Inosente 4

1499 Words
Matapos ang dalawang araw na pamamahinga sa bahay nila Boknoy ay sinamahan ako nito sa sinasabing building ng kanyang nanay. Maaga pa kaming pumunta doon dahil mahirap na at abutan na naman ako ng gabi at mangyari ulit ang nangyari sa akin sa kamay ng mga manyak na lalaki noong nakaraang gabi. Nang makarating kami sa lobby ng building ay nagulat pa ako ng hindi kami pinatuloy ng security. "Miss, pasensiya na pero hindi ko po kayo kilala at wala naman pong sinabi si Sunday na may pupunta siyang kamag-anak niya. Sa ilang taon niyang paninirahan dito ay wala ngang dinalang babae o kung sino man sa pamilyo nito kaya paano mo mapapatunayan na kamag-anak mo siya?" Sita ng security guard sa amin. "Paano pong hindi eh sabi nga ng Tiyo Dominggo ko ay dito siya nakatira. May number po ako ng Tiyo ko at pwede po natin siyang tawagan ngayon para kausapin niyo. Sige na po, Manong. Patuluyin niyo na po ako dahil gutom na po ako at wala po akong matitirhan dito sa Manila. Tanging ang Tiyo Dominggo ko lamang ang kamag-anak ko dito. "Kinuha ko na ang cellphone at tinawagan ang number ni Tiyo Dominggo. "The number you have dialed is out of coverage area or has been switch off. Please try---" "Nanu man ni si Tiyoy man. Off ang cellphone. Diin ko diri matinir kay daw wala man di sa. Malas gid!" Halos maiyak na ako dahil hindi ko makontak ang number ni Tiyo Dominggo. "Ano ba naman si Tiyo. Naka-off ang cellphone. Saan ako ngayon titira eh wala naman siya dito. Malas talaga!" "Manong! Sige na bala, Manong! Ano po ba ang gagawin ko para mapaniwala ko kayo na dito nga nakatira ang Tiyo Dominggo ko." Nagpapadyak na rin ako sa harap ng security guard. Naiinis na nga ito sa akin dahil kanina pa ako dito sa harap niya. "Aba, Miss, wala akong pakialam sa tiyuhin mo. Hindi ko nga kilala ang sinasabi mong Tiyo Dominggo. Pwede bang umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas kasama iyang bata at ang aso niyo. Sa tingin mo ba maniniwala ako sa 'yo. Maraming mga manloloko ngayong panahon. Aba'y malay ko kung saang lupalop ka galing." Galit na asik ng security guard. "Aba si Manong, ayaw talagang maniwala. Kapag napatunayan ko talaga na dito nakatira ang Tiyo Dominggo ko, isusumbong kita na hinarang mo ako dito sa reception." Naiinis na pahayag ko. "Hoy, Miss. Nauubusan na ako ng pasensiya sa 'yo ha. Inaabala mo ako sa aking trabaho dito." Galit na ngayon ang security guard. Saka ito pumunta sa main entrance door at binuksan iyon tanda na pinapalabas na kami ng building. Kahit na naiinis ay wala akong magawa kaya lumabas na kami ni Boknoy at Gringo. Tumambay muna kami sa labas ng building at nag-iisip kung paano ako makakapasok sa loob. "Alam mo ba ang latest chika sa kaibigan mong bruha, ang yabang magpost hindi pa naman nagbabayad sa 'yo. Oh, ito tingnan mo. May bago na naman siyang bag na binili. Kakaiba talaga 'yang kaibigan mo. Uutang sa 'yo tapos hindi ka babayaran." Dinig ko ang pag-uusap ng dalawang babaeng nakatayo sa labas ng building. May pinag-uusapan sila tungkol sa utang. Mabuti at narinig ko ang dalawang babae dahil nagkaroon ako ng ideya. Mabuti na lang talaga at sa aming kamag-anak ni Tiyo Dominggo ay ako lang ang hindi nito blinock sa social media. Kaagad na hinanap ko ang kanyang profile. May mga post doon si Tiyo Dominggo na dito siya nakatira sa building na 'to, ito ang pwede kong ipakita sa security guard. May mga convo naman kami ni Tiyo Dominggo na pamangkin niya ako kaya baka maniwala na ang security guard. Nang makita ang mga post ni Tiyo Dominggo sa harap ng building na 'to ay dali-dali akong pumasok ulit sa loob ng building. "Andito na naman kayo. 'Di ba ang sabi ko sa inyo hindi ako naniniwala na kamag-anak ka ni--" "Manong, ito may picture po ako ng Tiyo Dominggo ko. Ito po siya oh. May mga convo din kami na pamangkin niya talaga ako." Pinakita ko sa security guard ang mga pinost ni Tiyo Dominggo sa harap ng building at meron din sa loob ng building, sa reception at sa elevator. Napamulagat naman ang security guard ng makita ang Tiyo Dominggo ko. "Tiyuhin mo 'to?" paniniguradong tanong ng security guard. Nagbago na ang tono ng pananalita nito. Tumango ako at pinakita ang mga convo namin ni Tiyo Dominggo. "Ah.. pasensiya ka na, Miss, ha kung hindi ako naniwala kaagad. Tiyo Dominggo kasi ang tawag mo sa kanya eh ang tawag namin sa kanya dito ay Sunday. Mabuti at pinakita mo ang picture niya. Close ko 'yang si Sunday dahil mabait at palabiro. Hindi kasi kayo magkamukha ni Sunday. Napakaganda mo namang bata tapos si Sunday naman ay.. ay .. nevermind na lang... hehehe.. " Nakangiwing sabi ng security guard. Hindi lang niya masabi ng diretso na pangit si Tiyo Dominggo dahil kamukha din ito ni Tatang. Kaya naman pala hindi kilala dahil nagbago na pala ang pangalan ni Tiyo Dominggo, naging Sunday na. "'Yon na nga po, Manong. Ang sabi kasi ni Tiyo Dominggo ay dito siya nakatira kaya lumuwas po ako para dalawin siya." Gusto ko nga sanang idugtong na sisingilin kasi hindi na siya nagpaparamdam sa amin. "Ano ang pangalan mo, Miss?" "Chin-chin po. Tawagin niyo na lang po akong Inday Chin-chin dahil iyon din ang tawag sa akin ng mga kakilala ko." "Inday Chin-chin, ang totoo niyan ay wala dito si Sunday. Ilang linggo na siyang hindi umuuwi. Hindi na rin bago sa akin 'yon dahil baka kung saang lugar iyon nagsugal at nambabae." "Paano po 'yan? Hindi po ba ako pwedeng tumuloy muna dito at antayin ko na lamang si Tiyo Dominggo hanggang sa siya ay bumalik?" Kinakabahan na ako sa nalaman. Baka hindi ako patuluyin dito dahil wala din pala si Tiyo Dominggo. "Hmm... hmmm.. hmm.. s-sabagay pamangkin ka naman ni Sunday. Kawawa ka naman kasi galing ka pa palang probinsiya. Ito naman kasi si Sunday, hindi man lang nagpasabi na darating ka." Pumasok na loob ng isang maliit na opisina ang security guard at pagkalabas ay may iniabot itong susi sa akin. "Dahil pamangkin ka ni Sunday ay pwede kang tumuloy dito. Ito ang susi sa penthouse. Sumakay ka na lamang sa elevator at pindutin mo ang P. Mayroong dalawang pinto kang makikita. Sa Room 002 ka pumasok dahil iba ang 001. Ikaw lang ha, hindi pwede itong bata at ang aso na umakyat." "Salamat po, manong. Hinatid lang po ako ni Boknoy at Gringo dahil hindi ko po alam ang lugar na 'to. Mga kaibigan ko po sila, manong. Pwede din po ba silang dumalaw dito?" Tanong ko. "Pwede silang dumalaw pero hanggang dito lang sa reception dahil bawal na sila sa taas. Tanging mga kamag-anak lamang ni Sunday ang pwede sa itaas." "Ah, gano'n po ba. Okay, sige po." Hinarap ko na si Boknoy at Gringo. Nagpalasamat ako kay Boknoy at nagpaalam na. Sinabihan ko na lamang ito na ako na lamang ang dadalaw sa kanila kapag may oras ako. Binigyan ko din ito ng pera para pambili ng gamot ng nanay niya dahil baka atakihin ulit ito ng hika. Nang makaalis na si Boknoy at Gringo ay umakyat na ako sa penthouse. Pagdating sa taas ay kaagad kong nakita ang Room 002 kung saan nakatira si Tiyo Dominggo. Pagbukas ko ng pinto ay namangha ako sa loob ng unit. Sobrang gara at mamahalin ng mga bagay na aking nakikita. Ang lapad din ng loob. Mas malaki pa nga siguro ito sa bahay namin sa probinsiya. Ang swerte naman ni Tiyo Dominggo at dahil dito siya nakatira. Sa tuwa ay nagpicture-picture din ako sa loob ng unit. Pagkatapos ay lumapit ako sa bintana at lalong namangha sa view sa labas. Kitang-kita ko ang mga nagtatayugang building katabi nitong tinitirhan ni Tiyo Dominggo. Wow na wow talaga! Tapos hindi man lang mabayaran ni Tiyo ang utang nito kay Tatang. Nang magsawa ay hinanap ko na ang kwarto kung saan ako matutulog. May nakita akong tatlong pinto. Binuksan ko ang unang pinto at kaagad kong nabuksan iyon. Maliit lamang ang loob ng kwarto pero mayroong kama sa loob. Siguro ay para sa bisita ang kwartong 'to dahil walang mga gamit sa loob liban sa bedsheet, kumot at unan. May aparador din pero walang laman. Lumabas ulit ako at tinangkang buksan ang pangalawa at pangatlong pinto pero naka-lock ang mga ito kaya napagpasyahan ko na lamang na sa unang kwarto na ako matutulog. Pinasok ko na sa loob ang aking mga gamit. Baka diyan si Tiyo Dominggo natutulog sa dalawang kwarto. Kahit na kinakabahan kung ano ang magiging reaksiyon ni Tiyo Dominggo kapag nakita niya ako dahil alam ko naman na pinagtataguan niya kami ay tinatagan ko na lamang ang aking sarili. Nandito ako para maningil para sa gamot ni Nanay Maria. Sana ay magbayad na si Tiyo Dominggo para makauwi din kaagad ako amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD