Inosente 16

1207 Words
"I'm home--" "Ay! Kabayo nga may bangs!" Bigla akong nagulat nang marinig ang boses ni Kenta. "Ha! ha! ha!" Ang lakas ng tawa ni Kenta. "Magugulatin ka pala." "Si Kuya Ken naman oh. Bigla ka na lamang susulpot at magsasalita. Akala ko tuloy may multo o aswang na naman akong kasama." Kasalukuyan akong naghuhugas ng bigas para magluto sa rice cooker. Mabuti at hindi ko naitapon ang bigas. "I'm sorry. Mabuti at hindi mo natapon ang bigas. I come early. Ako ang magluluto ng dinner natin ngayon. Nagsawa na ako sa sinabawang bangus na lagi mong niluluto-- ayan nakabusangot ka na naman." Pang-aasar nito sa akin. Nilapag na nito sa center island table ang dalang mga plastic na may lamang mga gulay at karne. "Hmp! Hindi--" "Magbibihis muna ako at babalik din kaagad." Bigla itong umalis bago pa ako makapagprotesta. Humanda talaga si Kenta sa akin mamaya. Hindi ko siya kakausapin. Nagsawa na pala ito sa niluluto kong ulam tuwing gabi ha. Saglit lang sa pagbihis si Kenta at bumalik na ito sa kusina. Habang inilalabas nito ang mga pinamili sa plastic ay nakaupo lamang ako sa isang upuan at nanonood kunwari ng video sa YT. Hindi ko ito papansinin. Nagtatampo ako sinabi niyang nagsawa na ito sa sinabawang isda na lagi kong niluluto sa gabi. "Inday Chin-chin.. yohooo.. humahaba na naman 'yang nguso mo. Mas lalo ka tuloy nagiging cute kapag naka-pout ka. Huwag ka nang magtampo. Binabawi ko na ang sinabi kong nagsawa na ako sa luto mo. Joke ko lang 'yon. Ikaw talaga, masyado kang sensitive-- oh, ayan ngingiti na 'yan. Smile na si Inday Chin-chin," nakangiting sabi sa akin Kenta. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti kahit na ayoko sana itong kausapin. "Ayan mas maganda kapag naka-smile ka. Nakikita ang cute mong dimples." "Sige, Kuya Ken, utuin mo pa 'ko. Hmp! Kung hindi ka lang talaga gwa--- I mean boss ni Tiyo Dominggo, hindi kita kakausapin." "Ha.. ha.. ha.. yeah, I know. Sumpungin ka pa naman. Can you help me please. Magluluto ako ng sisig but we will use tofu para mabilisan lang and buttered shrimp para sa ating dinner. And of course for our dessert, may binili din akong fruit cocktail and elbow pasta. Kaya nga inagahan ko ngayon para mahaba ang preparation." Nakangiting sabi nito. "Okay, ako na ang bahala sa macaroni salad. Leave it to me. Pasasarapin ko 'yan." Nagmamalaking sabi ko. "Huwag mo masyadong sarapan ha. Baka mamaya niyan lagyan mo 'yan ng gayuma at ma-inlove ako sa 'yo. Malalagot talaga ako kay Sunday." Pabirong saad ni Kenta sa akin. Ito talaga si Kenta. Hindi ko alam kung talagang nagbibiro o naglalandi. Parang contradicting lagi ang mga statement eh. Tini-treat niya akong kapatid pero ang joke niya, baka ma-inlove siya sa akin. At bakit naman siya maiin-love eh hindi nga ako nagpapakita ng motibo sa kanya. Masama kaya ang magpakita ng motibo sa lalaki. Kahit nga madami din akong naging crush sa probinsiya, nunca talaga na mauuna akong magpakita ng motibo. Baka sabihin pa nila, ang cheap ko noh. "Kuya Ken, ha.. hindi kaya ako marunong mang-gayuma. Sa cute kong 'to, dami kaya naiin-love sa akin." Pagmamayabang ko habang isinasalang ang pasta sa kalan. Ito naman ay naghihiwa ng tofu. Napansin kong hindi umimik si Kenta sa sinabi ko. Hindi ko naman nakita ang reaksiyon niya dahil nakatalikod ako dito. Pagbalik sa table ay dinrain ko na ang fruit cocktail. Hinanda ko na rin ang iba pang sangkap para kapag okay na ang pasta ay hahaluin ko na lamang ang mga ito at ilalagay sa ref. "You're good ha. Ambilis mong kumilos." Puri nito sa akin. "Kabisado ko na kasi paano gumawa niyan. Tulungan kita, ako na ang maghihiwa ng mga bawang at sibuyas." Tumango lamang ito. Kumuha na ako ng kutsilyo at nagsimulang hiwain ang bawang at sibuyas. Nakakailang hiwa pa lamang ako ng sibuyas ng nakakaramdam na ako ng hapdi at anghang sa aking mata. Itinuloy ko pa rin ang paghiwa kahit hindi na halos ako makakita dahil sa patuloy na pagluluha ang aking mata. Nag-uumpisa na ring tumulo ang sipon ko. "A-are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Kenta sa akin. "Ang mata ko." Dahil sa taranta ng biglang paglapit ni Kenta ay binaba ko ang kutsilyo at kinusot ko pa lalo ang akng mata. "Aaahhhh... ang mata ko." Sigaw ko. Mas lalo namang umanghang ang aking pakiramdam kaya ngayon ay sumisinghot na ako sa pinaghalong luha at sipon. Nang hindi ko na talaga mapigilan ay kusa ko nang ginamit ang aking suot na t-shirt sa pagpahid ng aking luha at sipon. "Kuso! Why did you use your shirt!" Napansin ko na lamang na may nagpapahid na ng tissue sa mukha ko. "Thanks!" "Come here," giniya ako nito sa kitchen sink, "itapat mo ang mukha mo sa gripo." Sinunod ko ang sinabi nito. Itinapat ko ang aking mukha sa sink at naramdaman ko ang tubig galing sa gripo. Kaagad akong naghilamos. Kinusot ko nang mabuti ang aking mata hanggang sa hindi na ako nakakaramdam ng pag-iyak. Tumigil na din sa pagtulo ang sipon ko. Para makasiguro ay ginamit ko na din sa aking mukha ang para sa handwash na sabon. "Here! Use this." Isang bimpo ang iniabot nito sa akin. Ginamit ko itong pampunas sa aking mukha. "Just a sec." Lumapit ito sa akin at yumuko. Sa tangkad naman nito ay napatingala na lamang ako. Itinaas nito ang aking mukha at hinawakan aking baba. Dahan-dahang bumaba ang mukha nito papalapit sa akin. Hala! Anong gagawin ko? Naipikit ko na lamang ang aking mata dahil hindi ko kayang makipagtitigan kay Kenta. Ilang segundo din akong nakatingala habang nakapikit ng maramdaman ang mahinang hangin na bumubuga sa aking nakapikit na mata. Hinihipan pala ni Kenta ang talukap ng aking mata. Akala ko kung ano na ang gagawin niya sa akin. Habang ginagawa niya 'yon ay hindi ko naman mapigilang maamoy ang hininga nito. Amoy butter. Pinapak ba ni Kenta ang butter at kapareho ito ng kanyang hininga? Habang hinihipan ni Kenta ang talukap ko ay gusto ko na talagang imulat ang aking mata. Diyahe at nahihiya ako dahil hindi ko din alam ang susunod kong gagawin. "Ah.. K-kuya K-ken.. o-okay na 'a-ata.. ang mata ko. H-hindi na ako naiiyak." Hala! Nabubulol ako sa sobrang lapit naming dalawa. Hindi ko alam kung tama ba ang aking pakiramdam na parang may sumisingaw sa katawan ni Kenta. Mainit ba talaga ang katawan nito? O dahil mainit lang sa kusina kaya ganoon? "Hala! Ang pasta ko pala!'" Dali-dali akong kumawala kay Kenta ng maalala ang macaroni pasta na niluluto ko. "Don't worry. Kanina ko pa pinatay bago kita bigyan ng tissue. Mabilis lang naman maluto ang pasta. Baka kasi maovercooked, hindi na magiging maganda ang salad." "Hala! Thank you, Kuya Ken ha. Pasensiya ka na rin kung imbis makatulong ay naabala ko pa ang pagluluto mo." "Nope. Natural lang talaga na humapdi ang mata kapag naghihiwa ng sibuyas. Sige magpalit ka na lamang ng iyong t-shirt at ako na ang bahala dito. Ang salad na lang ang asikasuhin mo." Utos nito sa akin. Hindi na ako umangal dahil pagtingin ko sa aking damit ay basa na ito at ang dugyot kong tingnan dahil kumapit na doon ang sipon ko. Yuck! Dali-dali na akong nagbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD