CHAPTER 4

1320 Words
Lara   She woke up with the loud ringing of her cellphone. Tinignan niya yung bedside clock niya and it clearly explains kung bakit nag ri-reklamo pa ang mata niya sa kakulangan ng tulog.     "Hello?" Dinampot niya ang cellphone niya pagkatapos ng limang ring.     "Asan ka?"     Nawala ang antok ko matapos na marinig ang matigas at malamig na boses ng kapatid ko sa kabilang linya.     "Goodmorning to you too, kuya Lao." may pagka sarkastiko kong sagot pero ng wala akong marinig sa kanya bilang ganti napangiwi na agad ako. Siguradong galit ito at seryoso itong galit niyang ito.     "I will ask you again, Monique. Where are you?"     "Da-Davao?" Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko at tahimik na nag dadasal sa isip ko na sana hindi magalit ng tuluyan si Kuya.     "What the f**k! Bakit ka nandiyan?! At bakit hindi mo man lang ako sinabihan na mamumundok ka pala?! Bundok na nga dito sa atin lumayo ka pa!"      Napabuntong-hininga na lamang ako. "Kuya, raket ito kaya sayang naman kung papalampasin ko pa diba." pag dadahilan ko.     Narinig kong tumikhim si Kuya Lao sa kabilang linya at alam kong nalilito siya ngayon kung magagalit sa akin oh, mag aalala. My brother was very protective, hindi lang nun pinapahalata masiyado.     "Kelan ka uuwi?"     Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Depende. Kung makukuha ko agad yung bracelet ko kay Dean. At hindi pa man nag sisimula ang pagiging assistant ko sa kanya, gusto ko ng sumuko. Sa ugali pa lang ng lalaking iyon, mas nanaisin ko pang makipag kuwentuhan na lang sa mga kabayo.     "As soon as matapos ko na ang trabaho ko dito, uuwi kaagad ako, kuya." Paninigurado ko dito. Marami pa kaming pinag kuwentuhang dalawa bago namin maisipang mag paalaman sa isa't-isa.     Nakahiga na akong muli pero hindi na akong magawang dalawin ng antok. Excited na ako. Iniisip ko kung ano ang susunod kong magiging plano once na mapasa akin na muli yung bracelet ko.     "Dahil sa pag kakautang ng mga magulang ninyo, napilitang tubusin ng Tita Margarita ninyo ang buong rancho kaya sa kanya mapupunta ang buong pamamahala ng lahat ng naiwan ng ama niyo na si Don Lorenzo."     Nakita ko ang pag kuyom ng mga kamao ni Kuya Lao ng marinig iyon kay Attorney Sandoval. Samantalang maasim na ngisi ang naka pinta sa mukha ni Tita Margarita.     "Hindi ito maaari, Attorney! Paano ang kinabukasan ni Lara? Wala man lang iniwan sila papa sa kanya!" galit na galit na sabi ni Kuya Lao. Namutla naman si Attorney Sandoval at saka nag baling ng tingin kay Tita Margarita.     "Maaari pa rin siyang mag aral pero kailangan na niya iyong pag trabahuan sa farm. Malaki masyado ang halagang binitawan ko para sa kahihiyan ng pamilya ng hilaw kong kapatid. Hindi ako charity institution, Lauro. Kaya kung gusto ninyong kumain, pag paguran ninyo!" Matapang nitong alma kay Kuya Lao.     Tahimik lang akong nag mamasid at nakikinig sa usapan nila. Wala akong pakialam sa mamanahin ko dahil mas dinadamdam ko ang pag kawala ng mga magulang ko. Wala akong paki alam kung mag trabaho pa ako sa kahit na kanino, sanay naman ako. Lumaki kami ni Kuya sa bukid, kasama ang mga trabahador namin at masaya ako doon.     Naramdaman ko ang hirap ng mag simulang kuhanin ni Tita Margarita sa amin ang lahat. Nawalan ng mga trabaho ang marami naming tauhan. At unti-unting lumubog ang Rancho.     "M-manang Julia, san po kayo pupunta?" Taka kong tanong ng makita ko itong umiiyak at dala ang mga gamit nito.     "W-wala na raw kaming trabaho, hija."     Malungkot kong sinalubong ang mga mukha ng mga dati naming trabahante. Lahat sila umasa ng matagal na panahon sa rancho. Lahat sila doon kumukuha ng pang tustos sa kani-kanila nilang pamilya. Nakakalungkot mang isipin pero wala akong kayang gawin noon.     Dinala ako ng mga paa ko sa dating silid ng mga magulang ko. Sa dinami-dami ng binago ni Tita Margarita sa bahay, tanging yung silid nila papa at mama ang hindi niya kayang galawin. Dahil hindi ko hahayaang sirain niya ang lahat ng alaala ng mga magulang namin.     Umupo ako sa gilid ng kama saka dinampot ang maliit na picture frame sa lamesita.     "Pa, Ma... I missed you so much." napapiyok ako at doon na nag umpisa ang pag iyak ko.     Kapag nalulungkot ako, dito lang ako nag mumukmok. Palaging wala si Kuya Lao dahil na rin sa pag ta-trabaho. Gusto niyang mabayaran sa kahit na kaliit-liitang sentimo na inilabas na pera ng hilaw naming kamag anak para wala na siyang maisumbat sa aming mag kapatid.     "Mahal na mahal ko po kayo. At hindi ako titigil hangga't hindi naibabalik sa atin ang lahat ng kinuha ni Tita Margarita."     Naramdaman ko ang makapal na bahagi sa picture frame na hawak ko. Binaliktad ko iyon at nakita ko ang isang puting papel na umusli mula doon. Binaklas ko yung picture frame at kinuha yung papel.     Habol–habol ko ang t***k ng puso ko ng makita ang sulat kamay ni papa at may pangalan ko.     Lara Monique,     Kung mababasa mo o ng kuya mo ang sulat na ito paniguradong wala na kami sa mundong ito. Maraming tangka sa buhay namin ng mama ninyo, malakas ang kutob kong si Margarita ang may kinalaman sa lahat ng ito. Nais naming makasiguro ng mama niyo na hindi niya kayo masasaktan.   Mahal na mahal ka namin, Monique. Ikaw at ang Kuya Mateo mo. Ingatan mo ang bracelet na ibinigay ko sa iyo noong huli mong kaarawan. Iyon ang mag dadala sa iyo ng kasagutan sa lahat ng tanong na bumabagabag sa iyo.     Papang     Napapikit ako at naging malinaw sa isip ko ang mga mukha ni mamang at papang, ang malawak naming bakuran, kung gaano kami kasaya noon, at kung paanong kinamkam ng mga kamag anak namin ang lahat ng pinag paguran ng mga magulang namin.     I need that bracelet.     At kukunin ko iyon kay Dean dela Vega kahit na ano pa ang mangyari.   Pagsalubong ko pa lang sa kanya nakasimangot na agad ito. Ganyan ba talaga sila sa pamilya nila? Dapat pala hindi na ginawa ni Lord na pag hiwalayin ang mga kilay niya kung ganito namang pag sasalubungin lang naman niya. Nag effort pa tuloy si Lord.     "Ms. Santibanez,"     "P-po, Sir!" nakatitig na ang nakakatakot na mga mata niya sa akin.     "Nakikinig ka ba?!" napipilan ako at hindi nakapag salita, nag sasalita na pala siya kanina? I guess, hindi ko napansin dahil nakatutok ako sa logic kung papaano pag hihiwalayin ang halos mag du-dugtong na niyang mga kilay. "Unang–una, kailangan sa assistant ko yung nasa tamang huwisyo, Ms. Santibanez. Ayoko ng lutang ang isip sa pag ta-trabaho, maliwanag ba yon?"     Feeling ko maghahati na ang dila ko dahil sa pagkaka-kagat ko dito para lang hindi siya sagutin pabalik. Hindi ako sanay na basta na lamang tumatanggap ng mga ganitong paninigaw. Kahit na ang kapatid ko nga hindi magawang gantuhin ako.     "Y-yes, Sir." tipid ko na lang na sagot bago niya inihagis ang mga folder sa harap ko.     "Umpisahan mong ayusin ang mga papeles na iyan. Gusto ko ding i-organized mo ang lahat ng appointments ko sa buong week. Ikaw din ang bahalang mag set ng mga appointments para sa mga prospect investors ko. And please, kapag sinabi kong ayusin meaning yung mga importante lang, maliwanag?" Singhal niya sa akin, napatango na lamang ako saka pumuwesto sa lamesa ko at inumpisahan ang trabaho ko.     Bahagyang napakapit ako sa suot kong slacks para doon ko maibuhos ang bugnot ko sa bago kong amo. Nakakainis! Pag uwi ko ng Baguio ikakain ko ng maraming strawberries itong sama ko ng loob. Kundi lang dahil sa bracelet ko hinding-hindi ako magpapasakop sa lalaking ito. Hinding–hindi ko tatanggapin ang trabahong ito at ang pang aapi niyang ito sa akin. Psh!     I'm Lara Monique Santibanez. I've known to be a tough girl. At walang puwedeng gumawa nito sa akin.     Siya pa lang.     Si Travis Dean dela Vega pa lang.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD