Inosente 7

1129 Words
"Aaaaahhh--- eh!eh!eh!.. aw.. a-aray! aray naman!!" Bigla akong napamulat dahil naramdaman kong may pumigil sa aking kamay. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa aking palapulsuhan kaya naman nakaramdam na ako ng sakit. Akala ko ba willing 'to na tagain ko. Bakit niya hinawakan ang kamay ko. "You're really crazy! At talagang papatayin mo pa ako sa sarili kong penthouse. Come here!" Namalayan ko na lamang na nakuha na pala nito ang hawak kong espada at kinaladkad niya ako sa living area. Pagdating doon ay kaagad niya akong tinapon sa sofa. Mabuti na lamang at malambot ang sofa. Ibinalik nito ang espada sa dati nitong kinalalagyan. "Isusum---" "Shut up!!!" Malakas na bulyaw nito na siyang nagpatigil sa akin. Kakaiba pala ito magalit. Nanlilisik ang mata nito sa akin. Mukhang magtatransform na nga ito sa totoo nitong anyo. Bigla akong tinubuan ng matinding takot. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nasigawan ng ganito. Napasiksik na lamang ako sa sofa. Lumapit ito sa gilid ng main entrance door at may pinindot. Baka 'yan ang tinatawag na intercom. Iba na talaga kapag yayamanin. Sa amin sa probinsiya ay sa mga malalaking establishment ko lang 'yan nakikita. Tapos hindi rin ako pumipindot dahil hindi ako marunong gumamit. Baka kapag nakasira ako ng gamit ay magbayad pa ako. Marunong pala gumamit ng intercom ang aswang. "Call the police ASAP. There's an intruder in my house. Humanda kayo dahil all of you need to explain to me kung paano nagkaroon ng isang teenager dito sa loob ng pamamahay ko!" Dinig kong sigaw nito sa kausap. "Good morning.. ah.. eh.. Good afternoon pala, Sir.. Eh.. Sir, hindi po namin alam ang sinasabi ninyong intruder." Dinig ko na sagot ng boses sa intercom. "See, hindi niyo talaga alam na may nakapasok na sa penthouse ko. Pinapasahuran ko kayo ng malaki para magbantay ng maayos dito sa building na 'to pero parang nagpapabaya na kayo. Just call the police now!" Bigla na nitong pinatay ang intercom. "Police?!! B-bakit anong k-kasalanan ko?" Medyo kinabahan ako nang marinig na nagpapatawag ito ng pulis. Mukhang totoong tao pala ang lalaking 'to at hindi siya kakaibang nilalang lang. Mali 'ata ang akala ko na aswang o aso ito. "Marami kang kasalanan. Trespassing and homicide dahil you're trying to kill me awhile ago!" Matigas na pahayag nito. "Inosente ako. Wala akong alam sa pinagsasabi mo. Trespassing.. eh bahay kaya ni Tiyo Dominggo 'to! Atsaka h-homicide..?? Hala! Eh.. k-kasi naman a-akala ko po kasi na.. na---" Bigla akong napatigil ng may marinig kaming sumabog sa kusina. "Kuso!!! Sh*t!!! Ang niluluto ko!!!" Dali-dali itong tumakbo papunta sa kusina. Susunod na din sana ako nang maalala ang sinabi niya tungkol sa pulis. "Mas mabuti pang umalis na muna ako dito." Mabilis pa sa alas kwatro na tumalilis ako pababa ng penthouse. Mabuti na lamang at may sumabog sa kusina kaya naman may chance na akong tumakbo. Bahala na munang maiwanan ang mga gamit ko. Saka ko na iyon kukunin kapag na-contact ko na si Tiyo Dominggo. Sa ngayon ay kailangan kong makaalis sa lugar na 'yon. Dahil wala din naman akong ibang mapupuntahan ay napagpasyahan ko na lamang na bumalik sa bahay nila Boknoy. "Oy! Chin-chin, bakit naparito ka at bakit ganyan ang hitsura mo, para kang hinahabol ng masasamang ispiritu. Pawisan ka pa at hingal na hingal. Pasok ka." Aya ng nanay ni Boknoy. Pinapasok ako nito sa kanilang bahay. "Nay, hingi ako ng tubig ha." Nagkusa na akong kumuha ng tubig at lumagok kaagad. "Bakit ka naparito? Akala ko ba doon ka na sa magarang building nakatira. Nagkita na kayo ng tiyuhin mo?" Sunod-sunod na tanong ng nanay ni Boknoy. "Hindi pa rin, Nay. Ewan ko ba diyan sa Tiyo Dominggo ko kung saang lupalop na ng mundo nagsusuot. Pwede po bang dito muna ako.. kahit ilang araw lang. Hahanap muna ako ng mapagkakakitaan kahit maglaba sana sa kapitbahay ninyo para makatulong ako. Wala po kasi akong perang pamasahe pabalik ng probinsiya." "Nasaan ang mga gamit mo??!!" Tanong ulit ng nanay ni Boknoy. "Hay, naku! Iyon na nga po, Nay. Nasa penthouse po ang mga gamit ko. Naiwanan ko doon sa kamamadali kong umalis. May lalaki po kanina na pumasok at gusto akong ipadampot sa police dahil trespassing daw ako. Eh kung nag-trespass ako doon eh 'di sana hindi na ako pinayagan ng security guard na tumira doon. Naguguluhan na nga ako." Paliwanag ko sa nanay ni Boknoy. "Eh paano na ngayon 'yan? Paano na ang mga damit mo, Chin-chin?" "Saka na lamang iyon. Sa ngayon wala akong choice kundi ang mag-stay muna dito at makahanap ng pera pabalik ng probinsiya namin. Ayoko naman tawagan sila sa bahay ng nangyari sa akin dito dahil baka mag-alala sila at lalo silang magalit kay Tiyo Dominggo." "Eh sigurado ka bang marunong kang maglaba o 'di kaya ay magtrabaho dahil tingin ko nga sa 'yo, Chin-chin, eh mukhang hindi ka nga pinapahawakan man lang ng walis sa bahay niyo. Ang kinis kaya ng kutis mo at ang puti-puti mo pa. Marunong ka ba ng mga gawaing bahay katulad ng paglilinis at paghuhugas ng pinggan?" Paninigurado pa ng nanay ni Boknoy. "Hala! Si nanay ayaw maniwala. Ganito lang po talaga ang balat ko kasi nga po may lahing chinese ang Nanay Maria ko pero marunong po ako sa gawaing bahay. Totoo po na ayaw akong pagtrabahuhin sa bahay dahil bunso ako pero ako na po ang nagkukusa. Kung gusto ninyo, hanapan niyo po ako ng pwede kong paglabhan at maglalaba ako bukas kaagad." Pangungumbinsi ko pa sa nanay ni Boknoy. "Naniniwala na ako. Oh siya sige aalis na rin ako at ako'y maglalabada pa diyan sa kabilang kanto. Magtatanong na din ako sa kumare ko kung meron pa silang kakilala na magpapalaba. Maya-maya ay uuwi na din si Boknoy galing sa pangangalakal. Ikaw na muna ang bahala sa bahay. May kanin diyan kaso walang ulam. Mamayang gabi pa ako makakauwi ng ulam pagkatapos kong maglaba." Paalam ng nanay ni Boknoy. "Sige po, nay. Ako na po ang bahala dito sa bahay at kay Boknoy pag-uwi niya. Pahiram na din muna ng mga damit niyo ha." Nang makaalis na ang nanay ni Boknoy ay nagpasalamat na lamang ako at kahit papaano ay may tumulong sa akin dito sa Manila. Mukhang uuwi akong luhaan nito sa probinsiya. Hindi ko na nga nasingil si Tiyo Dominggo, pati gamit ko ay hindi ko na rin maiiuwi pa. Alangang bumalik pa ako sa penthouse eh baka ipadampot ako sa pulis noong lalaki kanina. Naman kasi si Tiyo Dominggo, ang sabi doon nakatira, tapos ngayon sa tingin ko ay mukhang nakikitira lamang pala ito doon. Baka kakilala lang ito ng security guard kaya pinapasok ako. Hay naku, akala ko dahil makakapunta ako ng Manila ay maganda ang magiging experience ko dito. Hindi pala!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD