bc

Inosente (Inday Chin-chin)

book_age18+
685
FOLLOW
5.2K
READ
sex
student
sweet
bxg
lighthearted
city
slice of life
virgin
addiction
naive
like
intro-logo
Blurb

Roses are red, Violets were blew

I give my love to you, how 'bout you?

Baka tayo?

Baka hindi din?

Minsan

Sa ating buhay ay may taong darating,

Alam natin siya ang nakalaan para sa atin

Pero hindi natin batid

Kung sila ba ay magtatagal sa ating buhay

O mawawalay

Dahil ang desisyon ay wala sa atin, nasa kanila.

- Chin-chin

chap-preview
Free preview
Inosente 1
2015 “Day, bugtaw na. Ari na ta sa Caticlan. Manaog na kay masaylo na ta sa barko pakadto Batangas.” Sabi ng konduktor ng bus sa salitang Hiligaynon. “Day, gising na. Andito na tayo sa Caticlan. Bumaba ka na at lilipat tayo sa barko papuntang Batangas.” Bumaba na ako ng bus. Chineck ko munang lahat kung may naiwan akong gamit. Tinandaan ko ang numero ng sinakyan kong bus para pagbaba namin sa Batangas ay hindi na ako mahihirapan. Ganyan ako. Turo ng Nanay ko. Laging lumingon sa pinanggalingan para e-check kong mayroong naiwan. Nang masigurong wala na akong may naiwan bumaba na ako sa bus papunta sa barko para makapagpahinga. Mga 9-11 oras siguro ang biyahe kaya matutulog muna ako. Pagdating namin bukas sa Batangas Port ay mga 2-3 oras na biyahe ulit papuntang Manila. Galing ako sa Capiz papuntang Caticlan. Mga 3 oras din ang biyahe namin. May isa pang ruta kung gusto mong pumunta ng Manila galing Capiz. Pupunta ka nang Iloilo at doon sasakay ng bus papuntang Manila. Kaso ayoko nang pumunta ng Iloilo kaya eto ang ruta na pinili ko. Umakyat na ako sa may passenger deck. Naghanap ako ng pwestong matutulugan. Nang makahanap ng pwesto ay nilagay ko na sa aking ulunan ang isang katamtamang travelling bag at humiga na. Ang dala kong backpack ay niyakap ko baka mawala pa. Nakasuot lamang ako ng yellow t-shirt at butas butas na pantalon at isang lumang sneakers. Tapos na ang klase kaya pinasya ni Tatang na puntahan ko ang kanyang magaling na kapatid sa Manila. Si Tiyo Dominggo, ang bunso nila Tatang. May sakit ang aming Nanay at kailangan namin ng malaking halaga para sa kanyang operasyon at pati na din sa maintenance. May utang si Tiyo Dominggo kay Tatang na 100 thousand pesos. At basi sa mga picture na pinopost nito lagi sa social media ay mayaman na ito sa Manila. Dati tumatawag pa ang Tiyo Dominggo kay Tatang pero simula ng singilin siya sa kanyang utang ay hindi na siya na-contact sa kanyang number. Buti nalang at dati noong okay pa sila ni Tatang ay nasabi nito kung saan siya nakatira. Bigtime pala ang Tiyo Dominggo namin dahil sa condo nakatira.. at VIP pa. Lagi nga itong nagyayabang na malaki ang sahod sa pinapasukang kompanya. Isang Automotive Mechanics ang aming Tiyo Dominggo. Napakagaling nito sa pag-aayos ng sasakyan kaya pinag-aral ito ni Tatang sa isang kilalang State University sa Iloilo na kilala sa mga Automative courses. Lahat na nag-graduate doon ay talagang magagaling at minsan ay pinapadala pa sa ibang bansa. Nang makatapos ang Tiyo Dominggo ay niyaya ito ng kaibigan na sa Manila magtrabaho dahil malaki ang kikitain. Noong mga ilang buwan pa lamang si Tiyo Dominggo sa Manila ay hindi pa ito nakakahanap ng trabaho kaya pinapadalhan pa siya ni Tatang ng pambayad sa bahay kaya umabot sa malaking halaga ang kanyang utang. 'Yan kasi ang problema sa Tiyo Dominggo namin, tikalon (mayabang) bah. Akala mo mayaman hindi naman pala. Kabaliktaran naman siya ng aming Tatang Vicente na mabait, masinop, matulungin at maaasahan. Kung ang aming tiyuhin ay ambisyoso, si Tatang naman ay simple lang. Matalino din ang aking Tatang pero mas pinili niya ang magsaka sa lupain na pinamana ng kanilang magulang. Kaya kahit hindi man kami sobrang yaman ay nakakaluwag pa rin dahil may taniman kami ng iba't ibang prutas at gulay. Pero dahil medyo tagilid ang anihan ngayon dahil sa kalamidad ay medyo nashort sa budget si Tatang. Kaya nga kailangang singilin si Tiyo Dominggo tutal mayaman na ito. Buti nga at pinayagan akong bumiyahe ni Tatang Vicente at Nanay Maria. Bunso kasi ako sa limang magkakapatid. Mayroon pa akong apat na nakakatandang kapatid, lahat lalaki. Si Toto Albert, Toto Dionesio, Toto Arnulfo at Toto Dominador. At dahil ako ang bunso at babae pa ay overprotective sa akin ang aking mga kapatid dahilan para umabot na ako ng disiotso ay hindi pa ako nagkakanobyo. Ang sabi nga ng mga kapitbahay ko ang ganda ganda ko daw. Mukha akong Chinese doll dahil napaka cute ko. May taas akong 5’2 talampakan. Maputi at mala-porselana ang aking balat at balingkinitan ang katawan. Mayroon din akong bangs kaya imbis na disiotso ay mukha akong katorse. Nagmana daw ako sa ninuno ng aking Nanay Maria na may dugong Chinese. Marami nga ang nacucutan sa akin lalo na sa aking maliit at di-katangusang ilong. Meron din akong maliit na biloy sa kaliwa na lalabas lang tuwing umiismid ako. Weird ano. Actually marami ang nanliligaw sa akin kahit noong bata pa ako. Kaso bantay sarado ang mga kapatid kong lalaki sa akin. Hindi din sa pagmamayabang pero gwapo din ang mga kapatid ko. Buti lahat kami nagmana sa aming Nanay Maria. At namana naman namin ang katangkaran ni Tatang. Ang sabi sabi pa nga na ginayuma lang daw ng Tatang namin si Nanay dahil hindi daw sila bagay kung hitsura ang pag-uusapan. Hindi gwapo ang Tatang namin, payat ito at moreno at medyo pango pa ang ilong. Gusto na nga naming maniwala dati nong kabataan namin kaso noong lumaki na kami ay nakita naman namin kung gaano kasipag at mabait si Tatang. Siguro kaya nainlab ang Nanay namin dahil hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo kundi sa panloob kaya kahit hindi gwapo ang Tatang namin ay siya ang pinili nitong pakasalan sa dami ng lalaking nanliligaw dati sa Nanay namin. Mabalik tayo sa akin. Noong kabataan ko dahil nga cute ako, lagi akong kinukuhang muse sa paaralan. Noong nag-high school ako ganoon din, muse pa rin. Tapos unti-unti ay may mga nagpapalipad hangin na sa akin. Meron din akong mga nagiging crush sa paaralan kaso sa tuwing nakikipagkita ako sa meeting place ay magugulat na lamang ako na andun na ang aking mga kuya. Minsan nga nagtatampo na ako sa kanila kasi naiinggit ako sa mga kaklase ko na may mga nobyo na. Ang sweet-sweet nila tapos lagi pa nag-seshare ng mga sweet moments. Ako walang maikwento dahil nga nakabantay ang mga kuya ko. Nagsabi nga din ako sa Tatang at Nanay pero imbis kampihan ako ay sinermunan din ako na mag-aral daw muna. Saka na ang pag-ibig na ‘yan kapag nakapagtapos na nang pag-aaral. Kahit na magpabuntis daw ako kaagad basta graduate. Grabe talaga sila sa akin. Tinanggap ko nalang ang aking kapalaran na magkakaroon na lang ako ng nobyo kapag grumadweyt na ako. Noong nagcollege na ako, akala ko ay pupuwede na akong pumag-ibig dahil sa Iloilo na ako mag-aaral ng Nursing. Hindi ako puwedeng umuwi araw-araw kaya malamang na magrerenta ako ng kwarto. ‘Yon ang akala ko. Iyon pala ay may kamag-anak pala si Tatang malapit sa unibersidad na pinapasukan ko na nagpapaupa ng kwarto kaya doon ako tumutuloy. Bantay sarado ako ni Toto Albert at Toto Dio, ang dalawa kong kuya. Naghanap din sila ng trabaho sa Iloilo para may kasama daw ako. Bali sa school ay mga pinsan ko ang bantay ko at sa labas naman ay mga kuya ko. Ngayon ay nasa 2nd year College na ako sa kursong Nursing. Still single at available. Nang makarinig na ako ng ingay sa paligid ay bumalik ako sa kasalukuyan. Umaga na pala. Pagtingin ko sa aking relo ay alas sais palang ng umaga. Dumaong na ang sinasakyan naming barko sa Batangas Port kaya sobrang ingay dahil excited nang bumaba ang mga tao. Bago tuluyang bumaba ay chineck ko kung okay na lahat ng gamit ko atsaka bumaba ng barko. Sumakay na ulit kami ng aming bus papuntang Manila. At dahil first-time kong pumunta ng Manila ay hindi talaga ako natulog para makita ang ganda ng Manila. Gusto kong makita ang nagtatayugang gusali at mga naglalakihang mall dito. Pinicturan ko din ang aming nadadaanan dahil ipapakita ko 'to sa aking mga kaklase pagbalik ng pasukan. Maganda nga ang Manila. May mga matatayog na building, malapad na kalsada, maraming sasakyan, maraming tao, magagandang tanawin at kung ano-ano pang bago sa aking paningin. Makalipas ang halos tatlong oras ay nakarating na kami ng Cubao. Nagtanong-tanong ako sa konduktor ng bus kung paano ako makakarating ng Malate. Pwede daw akong mag-bus, mag-taxi, mag-jeep o di kaya LRT o MRT ba 'yon. Nag-bus na lang ako para medyo safe. Naisip ko kasi na kapag taxi ang sinakyan ko ay baka tagain ako sa metro lalo at bago lang ako. Kung jeep naman ang pag-uusapan, hindi sa pinagkukumpara ko pero walang-wala ang mga disenyo ng jeep nila sa amin lalo na kapag napunta sila ng Iloilo. Sorry po sa pagkukumpara, mukhang magkakasala pa ako. Hay! Salamat at nakarating din ako ng Malate. Sa wakas magkikita na kami ng Tiyo Dominggo ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook