"Whaaaatttt???!!! Ano ko buang!!!! At bakit mo naman kakasuhan ang pamilya ko aber!" Halos umusok ang ilong ko sa galit dahil sa sinabi nito. Hinarap ko ito nang nakapamaywang.
Noong una ay trespassing at homicide tapos ngayon buong pamilya pa namin ang kakasuhan niya nang dahil kay Tiyo Dominggo a.k.a Sunday. Ito siguro 'ata ang pakilala ni Tiyo sa kanila. Ano na naman kayang kabalbalan ang ginawa ni Tiyo Dominggo at mukhang pati kami ay madadamay pa sa mga kabulastugan niya.
Bigla ako nitong hinawakan ng mahigpit sa braso at giniya sa gilid ng mesa. Halos mapatingala naman ako dito dahil sa tangkad nito. Nanunuot din sa ilong ko ang pabango nito.
Gigil akong binulungan nito.
"Ayokong gumawa ng eksena dito dahil may bata sa harap nating dalawa. Kahit sa tingin ko ay minor ka din---"
"Hala! Excuse me, hindi na po ako minor. Eighteen na 'ko at nasa legal age na. Kung meron ka mang gustong sabihin tungkol sa Tiyo Dominggo ko, nakakaintindi naman ako." Asik ko dito. Ano ang tingin nito sa akin, bobo.
"Uh, you don't look like one. Mukha kang teenager sa tingin ko." Dumukwang ito at inilapit pa ng lalaki ang mukha niya sa akin.
Halos mapasinghap pa ako ng magpantay ang mukha naming dalawa. Muntik ko na itong itulak, mabuti at kaagad din itong lumayo kung hindi ay baka naging jelly na ang mga paa ko.
"Mukha lang akong sweet sixteen pero matured naman ang utak ko. Nakapag-aral naman ako noh." Irap ko dito. Ang totoo ay biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa ginawa niya kanina.
"Okay, now gusto kong sumama ka sa akin sa penthouse ng maayos para pag-usapan ang tungkol kay Sunday... I mean sa Tiyo Dominggo mo."
Maayos na ang pagsasalita nito.
Hmmm... bakit bigla-bigla 'ata ang pagbabago nito. Noong nakaraan lang ay halos manggalaiti ito sa akin dahil inakalang trespasser ako, tapos ngayon ay parang maamong tupa na inaaya pa ako na bumalik sa penthouse niya. Atsaka sino ba ang lalaking 'to?
"Paano kung ayaw kong sumama sa 'yo?" Nakalabing tanong ko dito.
Tumingin ito ng tuwid sa akin.
"Don't try me, young lady. Kung gusto mong malaman kung bakit kita pinababalik sa penthouse, sumama ka sa akin. Now, kung ayaw mo namang sumama- you don't have a choice. Sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka pa rin sa akin... or else?" Pambibitin pa nito.
Bigla na namang kumabog ang dibdib ko. Mukhang mali 'ata na galitin ang lalaking 'to. Mukha lang anghel ang mukha nito pero sa tingin ko ay may tinatago din itong kademonyohan.
"Ayoko!" Matigas kong tanggi.
Ako pa ang tinakot nito. Sa ginagawa nito ngayon ay dapat nga talagang hindi ako sumama dito. Baka kung ano pa ang gawin nito sa akin. Well, baka pa sumama ako kung naiba lang siguro ang sitwasyon namin.
Natigil ako sa pagdedaydreaming ng lumapit ito sa pwesto nila Boknoy na naglalaro kasama ng mga aso. Tumayo ito paharap sa akin at habang nasa likuran ang mga ito, bahagya nitong itinaas ang pang-itaas na damit kaya kitang-kita ko ang bagay na nakasukbit sa tagiliran nito.
"You don't know me well, young lady. Kaya kong patumbahin kung sino man ang nais ko. Ikaw.. ang nasa likuran---"
"Napakasama mo! Wala kang kasing-sama!" Sigaw ko dito. "Oo na. Sige, sasama na ako sa 'yo. Kung ano man ang kasalanan ng Tiyo Dominggo ko, mag-usap na lang tayo. Huwag mo nang idamay ang ibang tao!" Biglang sumulak ang galit sa dibdib ko. Tama nga ako na may sa demonyo talaga ang lalaking to.
"Good! Magpaalam ka na sa kanila at babalik na tayo ngayon din sa penthouse."
"Hmp! Walanghiya ka. Makauwi lang talaga ako sa amin. Hindi na ako babalik dito sa Manila. Puro masasama lang ang naranasan ko dito." Asik ko.
Parang wala lang dito ang sinabi ko.
Nakuha pa nitong umupo atsaka ipinaalala sa akin ang binili nitong pagkain. Dahil wala rin naman akong magagawa ay kumain na lang muna kami kasama si Boknoy habang nag-aantay sa nanay nito.
Pagdating ng nanay ni Boknoy ay nagpaalam na ako dito. Nagulat man ay natuwa ang nanay ni Boknoy dahil makakabalik na ako sa penthouse.
Nagpakilala din ang lalaki sa nanay ni Boknoy. Ito pala ang amo ni Tiyo Dominggo at siyang nagmamay-ari ng building. Doon niya rin pala pinatira si Tiyo Dominggo dahil wala itong kamag-anak dito at hindi naman siya laging napipirmi doon. Wala daw dito si Tiyo Dominggo dahil may pinuntahan lamang ito pero welcome sa kanyang penthouse ang sino mang kamag-anak nito. Humingi din ito ng pasensiya sa akin kung napagkamalan akong trespasser dahil kakabalik lang niya galing bakasyon at hindi siya inabisuhan ng security guard dahil naka-off duty pala ang guard na nagpapasok sa akin doon.
Bago kami umalis doon ay binigyan muna nito ng pera ang nanay ni Boknoy. Tulong niya dahil silang dalawa na lamang ni Boknoy sa bahay na 'yon. Nagbigay din ito ng calling card para puntahan ng nanay ni Boknoy dahil bibigyan niya ito ng trabaho dahil may sakit ito dahil sa kakalabada.
May kabutihan din palang tinatago itong lalaking 'to.
Kahit na natutuwa ako sa ginawang iyon ng lalaki ay may parte pa rin sa isip ko ang nagsasabing huwag magtitiwala dito. Feeling ko talaga ay may iba itong balak kung bakit ako nito pinapabalik sa penthouse at tinulungan ang mag-ina.
"Salamat po, Sir. Sisiguraduhin ko pong magiging mabuti at masipag na empleyado po ako sa inyong kompanya kapag tinanggap niyo po ako. Atsaka po alagaan niyo po 'yang si Inday Chin-chin. Parang anak ko din 'yan kasi napakabait na bata.Kahit ilang araw lang 'yan dito sa amin ay napamahal na siya sa amin ni Boknoy." Parang naiiyak na sabi ng nanay ni Boknoy.
"Huwag na po kayong umiyak, nay. Malapit lang naman ang building dito sa bahay niyo. Pwede ko naman kayong dalawin dito anumang oras noh." Pang-aalo ko dito.
"Huwag po kayong mag-alala at magiging okay po siya sa penthouse habang inaantay ang Tiyo Dominggo niya."
"Mabuti naman kung gano'n. Maraming salamat talaga."
"Sige po, nay, Boknoy," Niyakap ko muna ang dalawa bago lumabas. "Mauuna na kami ha. Ingat kayo palagi dito."
Kumaway pa ang dalawa bago ako tuluyang lumabas sa kanilang bahay. Paglabas ng bahay nila Boknoy ay namangha pa ako ng makita ang isang itim na malaking van. Kahit nga mga kapitbahay nila Boknoy ay nakatingin din sa nakaparadang sasakyan.
Pagkalabas namin ay kaagad na pinagbuksan kami ng driver. Nauna nang pumasok ang aso ng lalaki at kaagad akong sumunod. Huling pumasok ang lalaki at umalis na kami doon.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nasa harapan na kami ng building.
"We're here." Narinig kong bulalas ng lalaki.
Bigla na namang bumalik ang kaba sa dibdib ko. Bakit ba ako sumama sa lalaking 'to? Ano naman kaya ang pag-uusapan namin tungkol kay Tiyo Dominggo?