Inosente 12

1136 Words
Kasalukuyan.. Nasa loob ngayon ng opisina si Kenta at ang kanyang bestfriend na si Police Major (PMAJ) Rex John Suarez. "Kumusta na ang kaso ni Sunday. Do you have any news kung saan siya nagtatago?" "I have an update sa kaso niya. Nakakuha na ng CCTV footage ang isa sa mga asset ko kung saan huling nakita si Sunday. I'll check it out tonight. I think it's a good development dahil malalaman na natin kung saan makikita si Sunday but the bad news is.. mukhang mali ang hinala mo na pinagtaguan ka no'n." Seryosong sabi ni Rex kay Kenta. Napaarko naman ang kilay ni Kenta sa sinabi ni Rex. "My asset take a peek sa CCTV at ayon dito ay may dalawang sasakyan na dumukot kay Sunday bago ito biglang naglahong parang bula. I have a bad feeling about this, Ken. I know Sunday since lagi naman akong bumibisita sa inyo kapag nasisiraan ang mga sasakyan namin. He's the proud type pero sa tingin ko ay hindi siya magtatago dahil lamang sa pinagnakawan ka niya. Sa ilang beses niyang pagnanakaw sa 'yo dati, mukhang hindi niya iniisip na takbuhan ka kung meron man itong kasalanan. Ito lang 'ata ang taong kilala ko na nakagawa na nga ng masama, hindi pa nagtatago. Baka may nakalaban siya sa pagsusugal at binalikan siya ng mga nakalaban niya. Malakas ang kutob ko na isa 'yon sa dahilan ng bigla niyang pagkawala." "Kuso! How would I explain it to his family na hindi pala nagtatago kundi nawawala si Sunday. Especially sa pamangkin niya." Bigla na lamang nasambit ni Kenta. "I thought nasa probinsiya ang pamilya ni Sunday at hindi pa nakakapunta dito." Gulat na sabi ni Rex. "Sunday's niece is staying at my place. May sakit 'ata ang nanay no'n at dahil nga akala nila ay mayaman itong si Sunday ay nagpunta ang pamangkin dito sa Manila para maningil. Napagkamalan ko pa nga itong trespasser dahil hindi ako inabisuhan ng aming guard. Hindi naman kasi ako laging naglalagi sa Allondra Residences." "Pare... n-niece? As in pamangking babae? At pinatira mo do'n sa penthouse mo." May kakaibang ngiti sa labi ni Rex. "May pamangking babae pala si Sunday. How does she looks like 'coz alam kong ayaw mong magpatira ng babae sa penthouse mo. Even Yumi, you paid for her hotel everytime she's here." "'Yan ang usapan namin ni Sunday before. Kapag may mga kamag-anak siyang luluwas ng Manila ay pwede niyang patirahin sa penthouse kasi nga pareho kaming hindi naglalagi doon. Kaya ayon, doon muna ngayon si Inday Chin-chin." "Inday Chin-chin? 'Yan ba ang name niya, ang baduy naman. Pang-probinsiya talaga ha, may Inday pa. I bet kamukha niya si Sunday." Bigla itong napahagalpak ng tawa. "Yeah, I agree.. ang baduy nga ng pangalan niya but you're wrong sa last statement mo. Her name doesn't suit her face at all." Biglang napangiti si Kenta habang sinasabi iyon. "You mean maganda ang pamangkin ni Sunday... hhhmmm... maybe I should visit your penthouse one of these days." May sumilay na nakakalokong ngiti sa labi ni Rex. "She's kinda cute. Akala ko nga noong una ay sixteen years old lang siya dahil petite ito at maputi. Maikli din ang buhok at may bangs pa. Mukha siyang high school student. Papasa na tayong kuya no'n." "I think I'm gonna like her based sa pagkaka-describe mo. That's definitely my type. Young, sweet, petite and innocent." "Loko ka, Rex, huwag mo na siyang isama sa listahan ng mga babae mo dahil ako ang makakalaban mo. Pamangkin siya ni Sunday and kargo ko siya dahil nasa poder ko siya ngayon. If something happens to her, ako ang mananagot sa pamilya niya sa probinsiya. Lalo na ngayon na may lead na rin tayo sa kung ano ang totoong nangyari kay Sunday." "Huwag ako, Kenta Tantonco. You're devilish grin says otherwise. You're secretly admiring her kaya ayaw mo akong pumunta sa inyo. Isusumbong kita kay Sunday kapag ako ang nakaunang makahanap sa kanya. Sasabihin kong pinagnanasahan mo ang pamangkin niya." Natatawang sabi ni Rex. "Hahahaha! Hindi ako pumapatol sa mukhang bata.. mukha pa namang inosente 'yon." "Naku, Ken, kung hindi ko pa alam ang hilig mo kayang manood ng h*ntai na inc*st ang theme.. like mag-ina, mag-ama at lalong lalo na ang magkapatid na babae at lalaki. Pare, ang lib*g mo. Buti nga at hindi mo nabubuntis si Yumi." "Sira, may gamit kaming proteksiyon ni Yumi. Dati ko pang balak buntisin si Yumi kaso ayaw niya dahil may career siyang pinapangalagaan, you know she's a model." "Paano pala 'yan kasi 'di ba balak mo nang mag-propose sa kanya. Paano kapag ayaw pa niyang magkaanak kapag ikinasal na kayo?" "Kaya nga. Dapat ay engage na kaming dalawa kung hindi lang sa ginawa ni Sunday. Hhmmm.. I think it's okay kung ayaw niya munang mabuntis.. but, after a year ay gagawa talaga ako ng paraan para magkaroon na kami ng little Kenta." Nakangiting sabi ni Kenta sa kaibigan. "Goodluck, pare---" Natigil sa pagsasalita si Rex ng tumunog ang cellphone nito. "---hello babe.. yup.." "okay, I'll visit you tonight.. I miss you..." Saka nito pinatay ang cellphone. "Paano ba 'yan, pare, mauuna na ako at ngayon ko na titingnan 'tong copy ng CCTV. May lakad ako mamayang gabi." Nakangising sabi ni Rex at nagpatiuna nang lumabas ng opisina ni Kenta. Napailing na lamang si Kenta nang makaalis sa kanyang opisina si Rex. Nagpatuloy na ito sa pag-review ng mga papeles na nakabinbin sa kanyang mesa. Sa dami ng ginawa ni Kenta ngayong araw ay hindi niya napansin na lumalim na pala ang gabi. Pagtingin niya sa kanyang wristwatch ay pasado alas otso na ng gabi. Kaagad na siyang nagmadaling umuwi. Naalala niya si Chin-chin. Malamang ay nag-aantay na ito sa kanyang pag-uwi. Isang linggo nang magkasama sa penthouse si Kenta at Chin-chin nang mapansin ni Kenta laging sumasabay sa umaga at gabi sa pagkain si Chin-chin sa kanya. Hindi niya ito pinansin noong una pero noong pangatlong araw na ay natanong ni Kenta si Chin-chin kung bakit lagi itong sumasabay kahit na pwede naman siyang maunang kumain. Nasabi ni Chin-chin na sa probinsiya nila ay nasanay ito na sabay-sabay kumakain silang magpapapamilya. Hindi lamang sa pamilya nito kundi sa kanilang lugar ay ganoon daw talaga ang nakasanayan. Saka lamang naliwanagan si Kenta. Hindi tuloy malaman ni Kenta kung matutuwa.. makokonsensiya o maiinis ba siya dahil ang labas ay mapipilitan tuloy siyang umuwi lagi sa penthouse dahil baka hindi kumain si Chin-chin kapag wala itong kasama. Okay lang naman kay Chin-chin na kumaing mag-isa sa tanghalian dahil alam nito na may trabaho siya, pero sa umaga at gabi ay hindi daw nitong maiwasan na sumabay. Kaya ngayon ay nagmamadali na si Kenta dahil baka gutom na ang dalaga. Nakakaawa pa naman iyon kapag nagugutom dahil mukha itong kawawa at nakalabi pa na parang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD