Malamig sa pakiramdam ang hangin na dumadampi sa aking katawan. Gustong gusto ko na balutin pa ng kumot ang kabuoan ko subalit hindi ko maigalaw ang aking katawan at miski na rin maidilat ang aking mata ay hindi ko magawa. Para bang nasa loob ako ng isang dimension kung saan hindi ko hawak ang kontrol sa sarili ko.
Tunog ng tubig; lumalagaslas iyon at ihip ng hangin lamang ang maririnig. Napakatahimik ngunit nakakaramdam ako ng panganib. Ito ba ay isang panaginip? Bakit tila hindi naman dahil iba talaga sa pakiramdam. Ang hangin ay hindi lamang basta humahaplos sa aking balat kundi parang humahalik iyon, inaalis ang lahat ng init sa katawan ko.
What is happening to me? Why do I feel like someone is controlling me?
Pinakiramdaman kong mabuti ang paligid upang malaman kung may kasama ba ako sa lugar na kinaroroonan ko. Kung sa kaluskos o galaw ay wala ngunit kung sa titig, alam kong may mga matang nakamasid sa akin kahit pa hindi ko iyon nakikita.
Ang tikom kong mga labi ay pinilit kong ibuka upang makapagsalita subalit nang magawa kong lagyan ng awang ang pagitan noon ay nagising ako at halos hinihingal; sabik na sabik ako sa hangin at nagsisikip ang aking dibdib dahil sa kawalan noon. Ang aking mata ay naliliyo at mga kamay ay namamawis.
Ilang tunog nang nababasag na bagay ang sunod kong narinig. Kahit hinihingal ay mas napagbigyan ko iyon ng pansin. Kunot-noo kong pinilit pakinggan kung saan iyon nagmumula dahil paunti-unti ay lumalakas. Napilitan akong tumayo noong hindi pa rin nauulinigan kung saan nababasag ang mga kagamitan.
Naglakad ako palapit sa pintuan ngunit bumukas agad iyon hindi pa man ako nakalalapit. Iniluwa noon ang High Reeves na salubong ang kilay at matalim ang titig sa akin. Wala naman akong alam kung bakit ganoon ang kaniyang reaksyon. Hinintay ko siya na tuluyang makalapit bago ako nagtanong.
“What is happening outside?” malamig ang boses ko at nilagyan iyon ng tono ng pagiging otoritibo.
Sandaling nagtagal ang matalim na titig niya sa akin bago nagpakawala ng marahas na buntong hininga at saka ipinilig ang ulo.
“He is facing some problem. Don’t leave this room until I send someone to say you can,” aniya.
Sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago pa man ako iniwanan. Kunot-noo akong nakatanaw sa kaniya hanggang sa maisara ang pintuan ng aking silid. Hindi na nawala-wala sa isip ko ang tungkol sa Pinuno nila. Anong problema na kinakaharap noon ngayon at bakit hindi ako maaring lumabas sa silid na ito hangga’t hindi sinasabi ng High Reeves?
“He is not supposed to order the spouse of his Lord, right?” bulong ko sa sarili.
Kahit pa hindi naman talaga ako si Loren, alam ko na mas mataas ang kalagayan ng kapatid ko kaysa roon sa High Reeves dahil siya ay asawa na ng Pinuno kung kaya naman palaisipan sa akin kung bakit ganoon ang asta niya kanina.
Isang tikhim ang narinig ko. Nang lingunin ko iyon ay nakita si Mr. Jarvis kasama si Trisha.
“Good to know that you are awake now,” ani Mr. Jarvis na tinanguan ko na lamang.
“Do you feel hungry, Lady Loren?” tanong ni Trisha na nasa likurang banda ng ituturing ko ngayong ama-amahan.
“I’m just thirsty,” garalgal pa ang boses ko nang sabihin ko iyon.
Mabilis na kumilos si Trisha upang mabigyan ako ng baso ng tubig at saka ako nilayuan noong makatapos. Si Mr. Jarvis naman ngayon ang lumapit sa akin.
“Let’s talk, Miss De Lesa about your stay here,” anito at nilibot pa ng tingin ang aking panibagong silid.
Nagtungo kami pareho sa sofa na halatang mamahalin.
“I only have a week here, right?” pauna kong tanong dahil halos pangatlong lingo ko na ito kung matatapos.
Naglapat ang labi niya at saka pumikit ng mariin na parang may problema pa siyang hindi nasasabi sa akin.
“Mr. Jarvis?” pagtawag ko sa kaniyang pansin.
Nagmulat siya ng tingin at ang matang kanina ay pagod, ngayon ay malamig nang muli.
“The Lord and you does not need to share a room just like what I said,” pagsisimula niya na ikinagalak ko naman.
“This will be yours and his is in the other side. The maid won’t give such information to his relatives because that will be considered as betrayal to the Lord,” tumikhim siya at inayos ang singsing sa kaniyang kamay.
“Always wear the ring I gave you, Miss De Lesa. That will stop them from noticing the smell of your blood,” aniya.
Kinilabutan ako dahil doon; ang maisip pa lamang na may kakayahan sila na maamoy ang dugo ng tao ay iba na sa aking pandinig.
“The Lord won’t be here for a couple of weeks because he has a lot of things to do and meeting to attend to. You do not have to worry about meeting him,” paliwanag niya.
Nakahinga ako ng maluwag sa kaalaman na iyon. Hindi ako mapapakali kung makakasama ko sa iisang lugar ang kanilang Pinuno dahil ramdam ko na kaunting pagkakamali lamang ay malalaman niya ang sikreto kong itinatago na maaring maging mitsa ng aking buhay.
“Iiwas ako hangga’t maaari, Mr. Jarvis. Tutal ay ilang araw na lang naman at matatapos na ang lahat ng ito at makababalik na ako sa dati kong buhay,” maluwga sa dibdib kong sambit.
Hindi ako nakarinig ng pagtutol o pagsang-ayon sa kaniya ngunit hindi ko na iyon pinansin at mas pinasyang pagtuunan ang kaalaman na malaya ako dahil hindi ko gaanong makakasalamuha ang asawa ng aking kapatid.
“Don’t worry, Mr. Jarvis. I will do my best so that they won’t suspect me,” nakangiti kong sambit.
Tumango naman si Mr. Jarvis at saka nagpasalamat. Matapos niyon ay nagpaalam na siya at sinabing iiwanan niya rito si Trisha dahil naipakiusap na niya iyon sa Pinuno nila. Laking pasasalamat ko roon dahil kahit papaano ay mararamdaman ko na may kakampi ako rito sa malaking kastilyo na ito dahil kung hindi ay siguradong labis-labis na pagkainip ang kailangan kong bunuin.
“Lady Loren, kamusta na po ang inyong pakiramdam?” tanong ni Trisha habang inaayos ang lukot ng hinigaan kong kama kanina.
Lumapit ako sa kaniya at nginitian siya.
“Kahit papaano ay maayos na kumpara kanina,” pahayag ko.
Lumawak ang ngiti sa labi niya dahil sa naging kasagutan ko.
“Mabuti naman po kung ganoon. Nag-aalala ako na baka hindi ninyo kinaya ang ritwal ng kasal,” aniya pa.
Dahil sa nabanggit niya ay sumibol ang pagtataka sa akin. Wala akong alama kung para saan ang ginawa namin. Kung bakit kinailangan na hiwaan kami parehas sa aming pulso at inumin ang pinagsama naming dugo. Nang maalala ang ginawa ko na iyon ay halos halukayin ang aking tiyan. Hindi ko matanggap na uminom ako ng buhay na dugo.
“Namumutla po kayo, Lady Loren,” pagpuna sa akin ni Trisha.
Nagtatayuan ang balahibo sa aking katawan dahil doon.
“Trisha, bakit kailangan na inumin ko ang pinagsamang dugo namin?” tanong ko habang hinihimas ang aking tiyan.
“Iyon po ay simbolo na paghahatian ninyo ang buhay ng isa’t isa. Sakaling kayo po ay malayo o mawala sa tabi n gaming Pinuno, siya po ay manghihina dahil kayo ang pagkukuhanan niya ng lakas habang siya ang pagkukuhanan ninyo ng tapang,” paliwanag niya.
Napaisip ako dahil doon.
“Hindi ba niya malalaman na hindi ako si Loren kapag nagkataon? Magkaiba ang lasa ng dugo namin, sigurado ako roon. Isa pa, paano kung si Loren na ang papalit sa akin? Hindi ba malaking problema iyon?” sunod-sunod kong tanong.
Natigilan siya sa ginagawa at parang nahuli sa isang bagay. Nagsimulang lumikot ang kaniyang mata at napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa unan.
“Trisha?” pagtawag ko sa kaniya noong hindi na siya nagsalita.
Nagulat pa siya roon at halos mapatalon dahil sa tingin ko ay may iniisp siya.
“Lady Loren, nagugutom na ho ba kayo?” pag-iiba niya sa usapan.
Dahil sa ayaw ko na malipat sa iba ang topic namin ay umiling agad ako at nagbato pa muli ng ilang tanong.
“Bakit parang may kakaiba sa aking katawan noong nagdantay an gaming sugatang pulso? Ano naman ang ibig sabihin noon?”
Tuluyan na siyang hindi nakaimik sa akin. Hindi niya ako magawang tignan at parang naiipit siya sa ilang bagay na kay hirap labasan.
“L-lady Loren… hindi niyo po kasi mauunawaan…” mahina niyang sambit, dinig ko pa ang pag-aalangan.
Tumayo ako upang lumapit sana sa kaniya ngunit bumukas ang pinto bago ko pa man matawid an gaming distansya.
“Pleasure to meet the Lady of the house,” ani isang boses na walang emosyon.
Doon nabaling ang atensyon namin parehas. Sumalubong agad sa akin ang matang alam ko ay hinuhusgahan ang aking pagkatao. Kulay ombre iyon at ang labi ay namumula sa tingin ko ay dahil sa dugo na malamang ay laman ng kopitang hawak niya ngayon. Ang kaniyang balat ay sadyang maputla at halata naman sa estilo ng pagtayo at kaniyang pananamit na siya ay may ipinagmamalaki at dahil na rin narito siya sa loob ng kastilyo, malamang ay malapit siya sa Pinuno.
Nakumpirma ko iyon ng kusang yumuko si Trisha upang magbigay pugay.
“Magandang hapon po, Lady Katriya.”
Sa halip na bigyang pansin ang ginawang pagbati ni Trisha ay naglakad ito patungo sa akin. Taas noo at may nakalolokong ngiti.
Kung tatantiyahin, ang edad niya kung ibabase sa kaniyang mukha at estilo ng paggamit ng make-up, siya ay nasa mid-thirties.
“My nephews wife is staying in his own room,” nasundan ng halakhak ang sinabi niya.
Humugot ako ng hininga at saka pinilit na ibalik ang aura na itinuro sa akin. In time like this, I should show them what Loren is. Hindi pwedeng si Caith na madaling ma-intimidate.
“Pleasure to meet you, too. I have requested my own room for I am not comfortable depending myself to someone,” I cut off my words and twirl my hair while a cold grin is written on my face.
“That is what you called first step to adjusting,” I coldly said.
Umangat ang kanang kilay niya dahil sa narinig. Alam ko na hindi niya ikinatuwa ang ginawa kong pagsagot. Ayoko man na gawin iyon ngunit natatandaan ko ang sinabi nila sa akin bago pa ako masabak sa ganito.
Mr. Jarvis told me, “everyone inside the castle will try to intimidate you, will try to weaken you. All you need to do is to show them that they don’t have a chance to make you flinch.”
“Remember you are supposed to be the predator and let them be your prey.”
Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan ngayon pa na ang aking makakasalamuha ay hindi mga simpleng tao lang. Ipinangako ko na makalalabas ako sa lugar na ito at tutuparin ko iyon. Hindi ang mga nakapaligid sa Pinuno ang gigiba sa akin.
“You really have a sarcastic tongue, Loren,” matalim niyang sambit.
Narinig ko ang pagsinghap ni Trisha na nasa gilid noong si Katriya ngunit hindi ko alam kung para saan. Dahil ba kami ay nagkakainitan na? Nasagot lamang ang tanong ko nang dumagundong ang galit na boses mula sa likuran noong babae na Katriya ang pangalan.
“Respect, Katriya!”
Lalong suminghap si Trisha at nabanaag ko naman sa mukha noong Katriya ang gulat at pagkapahiya.
Nang lingunin niya ang nasa likuran ay saka lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na makita kung sino iyon.
“My Lord,” gulat na sambit ni Katriya.
“Greetings, My Lord,” ani Trisha na nanatili nang nakayuko
Hindi ko alam ang gagawin at parang napako na lamang ako roon sa aking kinatatayuan. Ang mata ko ay hindi ko na mabawi dahil ayokong magmukhang mahina sa mga mapanganib na matang sumalubong sa aking tingin. Ramdam ko ang pag-aalab ng galit at ang panganib ay tipong nagbabadya.
“Aren’t you going to greet the Lord?” paasik na tanong ni Katriya malamang ay ako ang pinapatukuyan.
Lalong tumalim ang mata nang lalaki na may balak yatang sunugin ako gamit ang kaniyang titig.
Astang babati na ako at bubuka na nag bibig ng bigla itong magsalita at sinita pang muli si Katriya.
“I said respect, Katriya,” aniya sa mas otoritibong boses at saka lamang inalis ang tingin sa akin at ibinaling iyon kay Katriya.
Noon lamang ako parang nakahinga ngunit agad ding nakahuma noong nabaling na ang atensyon kay Katriya na mukhang pahiyang-pahiya ngayon sa harapan ng kaniyang pamangkin.
“My mistake, Lord Magus…” tinapunan ako nito ng tingin at saka niyukuan sandal. “Lady Loren...” pagtatapos niya sa paghingi ng tawad.
Narinig ko ang marahas na buntong hininga noong kausap.
“What kind of punishment should you receive?”
Dahil sa katanungan na iyon ay suminghap si Katriya at parang nawala ang kaninang tapang niya. Nagdaop ang kaniyang kamay at kimi ang mukha na lumapit sa kaniyang Pinuno.
“Forgive me, Lord Magus. Forgive me… I… this won’t happen again,” tinapunan niya ako ng tingin. “I promise, My Lord,” pakiusap niya pa.
“You disrespect the Lady of this house and asked for forgiveness…” malamig na pagbanggit noon.
His eyes went to mine. Mabilis na umayos agad ako ng tindig at inalis ang emosyon sa aking mukha. Hindi ko alam kung napansin niya iyon ang mahalaga ay nagawa kong alisin ang emosyon sa mukha ko.
Tumikhim ako upang maagaw ang atensyon nila. Tinigasan ko ang aking boses at lalo pang pinagtunog malamig iyon.
“Let it pass. The next time she acted that way, I will be the one to show her what disrespectful ones deserves.”
Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba iyon o talagang umangat ang sulok ng labi noong Pinuno nila habang nanlaki naman ang mata ni Katriya ngunit tumango pa rin.
“Thank you, Lady Loren,” she said but her eyes are telling me otherwise.
Bago pa man siya makalabas ay tinapunan niya muli ako ng tingin na nagbabanta at alam ko na may isa na agad akong kailangan na pag-ingatan.
“Still feisty, I see,” sambit noong Pinuno.
Astang aalis na sana si Trisha ngunit agad ko siyang pinigilan. Hindi ko nais na maiwan kasama ang lalaking ito.
“Trisha, I still need you here,” sambit ko na tunog nag-uutos.
Bumaling ang tingin ng Pinuno kay Trisha na nagsimulang kagatin ang kaniyang labi dahil sa takot. Binalingan ko ng tingin ang Pinuno at napansin ang pagtango niya.
“Don’t leave your lady alone,” he said, probably talking to Trisha.
“I want her to feel at ease on her new home.”
Tumalikod siya matapos sabihin iyon at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan ngunit bago pa man makalabas ay tinapunan muli ako ng tingin.
“Pleasure to meet you, my wife,” aniya.
Nang kami na lamang ang naiwan sa loob ng silid ay para akong nawalan ng lakas. Nanlambot ang tuhod ko. Dinaluhan naman agad ako ni Trisha.
“Lady Loren…” aniya na tinutulungan ako makaupo sa may kama.
“I’m sorry, Lady Loren,” sambit niya na ipinagtaka ko naman agad.
“Bakit ka humihingi ng tawad?” tanong ko.
Umiling siya. “Pakiramdam kop o ay magiging mahirap ang buhay ninyo rito,” aniya.
Bumuntong hininga ako at nginitian siya ng pilit.
“Huwag kang mag-aalala sa akin. Ilang araw na lang ako rito at si Loren na talaga ang iyong makakasama,” pahayag ko at hinawakan pa ang kaniyang kamay.
Sa halip na sumang-ayon ay umiwas na lamang siya ng tingin, dahilan kung bakit unti-unti akong nakakaramdam ng kaba.
“Trisha, may problema ba?” tanong ko subalit tanging iling na lamang ang isinagot niya sa akin.