“Did you enjoy your breakfast, Lady Loren?” maligayang tanong ni Trisha habang tinutulungan ako na mag-ayos ng mga rosas.
Napangiti agad ako nang maalala ang tungkol doon. Never in my life I experience eating in a fancy restaurant kung kaya wala akong alam sa kung ano ba ang lasa ng mga pagkaing inihahanda roon. Sa akin ay masarap na ang ulam na baboy at manok kapag sinuswerte subalit ngayong araw, pakiramdam ko ay kahit papaano ay pinapaboran ako ng langit.
“Ang sarap, Trisha. Sabi ko sa iyo saluhan mo na ako, e,” nakangiti kong sambit.
Mabilis naman siyang umiling ngunit humagikgik din.
“Malabo pong mangyari iyon. Hindi po maari dahil hindi po tayo parehas ng posisyon subalit masaya po ako na nagustuhan ninyo ang ipinahanda ni Lord Magus,” aniya.
Nang marinig ang pangalan na iyon ay nawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang dahilan kung bakit ganoon na lamang niya pinuno ng bulaklak ang loob ng aking silid at nagpahanda pa ng ganoong karangyang umagahan. Dahil ba iyon sa ginawa kong pagtulong sa kaniya kagabi? Hindi ba niya napuna ang pagkakamaling nagawa ko?
Baka naman grateful siya sa paglilinis ko sa sugat niya at pagpapakawala ko sa kaniya?
Tinignan ko si Trisha na masayang isinasalansan ang mga bulaklak sa loob ng isang mamahaling vase.
“Trisha,” pagtawag ko sa kaniyang pansin.
Sandali naman ako nitong tinapunan ng tingin at saka nagtanong,
“Bakit po, Lady Loren?”
Kinagat ko ang loob ng aking pisngi at saka naglakas loob na magtanong.
“Anong klaseng Pinuno ba ang asawa ni Loren?”
Natigilan siya roon at saka ako tinignan. Unti-unti siyang nangiti at saka ngumuso.
“Si Lord Magus po…” inilapag niya ang rosas sa kaniyang hita.
“Kung sa uri po ng panunungkulan ay masasabi kong mahigpit. Wala pong may kasalanan ang hindi nabibigyan ng parusa. Naniniwala kasi siya na alam namin kapag gumagawa kami ng kasalanan at dapat tanggapin namin ano man kahihinantungan noon,” paliwanag niya.
“Mahigpit siya kung ganoon,” komento ko.
Tumango naman siya at saka nagpatuloy.
“Subalit mabuting Pinuno rin po dahil simula ng siya na ang mamuno sa amin ay nabawasan na ang pag-atake sa amin ng iba pa naming kalahi. Nagawa niyang maayos ang ilang gusot na mayroon ang aming lahi sa iba.”
He is really born to be a leader to his clan. May isang tanong pa akong nais na malaman.
“Pwede bang magkwento ka tungkol sa history ng clan ninyo at bakit hindi kayo katulad ng iba na basta-basta umaatake sa tulad namin?” mahinahon kong sambit.
Kahit nasa rosas ang kaniyang atensyon ay tumango siya.
“Wala po kaming ipinagkaiba sa kanila noon. Ang sabi, ang unang grupo na kasama sa clan ng Roshire ay katulad lamang din nila na nabubuhay sa pag-atake sa mga tao,” nilingon niya ako at medyo nahihiyang ngumiti.
“Subalit makalipas ang ilang taon na ganoon, bigla raw pong nagdesisyon ang namumuno sa kanila na huwag ng gawin iyon upang hindi sila tugisin ng mga tao dahil kung gaano karami ang kanilang napapaslang ay ganoon din naman ang nababawas sa aming lahi,” dagdag niya pa.
“Iyon po ang pinaka-sinasabi nila. Pero may ilan sa mga nakatatanda po sa amin noon na nagsasabing may higit pang dahilan ang dating Pinuno.”
“Ano naman iyon?”
Bumuntong hininga siya.
“Ang sabi ng iba na nagawa pang makilala ang unang Pinuno, nagkaroon dawn g pag-atake ang mga tao sa kanila at nang mapuruhan ito at madakip, isang dalaga ang nagpakawala sa kaniya. Ang sabi dahil doon ay tumanaw ng malaking utang na loob ang Pinuno sa dalaga. May nagsabi rin na nahulog ang loob ng unang Pinuno sa nagligtas sa buhay niya subalit hindi mapatotohanan dahil nagkaroon ng kabiyak ang Pinuno at ang sabi ng iba ay mahal na mahal ng Pinuno ang kaniyang kabiyak,” mahabang kwento niya.
“Posible naman na nahulog ang loob niya sa dalagang nagligtas sa kaniya at nakaahon din naman. May kakayahan pa rin siyang magmahal ng iba bukod pa sa unang dalaga,” komento ko.
Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng bulaklak ng may ngiti sa labi ngunit napansin ko ilang sandal ang pagkakatigil ni Trisha. Nang lingunin ko siya ay may banayad na ngiti sa labi niya.
“Bakit?” takang tanong ko.
Nailing siya at lalo pang napangiti.
“Nais ko pong sumang-ayon sa inyo subalit hindi po maari,” aniya.
Nangunot ang noo ko at hindi nauunawaan ang nais niyang iparating. Tila nahalata naman niya ang pagtataka sa aking mukha.
“Hindi po kami tao at ang puso namin ay hindi katulad ng inyo,” nangingiti niyang sambit.
Labis naman akong napaisip. Anong ibig niyang sabihin?
“Anong ibig mong iparating, Trisha? Ipinagbabawal na ba sa inyo ang umibig matapos ang isa?” tanong ko.
Umiling siya. “Hindi po subalit ang puso namin ay may iisang t***k lamang. Hindi po tulad ninyo, kami ay humihinga subalit ang pintig ng aming puso ay magsisimula lamang kapag kami ay umibig na. Hindi na po muling titibok iyon para sa iba,” paliwanag niya.
Natulala ako dahil doon. Iisa lamang ang t***k? Posible bang hindi tumitibok ang puso nila hangga’t hindi pa sila umiibig?
“Paano ka? Ikaw ba ay nakaranas ng magmahal?” nag-aalala kong tanong.
“Hindi pa po tumitibok ang puso ko, Lady Loren,” aniya.
Para akong tinulusan na bato. Mariin ang titig ko sa kaniya at hindi makapaniwala na ang babaeng kaharap at kausap ko ngayon ay may puso subalit hindi iyon tumitibok. Dahil sa sobrang kakuryusuhan ay wala sa sariling dumapo ang kamay ko sa kaliwang dibdib niya.
Mukhang ikinagulat niya iyon ngunit nang mapansin ang pagkamangha sa aking mukha ay nangiti siya. Laglag panga ako nang wala akong maramdaman na kabog mula roon. Kinapa ko ang akin at malakas na malakas naman ang pagkabog ng dibdib ko. Parang nawalan ako ng lakas dahil sa natuklasan.
“Totoo nga,” wala sa sarili kong bulong. Umani ng hagikgik mula kay Trisha ang aking naging reaksyon.
“Huwag ka pong mag-alala, Lady Loren. Sakaling tumibok ang aking puso ay ikaw ang unang makaalam,” aniya.
Nagpatuloy kaming dalawa sa pag-aasikaso ng rosas ngunit ang isip ko ay lumilipad pa rin sa natuklasan. Hindi ko alam na ganito kalaki ang pagkakaiba namin. Kaming mga tao ay maaring magmahal ng higit pa sa isang tao subalit sila ay minsan lamang. Anong nangyayari sakaling hindi maibalik sa kanila ang pagmamahal na iyon?
“Trisha…” tawag ko sa kaniya.
“Ano po iyon, Lady Loren?” aniya.
“Paano kung hindi maibalik ang pag-ibig ninyo? Unrequited love… ganoon,” nilingon ko siya, kunot-noo pa. “Paano niyo iindahin iyon?” dagdag ko.
Nakagat niya ang kaniyang labi at saka napatingin sa malayo.
“Sa totoo lang po ay hindi ko rin alam ngunit ang uri namin ay sadyang hindi mapipigil kapag kami ay nagsimulang umibig. Katulad na lamang po ng hanggang ngayon ay misteryo sa unang Pinuno ng aming angkan,” naging mapait ang ngiti niya.
“Ang kwento ng iba ay ginawa niya ang lahat upang gawin siyang tulad namin kahit pa hindi niya iyon ginusto. May nakapagsabi pa na ang babaeng naging kabiyak niya ay ang mismong dalaga rin na kaniyang iniibig. May iba naman po na nagsasabing ang dalaga ay ikinulong ng Pinuno sa loob ng kastilyo at siyang pinaglilingkuran niya sa tuwing wala siya sa aming harapan,” paliwanag niya.
“May nakapagpatunay na ba ng mga iyon?” tanong ko. Isang iling ang kaniyang isinagot.
“Wala pa ho hanggang ngayon subalit ang sabi nila, iyon ang dahilan kung bakit naghihigpit ang konseho ukol sa pagkakaroon ng kabiyak ng mga nagiging Pinuno. Nais nila na ang magiging kabiyak nito ay hindi isang tao kundi kauri rin namin upang mas mapalakas ang angkan at mapanatili ang lahi namin na sagrado at walang bahid,” aniya.
Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko noong umaga rin na iyon. Kahit sumapit pa ang tanghalian ay naroroon pa rin ang aking isipan.
Nakakaramdam ako ng awa para sa kanila. Totoong malakas sila in terms of physical subalit kung sa emosyonal, masasabi kong mas malakas ang tao dahil kayang-kaya namin na palayain ang unang taong minahal namin at may kakayahan pang magmahal pa muli ng iba samantalang sila ay iisa lamang. Sa dami ng lahi nila, ilan doon ang hindi nakatanggap ng pagmamahal pabalik?
Isa pa, lubos na nakaaawa ang unang Pinuno kung sakaling totoo na hindi ang dalagang minahal niya ang kaniyang pinakasalan at nakaaawa rin ang dalaga sakaling totoo ang sabi-sabi na siya ay ikinulong ng Pinuno upang mapagbigyan ang kaniyang sarili.
“Napakalaking trahedya ang pag-ibig sa uri nila,” bulong ko.
Nasa ganoong pag-iisip ako ng maalala si Loren. Kung siya ang iniibig ng Pinuno, noong Lord Magus na iyon, hindi ba niya malalaman agad na hindi ako ang kapatid ko? Na peke lang ako dahil magkakaroon ng komplikasyon iyon, hindi ba? Nakikilala ng puso ang sinomang itinitibok nito.
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga ng maisip iyon. Wala ang Pinuno rito mula pa kanina dahil lumipad ito sa ibang bansa kung saan naroroon ang iba pa nilang kauri na nangangailangan ng tulong nito. Iyon ang magandang balita sa akin ni Trisha dahilan kung bakit kahit papaano ay panatag ang aking pakiramdam.
May posibilidad na ligtas ako subalit paano sa mga susunod na araw? Wala pa namang kasiguraduhan kung ito ba ay mananatili roon sa matagal na panahon. Iyon sana ang aking hinihiling dahil kung ganoon ang mangyayari ay baka si Loren na ang abutan niya rito at wala nang maaring maging problema.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa labas upang hagilapin si Trisha. Nais kong ipatawag siya agad upang masagot ang katanungan sa aking isipan.
Hindi ako mapapakali kaiisip kung paanong hindi malalaman ng Pinuno nila na hindi ako si Loren gayong maaring ang kapatid ko ang nagpapatibok ng kaniyang puso.
Nagtungo ako agad sa may dulo ng pasilyo patungo sa hagdan ngunit hindi pa man ako tuluyang nakalalapit sa gwardiya ay sinalubong na ako ng mukhang hindi ko inaasahang makikita sa araw na ito at sa mga susunod pa.
“Where does the Lady of the house is going…” pagsambit ng baritonong boses at bumagsak ang tingin sa aking paa.
Tumingin din ako sa kaniyang tinitignan at napamaang sa nakita.
“With a barefoot?” pagpapatuloy niya sa naputol na sasabihin.
Nagsunod-sunod ang lunok ko dahil doon. Bakit nga ba hindi ko naisipan na magsuot ng sapaton? Lumukot ang aking mukha ngunit alam kung hindi niya naman kita dahil laylay ang buhok ko at nakayuko pa ako; nahahagingan noon ang aking mukha.
"Uh..." tanging nasambit ko. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at saka nagsubok ngumiti.
"K-kamusta na ang kalagayan mo? M-masakit pa ba iyong..." hinagod ko ng tingin ang paa at kamay niya subalit natatakpan na iyon ng suot niyang black suit at shoes.
"Iyong paso mo. O-okay ka na? " ngumiwi ako dahil tunog napipilitan ang mga katanungan na iyon.
Titig na titig siya sa akin.
"I am fine now. My wounds are healed," aniya sa mababang boses.
Suminghap ako at may napagtanto sa naging sagot niya.
A vampire can heal thyself! Hindi kailangan ng first aid kit! Stupid, Caith! Another mistake!
Bumagsak ang tingin ko sa kaniyang kamay at halata nga na ayos na iyon. Pumikit ako ng mariin dahil sa inis at kabang nararamdaman.
“Lady Loren?" nag-echo ang boses ni Trisha sa tahimik na pasilyo.
"Do you need anything, Lady Loren?” muli ay sambit nito.
Sa isang malawak na maze, para akong nakahanap ng isang lusutan sa pamamagitan ng presensya ni Trisha.
Ang kaniyang boses ang nagpa-angat ng aking tingin. Tumama agad ang mata ko sa maririing titig noong Lord Magus. Dahil sa pagkataranta ay nag-iwas agad ako ng tingin at saka nilapitan si Trisha. Suminghap siya dahil sa ginawa kong paglagpas sa kanilang Pinuno ngunit hindi na iyon sumaksak sa isip ko kundi ang kahihiyang ginawa.
“Madali, Trisha,” sambit ko at hinila siya.
Lakad-takbo ang ginawa ko at nadadala ko si Trisha doon na maya’t-maya ang ginagawang pagbabawal sa akin na may tunog ng takot ang boses.
“Lady Loren…” alam kong mangiyak-ngiyak na siya dahil ganoon ang tono ng kaniyang boses ngunit hindi ako huminto hangga’t hindi ko nararating ang loob ng aking silid.
Nang maisara ang pinto ay saka lamang ako nanlambot at nakadama ng pagod. Napansin kong ganoon din si Trisha ngunit mas na nangunguna ang takot sa kaniyang mata.
“Tri… sha…” pagtawag ko sa kaniya sa pagitan ng aking paghingal.
Halos makalimutan ko na ang concern ko kanina at naisip ang pagtakbo ko sa pasilyo ng nakapaa at miski na rin ang pagkakamali na nilinis ko ang sugat ni Magus.
"Trisha... I made a mistake..." pahayag ko.
Tumango sa akin si Trisha, sunod-sunod iyon.
Bumagsak ang aking balikat dahil doon ngunit agad ding naalala ang problemang naisip ko kanina.
Humugot ako ng ilang sunod-sunod na hininga at saka kinabig siya palapit sa upuan.
“Trisha, sagutin mo ako. May katanungan akong mahalaga,” may pagmamadali ang boses ko at pagkataranta na rin.
“Bakit napili ang kapatid ko bilang kabiyak noong lalaking iyon? Hindi kaya siya ang nagpatibok ng puso ng Pinuno ninyo? Kung ganoon ang pangyayari, hindi ba’t malalaman niya na hindi ako ang kapatid ko?” sunod-sunod kong ibinato ang mga tanong na iyon sa kaniya na mukhang hindi pa rin nakahuhuma hanggang ngayon sa pangyayari kanina.
Niyugyog ko siya noong hindi pa rin siya nagsasalita matapos ang ilang sandali. Doon lang siya parang nagising at ang unang salita ay patungkol sa ginawa ko.
“Lady Loren… isang kapangahasan ang lagpasan ang Pinuno at basta na lamang po siyang talikuran,” aniya na nagluluha ang mata.
Nag-umpisang nanginig ang kaniyang labi. Nangunot ang noo ko dahil doon.
“Kahit pa ho kayo ang kaniyang kabiyak, maari po kayong makatanggap ng parusa…” suminghap siya at kinuha ang kamay ko. “Baka hindi ninyo po iyon kayanin,” dagdag niya pa.
Bumagsak ang balikat ko dahil doon. Nagsimula muling lukubin ng takot ang aking sistema. I made a mistake yesterday, I embarrassed myself today and I am about to face consequences for it.
Naramdaman ko ang pagluluha ng aking mata.
“I am doomed now. I am about to die now,” naiiyak kong sambit.
Mabilis na hinagap niya ang kamay ko at umiling sa akin at saka ngumiti ngunit mapait iyon.
“Huwag ka pong mag-alala, Lady Loren. Ako po ang bahala. Hindi po ako makapapayag na maparusahan kayo. Aakuin ko po ang laha-“
Hindi ko siya pinatapos ng matumbok ang ninanais niya.
“Nasisiraan ka na ba, Trisha? Wala kang kasalanan at hindi mo iyan gagawin!” napalakas ang boses ko at dahil doon.
Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko at napahawak sa aking noo tulad ng aking nakagawian kapag ako ay may hindi magandang pakiramdam.
“Trisha. Huwag kang lalabas, huh? Ako ang kakausap sa Pinuno ninyo,” sambit ko at saka tumalikod.
Nakakailang hakbang pa lamang ako noong naharang ako ni Trisha. Kakikitaan ng pag-aalala ang kaniyang mukha. Umiling siya ng ilang sunod.
“Huwag po, Lady Loren. Hindi niyo po lubos na kilala si Lord Magus. Maaring hindi niyo po kayanin ano man ang parusang ihahain niya sa inyo,” puno ng takot ang boses ni Trisha habang sinasabi iyon.
Aaminin ko na natatakot ako at pabigla-bigla ako ng desisyon subalit hindi ko kayang malaman na si Trisha ang mapaparusahan sa kasalanang ako naman ang gumawa?
“Pagsisikapan kong kayanin ano man iyon, Trisha. Maniwala ka,” pahayag ko at saka muli siyang iniwan at patakbong lumabas ng silid.
Narinig ko pa ang mangiyak-ngiyak niyang pagtawag sa aking pangalan ngunit hindi ko na iyon nilingon. Nang nasa tapat na ako ng pintuan sa tabi ng aking silid ay huminga ako ng malalim at saka sinubukang pihitin ang seradura at nang mapihit iyon ay humugot muli ako ng hininga at saka itinulak at pumasok.
Sinalubong ako ng madilim na silid. Walang kahit anong ilawan na nakasindi at nakasarang mabuti ang mga kurtina ng bintana kung kaya naman walang tumatagos na liwanag.
Dahan-dahan akong humakbang papasok at nagbabakasakali na makaaninag ng bulto ng kanilang Pinuno. Dahil sa tahimik na silid at sadya pang madilim ay binubundol ako ng takot.
Hindi kaya pagnanakaw naman ang isipin sa akin nito? Kinurot ko ang aking sarili upang makapag-focus. Pinilit kong linawan ang aking mata upang makakita at hindi makasanggi ng kung anong bagay dahil siguradong ano man ang mabasag ko ay mamahalin.
Hahakbang pa sana muli ako pakaliwa ng pumulupot sa aking bewang ang matitipunong braso na sadyang kay lamig. Tumatama sa akin ang hininga niya na hindi ganoon kainit at hindi rin ganoon kalamig. Tumaas ang balahibo ko nang marinig ko ang baritonong boses niya mula sa likuran ng aking tenga.
“To whom do I owe the presence of my wife?”