay ng paguutos ko sa receptionist na walang aakyat sa opisina ko maliban na lang sa taong hinihintay ko.     "Come in." I said, putting my hands on the desk at dumungaw sa akin ang isang petite at balingkinitang babae. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko siya.     She wore a plain peach lacey dress na humangga lang sa kanyang mga binti. I can see how shapely her legs are at mas lalo akong napatitig ng mapadako ang mga mata ko sa black ankle boots niya. She seems like a teenager. Sigurado ba si Kai na bumuboto na ito?     "You're late," tumaas ang kilay ko na sabi though my thought was still on to her f*****g boots. May kakaibang dating sa akin ang porma niya na hindi ko maipaliwanag.     What would she be like when she was only wearing that and nothing more? f**k! I shouldn't be thinking of that.     "S-sorry, Mr. dela Vega. Naligaw kasi ako eh. Hindi ko naman ho alam na walang susundo sa akin pag baba ko ng airport." lalong napataas ang isa kong kilay sa unang mga salitang narinig ko sa kanya. "I'm Lara Monique Santibanez. Your cousin Kai arranged this meeting and—"     "I'm fully aware of the details of the arrangement." putol ko sa kanya. "Ang ayoko sa lahat ay iyong madaldal na babae." Nakita ko ang pag uwang at ang pag sara ng bibig niya na para bang nag pipigil ng sasabihin. Then after a minute, her expression remaining neutral.     "Well, I had thought it possible for your cousin to spoke with someone you worked for." umingos ang nguso nito. Lalong nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig.     "One thing you will learn about me, Ms. Santibanez—nothing happens here without my approval. And no one would be permitted in my office, on my floor, in my hotel, without me arranging it." matigas kong sagot sa kanya. Pero hindi man lang siya natinag sa lamig at tigas ng boses ko.     Ipinilig ko ang ulo ko sa kanya. Sa liit niyang iyan kaya ko siyang pipiin ng walang kahirap-hirap. Pero kakaiba ang tapang at ng aura niya para mag sungit kahit pa na siya ang na-late sa usapan. E, ano kaya kung sabihin ko sa kanyang hindi siya tanggap sa trabaho? Mataman ko siyang pinag masdan. Maliit na mukha, a soft smooth wavy auburn long hair. A pouted heart – shaped lips and a fierce brown eye. She was glaring at me with an expression that was not at all what I'd expected—or maybe Kai oriented her already.     "Puwede po bang maupo, sir. Sumakit po ang mga binti ko sa pag lalakad. Hindi naman nabanggit ni Kai, este—Sir Kai na bundok muna ang dadaanan ko bago ang siyudad." her words were full of mockingness pero mas naaaliw akong pag masdan kung papaano niyang hilutin ang maliliit niyang binti.     "Sir!"     "Yes." muntik pa akong mabulol ng marinig ko ang pag pitik gamit ng kanyang kamay sa akin. "I understand, medyo malayo ang hotel na ito kaysa sa iba, that is because hindi pa siya masiyadong naaayos. I am still planning for an expansion."     Damn. Bakit ba ako nag kakaganito? For f**k's sake, she wasn't even my type of girl! Unang kita ko pa lang sa kanya umuusok na bibig na ang inatupag.     "You will be my private assistant, as what's in the agreement, I expected you to be as professional as you can be and in addition to that, parati akong nasa labasan. BUKID, inexact. Which meant any assistant of mine had to be there, with me." tumango-tango lang ito sa mga sinabi ko.     "Nabanggit ba ni Kai na sa bahay ko rin ikaw titira? I needed a 24/7 assistant. Kaya kahit anong oras matatawag kita kung nasa bahay kita."     "Nasabi na ng pinsan mo ang lahat, Sir. Kailangang maaga ang gising ko, bawal ang heels at bawal din ang naka skirt. I should do also house chorse dahil tuwing friday pinag di-day-off niyo ang mga kasambahay mo, which is agree ako doon dahil kahit papaano dapat din silang magkaroon ng quality time sa pamilya nila. Dapat ko ring pag aralan kung paano lutuin ang mga paborito mong pagkain, pati na rin ang timpla ng kape mo. Sa tingin ko, magiging isang dakilang yaya mo ako—este! Personal assistant, Sir."     "Kung ayaw mo ng mga terms ko, malaya kang mag back out. Anyway, marami pa namang naka-line up at handang kunin ang puwesto mo." naiiling ko na sabi. It seems she doesn't want this job. Parang napipilitan lamang siya at nararamdaman ko sa sarili kong mabigat ang loob niya sa pag punta rito.     "N-naku, Sir—nag kakamali ho kayo! In fact, gustong-gusto ko hong mag trabaho sa inyo!" the brightness in her eyes was outstanding. "Basta kailangan lang, Sir. May tv sa room ko at naka-cable ho ah. I don't want to miss Pangako Sa'yo. Pati na rin ang Vampire Diaries, season 7 na kasi iyon at never pa akong naka-miss ng episode non, ever! At katulad ng mga katulong ninyo, dapat entitled din ako sa day-off. Kailangan ko din mag recharge, Sir. Sabi nga ninyo, 24/7 ang trabaho ko rito pero according to Labor Code of the Philippines, I need rest also."     Hindi ako makakurap sa haba ng sinabi niyang iyon. Hindi ba siya nauubusan ng hangin sa katawan? Pambihira! Saan bang planeta nakuha ni Kai itong babaeng ito? Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga.     "So," tumayo ako saka naglakad palapit sa kanya. Ngayon, malapitan ko siyang tinutunghayan mas masasabi kong mas maganda siya, "What is it you want to get out of this time at dela Vega Properties?" pag iiba ko ng topic.     "I want my bracelet back..."     "S-sorry?" Hingi ko ng paumanhin ng hindi ko masiyadong narinig ang sinabi niya.     "Ah, gusto ko ho ng juice, Sir. Nauuhaw na po ako." Sandaling nakita ko ang seryoso niyang mukha bago ulit napalitan ng kenkoy niyang personalidad. Pinaningkitan ko siya ng mata. "J-joke lang po." sabi niya na may kasama pang peace sign.     Inaya ko siyang lumabas ng opisina para samahan siyang libutin ang buong hotel. Unang patakaran ko sa pamamalakad ko ay hindi yung tatanga-tanga. I need a panctual, accurate and efficient assistant kaya kailangan niyang makita at makabisa ang lahat ng pasikot-sikot sa buong hotel. I watched her movements. Graceful and poised. Hindi ko maipaliwanag pero para siyang bunga ng isang mayamang angkan. Pero paanong ang isang katulad niya ay maninilbihan bilang isang assistant? Ipinakita ko sa kanya ang iba't-ibang mahahalagang parte ng hotel. From the reception hanggang sa mga cooks at chamber maids.     "San ka pala Graduate, Ms. Santibanez?" I never got the chance to look on her CV kaya nag tatanong ako sa kanya ngayon.     "University of Baguio, Sir." ngumiti ito sa akin at pagkakuwan ay kinausap ang manager ng hotel. Natameme ako ng bigyan niya ako ng isang wagas na ngiti.     "Maganda siya Sir, no?" bulong na sabi ng driver ko na si Manong Oscar sa akin. "Mukha rin siyang mabait na bata." tinitigan ko lang siya saka nilapitan ang babaeng wagas na kung tumawa at mag kuwento sa mga empleyado ng hotel.     "Hindi ka pa ba tapos, Ms. Santibanez?" singit ko sa magulo nilang mga usapan. Bigla naman ang pag pulasan ng iba ng marinig ako at binalikan ang kani-kanilang trabaho. Sinamaan ko lang siya ng tingin bago inutusan siyang sundan ako.     "Any siblings?" tanong ko sa kanya ng bumabiyahe na kami.     "A brother, Sir."     "Is he also in Baguio?" tinanguan lang niya ako saka ibinaling ang ulo sa pagtanaw sa bintana. "Where are your parents?"     "Dead. Two years ago. Plane crash." malamlam na mata ang sumalubong sa akin.     "I'm sorry." paumanhin kong sabi, "Hindi kasi ipinasa ni Kai ang resume mo sa akin kaya wala akong kaalam-alam tungkol sa iyo." pag dadahilan ko.     "Okay lang ho, Sir. Bigyan mo na lang ako ng slumbook para masagutan ko." pilosopo niyang sagot sa akin. Kaya tumaas na naman ang kilay ko. I hate it when she's mocking me. "Huwag kayong mag alala, Sir. Sinisigurado ko sa inyong maayos akong mag trabaho."     Hindi na ako nakapag salita ng marinig ko iyon mula sa kanya. She already answered my question. Iyon lang naman talaga ang importante sa akin eh. Hindi ako mag babayad ng malaki sa kanya para lang mangunsumi ako sa kapalpakan na maaari niyang gawin. Nakarating kami ng bahay ng hindi na nag imikan pa.     "Manang Coring, this is my new assistant Ms. Santibanez. Ms. Santibanez, si Manang Coring. Siya ang Mayor Doma ng bahay na ito at si Jack. Siya naman ang head of security ko." isa-isa kong pakilala sa kanya ng makarating kami sa bahay.     "Ikinagagalak ko ho kayong makilala, Ms. Santibanez." wika ni Manang Coring.     "Naku! Lara na lang po, Manang. Pareho naman po tayong nangangamuhan."     Pinag mamasdan ko lang ang bawat kilos niya. Mabait siya sa at magalang kila Manang Coring at sa iba pa. Nakikita ko ang pag kislap sa mga mata niya at hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Para ding gumagaan ang pakiramdam ko? Napapikit ako ng mariin saka iwinaksi ang naiisip ng utak ko.     No. This can't be happening, Dean!     "You can start now by reading my memo at ayusin mo na rin ang mga schedules at appointments ko." sabi ko bilang pag tatakip sa kung anong emosyong lumalambong sa akin.     Nakita ko ang pag irap niya sa akin kaya pinamaywangan ko siya.     "Water?"     "Water?" pag uulit ko sa sinabi niya.     "Baka Sir, gusto mo rin ng water kasi nakikita ko na rito ang usok ng tenga mo eh." pag tataray niya sa akin.     Napanganga ako. Hindi ako halos makapaniwalang sinungitan niya ako. Sabi ko na nga ba. Maysa demonyita itong ipinasok ni Kai na ito eh. Alam kong kanina pa niya itinatago ang kamalditahan niya sa hotel pa lang.     "Kapag umuusok sa galit ang kuya ko, binubuhusan ko lang siya ng malamig na tubig. Effective ho iyon, Sir—"     "Puwes, ibahin mo ako." singhal ko sa kanya.     "Most men I've met are more concerned with want than need, Sir. Sometimes it seems like want must be...more important." pagkakuwan ay tinakpan nito ang bibig niya gamit ang sariling kamay saka napayuko, "I-I'm sorry, Sir!" pikit-mata nitong dagdag.     Nakita ko ang napipilang mukha niya at namalayan ko na lang ang sarili kong naaaliw sa kanya. Damn it. Kailan ba ako huling napatiklop pag dating sa pakikipag debate? At sa babae pa?!     A smile was formed on my lips na hindi ko napigilan.     "I haven't been one of those for quite some time. Pero dahil sa idea mo, napaisip ako. Manang Coring, pakisamahan si Ms. Santibanez sa magiging silid niya." kita ko ang pag talima niya ng akayin siya ng matanda paakyat. Muli niya pa akong nilingon at sa pag kakataong iyon, nag tama ang aming mga mata na siya din namang agad niyang pag bawi.     Napangisi ako lalo na ng maalala ko si Sam.     She's reminding me of her.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD