Pagdating sa penthouse ay dali-daling binuksan ni Kenta ang pinto. Malapit na palang mag-alas diyes ng gabi. Sobrang traffic kaya naman ang imbis na 30 mins lang dapat na travel time niya ay inabot na ng lampas isang oras kahit kung tutuusin ay malapit lang naman ang opisina nila sa Allondra Residences.
"Inday Chin... Chin-chin.." tawag ni Kenta sa dalaga dahil hindi niya ito nakita sa sofa.
Makailang ulit pang tumawag si Kenta pero walang may sumasagot sa kanya. Sa pag-aakalang nasa kwarto niya ito ay kinatok at tinawag niya ang dalaga pero wala talaga.
Nasaan naman kaya pumunta 'yon? Baka bumaba at may binili... o baka nasa swimming pool area.
Nagbihis lang ng simpleng t-shirt at short si Kenta at lumabas ng kanyang penthouse papunta sa swimming pool. Ang swimming pool ay nasa likuran lamang ng dalawang penthouse sa taas. Liban sa swimming pool ay mayroon ding mini gym room, billiard, table tennis, badminton at garden area sa rooftop.
Ang isang penthouse ay para sa Mama at Papa ni Kenta. May mga time din kasi na nagpupunta ang kanyang mga magulang dito kapag gustong magsolo ng dalawa. Hindi naman nauwi ng Pilipinas ang kanyang kapatid kaya wala ding naglalagi sa kabila.
Pagdating sa swimming pool area, ay wala ding tao.
Biglang kinabahan si Kenta. Mag-aalas onse na pero wala pa rin si Chin-chin. Hindi kaya umuwi na ito ng probinsiya o 'di kaya ay pumunta sa kaibigan nitong si Boknoy? Pero bakit wala man lang itong pasabi sa kanya. Alam naman nito ang number niya.
Akmang pipihit na sana si Kenta pabalik ng kanyang penthouse ng may marinig itong boses. Kilalang-kilala niya ang boses na 'yon kaya naman medyo nakahinga siya ng maluwag. Boses iyon ni Chin-chin. Malamang ay nasa garden area ang dalaga. Naglakad pa si Kenta lampas ng swimming pool dahil nasa dulo pa ang garden. Habang papalapit ay nangunot ang noo niya sa naririnig kay Chin-chin.
"Hala... g-grabe sila... hala ay..."
Natigil sa paglalakad si Kenta ng nasa bungad na siya ng garden area. Kitang-kita niya ang dalaga kasama si Irene-chan na nakalikod at parang may tinitingnan sa 'di kalayuan. Alam niyang safe naman ang kanilang rooftop dahil pinalagyan nila ng glass wall ang buong paligid para iwas disgrasya.
"Hala ayyyy... grabe... amu na gali... pirti.. ay abaw.." naririnig niyang bulalas ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng dalaga pero sa tono ng boses nito ay para itong nakakita ng kung anong bagay na hindi pa nito nakikita dati. Bakas sa boses nito ang kainosentihan at pagkamangha.
Dahan-dahan siyang lumapit sa likuran ng dalawa at tiningnan din kung saan nakatingin ang mga iyon.
Gano'n na lang ang gulat ni Kenta ng makita kung saan nakatutok ang dalawa. Kaya pala hindi siya napapansin ng mga ito dahil nakatutok ito sa dalawang nilalang na kasalukuyang gumagawa ng kahalayan sa kabilang building rooftop. Walang pakialam ang dalawang lalaki na parehong pinapaligaya ang sarili. Kahit na gabi at ilang ilaw lamang ang nakabukas ay makikita pa rin sila dahil nasa open area ang mga dito at mas mataas ang Allondra Residences kesa dito.
Hindi na ito bago kay Kenta dahil kahit siya ay nakakita na rin ng ganyang ekseng sa kabilang rooftop kapag minsang tumutuloy sa penthouse. Minsan nga grupo pa. Kahit nga siya ay ginagawa din nila ni Yumi ang magpakaligaya sa rooftop pero hindi dito kundi sa Japan dahil pareho silang adventurous ni Yumi. Hindi niya lang tinry dito dahil baka may lumabas pa siyang scandal at masira ang pinapangalagaan niyang pangalan.
Napagtanto ni Kenta na inosente pa nga si Chin-chin dahil napapalatak ito at tinatakpan pa ang bunganga at mata kapag sobrang laswa na ng ginagawa ng dalawang nilalang sa kabila. Kahit na sobrang lapit na ni Kenta sa likuran ng dalaga ay hindi pa rin siya napapansin nito.
"Grabe man 'to ang duha ka laki bah---" biglang pumihit si Chin-chin at pareho pa silang nabigla dahil hindi inaasahan ni Kenta na haharap ito sa kanya.
Si Chin-chin naman ay parang nahiya dahil nahuling may pinapanood na hindi dapat.
"Hala.. K-ken, aahh.. eehhh.. k-kanina ka pa diyan?" Medyo nagulat na tanong ni Chin-chin kay Kenta.
Sumipol muna si Kenta bago sumagot kay Chin-chin.
"Nope. I just came home. H-hinahanap kita para kumain na tayo. Alam kong hindi kapa nagdi-dinner."
"Ay.. oo. Hindi pa ako kumakain, Ken. Kain na tayo." At nauna nang umalis si Chin-chin kasunod si Irene-chan.
Sumunod na lamang si Kenta sa dalawa.
Pagpasok sa kusina ay nakahain na ang kanilang dinner. Ininit na lamang iyon ni Chin-chin at tahimik na silang kumain.
Ganoon naman silang dalawa lagi. Kahit na magkasama silang kumakain ay hindi sila nag-uusap. Kapag may tinatanong si Kenta ay sumasagot naman si Chin-chin sa kanya.
Pagkatapos nilang kumain ay naiwan si Chin-chin sa kusina para magligpit at maglinis samantalang dumiretso naman si Kenta sa sofa para manood muna ng tv. Ayaw niyang matulog at baka bangungutin pa siya dahil sa kabusugan.
Kakaumpisa pa lamang manood ni Kenta sa TV ng biglang tumunog ang cellphone niya. Pagtingin niya sa screen ay si Rex pala ang tumatawag.
"What's up? Gabing-gabi na, bakit ka napatawag?" Nagtatakang tanong ni Kenta sa kaibigan. Akala niya ay may date ito.
"Badtrip, pare. Nag-away kami ng ka-date ko dahil may nakipaghalikan sakin sa bar na pinuntahan namin. Nagulat ako dahil bigla na lamang akong hinila ng isang babae habang papunta ako sa banyo at pinaghahalikan. Dahil maganda ang babae, ginantihan ko ng halik. Ang masama, kasunod ko lang pala si Lizzy na magbabanyo din kaya ayon, sampal at kalmot ang inabot ko. Hinanap ko pa ang babaeng nanghalik sa akin dahil iyon sana ang ite-take out ko kaso hindi ko na siya nakita sa bar kaya umuwi na lamang ako. Dahil wala din akong magawa ay tiningnan ko ulit ang CCTV na nakuha ng asset ko."
Biglang kumabog na naman ang dibdib ni Kenta.
"So.. w-what did you found out? Baka hindi si Sunday ang dinukot? Baka ibang tao....??"
Tahimik lamang ang kaibigan nito sa kabilang linya. Maya-maya ay bumuntung-hininga ito.
"Sorry, pero, pero I'm 100% percent sure na si Sunday nga ang dinukot ng dalawang sasakyan more or less 3 weeks ago. Base na rin sa nakita kong video ay may mga dalang armas ang mga lalaki kaya wala man lang nagtangkang tumulong kay Sunday nang kinuha siya. Walang plate number ang dalawang van na ginamit kaya mahihirapan akong hanapin kung saan nila dinala si Sunday. But, don't worry dahil ako na ang bahala sa kaso ni Sunday. Uunahan ko si Lyndon na magkaroon ng update sa kasong 'to." Paniniyak ni Rex kay Kenta.
"Just make sure, Rex, na wala nang may makakaalam pa sa ginawa ni Sunday. This is a classified case. Ikaw din ang may kasalanan kung bakit nakalabas sa iba na may pinapahanap akong tao. If you were not drunk last time, hindi mo sana nasabi sa traidor mong kakilala ang tungkol sa nawawalang pera sa kompanya namin. Now, he's also interested sa kaso ni Sunday kahit hindi naman siya ang nakatoka sa kaso. If 'yang kakilala mo ang naunang makakita kay Sunday, for sure puputok sa media ang tungkol sa aming kompanya, and that I don't want to happen."
"Sorry talaga, pare. I was careless. Eh kasi naman hindi ko alam na traidor pala 'yang si Lyndon. I thought all along na mapagkakatiwalaan siya. Hindi ko alam na plano pala niyang magpakitang gilas kay Chief para mapromote kaya inunahan ako na siya ang hahawak sa kaso ni Sunday. Mabuti na lamang at napakiusapan ko si Chief, kung hindi malamang pagpipistahan ka na sa business world."
"Yeah.. Just do your best, Rex. I trusted you with this case."
"Thanks, parr. Paano mo pala sasabihin sa pamilya ni Sunday ang nangyaring pagdukot sa kanya?" Tanong ni Rex.
"'Yon na nga ang pinoproblema ko sa ngayon. Kaya ko nga pinag-stay dito ang pamangkin ni Sunday dahil akala ko dati ay pinagtataguan niya ako. Ang plano ko ay takutin si Sunday na nasa pangangalaga ko ang pamangkin niya. Now na may lead na tayo ay naaawa ako sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na may dumukot kay Sunday. And well, we don't know what happens next.. lalo't may mga baril ang mga lalaking 'yon. Ngayon pa lang ay parang sumasakit na ang sentido ko dahil kay Sunday. Kung hindi lang sana sugarol ang lalaking 'yon ay wala sana dito ang pamangkin niya." Bigla ay sumakit nga ang ulo ni Kenta sa balita ni Rex.
"Okay, pare. Matulog ka na. Don't stress yourself too much. Alam kong kahit na ginawan ka ng masama ni Sunday ay nag-aalala ka pa rin sa kanya. 2 million lang ang ninakaw niya sa 'yo but alam nating mas malaki pa rin ang naitulong niya sa inyong company."
"Yeah you're right. Kaya nga as much as possible kahit na nagsampa ako ng kaso sa kanya ay tutulungan ko pa rin siya. I will just give him a lesson. Sige, goodnight at matutulog na ako."
Nagpaalam na si Kenta at pinatay ang tawag ng kaibigan. Totoong sakit sa ulo na talaga ang nararamdaman niya. Dahil sa sakit ay nahilot niya ang sentido at napapikit na lamang.
Kuso!