Kabanata 14

2878 Words
Hindi ako mapakali sa kaiisip sa pangyayari kani-kanina lamang. Nakaalis na si Trisha upang kahit papaano ay mag-asikaso ng kaniyang sarili dahil gabi na rin naman. Ilang oras man ang nakalipas ay malinaw sa aking isipan ang binabalak noong Katriya. Halata naman na nais niyang gawing delubyo ang pamumuhay ko rito sa loob ng kastilyo. “Huwag kang papayag na maapi ka, Caith. Dapat mas tapangan mo pa!” sikmat ko sa aking sarili. Inayos ko ang aking higaan at handa na sanang humiga ngunit nakarinig muli ako ng ingay mula sa kabilang silid. Nagsimula na namang mabuhay ang kakuryusuhan sa akin. Saan ba nanggagaling ang mga ingay na iyon at bakit hindi pa rin natitigil mula pa kanina. Napapapitlag ako sa mga sumunod na tunog ng pagkabasag. Parang malalaking bagay na iyon at ang kalansing ay hindi lamang pagkabasag kundi may ilang pagtama ng kung ano. Dahil sa hindi rin ako makapapahinga sa ganoong mga tunog ay tinayo ko na at dahan-dahan akong naglakad palapit sa pader upang mas maulinigan pang mabuti ang nangyayari sa kabilang silid. “Sa silid kaya iyon ng kanilang Pinuno?” pabulong kong tanong. Muli na namang nabasag ang dalawang magkasunod na bagay ngunit ngayon ay mas dinig ko ang kaakibat na hiyaw roon. Madali akong naglakad patungo sa may pinto subalit agad na napatigil ng maalala ang ibinilin noong High Reeves sa akin. Huwag akong lalabas ng aking silid hangga’t hindi niya sinasabi o walang nagtutungo sa akin upang sabihin iyon. “Pero baka kung ano ang nangyayari sa kabila…” usal ko. Dala ng nararamdamang pag-aalala ay pinalis ko na sa isipan ko ang habilin sa akin. Dali-dali akong lumabas ng pinto at sinalubong ng tahimik na pasilyo. Tanging ang kalansing sa katabing silid ng akin ang naglilikha ng ingay. Sa dulo ng pasilyo ay napansin ko ang iilang gwardiya na hindi man lang nagbaling sa akin ng tingin. Marahil siguro ay hindi nila ako nakita. Balak ko sana na magtungo sa kinaroroonan nila upang masabi ang ingay na nagmumula sa kabilang silid ngunit napatalon ako ng isang galit na hiyaw ang nagmula roon at ilan pa uling magkakasunod na tunog ngunit mas nanindig ang balahibo ko sa pagkakarinig ng kalantog ng kadena sa marmol na sahig. Are they punishing someone inside? Bakit may tunog ng kadenang nahihila at tila ang sigaw ng nasa loob ay sadyang kay sakit? Sa halip na tumuloy sa mga gwardiya ay marahan akong lumapit sa may pintuan ng silid. Dahan-dahan kong pinihit ang gigintuing seradura ng pinto at nilagyan iyon ng maliit na awing kung saan sapat na upang makakita ako. Yumukod ako at pigil hiningang sumilip ngunit sa paglapat pa lamang ng mata ko ay napasinghap na ako dahil sa mga matang nahuli ko agad na nakatitig sa akin. Galit iyon at nagbabaga. Ang kaniyang ngipin ay nagtatagisan ngunit mas nakapagpanindig ng aking balahibo ay ang dalawang matutulis na pangil na litaw na litaw sa liwanag na dulot ng apoy. Dahil sa labis na pagkabigla ay nawalan ako ng balanse at bahagyang naitulak ang pinto pabukas. Lumantad ang kabuoan ng silid sa aking mata, mas malawak sa abot ng paningin ko kanina at ngayon nga ay ganoon din ang aking buong katawan sa kaniya. Hindi maipagkakaila ngayon ang aking presensya. Sa halip na manatili ang mata kong salubong sa nangangalit niyang mata, bumagsak ang tingin ko sa paa niya kung saan makikitang nakapinid sa kadena. Ang parehas niyang kamay ay ganoon rin, nakapinid sa kadenang malalaki. Hindi lamang iyon ay ang pumukaw sa aking pansin kundi pati na rin ang halos nasusunog na niyang balat na nadadantayan ng kadenang gawa sa pilak. ‘Nasusunog ang kaniyang balat!’ sita ng isip ko. Binalingan ko muli ang mukha niya na namamawis at miski ang buhok ay basa na noon. Wala siyang suot na pang-itaas at kitang-kita sa kaniyang mata ang sakit na nakabalatay roon. Dahil likas na sa akin ang pagnanais na makatulong sa kahit na sinong nangangailangan noon, nag-atubili agad ako na lapitan siya. Dali-dali ko siyang nilapitan at narinig ko pa ang mahina niyang pag-ungol. Nararamdaman ko ang panghihina niya subalit mas minabuti kong mag-focus upang malaman kung paano siya mapapakawalan mula sa mga kadenang sumusunog sa kaniyang balat. “D-don’t…” he said. I heard the low growl on his voice that sent shivers to my spine but I did not focus on it. “Find the key, Caith,” bulong ko sa aking sarili ng makitang hindi basta-basta matatanggal ang lock noon. Tumayo ako at naglakad palayo upang libutin ang malaking silid ngunit hindi pa man ako nakalalayo ay muli siyang nagsalita mas malakas sa kanina. “Don’t go away!” may kasamang daing ang galit niyang pagkakasambit ng mga salita, halatang mas nasasaktan siya sa tuwing nagkakaroon ng kaunting pagkilos ang kaniyang katawan. Bumuntong hininga ako at saka nagsalita. “I am not going anywhere. I’ll just look for the key so I can free you from…” bumagsak ang tingin ko sa kadena na halos mapupuno na ng dugo. “That thing,” I murmured the last words. Nagdiretso ako sa mga drawer na naroon at inisa-isang tignan kung nasasaan ang susi ngunit wala akong makita. Sinubukan ko rin na maghanap sa kaniyang kama at miski na rin sa isa pang silid sa loob ng kaniyang kwarto kung saan nakalagay ang mamahaling mga uri ng damit ngunit wala pa rin. Nang lumabas ako mula roon upang sana ay tanungin na siya kung sakaling alam niya kung nasaan nakalagay iyon subalit hindi na lamang siya ang sumalubong sa akin kundi ang High Reeves na matalim agad ang tingin sa akin. Salubong ang kaniyang kilay at halatang nagtitimpi dahil sa pag-igting ng mga panga nito. Lumipat ang tingin ko sa lalaking hanggang ngayon ay kariringgan ng mga daing. Nakayuko na siya at pakiramdam ko, kaunting oras na lang ay mawawalan na siya ng malay. “W-wala ka bang balak na pakawalan siya?” lakas loob kong tanong dahil hindi na mapakali sa nakikita. “What did I told you, Miss?” sa halip ay tanong niya sa akin kaysa sagutin ang aking katanungan. Hindi ko siya magawang pagbalingan pa ng tingin dahil naka-focus na ang mata ko sa nalulutong mga balat ng kanilang Pinuno. “I told you not to leave your room unless I told you so…” Naputol ang kaniyang sinasabi ng mabilis kong tinakbo an gaming pagitan at hinaklit ang susi na nakita kong nakasabit sa kaniyang bulsa. Mukhang ikinagulat niya ang aking mabilis na pagkilos at hindi agad nakahuma. Nagawa ko tuloy alisin agad ang lock noong nasa kamay ng kanilang Pinuno. Sandali akong sumulyap sa High Reeves na mas kababanaagan nan g galit ang mukha. “What do you think you are doing?” halos pasigaw na niyang sambit sa akin. Hindi koi yon binigyang pansin bagkus ay tinaliman ang tingin sa kaniya. “Bring me a first aid kit,” utos ko at pinilit na pagtunugin matapang ang aking boses. “What the?” usal niya ngunit hindi na naituloy iyon dahil sinamaan ko lamang siya ng tingin. Inilayo ko ang kadena sa kanilang Pinuno at nang buhatin iyon ay sadyang mayb kabigatan. Nang muli akong humarap kung nasaan ang Pinuno ay kapwa na sila nakatingin sa akin at may hatid na kakaibang pakiramdam ang tingin na iyon. Para bang may ginawa akong mali. Sa halip na pagtuunan ng pansin iyon ay muli kong hiningi ang first aid kit. “Kailangan na magamot agad ang kaniyang sugat,” sambit ko gamit ang malamig na boses. Astang sasagot pa sana ang High Reeves nang ang Pinuno na ang sumenyas sa kaniya. Bigo man na maipanalo ang kung ano man na ipinaglalaban niya ay bakas pa rin ang galit sa kaniyang mata. Nang maiwan kaming dalawa roon ay namayani ang katahimikan. Marahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan niya habang siya ay mataman lamang na nakatingin sa akin ang itim na itim na mata. p**o dang ekspresyon sa kaniyang mukha ngunit kita ko rin doon ang pagkamangha sa hindi ko malamang dahilan. Pinilit ko iyong ignorahin at sinipat na lamang ang kaniyang sugat. “Kaya mo pa ba?” tanong ko nang hindi tumitingin sa mata niya dahil hindi ko na kayang makasalubong pa ang kaniyang tingin. Hindi pa rin kasi niya ako nilulubayan ng titig. “Do you need anything? Water?” natatarantang sambit ko nang marinig ang marahas niyang paghinga. Naramdaman ko naman agad ang pag-iling niya ng dalawang beses. Napalunok na lamang ako at sinubukan na paglandasin ang daliri ko sa gilid ng sunog niyang balat sa kaniyang kamay. Narinig ko ang pagsinghap niya dahil doon kaya naman agad ko iyong inalis. “That must hurt,” bulong ko, pinupuna ang sugat niya na sariwang-sariwa pa. “It does…” he mumbled. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko naman alam ang tamang sabihin upang kahit papaano ay hindi niya pagtuunan ng pansin ang sakit na dulot noon. Bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang High Reeves na kasunod ang ilan pang mga kasambahay na yukong-yuko ang mga ulo habang naglalakad. “Give it to her and leave,” ani noong High Reeves sa nakatatakot na tono ng boses. Hindi ko nagustuhan ang tono ng kaniyang pananalita at tumalim ang tingin ko sa kaniya ngunit nang makita niya ako ay umikot ang mata ko at hindi na napigilan pang ipakita ang disgusting nararamdaman. “Leave us alone,” pahayag ng katabi ko. Kitang-kita ng aking mata kung paano walang habas na napasunod niya ang mga kasambahay pati na rin ang High Reeves na sa tingin ko ay hindi madaling gawin. Sa klase pa lang ng mukha niya ay parang hindi siya ang tipo ng tao na gustong sumusunod s autos ng kahit na sino. “Are you going to heal this wound or what?” Natauhan ako sa iniisip ko noong marinig kong sabihin niya iyon. Natataranta tuloy akong dumiretso sa mga dinala nilang panlinis ng sugat. Hindi ito tipong first aid kit sa may mga Hospital kundi iyong parang ginagamit lang naming mga simpleng tao. Ang kaibahan lang ay sa halip na plangganitang plastic ay gigintuin ang narito at miski sa tingin ko ang tela na ibinigay ang mamahalin. Sinimulan kong linisin ang kaniyang sugat. Marahan lang ang ginagawa kong pagdampi upang hindi na dumoble pa ang sakit na mararamdaman niya. Nang matapos ay pinunasan ko naman ng tuyong tela at saka kinuha ang tela na sapat na para magmistulang benda. “Sandali na lang, huh?” malumanay kong sambit ko. Hindi ko alam kung naiintindihan niya iyon dahil hindi naaalis ang titig niya sa akin mula pa kanina na sinimulan kong linisin ang sugat niya. Miski gumilid at yumuko ako ay nakasunod ang kaniyang tingin subalit ang mukha ay walang emosyon. Napapaisip ako kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isip habang ganoon lang ang ginagawa. Dahil nakakaramdam na rin ng pagkailang ay minadali ko ang pagbebenda at nang matapos iyon ay agad ko na siyang binitiwan. Matuwid akong tumayo at pinilit na ibalik ang malamig na ekspresyon sa aking mukha. “Ayos na. You can rest now,” pahayag ko. Kinuha ko ang mga pinaggamitan ko upang dalhin na sana iyon sa labas ngunit pinigilan niya ako. “That’s not your job,” aniya. Para akong napaso nang marinig iyon at agad na binitiwan ang hawak-hawak ko nang mga kagamitan. Tama siya. Hindi ko na iyon trabaho at isa pa ay mali na umakto akong ganoon. Napapikit ako ng mariin ng ma-realized ang aking ginawa. Did I just made a mistake? ‘Yes, you did, stupid Caith!’ sikmat ko sa aking isipan. Bakit nga ba ninais ko na linisin ang sugat niya kung maari naman na may ibang gumawa noon? Masyado akong nagpakita ng emosyon na alam ko naman na ipinagbawal na sa akin sa una pa lang. Nahalata ba niya? Mabilis ko siyang tinapunan ng tingin at napansin ang panandaliang pagtaas ng dulo ng labi niya. “Seems like you realized something, Miss?” aniya sa simpleng paraan subalit pakiramdam ko ay isa iyong pahatid na napansin niya ang pagkakamali kong ginawa. ‘You are dead now, Caith!’ pagalit ko sa aking sarili. Tumikhim ako at pinilit pa rin magmukhang malamig. “I need to rest now. Take care of yourself,” sambit ko at saka ako nagbalak na lumakad palayo ngunit agad din akong natigilan. "Aren't you supposed to make sure that I'm asleep before you left?" aniya. Napakawala ako ng marahas na buntong hininga at saka siya hinarap. Pagod ko siyang tinignan at saka tumango. "Fine..." pagod kong sambit. Naglakad ako palapit sa kamang kinaroroonan niya, inayos ang blanket at ang una na kaniyang gagamitin. Nang masiguro na magiging komportable siya roon ay hinarap ko siya. "You can lie now," pag-iimporma ko kahit pa alam kong alam na niya na ayos na ang kaniyang higaan. Hindi niya ako nilubayan ng tingin kahit pa nakahiga na siya. Iniisip ko tuloy kung takot ba siya na sa isang iglap ay maglalaho ako. "Why don't you just stay here?" aniya. Nangunot ang noo ko. "What do you mean? I know we're married but that is just for convenience, right?" sambit ko. Nawala ang pagiging kalmado ng kaniyang mukha at mata at naging malamig iyon. "It's appropriate to sleep in one bed, wife," he said, his voice is dripping with coldness. He could be more warm if he wants to pursue me. That's what I thought. "I can't. I still need time to adjust," I reasoned out. Thank God, he accepted it. His hand move to mine and he clasped it together. He gripped it but with gentleness. That made me feel at ease. "Don't leave until I fall asleep," he whispered and so I did. Nanatili ako roon, tahimik at nagmamasid lamang. Nang mapansin kong tulog na siya at marahan kong inalis ang pagkakahawak ng kaniyang kamay. Noong una ay mas humigpit ang hawak niya na siyang nagpakabog sa dibdib ko kung kaya naman pinilit kong maalis. Kumabog ang dibdib ko nang maging iba ang pakiramdam ng maalis ang kamay niya sa akin. Umiling-iling ako. Pagod ka lang, Caith! Nagmamadali akong umalis. Walang lingon-lingon kong tinungo ang aking silid at nakahinga lamang ng maluwag noong maisara ko na ang pintuan. Nanginginig akong nagtungo sa aking kama at pinakiramdaman ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. “Maling mali, Caith,” sita ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung para saan iyon. Mali dahil umakto akong kakaiba o dahil nararamdaman kong panatag ako kahit pa hindi ko naman siya ganoon kakilala? Mabilis akong nagtalukbong ng kumot dahil sa hindi mapakali. Dahil iyon sa pag-akto ko ng hindi naayon. Tama. Doon lang ako kinakabahan. Pinilit kong iyon ang isipin. Bumalik sa alaala ko ang nagawa. Dapat siguro ay ipina-linis ko ang kaniyang sugat sa mga kasambahay. Hindi ako dapat malambot sa kaniya pero ganoon ang kinalitawan. “Nahalata ba niya na hindi ako si Loren?” pabulong kong tanong sa aking sarili. Kung sakali mang nahalata niya sigurado bukas ay isang malaking problema iyon. Maaring narito si Mr. Jarvis bukas upang ipaliwanag ang lahat. Tama! Ipaliliwanag niya naman siguro ang lahat. “Trust Mr. Jarvis, Caith,” sambit ko sa aking sarili habang nag-uumpisa ng kagatin ang aking kuko dahil sa kaba. Hindi naman ako pababayaan ni Mr. Jarvis. Siguro naman ay sasabihin niyang napilitan lang ako at baka maaring i-konsidra ng kanilang Pinuno ang katotohanang kapatid ako ng kaniyang asawa. Iyon ba talaga ang dahilan? Kinapa ko ang aking dibdib. Malakas pa rin ang kabog. Ano man ang dahilan sa dalawang iyon, I am still doomed! Nakatulugan ko ang kaisipang iyon at kung ano-anong klase ng kahindik-hindik na senaryo ang aking napanaginipan ngunit nang ako ay magising, iba nag tumambad sa akin. Napakaraming rosas sa loob ng aking silid at nakahanda sa may tapat ng bintana ang isang lamesita kung saan napupuno iyon ng pagkain. “Magandang umaga, Lady Loren,” bati sa akin ni Trisha na malawak ang ngiti sa labi. Kunot-noo akong lumapit sa isang kumpon ng rosas at nakitang halatang mamahalin iyon. Nilapitan ko naman ang lamesita kung saan maayos at maganda ang pagkakasalansan ng mga pagkain. “The Lord wants his Lady to start his day with a good smile that is why he put all of this in your room, Missus,” pahayag noong kapapasok lamang na babae. Matangkad ito at base sa kaniyang pagtindig ay nalalapit ang kaniyang katungkulan sa tulad ng hawak ni Teren. Nakumpirma ko iyon nang ipakilala siya ni Trisha. “Siya po ang Punong Mayordoma sa loob ng kastilyo, Lady Loren. Inihabilin ka po ni Lord Magus sa kaniya,” pahayag niya. Dahil doon ay magalang akong ngumiti sa babae na mabilis namang tumugon doon. Matapos iyon ay binalingan ko si Trisha. “Mamaya na ako kakain, Trisha. Mag-aasikaso muna ako ng sarili,” pahayag ko. Isang tango naman ang itinugon nito sa akin. Mabilis akong tumalikod at nagtungo sa malawak at sosyal na palikuran na ngayon ko lang napagmasdan ng buo. Pero sa halip na punahin ang kagandahan noon ay napaisip ako. “Bakit iba ang umagang sumalubong sa akin kaysa sa inaasahan ko?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD