bc

Cloned (Book 1 of Vampire Trilogy)

book_age16+
240
FOLLOW
1K
READ
royalty/noble
heavy
serious
straight
bold
werewolves
vampire
supernature earth
supernatural
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

TAGALOG VAMPIRE STORY

To be someone's wife was never easy but to be a vampire's one, pretend to be his wife—it looks like an opportunity to visit hell; that is what Caith thought. Ngunit ano ang kaniyang magagawa kung nakasalalay dito ang buhay ng kaniyang inang may sakit at ang kinabukasan ng kaniyang kapatid?

Dalawa lang naman ang pagpipilian.

Magpanggap siya bilang ang kakambal at maliligtas ang kaniyang ina o magmatigas siya at wala ng matitira sa kaniya?

"You are asking me to give him my body, well he is my sister's husband! He is not mine!" Caith exclaimed.

"Then think that he is yours. Claim him," said by the Man who brought her to him.

chap-preview
Free preview
Simula
Year 1991. Isang kahindik hindik na hiyaw mula sa kakahuyan malapit sa nayon ng Sinaya ang maririnig. Hiyaw ng isang babaeng tila nasa panganib at humihingi ng tulong. Ang mga tao na nakatira sa Sinaya ay sadyang nakaramdam ng takot at awa sa pagkakarinig noon. Ilan sa mga kalalakihan ang lumabas, may dalang sibat at itak at nagtungo sa kakahuyan kung saan nagmula ang sigaw upang salubungin at tulungan ang babae. Alam nila na maaring isa sa kanilang kababayan ang may-ari nang boses na iyon at isa na naman sa biktima ng mga halimaw na uhaw sa dugo. Hindi naman sila nabigo sa paghahanap sa babae sapagkat matapos ang kalahating oras nang kanilang paghahanap ay natagpuan nila itong wala nang malay, maputla at halos wala nang hininga. Ngunit ang mas masakit ay ang kaalamang maaring nalapastangan pa ang babae dahil sa kasuotan nitong magarbo man ngunit punit punit ang itaas at ibabang bahagi, at ang mga pasa sa hita nito at iba pang parte ng katawan na isang maliwanag na indikasyon na ito ay pinagsamantalahan ng halimaw na uhaw sa dugo. "Isa na namang kaawa awang biktima ang dalagang ito," sambit nang isang ginang na tumulong na linisin ang putlang katawan ng dalaga na mas malinaw na sa kanilang paningin ang galos at pasang tinamo nito. Sa lugar nila ay hindi na bago ang ganitong pangyayari at aksidente. Ayon sa kanilang mga nakatatandang ninuno, nagsimula ang mga malalagim na pangyayari nang sumayad sa lupa ng bansa ang sasakyang panghimpapawid na nagdala sa bansang ito nang mga halimaw na uhaw sa dugo. Mula noon hanggang ngayon ay kaaway na ng mga tao ang mga halimaw na iyon na kung tawagin ay bampira. Napakarami na nilang nabiktima, ang ilan ay nagiging tulad nila at ang ilan naman ay namamatay sa kakulangan sa dugo. May isang lugar kung saan sila namumuno at naninirahan at napakahirap pasukin iyon para sa mga simpleng tao na walang kakayahang papantay sa kung anong meron ang mga bampira. Kung kaya naman pinipilit ng gobyerno na makipagkasundo na lamang sa kanila upang masigurong mayroon silang pinanghahawakang protekstyon para sa kanilang nasasakupan. May iilang samahan nila ang sumang-ayon na sa gobyerno ngunit may ilan ring bampira na talagang hangad ay makapambiktima ng tao kung kaya naman doble pa rin dapat ang pagiingat ng mga taong taga nayon. "Ang dalagang ito ay hindi naninirahan rito sa ating nayon. Maaring napadpad lamang siya sa kagubatan dala nang pagtakbo at pagtakas sa halimaw," pahayag ng isang manggagamot na nagbigay lunas sa dalaga. "Maaring ganoon na nga kung kaya naman wala tayong magagawa kundi kupkupin ang dalaga sakaling magising siya. Maaring tulad ng ibang biktima ay wala siyang maalaala tungkol sa kaniyang sarili maging ang nangyari sa kaniya kani-kanina lamang," saad nang isang tanod. "Mukha siyang isang mayamang dalaga. Kung sakaling may maghanap sa kung sino man, agad niyong ipagbigay alam na may dalagang nagawi sa ating nayon." Ang utos nang kapitan sa mga taong naroroon at nakatunghay sa dalagang ngayon ay wala pa ring malay ngunit unti unti nang nagkakakulay ang galusang balat. Isang kamay mula sa mga naroon ang umangat, isang tanda nang paghingi ng pahintulot upang makapagtanong. "Kapitan, paano kung ang dalaga nga ay magising ngunit sa paggising niya siya ay isa na ring halimaw na uhaw sa dugo, ano ang inyong binabalak?" tanong ng isang binatang anak ng isang opisyal. Tipid na tumango ang kapitan upang ipagbigay alam na nauunawaan niya ang katanungan. "Kung sakaling magkaganoon, wala tayong magagawa kundi isuko siya sa gobyerno at hayaan na silang magdesisyon ukol sa bagay na yaon." September 30, 1992. Ilang sunod sunod na impit na hiyaw mula sa isang babae ang nagsilbing ingay sa gabing iyon. Nasundan iyon ng mahinang pagiyak ng sanggol na ilang sandali lamang ay nasundan pa uli ng isa pa. Ang mga katabing bahay ay nasa labas at natatanglawan ng sikat nang buwan, mga naghihintay sa balita ukol sa babaeng noon ay natagpuan nila sa gitna ng kakahuyan at ngayon ay nagluluwal nang panibagong buhay. Ilang samut-saring salita ang maririnig sa mga naroon sa labas ng kani-kanilang bahay. Ang iba ay nagagalak at ang iba ay kinababanaagan ng takot dahil hindi lingid sa kanilang kaalaman kung paano nabuo at sino ang pinagmulan ng mga batang ngayon ay kasisilang. "Parehas babae ang kaniyang anak! Kambal!" hiyaw ng isang ginang na tumulong sa kumadrona upang paanakin ang babae. May iilang palakpak ang narinig mula sa mga kababayan at ang iba ay lumapit upang alamin kung ano ang itsura at kung normal ba ang mga sanggol. "Malulusog sila. Katulad ng isang ordinaryong sanggol. Ngayon lamang nangyari ito sa atin at wala tayong kaalaman kung ang sanggol ay maaring kumuha ng lahi mula sa kanilang ama o sa kanilang ina. Ipanalangin natin na nawa ay maligtas ang mga sanggol sa katakot takot na sumpa," mahabang pahayag ng matandang kumadrona. Umani nang pagsang-ayon mula sa nakararami ang naging pahayag. May iilang nagbitaw ng taimtim na panalangin ang iba ay paulit ulit binanggit ang kanilang dasal pabulong. Sa kabilang dako naman ay tipid na pinagmamasdan ng babae ang dalawang sanggol na nasa kaniyang parehas na bisig. Pabalik balik ang kaniyang tingin sa dalawang sanggol na hindi niya maalala kung paano nabuo. Gayunpaman, nakadama ng katahimikan at kapayapaan ang kaniyang puso. Tila napupuno iyon ng tuwa sa tuwing kikilos ang mumunting katawan na ngayon ay hawak niya. Ayon sa kaniyang malinaw na pagiisip, bubuhayin niya ang mga bata at ibibigay ang buhay na nararapat sa kanila abot sa lahat nang kaniyang makakaya. Wala man siyang alaala, ang kaniyang mga supling ang magiging panibagong yugto ng kaniyang buhay. Ang mga mamamayan sa nayon ay labis ang tuwa at pagkagalak nang malaman na ordinaryo lamang ang mga sanggol. Hindi dugo ang hanap kundi gatas ng kanilang ina ang hangad. Lubos ang kanilang pasasalamat na hindi nila kailangan maging hadlang sa buhay ng dawang sanggol na wala pang muwang. Lingid sa kanilang kaalaman na ang isa sa sanggol ay nakatakdang maging isang halimaw na uhaw sa dugo at lilitaw lamang ang tunay na pagkatao nito sa pagsapit ng bata sa ikawalong taong gulang. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
43.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.0K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
44.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook