Inosente 14

1078 Words
"Hala... tulog na kaya si Ken. Nakakahiya talaga kanina ang ginawa ko." Bulong ko sa aking sarili. Pahamak naman kasi si Irene-chan. Tamang nood lang kami ng tv kanina habang inaantay na dumating si Ken nang lumabas ito ng pool at umihi sa garden. Hindi ko na sana siya susundan kaso sobrang tagal na niya kaya akala ko kung ano na ang nangyari sa aso. Napamahal na sa akin si Irene-chan dahil sweet ito sa akin. Hindi ito katulad ni Gringo na laging galit. Si Irene-chan, lagi siyang umiikot sa paa ko at laging nakatingin sa akin na parang nagagandahan sa akin. Kapag may sinasabi pa ako dito ay sinusunod niya ako. Ewan ko ba pero parang nagkakaintindihan kaming dalawa. Sa lahat ng itim na aso na nakita ko, kay Irene-chan lang ako hindi takot. Sa pagsunod ko kay Irene-chan, nagulat pa ako ng makita itong nakatingin sa kabilang building malapit sa glass wall. Nang lapitan ko ito at tingnan din ang direksiyon na kanyang tinitingnan ay gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko. Sa kabilang building ay may dalawang lalaki na nagtutukaan sa may rooftop at walang habas na gumagawa ng kalaswaan. First time kung makakita ng ganoong eksena kanina kaya halos manlaki ang mata ko. Napabulalas pa ako at napalatak dahil gano'n pala 'yon. Mabuti na lamang at mas mataas at malayo kami dahil kung nagkataon ay makikita at maririnig nila ako. Hindi ko naman sila jina-judge dahil maraming ding mga bakla sa amin. Ang tawag namin sa kanila ay 'agi', at nakakarinig din ako sa mga kaklase at kapitbahay ko naglalabing-loving din sila. Well, iniisip ko na lamang na may natutunan ako sa araw na ito. Tungkol sa art of s*x. Alam ko na kung paano nila ginagawa iyon. Sa susunod ay may maikukwento na ako sa aking mga kaibigan at hindi puro pakikinig na lamang ako. Nang magsawa na ako sa kakatingin sa kanila ay pumihit na ako at gan'on na lamang ang gulat ko nang nasa harapan ko na pala si Ken. Kahit na sinabi nitong kakarating lang nito ay hindi pa rin ako naniniwala. Kasi bakit hindi siya nakatingin sa akin kanina habang tinatanong ko siya. Siguro ay ayaw niya akong mapahiya dahil pangit nga naman ang nakita. Napangiti na lamang ako ng maalala iyon kanina. Ngayon ay tapos na akong magligpit at maglinis ng kusina kaya napagpasyahan ko nang matulog. Super late na ang dinner namin kaya medyo inaantok na ako. Mabuti na lamang at walang pasok, kung hindi ay malamang tanghali na ako magigising nito bukas. Paglabas ko ng sala ay nakita kong nakapikit si Kenta at nakahawak sa sentido nito. May sakit kaya ito? "Ken, ma-masakit ba ang ulo mo?" Mahina kong tanong. Kita kong stress ang mukha nito. Bakit naman na-stress ito eh kanina ay mukhang okay pa naman ito ah. Baka pagod talaga sa trabaho. Nakapikit pa rin at hindi man lang binuksan ang mata pero sumenyas ito sa akin na okay lang ito. "P-pagod ka siguro sa work noh? Aaahh.. ehh.. Ken, g-gusto niyo massage ko ang ulo m-mo?" Tanong ko dito. Naaawa ako dito kasi ganyan si Tatang at mga kapatid ko pagka-uwi nila galing sa trabaho. Lagi nga nila akong tinatawag at pinapamasahe kapag pagod sila. Siyempre natutuwa naman ako dahil binabayaran nila ako. Pero kay Ken ay libre dahil nakikitira lang ako dito. Dahan-dahan itong dumilat at tumingin sa akin. "You know how to massage?" Naniniguro nitong tanong. "Opo. Sa katunayan ay ako ang official na tagahilot sa amin sa bahay. Magaling daw akong maghilot dahil tinuruan ako ng lolo't lola ko. Kahit nga ang nanay ni Boknoy ay lagi kong hinihilot dahil pagod sa paglalabada buong araw," pagmamalaki ko dito. "Okay. So paano mo ako hihilutin?" Tanong nito sa akin. "May massage oil or cream ka ba dito?" "Nope. Pumupunta kasi ako sa mga spa kapag gusto kong magpa-massage kaya wala ako niyan dito." "Okay lang ba sa 'yo na gagamit ako Omega sa paghilot? Baka kasi hindi mo magustuhan ang amoy no'n." Tanong ko dito. "Ano 'yo--- don't bother.. yup, it's fine. Do as you wish. Gusto ko munang guminhawa ang pakiramdam ko." Ang sabi lang nito at pumikit na naman. Iniwan ko ito at kinuha ang dala kong Omega sa bag. Pagbalik sa sala ay umupo ako sa tabi nito. "Ken, dito ka sa baba umupo." Iminuwestra ko sa kanya ang kanyang uupuan. Tumalima naman ang lalaki at umupo na ito sa may carpeted na sahig. Inusog muna nito ang center table na nakaharang para hindi masagi ng kanyang paa niya. Naglagay ako ng throw pillow sa pagitan ng aking hita at doon pinahilig ang lalaki. Tinirintas ko muna ang wavy nitong buhok para hindi sagabal sa paghilot ko. Nagsimula na akong maglagay ng Omega sa aking kamay at nilagyan ko ang magkabilang sentido nito. Pagkatapos ay inumpisahan ko na itong hilutin. Light pressure massage lamang ang ginawa dahil ulo ang minamasahe ko. Mga 25 minutes ko na itong hinihilot nang mapagpasyahan kong tumigil na sa pagmamasahe dahil nakatulog na si Ken. Dahan-dahan akong umalis sa pagkakaupo sa sofa dahil sa totoo lang ay nangangalay na ako. Tumayo ako at nag-inat muna. Humihikab na rin ako sa antok at pagod. Tumingin ako kay Ken. Ang problema ko ngayon ay kung paano ko ito gigisingin, hindi ko siya kayang dalhin sa sarili nitong kwarto dahil sa tangkad at laki ng katawan nito. "Bahala na. Gigisingin ko na lamang siya. Hindi naman pwedeng dito siya matulog." Nilapitan ko na ito at niyugyog sa balikat. "Ken.. Ken.. Gumi---" Mabuti at nagising ito. Dahan-dahan itong tumayo at nag-inat. Medyo um-okay na nga ang pakiramdam nito. "Oppss.. Napasarap ang tulog ko do'n ha. Ang galing mo palang magmasahe, Inday Chin. Thank you talaga. I think lagi na akong magpapa-massage sa 'yo. I'll pay you para may pera ka pag-uwi mo." "Talaga?" Biglang bumilog ang mata ko. Babayaran ako ni Ken. Yes, madadagdagan na ang pera ko. "Let's sleep na dahil it's really late. Tomorrow evening pagkatapos ng ating dinner. I want full body massage. Kaya mo ba?" Tanong ni Ken sa akin. "Sure. Yakang-yaka ko 'yan, Ken. Hard massage ang gagawin ko sa 'yo bukas kasi mukhang maraming hangin sa iyong katawan. Kailangan nating mailabas 'yan para matanggal ang iyong stress." Pagmamayabang ko ulit dito. Ang totoo niyan, ang habol ko talaga ay ang ibibigay niyang pera. At.. Sa tagong bahagi ng aking isipan ay gusto kong makita at mahawakan ang katawan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD