Inosente 15

1303 Words
Hala! Umaga na. Naalala ko na naman ang pinag-usapan namin ni Kenta kagabi. Kahit na pilit ko mang itanggi sa aking sarili ay na-eexcite ako mamaya. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng excitement kung alam kong gwapo at matipuno ang hihilutin ko mamaya. Kahit na hinihilot ko si Tatang at mga kapatid ko ay iba pa din kapag ibang tao lalo't hindi ko naman kamag-anak. Baka mamaya iba pa ang mapisil ko. Lagot na. Kaso hindi ko na pwedeng bawiin ang pagpayag ko. Iisipin ko na lamang na part ito ng human anatomy. Magagamit ko sa school kapag nag-opening na. Atsaka hindi ko dapat lagyan ng malisya ang mga ganitong bagay dahil connected ito sa napili kong course. Kailangang sanayin ko na ang aking sarili dahil balang-araw ay mas maraming 'ano' pa ang makikita ko. Chin-chin, gising. Kastigo ko sa aking sarili. Bakit ba umabot na ako sa 'ano'. Magmamasahe lang naman ako pero sobrang advance na kaagad ng isip ko. Hala! "Is there something wrong? Kanina ko pa napapansin na nakatulala ka diyan. Hindi ba masarap ang niluto kong breakfast?" bahagya pa akong nagulat ng marinig ang boses ni Kenta. Nakakahiya, kumakain pala kaming dalawa tapos kung ano-ano na ang iniisip ko. Umiling ako. "M-masarap.. k-kaya nga gustong-gusto ko na ikaw ang nagluluto kasi m-masarap kang magluto. Hindi ko nga akalain na magaling ka pala kasi 'di ba.. I m-mean ikaw ang boss ni Tiyo Dominggo, your the CEO sa inyong company kahit bata ka pa. Ang nasa isip ko kasi talaga kapag mayamang lalaki ay hindi marunong magluto--" Naputol ang anumang sasabihin ko ng tumawa ito. "You mean.. ang tingin mo sakin ay walang alam sa buhay kundi negosyo lang? Is that right?" tanong nito at nagpatuloy sa pagkain. Napatigil ako. Sasabihin ko bang 'yon nga ang akala ko, na nakaupo lang ito sa opisina nito. At puro babae ang inaatupag kagaya sa mga pocketbook na nababasa ko. Kaso baka ma-offend si Kenta kapag sinabi ko 'yon. "Don't be shy. I'm open for criticism. Being a businessman, I need to listen to other people's opinion, ideas and minsan kung ano ang tingin nila sa akin. This is only for me.. I don't know with other people. Hindi mo naman kasalanan kung iba ang tingin mo sa alin 'coz we don't know each other. And isa pa, bata ka pa kaya iba talaga mag-isip ang mga bata sa generation ngayon--- oh bakit nakabusangot ka?" bigla itong tumawa ng makita akong nakalabi. "Eh, paano kasi, para namang sinasabi mo na hindi maganda ang generation namin ngayon. And besides, kagaya nga sabi ko sa 'yo hindi na nga ako bata.. I'm eighteen. Kainis naman oh," pagmamaktol ko. Para din itong mga kapatid na laging sinasabi na bata pa daw ako. "Why you're angry? Siguro masyadong overprotective ang mga kuya mo sa 'yo at tinatrato ka nilang bata, am I right? Or maybe.... kaya mo pinupush na eighteen ka na ay hindi ka siguro pinapayagan ng family mo na magka-boyfriend." Nakatitig ito sa akin ng mataman. Ang galing talaga nito. Iyon na nga ang pinagpuputok ng butse ko. Inabot na ako ng eighteen tapos hindi ko man lang naranasang magka-boyfriend. Naiinggit tuloy ako sa mga kaklase ko. "Sa atin lang 'to ha. Actually, hindi nga. Kaya nga naiinggit ako sa mga classmates ko simula high school hanggang ngayong college na ako kasi hindi ako pinapayagan sa bahay. Sa tuwing nag-uusap kami ng mga kaibigan ko, wala man lang akong ma-eshare tungkol sa lovelife ko." Pagkukuwento ko dito. "Alam mo, Inday Chin-chin, tama naman ang mga kapatid at parents mo. Kahit siguro ako ang maging brother mo, hindi din ako papayag na magka-boyfriend ka ng maaga. Sa cute mong 'yan, baka mabuntis ka ng maaga. Nag-iingat lang ang--" "A-anong sabi mo.. c-cute ako???" bigla akong nasamid sa sinabi nito. Feeling ko tuloy ay nag-blush ako. Kumabog ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko. Hala! Itong si Kenta hindi nag-iisip ng sasabihin. Baka lalo akong humanga sa kanya. Delikado talaga ang puso ko. "Yeah, you're cute. If I were your brother, bawal ang ligaw-ligaw. Kailangan maka-graduate ka muna." Seryosong sabi nito. "Ano ba 'yan, ayokong maging kapatid kita noh." Bigla kong nasabi. Hala! Ano ba 'yan. Bakit ko ba nasabi 'yon. Baka makahalata siya na crush ko siya. "Why?! Gusto mo 'kong maging boyfriend?!" Hindi ako nakasagot. Bigla akong natigilan sa sinabi nito at pakiramdam ko ay lalong nag-blush ang pisngi ko kaya naman napatingin ako sa ibang direksiyon. "Uhmm..." Napaubo ito. "J-just kidding. Of course.. I will treat you.. uhm.. l-like a s-sister dahil nga pamangkin ka ni Sunday. Eventhough, Sunday is a gambler at sakit sa ulo kapag nasa labas ng trabaho, parang tito din ang tingin ko sa kanya kaya nga habang narito ka sa akin, ituturing din kitang p-parang k-kapatid ko." Napansin kong parang hindi din makatingin sa akin si Kenta. "Okay.. dapat pala ang tawag ko sa 'yo, Manong Ken, kasi manong ang tawag ko sa mga kuya kong lalaki." Subukan ko kayang asarin 'to. "Thank you, okay na sa akin ang Ken. Parang hindi bagay sa akin ang tawaging manong." Tigas ito sa kakatanggi. "Kapag hindi ka pumayag na tawagin kong manong, hindi kita hihilutin mamaya. Sige ka," natatawang sabi ko. "Uhhmm... ah basta ayokong tawagin mo akong manong. Sige kapag pinagpilitan mo 'yan, hindi kita lulutuan mamaya. Plano ko pa namang turuan kang magluto ng sushi." "Okay lang, hindi naman ako mahilig sa sushi." Nakalabing sabi ko dito. Ewan ko ba, 'yong iba sarap na sarap sa sushi pero ako ayoko. "Ano bang pagkain ang gusto mo?" tanong nito sa akin. "Actually mahilig ako sa dessert, sa mga matatamis lalo na ang macaroni salad." Nakangiting sabi ko dito. "Sige, gagawa tayo niyan mamaya." Nag-isip muna ito atsaka sumagot. "Talaga? Sige hindi na kita tatawaging manong, Ken na lang." Nakangiting sabi ko dito. Magluluto kami ng salad mamaya. Favorite ko pa naman 'yon. Maya-maya ay tumigil ito sa pagkain at ngumiti na naman sa akin. "I'm happy na nakakapag-usap tayo ng ganito. You're fun to talk with pala. Akala ko talaga ko noong una ay talagang mahiyain ka or maybe mukha akong suplado at natatakot ka sa aking makipag-usap." "Hindi noh. Mahiyain talaga ako. Kahit sa amin ay iilan lang ang mga kaibigan ko. Atsaka nakikipag-usap lang ako kapag kumportable ako sa tao." Paliwanag ko dito. "So, dati you're not comfortable with me before?" Kuno't noong tanong nito. "Eh k-kasi.. akala ko kasi noong una, aswang ka talaga atsaka si Irene-chan. Sa tuwing naalala ko 'yon, lagi akong nahihiya." "Ah, I didn't know na ganyan pala ang iniisip mo sa amin ni Irene-chan. Anyway let's forget about that. I'm sorry din kung napagkamalan kita. Now, we're okay. In the future, kapag bumalik ka ulit dito sa Manila, you can contact me or you can stay here. I will help you. You're like a little sister to me." Seryosong sabi nito. Ouch! Parang may tumusok na karayom sa dibdib ko. "O-okay. Thanks sa pag-alok. I will remember that, Kuya Ken--" "Kuya Ken??!!" Biglang bulalas ni Kenta. "Kasi sabi mo, I'm your little sister kaya dapat Kuya ang itatawag ko sa 'yo tutal ayaw mo naman ng manong." Nakangiting sabi ko dito. Pinipilit ko na lang ikubli ang kakaibang naramdaman ko sa sinabi nitong kapatid ang turing niya sa akin. Hindi ko din maipaliwanag kung bakit nakaramdam ako ng kirot. Ayokong ituring niya akong kapatid. "Ikaw talaga. Up to you.. bahala ka na nga. Baka mamaya magtampo ka pa kapag hindi kita pinagbigyan. Humahaba na naman kasi ang nguso mo oh. Look-- ayan, humaba na nga.ha.. ha.. ha.." Totoo 'yon. Isa iyon sa mga mannerism ko na kinaiinisan nila sa bahay dahil para daw akong bata. Nagtawanan na lamang kaming dalawa. Hay! Ang saya ko, feeling ko ay nagiging close na kami ni Kenta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD