CHAPTER ONE
CHAPTER ONE
SHEENA POV
ANG PAGOD na nararamdaman ko kanina dahil sa dami ng trabaho sa hospital ay parang tuyong dahon na tinangay ng hangin nang madatnan ko sa bahay namin ang lalaking lihim kong ginawang inspiration mula pa noong nasa high school ako. Si Lance.
Nasa sala ito ng bahay namin at prenteng nakaupo habang kausap ang mga kaibigan nito. Lima sila sa kanilang grupo, tatlong lalaki at dalawang babae. Si Kuya Simon, si Kuya Joven, at si Lance, na never kong tinawag na kuya kahit anim na taon ang agwat ng edad sa akin. At ang dalawang babae naman sa grupo nila ay si Ate Madeline at Ate Kristine. Matalik silang magkakaibigan mula pa noon at saksi ako sa tibay ng kanilang samahan. Dekada na ang pagkakaibigan nilang lima pero hanggang ngayon ay going strong pa rin ang samahan nila. At kitang-kita ko kung paano sila patatagin ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan. Hindi biro ang pagkakaibigan nilang lima at sobrang nakakahanga iyon.
Isang tikhim mula sa likuran ko ang nagpabalik sa naglalakbay kong isip habang nakatingin kay Lance.
"Kanina ka pa?" ani Kuya Simon na siyang kumuha ng atensyon ko mula kay Lance.
Napatingin sa amin ang mga kaibigan ni Kuya at sabay-sabay na ngumiti sa akin at binati ako.
"Kadarating ko lang, Kuya," sagot ko at saka binati ang mga kaibigan nito.
Tumayo si Ate Madeline at Ate Kristine at bineso ako.
"How's work, bunso?" si Ate Madeline at inakbayan ako kahit magkasingtaas lamang kami nito.
"Okay lang. Araw-araw na pagod pero keri lang."
"Nag-i-enjoy ka naman ba sa pagiging Medtech mo?"
"Oo naman, Ate."
"Ganyan talaga kapag mahal mo ang ginagawa mo kahit anong pagod masaya ka pa rin," ani Ate Kristine. "Parang love lang din, 'di ba, Sheena?" May halong tudyo na dagdag pa nito sabay kindat sa akin.
Hindi naman ako nakakibo kaagad. May alam ba si Ate Kristine ? Piping tanong ko sa isip ko.
"'Di ba, Sheena? Iyong kahit nasasaktan ka na sa sobrang manhid niya, mahal mo pa rin," ulit nito at nagtaas-baba ang isang kilay habang may naglalarong ngisi sa mga labi.
Nagbaba ako ng tingin nang mapansin kong nasa akin ang atensyon ng limang nilalang sa harap ko.
"Bakit? In love ka ba?" Napatingin ako kay Kuya Joven dahil sa tanong nitong iyon.
"Kanino?" Mabilis na nabaling ang tingin ko kay Lance. Seryoso ang mukha nito. "May boyfriend ka na?"
"Ha? A-Ah, wala." At nag-iwas ng tingin dito. Pailalim kong tiningnan si Ate Kristine nang marinig ko ang mahinang tawa nito sa tabi ni Ate Madeline. Nasa mukha pa rin nito ang ngisi.
"Wala pang boyfriend ang baby ko," ani Kuya Simon na ikinasimangot ko.
"Paano magkaka-boyfriend ang kapatid mo, eh binabakuran mo."
Natawa si Kuya Simon sa sinabi ni Ate Madeline.
"Ganoon talaga baby ko 'yan, eh," lumapit ito sa akin at inakbayan ako. "At hindi puwedeng kung sino-sino lang ang manligaw dito."
Napagitnaan ako ni Kuya Simon at Ate Madeline.
"Protective, huh?" Si Kuya Joven.
"Of course, dadaan muna sa akin ang magtatangkang manligaw dito sa baby ko." At parang batang ginulo ang buhok ko.
"Hindi na baby 'yan, Dude. Makakagawa na nang baby 'yan."
"Gago!" Sinamaan ng tingin ni Kuya si Kuya Joven dahil sa sinabi nito.
"Totoo naman—"
"Hep! Hep! Hep!" Awat ko na kay Kuya Joven dahil masama na ang tingin ni Kuya dito. "Baka kung saan pa makarating 'yan. For sure, nandito kayo para mag-bonding at hindi magkapikunan. Enjoy lang kayo at ako'y magpapahinga muna bago maglinis ng katawan. Amoy hospital pa ako." Hindi na nakatutol si Kuya Simon nang alisin ko ang braso nito sa balikat ko at umakyat na sa hagdan para pumunta sa kuwarto ko.
Nasa may gitna na ako ng hagdan nang lingunin ko sila at ngitian. "Enjoy, guys! Don't mind me, kaya kagaya nang dati puwede kayong mag-ingay."
"Join us, Sheena."
"Tingnan ko, Ate Made."
"Okay."
Isang palihim na sulyap pa ang ginawa ko kay Lance bago tuluyang umakyat ng hagdan at pumasok sa kuwarto ko.
Pagkababa pa lang ng bag ko ay dumiretso na ako sa banyo para maglinis ng katawan ko. Hindi na ako nagbabad dahil higang-higa na ako. At pagkalipas nga ng ilang sandali ay pabagsak akong nahiga sa kama ko.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kabila ng pagod dahil hindi ko inaasahan na madadatnan ko si Lance dito sa bahay namin.
Kung gaano kasi sila kadalas dito sa amin noong nag-aaral pa silang lima ay bihira na lang ngayong may kanya-kanya na silang trabaho. Si Kuya Simon ay busy sa auto shop nito na mayro'n ng limang branch. Si Kuya Joven naman ay isang sikat na photographer na ngayon at kung saan-saan na napapadpad dahil sa mga sikat na client. Si Lance naman ay iba ang napiling karera, isa itong Philippine Navy. Balita ko ay mataas na ang ranggo nito. Si Ate Madeline naman ay isang successful na designer at may sarili ng fashion clothing store. Si Ate Kristine naman ay isang professor sa isang sikat na unibersidad dito sa Maynila.
Nakakatuwa dahil lahat sila ay naging successful sa kanya-kanyang napiling karera. At ang mas nakakatuwa ay nanatili ang pagkakaibigan nila kahit ang layo na nang narating nilang lahat.
Habang ako naman ay dalawang taon pa lang sa pagiging Medtech at wala pang napapatunayan sa buhay kun'di ang maayos na trabaho ko.
Sa edad kong bente tres ay wala pa akong nagiging nobyo. Bukod kasi sa istrikto ang Papa at Kuya Simon ko ay hindi ko magawang magpaligaw sa iba dahil nasa iisang tao lamang ang atensyon ko. Si Lance. High school pa lang ako ay crush na crush ko na siya at aminado akong nauwi sa mas malalim na feelings ang dating paghanga ko sa kanya.
Hindi ko rin alam kung bakit siya gayong sa mga kaibigan ni Kuya ay si Lance ang bihirang makipag-usap sa akin. Magiliw naman siya pero hindi kagaya ni Kuya Joven na malapit sa akin. Well, maybe dahil makulit talaga si Kuya Joven habang si Lance nama'y isang tanong isang sagot sa akin. Madaldal lang siya kapag ang mga kaibigan ang kasama nito.
"Hay, heart, tatanda ka na lang na hindi pa rin napapansin ng lalaking gusto mo." Parang timang na pagkausap ko sa sarili ko.
Nakatitig ako sa kisame pero mukha ni Lance ang nakikita ko. Ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kanya pero ni minsan hindi ako nagpakita ng motibo sa kanya. At wala siyang alam na gustong-gusto ko siya dahil ayokong mailang siya sa akin sa oras na malaman nya iyon. Masaya at kontento na ako sa brother/sister na turingan namin sa isa't isa kahit ang gusto ng puso ko ay mas higit pa roon. Walang kaideya-ideya si Lance na nasasaktan niya ako sa tuwing malalaman ko na may girlfriend na ito. Dalawa na ang naging girlfriend niya pero parehong hindi nagtagal iyon, kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ay hindi ko alam. Hindi rin ako nagtatanong kay Kuya Simon dahil ayokong malaman niya na may feelings ako sa kaibigan nito.
"Hay…" Napapabuntong-hiningang bumangon ako sa aking kama at nagdesisyong bumaba para maghapunan kahit late na.
Hindi ko na sila nakita sa sala, malamang nasa kubo sila at nag-iinuman. May kubo kasi kami sa may likod-bahay. At mula noon hanggang ngayon ay ang kubong iyon ang naging tambayan nila sa tuwing narito sa bahay.
Dumiretso ako sa kusina at nagtingin ng makakain. Napangiti ako nang makita kung ano ang pagkaing naroon. Ang favorite kong chicken afritada. Hindi ko alam kung anong mayro'n sa lutong iyon at gustong-gusto ko.
Nagsandok ako ng kanin at sa plato na rin inilagay ang ulam. Sanay na akong kumaing mag-isa kaya kahit walang kasabay ay ganado pa rin ako.
"Nandito ka pala."
Nabitin sa ere ang gagawin kong pagsubo nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Napakagat-labi ako nang manuot sa ilong ko ang amoy nito. Mula noon hanggang ngayon, ang bango-bango pa rin nito at mukhang wala itong planong magpalit ng pabango.
"Sheena."
"Ha?"
Umupo ito sa upuang nasa harapan ko. "Kako, kumusta ka na?"
"Ah, m-mabuti naman ako. I-Ikaw?" Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil nauutal ako kapag kausap ito.
"I'm good. Na-miss kita, Sheena."
"Ha?"
"Well, it's been four months nang huli kitang makita. Busy ka raw mas'yado sa trabaho mo kaya sa tuwing bababa ako ng barko ay wala ka rito."
Tipid akong ngumiti. "Yeah, medyo na-busy lang. Kain ka pala, nakalimutan na kitang alukin."
Tumawa ito. "Thank you pero tapos na kami bago ka pa dumating."
Hindi na ako nagsalita at ipinagpatuloy ang pagkain Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil nararamdaman ko ang tingin nito sa akin.
"Still favorite, huh?" Narinig kong turan nito.
"Ha?"
"Kako, favorite mo pa rin pala 'yan. Nagustuhan mo ba? Ako ang nagluto niyan para sa 'yo. Muntik ka pa ngang maubusan dahil naparami ang kain ng kuya mo at ni Made, inawat ko lang sila kasi para sa 'yo 'yan pero nilantakan na nila kahit wala ka pa."
Wala sa loob na napatitig ako rito. Hindi ko inaasahang lulutuan niya ako ng favorite ko.
"I-Ikaw ang nagluto nito para sa akin?"
"Yup. I'm not good when it comes to cook kaya pasensya ka na sa lasa. Sa YouTab ko lang pinanuod kung paano lutuin 'yan. Nagmadali pa nga ako kasi late na nasabi ng kuya mo na uuwi ka ngayon. Mabuti na lang may stock kayong ingredients kaya nakaluto ako bago ka pa dumating," litanya nito na ikinatulala kong lalo.
Siyempre, kinilig ako at umasa na naman ang puso ko.
"T-Thank you, Lance. Hindi ka na sana nag-abala pa, nariyan naman si Nana Rosie, eh," tukoy ko sa aming cook.
"You're welcome. Hindi naman abala sa akin ang lutuan ka. Na-miss kita kaya gusto kitang mapasaya kahit sa simpleng bagay lang."
"O, thank you. I really appreciate it. At hindi lasing pinag-practice an ang lasa. It taste good, Lance."
Lumabas ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin nang ngumiti. Parang lalong nalaglag ang puso sa ngiting iyon.
"Thanks, Sheena. Masaya akong malaman na pasado sa 'yo ang luto ko."
Gumanti ako ng ngiti rito at tinapos ang pagkain ko kahit naiilang ako sa presensya nito. Buong akala ko'y aalis na ito nang tumayo pero lalong naghurumintado ang puso ko nang ilapag nito ang isang bago ng tubig sa harap ko.
"Water mo."
"S-Salamat, Lance."
"You're welcome. Finish your food, lalabas muna ako. Baka hanapin na nila ako lalo na nang kapatid mo." Lumapit ito sa akin at ginulo ang buhok ko. "It's good to see you again, Sheena."
Napapangiting hinabol ko ito ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.
"What the…" Wala sa loob na napahawak ako sa dibdib ko. Para akong mahihimatay sa kilig. "Ano 'yon? Bakit bigla siyang naging sweet sa akin?" Naisatinig ko habang hawak pa rin ang dibdib.
"Kalma, heart. Huwag mong bigyan ng kahulugan iyon. Na-miss ka lang niya bilang kapatid. Yeah, tama… bilang kapatid lang 'yon kaya kumalma ka riyan, okay?" Saka tinapik-tapik ko ang dibdib ko at inubos ang laman ng basong ibinigay ni Lance sa akin.
Lutang na lutang ang pakiramdam na tinapos ko ang pagkain ko at matapos hugasan ang plato ko ay bumalik na ako sa aking kuwarto.
Nagbasa muna ako ng sinusubaybayan kong kuwento sa isang online platform na nadiskubre ko sa Feekbook. Gustong-gusto ko 'yong kuwento kasi nakaka-relate ako sa bidang babae, same situation kasi kami na nagmahal nang palihim sa isang lalaki na may mahal na iba.
Feeling ko, ako 'yong nasa kuwento kaya tuwang-tuwa ako kapag nag-a-update iyong writer. Matapos kong basahin ang double update ay nag-decide na akong matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas.
At hanggang sa pagtulog ko ay dala-dala ko ang guwapong imahe ni Lance.