Inosente 10

1325 Words
Pagdating sa building ay kaagad kaming pinagbuksan ng driver at nauna itong lumabas kasunod ang aso nito. Sunod-sunuran lamang ako sa kanilang dalawa. Hanggang sa makapasok kami sa penthouse nito ay tahimik lamang ako. "You can sit. Mag-uusap tayo tungkol kay Sunday." Wala nang paligoy-igoy ay diretsong sabi nito sa akin. Nahihimigan ko ang galit sa boses nito. Naupo ito sa kaharap kong couch. "I want to introduce myself again in case na nakalimutan mo kanina, I'm Kenta, Sunday's boss. I want to call him Sunday because iyon na ang nakasanayan namin dito at iyon din ang gusto niyang itawag namin sa kanya. Sorry if napagkamalan pala kitang trespasser before. You're Chin-chin, right?" "Opo or Inday Chin-chin po." Gusto kong umismid sa sinabi ni Kenta. Ito talaga si Tiyo Dominggo, napunta lang ng Manila, pati pangalan gusto na din ipabago. Talagang kinalimutan na nanggaling siya sa probinsiya. Kakagigil. Pero at least ay humingi ulit ito ng tawad sa akin. Mukhang sincere na siya this time. "I know na may kamag-anak si Sunday sa probinsiya but this is the first na may pumunta sa kanya dito. All these years na nagtatrabaho siya sa akin ay hindi ko siya nababalitaang umuwi sa inyo although nagkukwento naman siya tungkol sa inyo.. lalo na sa 'yo. I think ikaw ang paborito sa inyo, right?" Walang emosyong sabi nito. Nagkibit balikat lamang ako. Hindi ko alam na nagkukwento din pala si Tiyo Dominggo sa amin. "Everytime na nagkukwento siya ay tungkol sa kanyang mga pamangkin lalo na sa 'yo kaya na naisip ko na he really loves you. At dahil mukhang ang pinakapaborito niya, well, I think it's better na you stay here para magpakita sa akin si Sunday." Nakatingin lamang ako kay Kenta habang nagsasalita ito. Hindi magsink-in sa utak ko kung bakit gusto niya akong mag-stay doon para magpakita ang Tiyo Dominggo. "Why are you staring at me like that?" Naka-arko ang kilay na sabi nito. "Eh kasi hindi ko maintindihan kung bakit magpapakita si Tiyo Dominggo kung mag-stay ako dito. Kahit paborito ako no'n, hindi 'yon magpapakita. Alam na naman ang ugali no'n." Huminga ito ng malalim. "Okay, I'll be frank with you... may kasalanan si Sunday sa akin. Ninakawan niya ang kompanya namin ng 2 million pesos. And now, nawawala siya. I have already filed a case against him and pinaghahanap na siya ng mga police. Although, may ginawa siyang kasalanan sa akin, I want to hear his side kung bakit niya ginawa iyon kaya when my security said that you're his niece, maybe he would show up here kapag nalaman niyang nasa poder kita." Pagpapaliwanag nito sa akin. Halos mapanganga naman ako sa nalaman ko. Nakakahiya talaga si Tiyo Dominggo. Imagine, 2 million pesos... as in 2 million pesos ang ninakaw nito sa sariling boss. Kami nga na sariling kamag-anak ay nanggagalaiti na dahil hindi mabayaran ang 100k na utang nito kay Tatang tapos malaman laman ko na may ninakaw pa itong 2 million. Hala! "I m-mean... mabait po ang Tiyo Dominggo namin at h-hindi po niya magagawa ang magnakaw.." Pagtatanggol ko kay Tiyo Dominggo. Baka naman hindi totoo at napagbintangan lang. Imposible naman dahil saan naman dadalhin iyon ni Tiyo Dominggo eh hindi nga ito nagpapadala sa amin. "Yes.. mabait si Sunday. I don't know kung may nakapagsabi na ba sa inyo na he's into girls and gambling. Ilang beses ko ng pinagsabihan si Sunday na tigilan na ang pagsusugal. Tapos napakagalante pa niya, kung makapagwaldas ng pera ay akala mo may sarili siyang bangko." "Hindi po namin alam dahil wala naman po may nakapagsabi kay Tatang. Atsaka blinock nga niya kami sa f*******: kasi sinisingil din siya ni Tatang ng kanyang utang. May sakit kasi ang Nanay Maria ko at kailangan namin ng pang-maintenance niya. Medyo matumal ang kita sa farm kaya pinayagan ako ni Tatang na lumuwas dito dahil akala namin ay nandito si Tiyo Dominggo. Hindi ko naman akalain na mas malaki pala ang nawala sa inyo dahil kay Tiyo Dominggo." Nakatungong sabi ko. "Kuso! Anong klaseng tiyuhin si Sunday! You mean may utang din pala siya sa inyo then hindi din siya nagpadala kahit dati pa." Napabuga ito ng hangin. Umiling lamang ako. "Kaya nga po wala din kayong mapapala sa akin kung mag-stay pa ako dito dahil wala din pala si Tiyo Dominggo. Mas mabuti pa sigurong umuwi na lamang ako sa amin. Kahit siguro malaman ni Tiyo Dominggo na nandito ako ay hindi pa rin iyon magpapakita sa inyo. Alam naman namin kung gaano kabaluktot ang utak no'n. Mabait 'yon at galante kaso wala sa hulog kaya nga pinabayaan na lamang ni Tatang dahil baka atakihin pa siya sa puso kapag pinansin lang niya ang mga kabulastugan ni Tiyo Dominggo." Mahabang paliwanag ko dito. "Then what are you planning now?" Medyo lumambot na ang tono nito. "Go home. Wala naman dito ang hinahanap ko. Nakakahiya nga po sa inyo na kasi pinatuloy niyo dito si Tiyo Dominggo tapos gano'n pa ang ginawa sa inyo. Mas lalong hindi ako dapat mag-stay dito dahil sa ginawa niya." "Nope. You stay here." "Hala! Bakit gusto niyo pa po akong mag-stay dito eh katulad ng sinabi ko sa inyo, may utang din sa amin si Tiyo Dominggo. Eh kami nga mismong pamilya niya ginawan niya ng masama, paano pa kaya ang ibang tao." "Hhmmm... I still believe na may kabutihan pa ring natatago si Sunday. Talagang ang problema lang sa kanya ay ang pagiging sugarol niya. Sa ilang taon niyang pagtatrabaho sa akin ay malaki din ang pasasalamat ko sa kanya dahil lumago ang business namin dahil sa abilidad niya. Ang gusto ko lang naman kasi ay ako mismo ang makahanap sa kanya at kausapin siya ng masinsinan sa kanyang nagawa. If the police will catch him first, malalagay sa alanganin ang pangalan ko dahil malalaman ng pamilya ko na nanakawin kami. My family would think na hindi ko kayang mag-manage ng business namin dahil hinayaan ko ang ganitong pangyayari. I hope you get my point. I believe that Sunday would still show up here kung malalaman niyang nasa poder kita. Hindi naman siguro bato ang puso ni Sunday para hindi ka puntahan dahil magkamag-anak kayo. Palalabasin lang naman natin na nasa akin ka at pauuwiin na kapag nagpakita siya. At least kapag kami ang nag-usap, we can settle things. Of course, kakasuhan ko pa rin siya dahil sa mga perang ninakaw niya but the thing is, ayaw kong may ibang makaalam na may ninakaw siya. If the business sector will learn about this, malalagay sa alanganin ang reputasyon ko as a business man." Nakahalukipkip na sabi nito. "So..?" Hindi ko pa rin siya gets. Iba talaga siguro mag-isip ang mga businessman. "Okay, let's make a deal here, young woman. Ganito na lang, you can stay here hanggang sa magpakita sa akin si Sunday. I will pay you're stay here, I would even pay Sunday debt's to your Tatang. Kapag nagpakita na siya ay pwede ka nang umuwi sa inyo sa probinsiya. Bibigyan pa kita ng bonus if maaga siyang magpakita." "Hhhmmm... paano naman kapag hindi na nagpakita ang Tiyo Dominggo ko. Eh kasi po nag-aaral pa po ako eh. Dalawang buwan lang ang bakasyon namin at next month ay kailangan ko na namang bumalik ng Iloilo para e-process ang mga requirements para sa next school year." Mataman muna ako nitong tinitigan. "What course are you taking up?" "Nursing po." "Anong year ka na?" "Second year. Third year na ako this coming enrollment." Napabuga naman ito ng hangin. "I guess I have no choice. Okay, pwede bang mag-stay ka dito kahit hanggang katapusan? If Sunday will not show up, wala na akong magagawa doon. You can go back at the end of the month. Deal?" Hmmm... mukhang hindi na masama. Hindi ko na kukunin ang 100k na utang ni Tiyo Dominggo. Nakakahiya nga ang ginawa niya eh. Maglilinis na lang ako ng bahay nito para naman may ambag ako. "Okay! Deal!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD