Chapter 30

2076 Words

SHEENA POV NANG BALIKAN ako ng malay tao, ang nag-aalalang mukha ni Mama ang bumungad sa akin. Nagpalinga-linga ako at napagtanto ko na nasa loob pa rin ako ng aking kuwarto at nakahiga sa aking kama. Napabalikwas ako nang maalala si Lance at si Kuya Simon. “A-Anak…” basag ang boses na sabi ni Mama. Mabagal ang ginawa kong paglingon sa kaniya. Hindi ko pa man naririnig pero malakas na ang kutob ko na may hindi magandang nangyari sa asawa ko. “M-Ma…” nanginginig ang boses na sabi ko. “A-Ang asawa ko ho, Ma.” Nang yakapin ako ni Mama ay awtomatikong naglaglagan ang mga luha ko. “Ma, si L-Lance… ano pong nangyari?” umiiyak na tanong ko. Sinapo niya ang mukha ko. Lalong binalot ng takot ang puso ko nang makita ko ang pamumula ng mga mata ni Mama na para bang pinipigilan niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD