CHAPTER 2

2200 Words
Lara   Kanina ko pa pinag papalipat-lipat ang tingin ko kay Sam at sa lalaking alam kong nakita ko na dati pero hindi ko alam kung saan. Basta alam kong nakita ko na siya.     "Sam naman, alam mong papatayin ako ng pinsan ko kapag nalaman niya ito diba?" frustrated na sabi ng lalaking kumakausap ngayon kay Sam.     Napataas ako ng kilay ng di oras. Really? Pinatawag ako ni Sam mula sa Baguio papunta ng Maynila para lang masaksihan ko ang pag tatalo nilang dalawa ngayon? Ang dami kong iniwang trabaho sa farm dahil akala ko ay napaka-importante ng usapang ito para lang hindi maipag pabukas.     "San ka pupunta?" patamad kong tinignan si Sam na nakapamaywang na sa akin matapos kong tumayo at akmang lalabas.     "Aalis. Uuwi na." tipid kong sagot sa kanya. Pinaningkitan ako ni Sam ng mata kaya nag salita na ako ng maayos. "Bestie, babalik na lang ako kapag tapos na kayong mag usap na dalawa." paliwanag ko bago ako tumalikod palabas ng pinto ng tawagin akong muli ni Sam.     "Tapos na kaming mag usap, diba Kai?" kunot noo naman na napatingin yung nag ngangalang Kai sa akin.     "I don't think so." napanguso ako sa sinabi nito. Ano bang kinalaman ko sa usapan nilang ito?     "No. Tapos na ang usapan, even Jako agreed to it." matigas na sabat ulit ni Sam.     "Whoah! Teka nga, teka nga!" awat ko na sabi, "Naguguluhan na ako sa inyong dalawa eh. At ano naman ang kinalaman ko sa usapan ninyong dalawa? Ni hindi ko nga siya kilala, Sam." Ang sakit kasi sa tenga ng bungangaan nilang dalawa eh, kaya sumabat na ako.     "Oh, I forgot to introduce him to you. Kai, this is Monique. Nick, siya naman si Kai. My husband's brother." napataas ako ng kilay. So, siya pala ang nakababatang kapatid ni Jako. Kaya pala mukhang pamilyar ang mukha niya sa akin. Magkahawig kasi sila ni Jako, though their eyes were different, Jako has blue eyes while he was amber.     "As I am saying Sam, hindi puwede. Ilang beses ko ba kailangang sabihin ito sa iyo." napasimangot ako sa way ng pag sasalita niya towards Sam kaya tahimik itong tumingin sa akin.     "Wow ha! Walang bayad ang gumalang, boy. Kapatid mo ang asawa niya, you should respect her." nag salubong naman ang kilay nito saka ko narinig ang malakas na tawa ni Sam sa gilid ko.     "See, Kai? I told you. Magiging maganda ang tandem nila. Sige na, payag ka na kasi..." nag lambitin si Sam sa balikat nito bago muling tumitig sa akin.     "Okay, I will consider." tipid naman na sagot nung Kai.     Teka, anu bang mali sa paligid? Bakit wala akong maintindihan sa mga pinag uusapan nila?     "O-okay lang ba kayo? Kung tapos na kayong mag usap puwede niyo na bang sabihin kung ano ang ginagawa ko rito?" singhal ko sa kanilang dalawa ng mapikon na ako. Nakakainis naman kasi eh. Pagod ka na nga dahil sa layo ng biniyahe mo tapos para ka pang tanga dito na hindi mo maintindihan.     "I get you another job." pag mamalaking sabi ni Sam sa akin.     "Job? Eh, hindi na nga ako magkandaugaga sa farm bibigyan mo pa ako ng another job?" nanlalaki ang butas ng ilong ko na sabi kay Sam.     "Nicks, mas magiging malaki ang kikitain mo rito. Unlike sa flower farm natin na seasonal lang. BS Marketing ka so, mas magagamit mo ang natapos mo." paliwanag ulit ni Sam. Tumingin ako sa puwesto ni Kai na hanggang ngayon ay may kakaibang kislap sa mga matang nakatingin sa akin.     "At ano naman ang kinalaman niyang bayaw mo sa raket na'to?" umupo na ako sa upuan at saka hinintay ang explanation ni Sam pero yung Kai ang sumagot.     "May nabiling property ang pinsan ko sa Davao. He needs people who can help him. Mailap na tao kasi ang pinsan ko kaya hindi siya basta-basta nag titiwala sa di niya kilala at since kilala ka ni Sam, inirerekomenda ka niya."     "D-Davao!?" napalingon ako ng marahas kay Sam, "Diba sa Mindanao yun? Abu Sayyaf ba iyang pinsan mo at gusto niya doon mag kuta!?" sigaw ko kay Kai ng linungunin ko ulit siya. Nakita ko ang pagpipigil nitong matawa.     "Ayoko!" ubod ng tigas kong iling sa kanilang dalawa.     Ano ako, bale? Ang ayos-ayos ko sa Baguio tapos itatapon ko ang sarili ko sa Davao? No way! At isa pa, I need to find my bracelet, still! At hindi ko iyon magagawa kung pupunta ako ng Davao.     "N-Nicks, sige na naman oh. Pumayag ka na." nakita ko ang pag susumamo sa mukha ni Sam. Ayaw ko siyang tanggihan pero baka mapano pa ako doon, sasagutin ba ng pinsan ng asawa niya ang buhay ko?     Humigit ako ng malalim na hininga saka ko hinarap si Sam.     "Sam, gustuhin ko mang tulungan ka pero kailangan ding may approval si Kuya Lao sa mga desisyon ko. Alam mo namang ayaw non ng napapalayo ako diba?" Oh. God. Piping dasal ko na sana huwag na niya akong ipag paalam pa kay Kuya Lao dahil biass siyang nilalang. Alam kong papayag siya basta si Sam ang humiling.     "You know Travis Dean dela Vega, I assume?" naumid nag dila ko sa pag tataray ng marinig kong nag salita si Kai. Humarap ako sa kanya.     "No, Kai. Hindi niya kilala si Dean." giit ni Sam.     No, Sam. Kilala ko si Dean. Well, sa pangalan lang pero kilala ko siya at never kong malilimutan ang pangalan niya dahil siya ang may kasalanan kung bakit nawawala ang bracelet ko.     "Everyone knows Dean, Sam. He's a dela Vega. You can't miss a dela Vega once you saw or hear a news about them." may supil na ngiti si Kai sa kanyang mga labi. Napanguso ako sa sinabi nung Kai.     Ganon ba sila kasikat? Sorry na lang ha, kasi sa bundok ako lumaki eh. Ang sikat lang sa paningin ko ay ang Burnham Park, ang mga strawberries at ang mga kabayo.     "Siya yung ikinukuwento ko sa’yo noon, Nick. S-si Dean, siya dapat yung makaka-partner mo noon sa kasal ko pero hindi siya sumipot." Nanlaki ang mga mata ko.     Akalain mo nga naman, ang tadhana na talaga ang nag lalapit sa akin sa bracelet ko. Kung su-suwertehin sana nakuha ko na noon pa sa kanya iyon kung hindi lang siya nag tantrums at sumama siya sa entourage.     "I assume, since you're aware of his circumstances, you're also aware that he's the only son of Dr. Daniel Blake dela Vega. At siya ang sinasabi kong pinsan ko." May kinang sa mga mata ni Kai na sabi.      "Tigil-tigilan mo ako sa charms mo totoy ah!" Hindi ko gusto ang tabil ng dila niya dahil parang akala mo kung sinong may alam tungkol sa akin. Umupo akong muli saka naghintay sa proposition niya.     Mahaba ang naging paliwanag nila Sam at Kai sa akin. Parang kalahati lang ang na-absorb ng utak ko sa mga pinag sasabi nila. Nakaramdam ako ng pangangatog ng buto isipin pa lang na magkikita kaming ulit at iyon ang mas nananaig sa akin ngayon.     "So. Anong gusto niyong gawin ko ngayon?" bukod sa narinig ko na ang half ng background ng pamilya ng napangasawa ni Sam. At ang alitan kay Jako at kay Dean. Napag alaman ko ring nag simula doon maging distant ang huling nabanggit sa pamilya.     "We just want a girl who would look up for him."     "Ano ako? Babysitter?" I said dryly.     "Dean is a good man, Nick. Hindi ka niya pababayaan doon, at the same time. Ang pagiging private assistant mo ay makakatulong para sa career mo at para na rin sa pamilya mo."      "And you honestly think taking that offer will help me? Okay na ako sa flower farm business natin, Sam." nanghihina akong napasandal sa kina u-upuan ko.     "M-monique sige na naman, please..."     Napapikit ako sa pagsusumamo ni Summer sa akin pero hindi ko magawang um-oo sa kanya. Alam kong magiging advantage ko iyon dahil gusto kong makuha sa kanya ang bracelet ko, pero papaano ako magpapaalam sa kanya pagkatapos? Kinalma ko ang sinasapot kong utak para makapag isip ng matino saka ako dumilat at diretsong tumitig kay Sam.     "I'm sorry, Sam. My answer is a No." I leaned back on my chair. Nag paalam sandali si Sam upang kausapin ang asawa kaya habang hinihintay ko siya dito sa opisina ni Kai hindi maalis sa aking hindi mapasimangot. Nakakainis kaya ang titig niya sa akin.     "You've thought a lot about this, haven't you?" kumunot ang noo ko sa tanong niya sa akin.     "Anong ibig mong sabihin?" mataray kong sagot pabalik. Kai stood and started to pace the length of the room.     "I get it, Dean dela Vega is not someone I would typically want you around, given his reputation. Lalo pa ngayon, the only woman that makes him sane was snatched to him, with his own blood." nakapamulsa itong sumandal sa table niya. "That's why I am not in favor of Sam's proposition. You're welcome." Napasimangot ako sa pang aasar niya sa akin. For the record, hindi ko kailangan iyon. Mas nag iisip ako kung papaano ko makukuha ang bracelet ko sa pinsan niya.     "I don't need your pity dela Vega. Kahit na ano pang sabihin ni Sam, hindi talaga ako papayag. Alam kong alam mo ang katayuan ko sa buhay, pero kahit na minsan, hindi ako gumamit ng ibang tao para lang pagtakpan ang kakulangan ko. Kaya rest assured na hindi ako masisilaw sa bango ng apelyido niyo." alam kong pinag dududahan niya ako.     Minsan na din akong naging aware sa mga taong nakapalibot sa akin. Minsan na din akong napag sabihan ni Kuya Lao na hindi lahat ng taong lalapit sa akin ay mabait. Kaya alam kong kilala ni Kai kung sino ako.     "Pakisabi na lang kay Sam na nauna na ako." padabog akong tumayo saka tinungo ang pinto papalabas ng mag salita siyang muli na ikinatigil ko.     "I know you knew, Dean." marahas akong lumingon sa kanya. Kung nakamamatay ang pag tingin kanina ko pa siya tinapos gamit ang mga mata ko.     "I saw on how you look at him at the church and I saw you on that wedding night. You are hiding behind that bush, huh?" Namutla ako sa sinabi niya at nakita ko kung paanong nag liwanag ang mukha ni Kai ng may masilip na kaunting takot mula sa akin.     "I know you, Lara Monique Santibanez. The once promising princess bago nawala ang lahat sa inyo ng pamilya mo." kumuyom ang mga kamao ko. "And I'm so sorry on what happened on your parents."     "It's none of your business, Kai." I said with my gritted teeth. I heard him laugh dryly.     "Dean was once a prince, kagaya mo. He had changed a lot for the past five years. Dati siyang puno ng pangarap sa sarili para sa isang babae lamang. When my brother came back, Dean has been out of the picture, again."     "Alam ko na iyang kuwento na iyan. No need to replay all over again." kibit balikat kong sagot.     "He's now a ruthless businessman who, by all accounts, was difficult, demanding, unpredictable. And reclusive."     "And you think I can tame him? Thank you for believing in me – pero kabayo lang ang kaya kong paamuhin, hindi tao." pagak kong tawa. "He's..." I started, not really sure how to broach the topic of Dean.      "Broken?" sansalang sabi ni Kai sa akin, "He's hurt you know, but he's not going to hurt you either. Actually, I would have trusted him with you a whole lot less before than I do now. I mean, at least he's not going around seducing everything in a skirt."     "I prefer to wear pantsuits lalo na sa farm. And you're assuming… I'm seduceable?" I actually hang my words in the air. Kanina lang balak niya akong i-blackmail, tapos ngayon para naman niya akong pinupuri.      "No, I'm assuming nothing about you. But what I do know is that you need something from Dean, or you wouldn't be in that bushes hiding, and I am giving you now the chance." idinipa niya ang kanyang mga braso.     Napakurap ako ng ilang beses. Walang masama sa hinihinging pabor ni Kai. May personal din naman akong kailangan sa Dean na iyon at mas mapapabilis pa ang pag kuha ko sa bracelet ko kung magiging malapit ako sa kanya.     "Anong magiging benefits ko?" sabi ko matapos kong humigit ng malalim na hinga.      "He'll provide the lodging." pilyong ngiti ang sinalubong niya sa akin. Inirapan ko lang siya. "He emphasized that. Lahat ng mag ta-trabaho sa kanya kailangang stay-in. My provided cottages malapit sa property, pero siyempre, hindi iyon applicable sa'yo."     "Bakit naman?" naguguluhan kong tanong.     "Since you'll be fulfilling the role of a personal assistant. You will be staying in his house." napangiwi ako sa sinabi ni Kai. Pero nilunok ko na lang ang lahat ng reklamo ko. Para sa bracelet ko. At para sa kinabukasan ng hacienda namin.     "Ano sa tingin mo, Nick?" ngisi niyong tanong sa akin. Napapikit ako at kuyom ang kamay ko para hindi magbawi ng isip.     Kaya ko naman siguro ito. Living on the same roof with a caveman-like Dean dela Vega.     "Game!" sigaw ko saka napapikit.     Her life wasn't over.     It was just the beginning.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD