CHAPTER 1

1813 Words
Lara   Nanlilisik ang mga mata kong nakatunghay lang sa kanya. Hindi ako puwedeng magkamali. Siya yon! Siya yong kumuha ng bracelet ko! Pero ano ang ginagawa ng isang tulad niyang magnanakaw sa lugar na ito? Makasalanan siya! Dapat nga hindi siya makatungtong dito sa simbahan dahil puno siya ng masamang espiritu sa katawan!     Mataman ko lang siyang pinag masdan. Halos hindi ko na narinig ang mga sermon ng pari at kung papaano ang naging vow ni Sam sa napangasawa niya. Actually, hindi ko masiyadong kilala si Jako pero mukha namang happy si Sam sa kanya.     Na–meet ko si Summer sa Baguio. She was alone, sitting under that Acacia tree. Kung hindi lang siya nag salita noon malamang napagkamalan ko na siyang siya si inang kalikasan. Ang ganda niya kasi noon eh. Ang sarap niyang picture-an habang nakatitig sa kawalan. We became friends. Oo, siya lang ang naging kaibigan ko ng literal. Tingin ko, gifted ako dahil nabiyayaan akong makakita kung ang isang tao ay isang dakilang tupperware o isang tunay na nilalang. Luckily, Sam is one of the few real people. Naging magkaibigan kami at nahikayat niya akong maging fan ng bulaklak at maging kasosyo sa negosyo. Ako ang namamahala sa flower farms sa Baguio at siya naman sa tagaytay.     "Sinong tinitignan mo?" napalingon ako sa nag salita saka ko siya pinanlakihan ng mga mata.     "Bakit ka andito?! Doon ka nga sa puwesto mo, bakla ka ba?" pabulong kong singhal sa kapatid ko. Nag sisisi tuloy ako kung bakit i-prinisinta ko bilang proxy itong lalaking ito bilang kapalit ng ka-partner kong hindi nagawang sumipot sa kasal ni Sam.     "Huwag mong ibahin ang usapan, Lara Monique. Sasakit iyang batok mo kakalingon sa likuran mo? Sino ba iyong tinitignan mo?" balik niyang bulong sa akin. Napasimangot na lang ako. Masyadong tsismoso itong kapatid ko na ito, kapag sinabi ko sa kanyang nakita ko na kung sino ang kumuha ng bracelet ko baka agawan pa niya ng atensyon ang ikinakasal.     "Puwede ba Lauro Mateo, bumalik ka na sa upuan mo at pabayaan mo ako rito!" irap ko sa kanyang sabi. Hindi pu-puwedeng mawala ang paningin ko sa kanya. Matapos ko lang ang friendship duties ko kay Sam ha-huntingin ko ang buwisit na lalaking iyon at i-papaluwa ko sa kanya ang bracelet ko.     "Alam mo, ading ko. Feeling ko type mo lang iyong lalaking iyon eh. Siguro, crush mo no?" kuhit pa nito sa tagiliran ko. Inis na siniko ko siya sa tiyan at kita ko ang pigil at pamumutla nito para huwag akong sigawan.     "Umayos ka kundi kakaladkarin kita mula rito hanggang sa Baguio!" masungit kong babala sa kanya.     "Amasona talaga." bulong pa nitong pahabol bago ito bumalik sa puwesto niya.     Bumalik ang tingin ko sa lalaking iyon. Nasa isang sulok lang siya malayo sa central aisle. Kita ko sa kanya ang kalungkutan.     Teka lang, Lara Monique. Huwag mong sabihing naaawa ka sa kanya? Siya ang kumuha ng bracelet mo. Siya ang kauna-unahang lalaking nagsabi sayo na bansot ka! He humiliated you lalo na ng sinabi niyang wala kang manners.     Sa mga sinabi ni kunsensiya sa akin, lalong umusok ang ilong ko. Hinding – hindi lalagpas ang araw na ito na hindi ko makukuha sa kanya ang bracelet ko. Pinagmamasdan ko pa rin siya ng maigi dahil hindi siya puwedeng mawala sa paningin ko ng bigla akong siniko ng katabi ko.     "What?!" inis kong tanong. That girl in an elegant gown na kapareha ng sa akin just gave me a quizzical look bago nito i-flinip ang kanyang kulot na buhok.     "Tinatawag ka na." pormal nitong pahayag sa akin. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin ng paikutan niya ako ng mata. Promised. Kung hindi lang ako naka-gown ngayon, dudukutin ko talaga ang mata niya!     "You know, veil? You and the couple? Nasa kasalan ka my dear if you remember?" maarte nitong sabi sa akin. Inirapan ko lang siya saka humigit ng malalim na hininga bago ako tumayo. Sa kabilang dulo ay nakita ko na ang kapatid kong may makahulugang ngiti sa akin kaya binigyan ko naman siya ng isang nakakatakot na ngiti.     Pinagaan ko ang pakiramdam ko at ipinakita kong masaya ako ng lumapit kami ni kuya Lao sa mag asawa. Ikinabit namin ang kulambo na tinatawag nilang veil kila Sam at Jace para pag bigkisin silang dalawa at hindi na mag hiwalay pa. Dahil kung lolokohin niya lang si Sam. Kakalbuhin ko ang lahat ng buhok na makikita ko sa katawan niya. Kaya humanda na siya.     "Congratulations, bestie." masaya kong bulong sa kanya bago niya ako binigyan ng buong – buong ngiti. Saka ko naman binigyan ng isang pamatay na irap ang mapapangasawa niya.     Sa unang tingin, pansin ko ang pag kakahawig nila nung lalaking kumuha ng bracelet ko. At bago pa ako makapag isip ng ibang bagay. Muli akong napadako ng tingin sa dulo ng altar. Kung saan ko siya unang nakitang nakapuwesto kanina.     Pero wala na siya. "Grabe, Nicks! Ang daming chicks dito ah!" binigyan ko lang ng isang nakakadiring tingin ang kapatid ko. Nasa reception na kami at hinihintay ang bagong kasal.     "Puwede ba kuya, huwag mong ipahalatang m******s ka, kahit ngayon lang?" asar kong singhal sa kanya.     "Ang yaman pala talaga ng kaibigan mo no?!" hindi pa rin makapaniwalang sabi ni kuya Lao sa akin.     Kahit din ako hindi ko lubos maisip na makikilala ko at magiging kaibigan ko ang nag iisang prinsesa ng kilalang doktor ng Pilipinas. Nalulula ako sa dami ng kilalang tao ngayon dito sa reception at balita ko, sila ang mga kaibigan ng pamilya Saavedra. The Lopez's and the dela Vega's which was accidentally the groom's family. Nakita ko rin sa di kalayuan si Railey Cervantes. Kilala ko siya, he was close to Sam also. Mag kababayan kami dahil taga-Baguio din siya but we hadn't got the chance to be like friends. I have trust issues at mahal ang pakikipag kaibigan ko. Tinanguan ko lang ito bago muling hinarap ang kuya ko.     "Kuya, para namang hindi ka sanay sa mga parting ganito? Naaalala mo pa ba noong nabubuhay sila Mamang at Papang? Sinasama din nila tayo sa mga events na pinupuntahan nila?" nakita ko ang pag dilim ng mukha ni kuya Lao kaya hindi na ako nakapag salita pa ulit.     Dalawang taon na rin ang nakalipas mag mula ng mamatay ang mga magulang namin. Tanging kami na lang ni kuya Lauro ang magkatuwang sa buhay. Tapos nawala pa ang natatanging alaala ng mga magulang ko sa amin ng makuha ng bangko ang negosyong pinagpaguran nila.     Dati nakatira kami sa mansion. Dati ang dami naming taga pagsilbi. Pero mula ng makuha ang strawberry farm at ang koprahan. Tanging sa hacienda na lamang kami umaasa ni kuya. At dagdag din sa income namin ang pag sosyo ko sa flower farm ni Sam.     "Kuya..." pinisil ko ang braso nito. Lumingon siya sa akin saka ako inakbayan.     "Balang araw babalik din ang lahat sa atin, Lara Monique. Pangako ko iyan sa iyo. Babalik din ang dati nating buhay. Ibibigay ko sa iyo ang lahat – lahat. Bilang isang Santibanez, hinding – hindi kita pababayaan." tinapik ko ang dibdib niya bago niya ako hinalikan sa noo.     "Ang drama mo, kuya." asar ko sa kanya at bago pa siya makasagot ay nabaling na ang lahat ng atesyon ng i-anunsyo na dumating na ang bagong kasal.     Naging maayos ang kinalabasan ng engrandeng kasalan nila Sam at Jace. Ika nga love is really in the air lalo pa pag nakita mo kung paano kasing lalagkit ng ube halaya at sundot-kulangot ng Baguio ang mga tinginan nila. Puno ng saya ang dibdib ko na makitang finally! Buo na ang kaibigan ko dahil natagpuan na niya ang lalaking magpapasaya ng buhay niya.     Tinignan ko ang wristwatch ko, gabi na pala at mahuhuli na kami ni kuya Lao sa last trip ng bus papuntang Benguet. Sandali akong nag paalam sa kapatid ko para hanapin at magpaalam sa bagong kasal ng makita ko siyang muli.     He was really here!     Nagtago ako sa likod ng halamanan at piping nananalangin na sana ay walang putakti o hantik na kumagat sa akin. Habang patago ko siyang pinag mamasdan, wearing a worn-out tuxedo, nakapamulsa siya at ang isa namang kamay ay sakop ang isang baso na siguro ay alak ang laman. Kahit na madilim kita ko pa rin ang repleksyon ng mukha niya. Pangahang hugis ng mukha, makakapal na kilay, perfect na tangos ng ilong at ang manipis na labi niya. He was perfectly handsome.     Wait, Nick! Perfect? Sinabi mo ba kamong perfect ang nilalang na iyan na kumuha ng bracelet mo?!     Agad akong napailing at inalis ang guwapo niyang balintataw sa utak ko. I need to get that bracelet!     Buo ang loob ko na sana na lapitan siya ng may lumapit naman ditong isang lalaki. He was equally gorgeous like him. Nanatili na lang akong nakatago sa halamanan at naghintay ng pagkakataong mapag isang muli ang hoodloom na iyon.     "Umiinom ka na naman." nakita kong inagaw ng lalaki yung baso sa kanya, nakita ko ang marahas na pag suklay nito sa kanyang magulo ng buhok bago malakas na nag buntong hininga. "Dean naman, kahit ngayon lang don't act like a wasted man."     Dean? Dean ang pangalan niya? Okay, ngayon alam ko na ang pangalan ng lalaking kumuha ng pag aari ko.     "What do you expect me to do? Plaster a happy face in front of all the people?" His voice was deep and very masculine. Pero puno rin ng kapaitan na sabi nito.     "I…can't." bulol pa na sabi nito. "I can't be h–happy lalo na kapag nakikita ko siyang kasama ni Jako!" kitang-kita ko ang maparusang mga kamay niya na ikinuskos nito sa mukha. Halos mabura na ang mukha niya kakahilamos.     "But I also see how happy she was with him."     Siya ba? Siya ba yung ikinuwento sa akin noon ni Sam na kababata niya? Yung mabait at mapag mahal na si Dean? Siya din ba iyong sinasabi ni Sam na kababata niya na hindi niya nasuklian ng pagmamahal?     Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko kung papaano siya nasasaktan ngayon. Nakita niya kung papaano ngayon natali sa ibang lalaki ang taong pinakamamahal niya.     "Magiging maayos ka rin, Dean." narinig ko na sabi nung lalaking puno ng pag simpatya dito pero narinig ko lamang ang malakas at puno ng kapaitan na tawa nito.     "I bet, maaayos pa ako. Mangyayari lang iyon kung babagsak na ang lahat ng anghel sa lupa para isalba ako." Iyon ang huling mga katagang narinig ko sa kanya bago ako lumayo mula sa pinag tataguan ko.     "Sa takdang panahon, there would be a fallen angel to help you." mahinang anas ko habang papalayo sa kanila.     At sana sa susunod na pag kikita natin. Hindi na ako maawa pa sa'yo, dahil kailangan ko rin yung bracelet ko para naman maisalba ko ang sarili ko.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD